Inis na inis na napaupo si Nicole nang ipaghila siya ni Steffano ng upuan, sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya naka- encounter ng taong kagaya ng lalaking iyon, bukod na nga sa napakayabang ay napakamanyak pa dahil harap- harapan siya nitong binastos na daig pa ang isang bayarang babae.
Hindi niya napigilan ang mapabuga ng hangin sa labis na inis. Kung tutuusin ay mas marespeto pa ng kaunti ang taong nasa harap niya ng mga oras na iyon, naibiling niya ang kanyang ulo nang ma- realize ang sinabi niya sa kanyang isip dahil pinupuri na niya ito."Sorry for that, " narinig niyang hingi ng paumanhin nito kaya't napaangat ang kanyang ulo at napatingin dito. Sumilay ang nanghihingi ng paumanhing ngiti nito at pagkatapos ay napakamot ito sa ulo. Hindi niya alam kung mangingiti siya sa inaakto nito dahil sa ginagawa nito ay mas lalo lamang gumagwapo ito sa paningin niya."Hindi mo naman kasalanan iyon, isa pa bakit ba kase ang mga mayayaman na kagaya ay napakayayabang. " Tuloy- tuloy na sabi niya at iiling- iling pa. Huli na para bawiin niya pa ang kanyang sinabi nang lubos niyang maisip ang kanyang binitawang salita, alam niyang hindi niya na iyon mababawi kaya hindi na siya nag- angat pa ng kanyang paningin at dinampot na lamang ang baso sa kanyang harapan at uminom ng tubig.Ilang sandali na namayani sa kanila ang katahimikan, hindi niya alam kung hihingi siya ng paumanhin o ano pa ngunit pinili na lamang niya ang manahimik at laking pasasalamat niya ng dumating na ang waiter at inabot na sa kanila ang menu.Nginitian niya ang waiter pagkaabot sa kanya ang menu at tumitig dito upang mamili na ng makakain.Pagkalipas ng ilang sandali ay narinig na niyang tinawag ng kaharap niya ang waiter upang kunin na ang kanilang order, nakapili na din naman siya kaya agad din niyang sinabo rito ang order niya.Pagkaalis na pagkaalis ng waiter ay sumandal siya sa kanyang upuan at ganun din ito, pagkatapos ay nagsalubong ang kanilang mga mata. Halos matigil ang kanyang paghinga, at ramdam na ramdam na niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman iyon.Hindi niya matanggal o maiiwas man lang ang mga mata niyang nakatitig rito, tila ba siya hinihigop ng mga mata nito. Hindi niya lubos akalain na ganito kalakas ang taglay nitong karisma kung saan ay hindi niya masisisi ang kanyang ate kung bakit ito nabaliw dito ng tuluyan.Hindi niya maiwasang mapatitig sa gwapong mukha nito, mula sa kilay nito saktong- sakto ang pagkakapal hanggang sa mga mata nitong kaakit akit na may mapipilantik na pilik mata, sa ilong nitong napakaperpekto na akala mo inukit ng isang iskulptor hanggang sa labi nitong napakanipis at halatang napakalambot at tila ba napakasarap hagkan, at hanggang sa mga panga nito kung saan nakakadagdag ito ng pagiging gwapo pa nito lalo.Ang ilang hibla ng buhok nito na malayang nahuhulog sa noo nito ay hindi nagmukhang magulo kundi ito ay naging isang tila dahilan pa lalo upang mangibabaw ang kagwapuhan nito. Hindi niya maitanggi sa kanyang sarili na talagang kahanga- hanga ang taglay nitong kagawapuhan, dahil noong unang kita niya pa lamang dito ay napansin na niya ang angking kagwapuhan nito ngunit kapag nasa harap mo na pala ito mismo at ilang dipa lamang ang layo sayo ay mas gwapo pa pala ito lalo na kapag tinititigan."Done scrutinizing my face?" Pabirong tanong nito na may ngiti sa mga labi, sa pagkakangiti nito ay lumabas ang dimple nito sa pisngi at hindi niya maiwasan ang mapangiti sa loob- loob niya. Gusto niya mang ngumiti ay pinigilan niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang ipahalata dito na tinatablan siya ng karisma nito."Pumasa naman ba ako?" Dagdag nitong tanong na may pilyong ngiti na nakaplaster sa mga labi.Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo at pagkatapos ay tinaasan ito ng kilay upang itago ang kanyang pagkapahiya dahil sa lantaran niyang pagtitig sa mukhs nito ng hindi niya alam kung gaano katagal."Yabang." Tanging sagot niya rito at pagkatapos ay inirapan ito at pagkatapos ay pinagkrus ang dalawa niyang kamay sa kanyang dibdib."Don't you have a girlfriend?" Nadulas na tanong niya rito at pagkatapos ay nanlalaki ang mga matang napatutop siya sa kanyang bibig. Sa tanong niyang iyon ay tila ipinapahiwatig niya na tila ba interesadong- interasado siya rito."Let me rephrase my question —""Don't bother. " He cuts her off, habang iiling- iling na may ngiti sa kanyang labi. "I don't have a girlfriend don't worry," dagdag pa nito na iiling iling habang amuse na nakatitig sa kanya.Sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam na niya ang pag- iinit ng pisngi niya dahil sa mga bagay na pinagsasasabi niya, hindi niya naman sinasadya ang mga iyon ngunit nate- tense siya kung kaya't bigla bigla na lamang bumubuka ang kanyang bibig upang magsalita at hindi na niya iniisip pa ang mga sasabihin.Siguradong sigurado siya na kasing pula na ng kamatis ang mukha niya ng mga oras na iyon."Nasabi ko lang iyon dahil baka may magalit sa akin kung sakali at baka magulat ako isang araw e may humarang sakin sa daan tapos sabunutan ako dahil nakipag- date ako sa boyfriend niya. " Saad niya upang mapagtakpan niya ang kanyang pagkapahiya.Nakatingin siya sa lamesa ng mga oras na iyon dahil hindi pa siya makatingin sa mga mata nito, ngunit nagulat siya at biglang napaangat ng ulo ng marinig ang mahinang pagtawa nito.Pulang pula na ito at dahil maputi ito ay halatang- halata ang pagpipigil ng tawa nito."You are over reacting. " he commented with a playful smile on his lips.Inirapan na lamang niya itong muli at pagkatapos ay muling humalukipkip. Napahiya na nga siya't lahat lahat ay tinatawanan pa siya nito, pero ang totoo ay sinabi niys lamang iyon para makuha niya ang loob nito at hindi naman siya nabigo. Paniwalang- paniwala ito sa acting skills niya na napakatagal niyang inensayo at pinaghandaan.Thats right Steffano, tumawa ka hanggang gusto mo ngayon dahil sa dulo ako naman. Sabi niya sa kanya isip. And a devilishly smile slowly appeared on her lips, na agad din niyang tinaggal upang hindi nito mahalata.Halos maluha- luha pa ito sa pagpipigil ng tawa at natigil lamang ito ng dumating na ang kanilang order at nag- umpisa ng kumain.Mabuti na lamang at walang halos tao sa parking lot nang dumating sila. Maganda iyon dahil walang makakakita sa kaniya na bababa siya mula sa sasakyan ng boss niya. Iniiwasan pa naman talaga niya ang ma- issue dahil gusto niya ay hindi siya paghinalaan ng mga tao lalo pa at gusto niyang malamang pasikot- sikot sa kumpanya.Nauna siyang bumaba ng kotse at hindi na niya hinintay pa si Steffano na pagbuksan siya ng pinto dahil baka nga may makakita sa kanila. Mahirap na. Ilang sandali pa ay sumunod na rin naman ito sa kaniya at pagkatapos ay nauna ng naglakad kaysa sa kaniya.Mabuti na lag din at hindi na siya nito kinausap pa katulad kapag dadalawa lang sila. Tahimik siyang sumunod rito at kapansin- pansin na pagkapasok na pagkapasok nito sa building ay kaagad na nagsisiyukuran ang mga tao rito na animoy tila isang kagalang- galang na tao.Bigla naman niya naisip na ano kaya ang nakita ng mga ito kay Steffano, o baka hindi pa lang nakikita ng mga ito ang dark side nito at ang akala lang
Paglabas ni Steffano mula sa silid ay tumayo siya. Kailangan na niya itong makausap tungkol sa pagpasok niya sa opisina. Ayaw niya namang unang pasok pa lamang niya sa opisina nito ay magkaroon na siya kaagad ng issue. Hindi naman maiiwasan na magka- issue siya kapag nakita siya ng mga taong nakasakay sa kotse nito dahil knowing sa mga tao ay hindi nga malayong mangyari iyon.Hindi niya maiwasang hindi mapatitig rito nang lumabas ito sa silid nitong nakabihis na. Paano ba naman kahit saang anggulo talaga ito tignan ay talaga namang napaka- gwapo nito. Bahagyang bumuka ang kaniyang bibig ngunit nagsara rin at hindi makaapuhap ng salita.Ilang sandali pa ay tinignan siya nito at pagkatapos ay sinuyod siya ng tingin nito. Ilang sandali pa ay gumuhit ang isang ngiti sa labi nito at kitang- kita sa mga mata nito ang paghanga pagkakita sa kaniya.“You look gorgeous baby.” nakangiting sabi nito sa kaniya.Hindi naman niya naiwasang hindi pamulahan ng pisngi dahil sa papuri nito sa kaniya. Gu
