Chapter 06
Habang tumatagal ang oras na kasama ko si Safara, lalo kong napapansin kung gaano siya kaiba. Matalino, totoo, at parang hindi man lang napapansin ang atensyon na ibinibigay ko sa kanya. Pero hindi ko makalimutan ang pustahan. Paulit-ulit akong paalalahanan ng mga kaibigan ko tungkol sa “premyo” kapag napaibig ko ang nerd. “Sa tingin ko, bumibigay na siya,” sabi ni Alfred sa isa sa mga break namin, naka-ngiti na parang nanalo ng lotto. “‘Wag kang kampante,” dagdag ni Kent. “Tatlong buwan pa ang natitira. Pag hindi siya umamin, talo ka.” “Kayang-kaya ko ‘to,” sagot ko nang may kumpiyansa, pero may parte sa akin na tila hindi mapakali. --- Ang susunod kong hakbang? Simple: ipadama sa kanya na espesyal siya. Sinimulan ko nang maliit. Isang umaga, dumating ako nang mas maaga kaysa sa nakasanayan, naghihintay sa kanya sa school gate. Nang dumating siya, dala ang luma niyang bag, halatang nagulat siya nang makita ako. “Good morning,” bati ko, sinabayan ng pinakamagandang ngiti ko. “Morning,” sagot niya, halatang nag-aalangan. “Anong ginagawa mo dito?” “Naghihintay sa’yo, siyempre,” sagot ko na parang wala lang. Kumunot ang noo niya. “Bakit?” “Naisip ko lang na sabayan ka papunta sa klase. Pareho naman tayo ng course, ‘di ba?” Tinitigan niya ako saglit bago tumango. “Sige.” Habang naglalakad kami, napansin kong tahimik siya. Hindi siya katulad ng iba na kung ano-ano ang ikinukwento, kaya naman naging mahirap panatilihin ang usapan. “Anong favorite subject mo so far?” tanong ko, sinubukang basagin ang katahimikan. “Accounting,” sagot niya nang walang pag-aalinlangan. “Talaga? Ang hirap kaya nun. Karamihan ayaw sa numbers.” “Gusto ko ng hamon,” sagot niya nang diretso. Napatawa ako. “Fair enough. Kaya siguro ikaw ang top sa klase.” Namula ang pisngi niya sa papuri, at hindi ko napigilang ngumiti. Progress. --- Sa mga sumunod na linggo, mas lalo kong pinagbuti ang efforts ko. Dinadalhan ko siya ng maliliit na bagay—isang cup ng kape sa umaga, ballpen kapag naubusan siya ng tinta, at kahit notebook nang makita kong luma na ang gamit niya. “Hindi mo naman kailangang gawin ‘to,” sabi niya isang araw, tinignan ang kape na nilapag ko sa desk niya. “Alam ko,” sagot ko, sumandal sa mesa. “Pero gusto ko.” Napabuntong-hininga siya, halatang hindi sanay sa ganitong atensyon. “Iba ka,” sabi niya nang mahina, iniikot ang ballpen sa mga daliri niya. “Paano naman?” tanong ko. “Sikat ka, mayaman, at... may kumpiyansa. Ang mga tulad mo, hindi naman kadalasang pumapansin sa mga tulad ko.” Bahagya akong tumango. “Siguro hindi ako katulad ng karamihan.” Ngumiti siya nang bahagya, pero wala nang sinabing iba. --- Unti-unti, nakita kong nagsisimula na siyang magtiwala sa akin. Tumatawa na siya sa mga biro ko, pinapayagan akong sumabay sa lunch, at minsan, humihingi ng tulong sa mga group projects. Kita kong napansin ito ng mga kaibigan ko, na palaging may ngiting aso sa tuwing napapansin nila ang progress ko. “Pare, malapit na,” sabi ni Alfred isang hapon pagkatapos ng practice. “Isang push na lang, aamin na ‘yan,” dagdag ni Kent. Pero habang nakikinig ako sa kanila, parang may mali sa sinasabi nila. Hindi si Safara tulad ni Sabrina o ng ibang mga babae na kusang lumalapit sa akin. Hindi siya nararapat maging parte ng walang kwentang laro. Pero hindi ko rin kayang umatras. Ang pride ko ang nakataya. --- Isang gabi, nakita ko siyang nakaupo mag-isa sa campus garden, nagdo-drawing ulit sa notebook niya. “Hey,” bati ko, umupo sa tabi niya. Ngumiti siya nang