Share

CHAPTER 10

CHAPTER 10

HABANG kumakain ako ng chocolate, napatingin naman ang gawi ko kay Xiewez na nakatingin sa kaniyang laptop, mukhang naramdaman niyang tumingin ako sa kaniya, umangat ang tingin nila at nagtama ang aming mga mata.

"What?"Walang emosyong sabi niya na ikina-iling ko naman at saka nag-iwas ng tingin bago ko ipinagpatuloy ang pagkain ko ng chocolate.

"You like that chocolate?"Tanong nito na ikinatigil ko sa pagnguya.

Tumingin naman ako sa kaniya, "Yes, I love it very very very much."Nakangiting sabi ko sa kaniya na ikinatango naman nito saka ibinalik ulit ang kaniyang tingin sa kaniyang laptop.

Wala na naman si Ma'am dahil pumasok na ito sa kaniyang work. Busy kasi siya kasi sa dami ba naman ng kompanya nila, sinong hindi mabi-busy doon?

Buti nalang at bawat kompanya niya ay may sekretarya na tutulong sa kaniya kaya medyo nabawas-bawasan ang kaniyang mga gawain.

Actually, nagpaalam pa ito sa'min na hindi siya makakauwi ngayon at mamayang gabi kasi mag-overnight daw siya.

Nag-alala na ako kay Ma'am baka hindi na siya kumain ng tama, as their maid dapat palaging heatly ang mga amo ko, dapat palagi silang maayos.

Pag-uwi ni Ma'am, bibigyan ko siya ng free massage at saka ipaghanda ko siya ng kape... isang kapeng mabibili lang sa kanto... wala akong pera pambili ng ilang libo na dollar na kape. 

Isa lang naman akong hamak na babaeng maganda ngunit walang pera. 

"By the way, did you already clean the windows?"Takhang tanong nito sa'kin at tumango naman ako.

"Yes."Sabi ko sa kaniya at saka bumaling naman ito sa'kin.

"K."

Napa-irap naman ako dahil sa tipid nitong sagot. Psh!

Umismid muna ako bago ko kinain lahat ng natirang isang chocolate bar na hawak-hawak ko.

Tumayo naman ako at saka pumunta sa trashbin at inilagay ang plastic wrapper ng tsokolateng kinain ko.

"What's your families personalities?"Malamig na tanong nito na ikinakunot ko naman.

Takhang tiningnan ko ang gawi niya na hindi man lang ito nag-abalang tingnan ang gawi ko dahil abala ito sa pagtatype sa kaniyang laptop.

"Bakit mo naman natanong? Kasama ba ang tanong na 'yan sa interview?"Takhang tanong ko rito na ikinatango niya naman.

"Yes."

"E, tapos na ang interview ah."Nakakunot na sabi ko na ikinatigil nito sa pagtatype at saka tumingin na ito sa'kin.

"Mom asked me to ask you."Walang emosyong sabi nito na ikinatango ko naman kahit na naguguluhan pa ako.

Kumuha naman ako ng baso at saka nilagyan ito ng tubig saka inubos ko ito.

Muli akong tumingin sa gawi nito para sagutin ang mga tanong niya.

"Si Papa naman ay strict at saka ayaw nitong magkaboyfriend ako dahil daw baka lokohin lang ako sa magiging boyfriend ko 'kuno'. Pero kahit na gano'n siya, mahal mahal ko siya at naiintindihan ko naman siya dahil alam ko naman na ang gusto lang nito ay ang mga makakabuti para sa'kin. Si Mama naman ay mabait at saka palangite, at maalaga na rin. Si Bunso naman ay makulit at saka mabait rin naman ito."Nakangiting sabi ko sa kaniya at tumango naman ito.

"Do you have any relatives?"Tanong nito sa'kin at tumango naman ako.

"Oo, pero lahat sila ay hindi ko pa na-meet at nakita. Malayo kasi sila e, pero nakita ko na at nakasama ang lolo't lola ko."Nakangiting sabi ko sa kaniya at tumango siya.

Namimiss ko na ang mga magulang ko at saka si Bunso. Kung pwede lang na magteleport ako pabalik sa probinsiya namin, malamang kanina ko pa ginawa. Tapos pag tinawagan naman ako ng amo ko, agad akong magteleport pabalik dito sa mansyon.

"Any ex's?"Tanong niya na ikinakunot ko.

"Pati ba 'yan tinanong ni Ma'am?"Kunot-noong tanong ko rito na ikinatikhim niya at saka tumango bago nito inilagay ang laptop sa kaniyang hita, nakaupo kasi siya sa kaniyang wheelchair—well, palagi naman siyang nakaupo, exept nalang kung hihiga na ito para matulog.

