Share

Chapter 07

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-01-02 14:55:07

Chapter 07

Safara POV

Si Vince ay... nakakagulo ng aking isip.

Minsan, sobrang bait niya—dinadalhan ako ng kape, tinutulungan sa mga gamit ko, at nakikipag-usap na parang may pakialam talaga siya. Pero maya-maya, parang wala lang ako kapag kasama niya ang mga kaibigan niya, tila naglalaro ng ibang mundo. Hindi ko alam kung paano haharapin ang atensyon na binibigay niya. Ang mga lalaking tulad niya ay hindi naman karaniwang pumapansin sa mga tulad ko—nerdy, simple, at tulad ng madalas sabihin ni Sabrina, "hindi ka nababagay sa aming mundo."

Alam ko na totoo ang kanyang sinabi, sa tulad kong nerd at isang dukha ay iniisip niya na wala akong karapatan na mag-aaral ng marangyang paaralan.

Habang papunta ako sa susunod kong klase, paulit-ulit kong iniisip ang mga huling usapan namin ni Vince. Ang popular at kumpiyansang si Vince Rosales, na hinahangaan ng lahat, ay kasabay ko mag-lunch, kausap ko sa mga ka-klase ko, at naghihintay na naman si Vince sa may gate sa akin.

'Vince, Bakit mo ito ginawa?' bulong ko sa aking sarili habang naglalakad paalis sa room namain.

Hindi ko maintindihan. Totoo ba ang ginagawa niya, o isa lang itong malupit na biro? Sa kabila ng tahimik na mga araw mula kay Sabrina at sa grupo niya, ramdam ko pa rin ang tingin nila, parang naghihintay ng tamang pagkakataon para umatake.

Hinigpitan ko ang hawak sa mga libro habang naglalakad sa hallway. Ang mga tingin at bulong ng mga kaklase ko ay hindi ko maalis sa isip.

“Bakit siya kinakausap ni Vince?”

“Napaka-nerdy niya. Siguro dare lang ‘yan.”

“Hindi naman sineseryoso ni Vince ang isang tulad niya.”

Masakit. Kahit pilitin kong balewalain, tumatagos pa rin ang mga salita nila.

Sa lunch break, umupo ako sa dati kong pwesto sa ilalim ng puno, umaasang magkaroon ng konting katahimikan. Pero gaya ng nakasanayan, natagpuan pa rin ako ni Vince.

“Hey,” bati niya, paupo sa tabi ko na parang doon talaga siya dapat.

“Hi,” sagot ko nang mahina, hindi inaalis ang tingin sa notebook ko.

“Anong problema? Parang tahimik ka nitong mga nakaraang araw.”

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba ang iniisip ko o hindi. “Wala,” sagot ko sa huli, nagsisinungaling.

“Huwag mo akong ganunin, Safara. Alam kong may iniisip ka.”

Tumingin ako sa kanya, at nakita ko sa mukha niya ang sinseridad. Pero lalo lang akong nalito. Paano kung palabas lang lahat ng ito?

“Bakit mo ginagawa ‘to?” bigla kong tanong.

“Ginagawa ano?”

“Ang pagiging mabait sa akin. Ang pakikipag-usap. Ang pagsabay sa akin. Ang mga tulad mo, hindi naman basta-basta nakikipag-usap sa tulad ko kung walang dahilan.”

Lumitaw ang lungkot sa mga mata niya saglit, pero napalitan din agad ng pamilyar na ngiti.

“Baka naman gusto ko lang talagang makasama ka,” sabi niya nang simple.

Gusto kong maniwala sa kanya—gustong-gusto ko—pero ang mga insecurities ko ang pumipigil sa akin.

Kinagabihan, nakaupo ako sa kama, hindi mapigilan ang pag-iisip tungkol sa kanya. Si Vince ay parang anino sa isip ko—naroon sa campus, sa bawat iniisip ko, at pati na rin sa mga panaginip ko. Pero ang takot na masaktan ang pumigil sa akin para magtiwala nang buo.

Paano kung laro lang ito para sa kanya? Paano kung nagpapanggap lang siya na may gusto para manalo sa pustahan o patunayan ang isang bagay?