bahagya. “Hi.” “Anong dinodrawing mo?” “Wala lang,” sagot niya, mabilis na sinara ang notebook bago ko pa makita. “Pwede bang magtanong?” sabi ko, biglang naging seryoso. “Sige.” “Bakit palagi kang mag-isa? Alam mo, ang galing mo—matalino, talented, at mabait. Pwede kang magkaroon ng maraming kaibigan kung gugustuhin mo.” Napatigil siya, tumingin sa lupa. “Natuto na akong ‘wag masyadong umasa sa tao. Kadalasan, mabait lang sila kapag may kailangan.” Tumama ang mga salita niya sa akin nang mas malakas kaysa inaasahan ko. Hindi siya nagkakamali—lalo na tungkol sa akin. “Hindi naman ako ganun,” sagot ko, pinilit ngumiti. “Gusto ko lang makilala ka.” Tumingin siya sa akin, unti-unting lumambot ang ekspresyon niya. “Salamat, Vince. Malaking bagay ‘yan.” Habang naglalakad palayo, hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi niya. Sa unang pagkakataon, kinuwestiyon ko ang ginagawa ko. Nagsisimula nang magtiwala sa akin si Safara, at hindi ko magawang alisin ang nararamdamang guilt. Hindi na lang ito basta pustahan.Last ChapterThird Person POVMabilis lumipas ang panahon. Mula sa maliit na pangarap ni Selena na maging tanyag na modelo, ngayon ay isa na siyang sikat at hinahangaan hindi lamang sa buong Europa kundi pati na rin sa Asia. Ang kanyang pangalan ay palaging laman ng mga fashion magazine, at ang kanyang lakad sa runway ay palaging pinapalakpakan.Ngunit sa likod ng kanyang kasikatan, hindi niya kailanman nakalimutang bumalik sa pinanggalingan. Tuwing may bakasyon, agad siyang umuuwi sa Pilipinas para makasama ang kanyang pamilya. Sa paglipas ng mga taon, lalo lamang tumibay ang ugnayan nilang mag-anak—si Vince na laging proud sa kanyang anak, si Safara na hindi nawawalan ng luha tuwing iniinterbyu ang anak sa TV, at ang kambal na sina Seth at Sethea na palaging proud sabay sigaw ng "Ate namin 'yan!"Sa huling eksena ng kwento, makikita si Selena na nakatayo sa backstage ng isang malaking event sa Paris. Hawak niya ang isang maliit na kahon, at nang buksan niya ito, isang liham at kuwin
“Thank you, Mom and Dad. Hindi ko kayo bibiguin. Aabutin ko ang pangarap ko para sa inyong lahat,” ngiti kong sabi habang yakap ko silang dalawa.Ramdam ko ang mahigpit na yakap ni Mommy sa akin, habang si Daddy naman ay hinimas ang aking buhok. “Alam naming kaya mo 'yan, anak,” malambing na sagot ni Mom. “At kahit gaano kalayo, lagi kaming nasa likod mo.”Sa mga sandaling 'yon, alam kong kahit saan man ako dalhin ng landas ng pangarap ko, may uuwian pa rin akong tahanan—ang pamilya kong laging naniniwala sa akin.Hanggang nagpasyahan kong pumasok sa loob ng silid upang mag-ayos ng gamit. Kunti lang ang dinala ko dahil ayon kay Tita Mea, may mga damit na raw na nakaabang para sa akin doon—mga gown, sapatos, at accessories na siya mismo ang pumili. Habang inaayos ko ang iilang personal na gamit sa maleta, hindi ko maiwasang mapangiti. Ito na ang simula ng pangarap ko, ang unang hakbang patungo sa mundo ng pagmomodelo.Habang inilalagay ko ang paborito kong cologne at picture frame nami
