Share

CHAPTER 1

AIRAH POV:

Halos hindi tuloy ako mapakali habang nasa loob ng kotse ng mga taong hindi ko naman talaga kilala.

After nung nangyari, bigla akong hinila ng dalaga na akala ko'y shota ng lalaki.

Wala na tuloy akong kawalan pa.

Bakit ba kasi pumayag ako sa dare ng mga kaibigan kong baliw? 'Yan tuloy, mapapahamak ako ng wala sa oras.

"So pano kayo nagkakilala ng brother ko? Isa ka rin ba sa mga babae niya?" tanong sa akin ng babaeng katabi ko.

Halos maubos ko na ang aking laway dahil hindi ko naman talaga alam ang sasabihin ko.

"Ang totoo nyan, ahm--" kinakabahang sambit ko habang nag-iisip ako ng kwentong kapani-paniwala.

"See? Hindi nya alam ang sasabihin niya? I told you, hindi ko sya kilala. Baliw yata ang babaeng yan. Tsk." inis na wika naman ng lalaking nagmamaneho.

"Di ako baliw ha.", pagdedepensa ko.

"--Naging baliw lang ako nung minahal kita.", patuloy kong sabi. Like eww, gusto kong masuka sa mga lumalabas sa bibig ko sa araw na to.

'Ambobo mo talaga Airah! Umamin ka na kaya.' kausap ko sa aking 

isipan.

"I feel you. Lahat naman talaga ng tao, nababaliw sa pag-ibig. And I guess, mahal na mahal mo talaga ang brother ko." sambit naman nito.

"Sana hindi mo siya saktan kahit na ganyan ang ugali niya. I'm super excited pa naman na magkaroon ng pamangkin." muling pahabol ng babae.

Napapreno nang wala sa oras ang lalaki dahil sa sinabi ng kapatid niya.

"Fuck ate! Walang nangyari sa amin! Hindi ko sya nabuntis! Baka sa ibang lalaki 'yan nagpagalaw!" galit na sigaw nito dahilan para kabahan ako lalo.

"Ano ba! Tumigil ka nga! Nagdedeny ka pa! Isa kang kahihiyan sa pamilya natin kapag hindi mo siya panagutan!" pangungurot ng dalaga sa binata.

"O-okay lang ate, kahit hindi nya ako panagutan. Aalis na lang ako." saad ko para makatakas na sa kamay ng babae. Kaso mahigpit akong hinawakan nito para pigilan.

"No. Hindi ka aalis. From now on, doon ka na titira sa mansion namin.  And sasabihin ko kila mom, na ikaw at ang kapatid ko ay magpapakasal as soon as possible. Naiintindihan mo?" seryosong wika niya sa akin.

Kahit labag sa kalooban ko ay tumango na lamang ako.

Nanatili na lamang akong tahimik sa loob ng kotse habang iniisip kung paano ako makakawala sa babaeng katabi ko.

Tsk. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya, pero mukhang gagawin niyang totoo ang tungkol sa kasal na sinasabi nito.

Shet! Tumigil ang kotse na sinasakyan namin sa isang mala-palasyong bahay. 

Grabe! Sobrang ganda na tila isa akong prinsesa.

"Bumaba ka na d'yan. Don't worry, dahil simula ngayon parang bahay mo na rin to. Remember, dinadala mo ang anak ng kapatid ko. So in short, your now part of our family." ngiting sabi ng ate sa akin.

Pilit naman akong ngumiti kahit ang totoo, kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari.

Nang makababa na ako ng tuluyan, s'ya namang paglapit ng isang maid sa kanilang amo na babae.

"Ma'am, may naghihintay po sa inyo sa loob. Isang kliyente niyo po." magalang na sambit niya.

"Okay. Thank you. Papunta na ako" tugon naman nito sabay baling ng kanyang tingin sa kapatid.

"Ikaw na ang bahala sa kanya brother. Make sure na hindi yan umalis. At siguraduhin mong wala kang gagawin sa kanya na masama.", bilin niya rito habang nakataas ang kilay.

Tumalikod na ito sa amin at tuluyan ng pumasok sa loob.

Ngayon, ako at ang lalaki na lamang ang magkasama. I don't why pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Feeling ko, dumikit sa sahig ang aking paa.

Hindi ko kayang tingnan ang lalaki ngayon dahil sa kahihiyan na ginawa ko.

"Now tell me, ano ba talaga ang pakay mo sa akin?", tanong nito na may kalmadong boses.

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Alam mo ba na dahil sa ginawa mo, makakasal ako ng wala sa oras?" muling wika ng binata.