'Yung t-shirt niya ay hindi ito mahihirapan sa pagpalit ng ibang damit pero sa kaniyang mga pants, hindi ito madali sa kaniya kaya palagi itong naka-short na hindi fitting, saka 'yung medyo malaki siya sa may tuhod na nito.

Pero bumagay naman ito sa kaniya.

Nagsalita naman ito, "Yes, my mom also asked me to ask that question."Walang emosyong sagot nito na ikinatango ko naman.

Napabuntong hininga ako at saka nagsimulang magsalita. "I have."Sagot ko na ikinatigil naman nito sa pagta-type sa kaniyang laptop at saka nag-angat ito ng tingin upang tingnan niya ako.

Nagkasalubong naman ang kaniyang mga kilay dahil ata sa naging sagot ko." How many?"Malamig nitong sabi na ikinangiwi ko naman.

"Kailangan pa bang sabihin kong ilan na ang naging ex ko?"Nakangiwing sabi nito at malamig niya naman akong tiningnan na mas ikinangiwi ko naman.

Napabuntong hininga naman ako at saka napakamot sa aking sariling batok bago ko sinagot ang kaniyang tanong baka maging kampon ito ng kadiliman pag hindi ko sinagot ang mga tanong niya.

"Uhmm... 11 lang."Nakangiwing sabi ko sa kaniya at narinig ko naman siyang nagmura.

"That much?"Hindi makapaniwalang sabi niya at nakangiwing tumango naman ako sa sinabi niya.

"Yes."

"Bakit ang dami? Bakit mo sila sinagot?"Nagkasalubong ang mga kilay nito na mas lalo kong ikinangiwi.

"Ewan ko nga ba kung bakit ko sinagot e."Halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil naalala ko naman ang dati at kung ano ang naging dahilan kung bakit ko sila sinagot.

"Anong naging dahilan sa hiwalayan niyo?"Walang emosyong tanong niya habang nakatingin parin nito sa'kin na para bang gigisahin na niya ako.

Napalunok naman ako."Uhmm... kasi 'yung iba one day lang na naging kami tapos ang pinakamahabang araw na naging kami ay one month."

Kumunot naman ang noo nito. "Why?"

"Kasi ayoko lang sa kanila, napaka-immature ko pa noon at hindi ko alam kung bakit agad ko silang sinagot at saka pag naging kami na ay saka na ako makikipagbreak. Hindi ako playgirl ha kaso lang ewan ko nga ba kung bakit nangyari pa ang mga 'yun. That was my biggest nightmare in highschool days. Pero nang marealize ko na ang mga ginawa ko ay parang nawalan na ako ng interest na magkaboyfriend ulit dahil alam ko naman na hindi kami magtatagal kasi alam mo naman, sa generation na'tin ngayon, parang laro laro lang sa kanila nag love kaya mas pinagtotoonan ko nalang ng pansin ang pamilya ko at ang trabaho ko kaysa sa mga 'yan."Mahabang paliwanag ko sa kaniya na ikinalaglag panga nito.

Tumikhim naman siya. "Did you say the words to them?"

Kumunot naman ang noo ko at saka nagtatakhang tiningnan siya. "Hindi naman ako nagsabi ng the words to them e."

Napatampal naman ito sa kaniyang ulo at saka napairap. "What I mean is I love you."

"Ah... wala. Besides I just meet them online, chat chat lang gano'n. Isa pa, hindi naman talaga ako na fall sa kanila kasi pag-chat lang, chat lang talaga walang inlaban. Hindi naman kasi ako 'yung tipong tao na mafall sa online. Kikiligin, Oo pero pag-inlaban it's a No."Sagot ko sa kaniya at tumango naman ito.

"So, sa chat lang sila lahat?"Tanong niya sa'kin at tumango naman ako at saka pinagkrus ang balikat ko.

"Oo."Sagot ko sa kaniya na ikinakunot naman nito.

"Bakit? Wala pang personal na nanligaw sa'yo?"Takhang tanong niya na ikinatawa ko naman.

"Jusme, sa panahon kasi ngayon hindi na kasi uso ang panliligaw e kasi may online chat naman at doon sila manligaw. Ewan ko nga ba pero mas prefer ko ang panliligaw na haharapin ka at ang pamilya ko kasi kung mahal ka, hindi ito matatakot na harapin ka at ang pamilya mo dahil mas matatakot pa itong mawala ka sa tabi niya."Sabi ko na ikinatango naman niya.

"Yeah, marami na ngang nagbago."Usal nito na mahina kong ikinatawa.

•End of Chapter 10

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status