Selena POV Masaya ako sa mga panahong nabuo ang aming pamilya. Ngayon ay 23 years old na ako, at ang dalawa kong kapatid na kambal—sina Seth at Sethea—ay 13 years old na. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, nasa likod ako ni Mommy habang nagtatago kay Daddy dahil ayaw kong magpa-goodnight kiss. Ngayon, college graduate na ako at may sarili nang mga pangarap. Pero kahit may kanya-kanya na kaming mundo, nananatili pa rin kaming buo—masaya at matatag. Si Mommy at Daddy, para pa ring magkasintahang laging nagpapakilig sa isa't isa. Si Seth at Sethea naman, kahit palaging nagtutuksuhan, ay hindi mapaghiwalay at sobrang protective sa isa’t isa. Minsan naiisip ko, ang swerte namin. Hindi man naging madali ang pinagdaanan nina Mommy at Daddy, pinili pa rin nilang lumaban—hindi lang para sa isa’t isa, kundi para sa amin. At ngayon, habang nakaupo ako sa garden ng mansion na puno ng tanim ni Mommy, at rinig ang tawanan ng kambal sa background, hindi ko maiwasang mapangiti. Ito ang bu
Special ChapterThird Person POVLumipas ang maraming taon at naging masaya at tahimik ang pagsasama nina Vince at Safara. Sa kabila ng mga pagsubok at hindi pagkakaunawaan noong nakaraan, unti-unti nilang naitayo ang isang pamilyang puno ng pagmamahalan, respeto, at pagkakaintindihan.Si Safara, na dating palaban at masungit, ay naging isang mapagmahal at maalagang ina. Sa bawat umaga, siya ang unang gumigising upang ihanda ang almusal ng pamilya, palaging may ngiti sa labi habang pinapanood ang kambal nilang sina Selene at Seth na masayang naglalaro sa sala. Si Vince naman, sa kabila ng pagiging abala sa negosyo, ay siniguradong may oras siya para sa kanyang pamilya. Tuwing gabi, hindi siya pumapayag na hindi mabasa ng kwento ang kambal bago matulog.Ang kanilang bahay ay puno ng halakhak at masasayang alaala. Sa bakuran, nagtayo si Vince ng mini playground para sa mga bata. Si Safara naman ay nagtanim ng mga bulaklak at halamang gamot sa gilid ng bahay—isang paalala ng kanyang pagi
Chapter 65The finally.......Safara POV"Love, kunin mo na si Spy. Nilalawayan na naman ako!" reklamo ni Vince habang nilalaplap siya ng alaga naming aso."Bigyan mo kasi ng pasalubong!" sagot ko habang nakangiti."Oo na! Spy, stop na. Nasa kotse ang pasalubong mo, kunin mo na.""Aw! Aw! Aw!"Tumahol si Spy, sabay wag ng buntot at kumaripas palabas. Ilang minuto lang, bumalik ito—may dala nang dog food sa bibig."Wow, very good naman ang Spy natin!" sabay himas ko sa ulo niya.Vince POVAndito ako ngayon sa hospital. Manganganak na si Safara.Ang mga kaibigan namin, pamilya ni Safara, pati sina Mama, Papa at ang panganay naming anak na si Selena, lahat sila dumating. Ako naman, pabalik-balik sa hallway, hindi ko alam kung saan pupunta o anong gagawin. Halos himatayin ako sa kaba.Hanggang sa... may narinig akong munting iyak."Did you hear that?" tanong ko kay Alfred."Oo, tol."Pinat pat ako ni Dad sa balikat."Congrats, anak. Daddy ka na talaga! Be a good man to your family."Tuman
Chapter 55 – "Princess, Spy, at ang Buntis na Bride"Safara POVAng bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, umiiyak ako sa ospital, tapos ngayon… KASAL KO NA.Andito lahat ng mga kaibigan ko, pati si Selena — ang panganay naming anak ni Vince. Hindi na ako nagtaka kung bakit sobrang ayos at elegant ng lahat ng detalye. Inako lahat ng pamilya ng Altacara, mula sa gown, pagkain, hanggang sa honeymoon. Napaka-swerte ko talaga.Habang binibihisan nila ako, pakiramdam ko isa akong princess sa sariling fairy tale. Ang gown ko ay parang hinabi sa ulap. May mga swarovski pa raw ‘yon, sabi ni Ate Leah.“Perfect! Gandang-ganda ako sa’yo, girl. Parang ka talagang prinsesa!”Napatingin ako sa salamin. Hindi ko mapigilang mamangha.“Wow... Ako ba ‘to?”“Yes! At take note, hindi pa yan full glam, natural ka nang maganda. Sige na, lumabas ka na—baka mainip na ang pogi mong groom.”Ngumiti ako. Buong puso.---Natapos ang kasal.Maraming bumati sa amin. Sobrang saya ng lahat. Pagkatapos ng recep