"S-sorry." Yan na lamang ang kusang lumabas sa bibig ko.

"Fuck that sorry! Sa tingin mo ba may magagawa pa 'yang sorry mo?!  You know what miss, we all know na hindi natin kilala ang isat-isa,right? Kaya ano ba ang pumasok sa kokote mo at ginawa mo yon?!" galit nitong sambit na animo'y sasabog na ang kanyang mukha.

Sa puntong 'yon, tumingin na ako sa mata niya. At don nagtama ang paningin naming dalawa.

"Ahm ano kasi, ano yung ahm--", hindi ko naitutuloy ang aking sasabihin dala ng takot sa aking puso.

"What?! Tell me!" malakas na bigkas niya sa akin kaya awtomatikong napaatras ako ng konti.

"Wag mo nga ako sigawan! Isusumbong kita sa ate mo!", pananakot ko naman sa kanya at saka ito natahimik.

Tangina! Takot lang pala sya sa ate niya!

"Sumunod ka na lang sa akin." Ang tanging narinig ko sa lalaki bago siya lumakad papasok sa kanilang mansion.

No choice ako kundi ang sundin ang sinabi niya. Kahit papano, meron na akong alas in case na takutin o saktan niya ako physically. At 'yon ay walang iba kundi ang ate niya.

Yah, takot siya sa ate niya and I feel it. Kung sabagay, nakakatakot naman talaga ang ate nito para siyang gangster.

Nang makapasok na kami ng tuluyan, nasilayan ko naman ang kanyang 

kapatid na may kausap ngang tao. And I think 'yon ang kliyente nya.

"Fuck. 'Wag ka ngang chismosa at may kausap ang ate ko. Tsk." wika nito sa akin sabay hila ng mariin sa braso.

"A-aray! Ano ba?! Ansaket ha?!", singhal ko rito.

"Napakachismosa mo kasi.", sambit nito at binuksan niya na ang pinto ng kwarto.

"T-teka, anong gagawin natin dito?", kinakabahang tanong ko nang bigla nitong nilock ang pinto.

Bigla namang umiba ang awra ng binata na animo'y naging isang manyakis na tao.

"Total, sinabi mo rin naman na nabuntis kita, kaya--" husky na sambit nito habang inaalis ang kanyang polo.

Potah! Ano bang binabalak niya?!

Tangina naman oh! Virgin pa ako!

"K-kaya ano?! Oy ha! H'wag mong ituloy 'yang binabalak mo!" pagbabanta ko sa kanya habang dinuduro ko siya. Kaso hindi man lang ito natinag at mas lalong lumawak ang ngiti ng lalaki.

"Mukhang natatakot ka yata. Akala ko ba buntis ka? So dapat sanay ka na sa mga ganito. Don't worry, kapag may nangyari sa atin ngayon tatanggapin ko ang batang dinadala mo.", wika ng binata at akmang tatanggalin ang belt sa kanyang pantalon.

"Huwag!" sigaw ko rito at pinigilan ko ang kanyang kamay na 'wag ituloy ang pagtanggal ng belt. But shit, nagkamali ang kamay ko sa paghawak. Dahil imbis na belt ang mahawakan ko, isang matigas na bagay ang siyang nakapa ng aking kamay.

Unti-unti kong tiningnan kung ano 'yon and oh my gosh! Yung ano nya pala ang nahawakan ko!

Kaya awtomatikong inalis ko agad ang aking kamay. Potah!

"Tsk. Ngayon feeling inosente ka naman? Na para bang di ka pa nakakahawak ng ganito? Fuck. Buntis ka na nga, nagmamalinis ka pa." sambit niya ulit.

Talagang akala nito, buntis ako? The fuck, sabagay 'yon ang sinabi ko sa harapan nila kanina.

"Oh ano? Hindi ka makapagsalita? Gawin na natin, total wala namang may mawawala sayo diba? Dahil nagalaw ka na ng iba." muling patuloy ng binata.

Nakaramdam ng kirot ang aking puso dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. Kasalanan ko naman to kaya dapat lang na panindigan ko.

Narinig ko na lamang ang pagbukas ng kanyang zipper dahilan kung bakit lalo akong kinabahan.

Itutuloy niya talaga?!

Naramdaman ko na rin ang paghawak niya sa aking mukha at konti na lang, maglalapat na ang mga labi namin.

Pero dahil mahal ko ang sarili ko, malakas ko syang tinulak kasabay nang pagsigaw ko.

"Sorry ha! Pero hindi ako pumapatol sa mga jutay!" Dahil sa sinabi kong yon, parang nagulat siya at hindi makapaniwala.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dimple
hahaha maka jutay nman.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status