Share

Chapter 3.3

Ilang sandali na ang lumipas simula ng dumating ang kanilang mga inorder na pagkain ay tahimik pa rin silang dalawa,  hindi niya alam ngunit tila gusto niyang mainis sa sarili niya dahil sa inaakto nito. Hindi naman ganito ang plinano niya,  ngunit kung sabagay ay sa ganito muna siya magsisimula hanggang sa tuluyan na niyang makuha ang loob nito.

Dapat ay hindi lamang sila ganito subalit kailangan niyang makapasok sa kompanya nito upang araw- araw niyang malaman ang bawat plano at mga gagawin nito. Kailangan niyang mapalapit dito ng husto upang mas madali niyang maisagawa niya ang kanyang plano.

Nang mag- angat siya ng kanyang ulo ay nasalubong niya ang mga mata nitong mataman siyang  tinitingnan habang ngumunguya ito ng kinakain niya. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang dahil sa pagtitig nito sa kanya dahil ito pa lamang ang unang beses na lumabas siya upang makipag -date dahil hindi naman niya ito ginagawa sa mga nakaraang taon. Idagdag pa na isa siyang freelancer kaya nasa loob lamang siya ng apartment niya lagi at hindi lumalabas. Hindi din siya ganun ka aktibo sa social media kaya't wala siyang gaanong nakakasaluhang tao.

Pag lumalabas siya kapay ay hindi maiwasan ng mga tao na tingnan siya, ang iba ay humahanga sa taglay niyang ganda dahil kitang - kita sa mga mata ng mga ito. Hindi naman talaga maipagkaila na maganda siya lalo pa kapag nag- ayos talaga siya.

Bigla niyang niyuko ang kanyang sarili ng mga oras na iyon at kitang- kita niya na napaka- daring pala talaga ng suot niya. Halos kase kalahati na ng kanyang dibdib ang nakalitaw, bigla niyang naisip iikot ang kanyang paningin sa paligid at doon niya napagtanto na hindi lamang iisa ang nakatingin sa gawi niya na puro mga lalake, kitang- kita sa mga mata ng mga ito ang paghanga idagdag pa ang pagnanasa.

Ang isa pa nga ay nakita niyang kumindat sa kanya kaya napangiti na lamang siya, ngunit napabaling siya ng kanyang tingin sa kaharap niya ng makarinig siya ng kalansing. Nahulog nito ang tinidor. Napatingin siya rito ng wala sa oras at doon niya nakita kung ano ang itsura nito ng mga oras na iyon. Halatang halata sa mukha nito ang labis na pagkainis, at ang kamay nito ay halos mamuti na habang hawak- hawak ang kutsilyo na ginagamit nitong panghiwa ng karne habang may tinitingnan.

Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito at doon niya nakita ang lalaking kumindat sa kanya. Bigla siyang napakunot noo, nagseselos ba ito dahil ba nginitian niya ito? Wait, what? Tanong niya din sa kanyang isip dahil sa naisip niya.

Baliw na ba siya para isipin na nagseselos ito. Ilang sandali pa ay nagulat siya ng bigla na lamang nitong idinabog na ibinaba sa lamesa ang hawak nito at pagkatapos ay mabili na nagpunas ng kanyang labi. Tinawag na din niya ang waiter upang magbayad na, nakakain na rin naman siya kaya okay lang na umalis na sila doon.

Ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din sila nakakapag- usap ng maayos, wala pa siyang nakuhang impormasyon tungkol sa personal nito buhay dahil paano siya makakapaghiganti rito kung wala pa siyang nalalaman sa mga bagay sa buhay nito.

Hindi na siya nakaangal pa ng bigla na lamang itong tumayo at pagkatapos ay hinawakan na ang kamay niya at hinila na siya patayo at umalis na doon. Hindi na siya nagsalita pa at nagpaubaya na lamang siya habang hila- hila siya nito palabas sa lugar na iyon.

Ang mga tingin ng mga taong naroon ay nasa kanilang dalawa, ang iba ay nagtatanong ang mga matang nakasunod sa kanila. Nagpatay malisya na lamang siya at taas noong naglakad palabas sa lugar na iyon.