Pagmulat ng mga mata ni Nicole ay sumalubong sa kaniyang mga mata ang bakanteng kama. Medyo lubog pa ang kama tanda na may humiga doon. Nag- inat siya at pagkatapos ay bumangon pagkatapos ay inalala ang mga pangyayari kagabi. Sa pagkakatanda niya ay nasa sala sila at kumakain pagkatapos ay nakita niyang tulog si Steffano at—- hindi niya na maalala pa ang sumunod doon. Paano siya nakarating sa kama kung ganuon? Isa pa ay niyuko niya ang kaniyang sarili. Iyon pa rin naman ang suot niya kagabi ibig sabihin ay nakataulog din siya kagabi?Hindi na kasi niya maalalang nakatulog pala siya. Naaalala pa nga niyang nilalabanan niya ang antok niya dahil ayaw niyang makatulog siya doon pero nakatulog pa rin pala siya. Binuhat siguro siya ni Steffano. Hindi na lamang siya nito ginising.Kaagad na siyang bumangon at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Nasaan kaya ang lalaking iyon? Tanong niya sa kaniyang isip. Wala naman ito sa banyo. Saan kaya ito nagpunta?Pagkatapos niyang maghilamos ay kaagad
Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa byahe nila. Siguro ay dahil na rin iyon sa puyat niya kagabi at isa pa ay maaga pa siyang nagising kanina. Nagising nga siya dahil naramdaman niya ang paghalik sa kaniya ni Steffano.“We’re here.” nakangiting sabi nito nang magmulat siya ng knaiyang mga mata.Kaagad naman niyang inilibot ang tingin sa kaniyang paligid at nasa parking area na sila. Ilang sandali pa nga ay napahikab pa siya at pagkatapos ay napainat. Hindi niiya tuloy alam kung gaano ba siya katagal na nakatulog dahil umpisa pa lamang yata ng byahe nila ay nakatulog na siya. Hindi niya na naman tuloy nakita ang mga dinaanan nila katulad noong una siyang dinala nito sa condo nito.Umayos siya ng kaniyang upo at napatitig lamang s alabas ng bintana. Samantalang si Steffano ay bumaba na ng sasakyan at pagkatapos ay binuksan na ang pinto sa likod nila para ilabas ang maleta niya. Pagkatapos nitong maibaba ang maleta niya ay umikot ito patungo sa tapat niya at binuksan ang pinto.
Napabuga ng hangin si Nicole at pagkatapos ay napaupo sa kaniyang kama, katatapos niya lang mag- empake ng kaniyang mga gamit ng mga oras na iyon. Medyo napagod siya dahil madami din siyang mga damit pero hindi naman lahat ay ikinarga niya sa kaniyang maleta. Pinili lamang niya ang mga inilagay niya, mga damit pang opisina at syempre ang mga damit na pang- akit niya kay Steffano. Hindi pwedeng mawala ang mga iyon dahil unang- una ay iyon naman talaga ang plano niya. Ilang sandali pa nga ay napatitig siya sa isang maletang damit niya. Hanggang kailan kaya siya mananatili sa tabi nito? Hindi niya alam kung gaano katagal ang gugugulin niyang panahon para tuluyang maisakatuparan ang paghihiganting hinahangad niya. Pero kailangan niyang bigyan ng palugit ang sarili niya dahil hindi naman pwedeng ubusin niya ang kaniyang oras sa paghihiganti lamang kay Steffano. Napatitig siya sa kisame, ganun na rin sa kabuuan ng silid niya. Ilang buwan niya kayang hindi makikita ang condo niya. Muli siya
Malakas na ring ang gumising kay Nicole. Nakapikit pa niyang inabot ang walang planong tumigil sa pagtunog na alarm- clock na nakapatong sa kaniyang drawer na nasa tabi ng kaniyang kama. Nakapikit pa niyang inabot ito at pinatay. Napakaaga naman yata ng alarm niya masyado dahil inaantok pa siya. Pagkapatay nga niya ng alarm clock ay nagtalukbong siya ng kumot. Inaantok pa siya. Puyat pa siya kagabi dahil halos ala- una ng madaling araw ng umalis si Steffano sa condo niya. Masyado siya nitong sinulit na akala mo hindi sila magkikita ng matagal. —------ Isang ring na naman ang nagpagising kay Nicole, sa punto namang iyon ay hindi na tunog ng alarm clock kundi tunog na ng kaniyang cellphone. Ring ng ring ito at tila ba wala itong balak tumigil. Napilitan tuloy siyang bumangon upang hanapin ang kaniyang cellphone na hindi niya alam kung saan niya nga ba nailagay kagabi. Isa pa ay sino ba iyong tawag ng tawag sa kaniya na umagang- umaga. Halos katutunog lang ng alarma clock niya at nga