Hindi ko kayang mahulog sa kanya hangga’t hindi ko alam ang totoo.

Kinabukasan, sinubukan kong iwasan siya. Umupo ako sa likuran ng classroom, hindi nakipag-usap sa break, at lumabas ng cafeteria bago pa niya ako mahanap. Pero hindi madaling sumuko si Vince.

“Safara!” tawag niya habang nagmamadali akong lumabas ng library matapos ang lunch.

Nagkunwari akong hindi narinig, binilisan ang lakad ko.

“Uy, sandali lang!” Tumakbo siya para maabutan ako, tinabihan ako sa daan.

“Anong problema? Bakit mo ako iniiwasan?”

“Hindi ko,” sagot ko, iwas ang tingin sa kanya.

“Ang galing mo magsinungaling,” sabi niya, magaan ang tono pero seryoso ang mga mata.

Napabuntong-hininga ako, mahigpit na hawak ang mga libro ko. “Ayoko lang masaktan, Vince.”

“Masaktan? Anong ibig mong sabihin?”

“Sikat ka, mayaman, at kumpiyansa,” sabi ko, nanginginig ang boses. “Ako? Ako lang ito. Hindi naman basta-basta nakikipagkaibigan ang mga tulad mo sa tulad ko kung walang dahilan. Kaya sabihin mo, Vince—ano ang dahilan mo?”

Nakita kong nanikip ang panga niya, parang may gusto siyang sabihin pero pinigilan niya ang sarili.

“Hindi kita niloloko, Safara,” sabi niya nang mahina.

Gusto kong maniwala, pero mas malakas ang mga duda sa isip ko. “Kailangan ko nang umalis,” sabi ko, lumihis at naglakad palayo.

Habang papalayo, naramdaman kong parang may pumipigil sa lalamunan ko. Gustong tumulo ng luha ko, pero pinilit kong pigilan. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan.

Si Vince ay mabait, thoughtful, at nakakabighani, pero ang takot na maging biro lang sa kanya ang pumipigil sa akin para magtiwala.

At hangga’t hindi ko alam ang totoo, hindi ko kayang mahulog sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HER TURN TO BREAK HIM   Ending....

    Last ChapterThird Person POVMabilis lumipas ang panahon. Mula sa maliit na pangarap ni Selena na maging tanyag na modelo, ngayon ay isa na siyang sikat at hinahangaan hindi lamang sa buong Europa kundi pati na rin sa Asia. Ang kanyang pangalan ay palaging laman ng mga fashion magazine, at ang kanyang lakad sa runway ay palaging pinapalakpakan.Ngunit sa likod ng kanyang kasikatan, hindi niya kailanman nakalimutang bumalik sa pinanggalingan. Tuwing may bakasyon, agad siyang umuuwi sa Pilipinas para makasama ang kanyang pamilya. Sa paglipas ng mga taon, lalo lamang tumibay ang ugnayan nilang mag-anak—si Vince na laging proud sa kanyang anak, si Safara na hindi nawawalan ng luha tuwing iniinterbyu ang anak sa TV, at ang kambal na sina Seth at Sethea na palaging proud sabay sigaw ng "Ate namin 'yan!"Sa huling eksena ng kwento, makikita si Selena na nakatayo sa backstage ng isang malaking event sa Paris. Hawak niya ang isang maliit na kahon, at nang buksan niya ito, isang liham at kuwin

  • HER TURN TO BREAK HIM   Special chapter

    “Thank you, Mom and Dad. Hindi ko kayo bibiguin. Aabutin ko ang pangarap ko para sa inyong lahat,” ngiti kong sabi habang yakap ko silang dalawa.Ramdam ko ang mahigpit na yakap ni Mommy sa akin, habang si Daddy naman ay hinimas ang aking buhok. “Alam naming kaya mo 'yan, anak,” malambing na sagot ni Mom. “At kahit gaano kalayo, lagi kaming nasa likod mo.”Sa mga sandaling 'yon, alam kong kahit saan man ako dalhin ng landas ng pangarap ko, may uuwian pa rin akong tahanan—ang pamilya kong laging naniniwala sa akin.Hanggang nagpasyahan kong pumasok sa loob ng silid upang mag-ayos ng gamit. Kunti lang ang dinala ko dahil ayon kay Tita Mea, may mga damit na raw na nakaabang para sa akin doon—mga gown, sapatos, at accessories na siya mismo ang pumili. Habang inaayos ko ang iilang personal na gamit sa maleta, hindi ko maiwasang mapangiti. Ito na ang simula ng pangarap ko, ang unang hakbang patungo sa mundo ng pagmomodelo.Habang inilalagay ko ang paborito kong cologne at picture frame nami