Paglabas nila ay sumalubong ang malamig na simoy ng hangin na yumakap sa kanya na nanuot sa buo niya kalamnan, halos manginig siya dahil sa lamig na dulot ng pang gabing simoy ng hangin.

Itinago na lamang niya iyon dahil ayaw niyang makita nito ang reaksiyon at isa pa ay gusto niyang sisihin ang sarili niya kung bakit nga ba siya kase nagsuot ng ganung klaseng damit dahil hindi naman talaga siya sanay na magsuot ng ganuon.

Tumigil sila sa kulay itim na kotse na nakaparada sa kaliwang bahagi ng restaurant na pinuntahan nila.

Nagmadali itong umikot at ipinagbukas siya ng pinto ng kotse. Nanigas siya dahil doon, gusto niyang magsalita ngunit tila ayaw ng bibig niyang bumuka. Gusto niyang sabihin na hindi siya sasama dito dahil nasa ilang metro lang ang apartment na tinutuluyan niya.

Ilang sandali itong tumitig sa kanya dahil sa hindi siya kumikilos na lumapit dito at pumasok na ng tuluyan sa kotse. Napataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanya at pagkatapos ay lumambot ang ekspresyon nito na nakatingin sa kanya.

"What's wrong?" He gently ask, at pagkatapos ay dahan- dahan nang lumapit sa kanya. Hindi niya alam ngunit ng mga oras na iyon ay tila nangatog ang tuhod niya at hindi niya alam kung bakit naging ganun na lamang ang naramdaman niya ng mga oras na iyon.

Tila ba gusto niyang umatras mula sa kanyang kinatatayuan ng mga oras na iyon habang pinapanuod niya itong papalapit sa kanya ngunit hindi nagawang humakbang ng kanyang mga paa at nanatili lamang sa kinaroroonan nito.

Sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito at pagkatapos ay hinawakan nito ang isang kamay niya.

"You're trembling sweetheart." Komento nito dahil sa nanginginig niyang kamay. Hindi niya alam kung bakit nga ba kase siya nakaramdam ng ganuon ng mga oras na iyon, halo- halong emosyon ang nararamdaman niya– kaba, takot na hindi niya alam kung para saan.

"I won't hurt you I promise, " he added, at pagkatapos ay tuluyang lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha.

Napatingala siya dito at napatitig sa mga mata nito. His tantalizing eyes met hers, he has a pair of black eyes which is its hard to read what's inside. His eyes is like has a magnet that even she wants to alter her gaze, she can't.

Bigla siya napalunok dahil sa pagkakatitig nito sa kanya, at ramdam na ramdam niya ang libo- libong boltaheng gumapang sa kamay nitong nakahawak sa mukha niya.

She parted her lips, she couldn't breathe because of him. Tila sumisikip ang dibdib niya at hirap na hirap siyang huminga dahil dito.

His eyes, its because of its eyes.

Seconds later, pababa na ng pababa ang mukha nito sa kanya at hindi niya na naiiwas pa ang kanyang mukha and their lips met.

Tila biglang uminit ang nararamdaman niya, ang lamig na kanina niyang nararamdaman ay nawala sa isang iglap.

Hindi niya alam kung paano siya magre- react sa halik nito dahil ito ang unang beses na hinalikan siya.

Ramdam na ramdam niya ang init na gumapang sa bawat himaymay ng pagkatao niya dahil sa halik nito. Ipinikit niya ang kanyang mata, ngunit bigla din niya naimulat nang makarinig siya ng busina na nagmula sa mga sasakyan sa harap nila.

Napahiya siya dahil dito at mabilis na umalis sa harap nito at nauna nang pumasok sa loob ng kotse.

Gusto niya sumigaw dahil sa ipinakita niyang reaksiyon niya na walang pagtutol ay nagustuhan niya ang ginawa nito.

Tahimik itong pumasok sa sasakyan at maging siya ay tumahimik din, hiyang- hiya siya sa nangyari.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status