  • HER TURN TO BREAK HIM   Special chapter

    Selena POV Masaya ako sa mga panahong nabuo ang aming pamilya. Ngayon ay 23 years old na ako, at ang dalawa kong kapatid na kambal—sina Seth at Sethea—ay 13 years old na. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, nasa likod ako ni Mommy habang nagtatago kay Daddy dahil ayaw kong magpa-goodnight kiss. Ngayon, college graduate na ako at may sarili nang mga pangarap. Pero kahit may kanya-kanya na kaming mundo, nananatili pa rin kaming buo—masaya at matatag. Si Mommy at Daddy, para pa ring magkasintahang laging nagpapakilig sa isa't isa. Si Seth at Sethea naman, kahit palaging nagtutuksuhan, ay hindi mapaghiwalay at sobrang protective sa isa’t isa. Minsan naiisip ko, ang swerte namin. Hindi man naging madali ang pinagdaanan nina Mommy at Daddy, pinili pa rin nilang lumaban—hindi lang para sa isa’t isa, kundi para sa amin. At ngayon, habang nakaupo ako sa garden ng mansion na puno ng tanim ni Mommy, at rinig ang tawanan ng kambal sa background, hindi ko maiwasang mapangiti. Ito ang bu

  • HER TURN TO BREAK HIM   Special chapter

    Special ChapterThird Person POVLumipas ang maraming taon at naging masaya at tahimik ang pagsasama nina Vince at Safara. Sa kabila ng mga pagsubok at hindi pagkakaunawaan noong nakaraan, unti-unti nilang naitayo ang isang pamilyang puno ng pagmamahalan, respeto, at pagkakaintindihan.Si Safara, na dating palaban at masungit, ay naging isang mapagmahal at maalagang ina. Sa bawat umaga, siya ang unang gumigising upang ihanda ang almusal ng pamilya, palaging may ngiti sa labi habang pinapanood ang kambal nilang sina Selene at Seth na masayang naglalaro sa sala. Si Vince naman, sa kabila ng pagiging abala sa negosyo, ay siniguradong may oras siya para sa kanyang pamilya. Tuwing gabi, hindi siya pumapayag na hindi mabasa ng kwento ang kambal bago matulog.Ang kanilang bahay ay puno ng halakhak at masasayang alaala. Sa bakuran, nagtayo si Vince ng mini playground para sa mga bata. Si Safara naman ay nagtanim ng mga bulaklak at halamang gamot sa gilid ng bahay—isang paalala ng kanyang pagi

  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 56

    Chapter 65The finally.......Safara POV"Love, kunin mo na si Spy. Nilalawayan na naman ako!" reklamo ni Vince habang nilalaplap siya ng alaga naming aso."Bigyan mo kasi ng pasalubong!" sagot ko habang nakangiti."Oo na! Spy, stop na. Nasa kotse ang pasalubong mo, kunin mo na.""Aw! Aw! Aw!"Tumahol si Spy, sabay wag ng buntot at kumaripas palabas. Ilang minuto lang, bumalik ito—may dala nang dog food sa bibig."Wow, very good naman ang Spy natin!" sabay himas ko sa ulo niya.Vince POVAndito ako ngayon sa hospital. Manganganak na si Safara.Ang mga kaibigan namin, pamilya ni Safara, pati sina Mama, Papa at ang panganay naming anak na si Selena, lahat sila dumating. Ako naman, pabalik-balik sa hallway, hindi ko alam kung saan pupunta o anong gagawin. Halos himatayin ako sa kaba.Hanggang sa... may narinig akong munting iyak."Did you hear that?" tanong ko kay Alfred."Oo, tol."Pinat pat ako ni Dad sa balikat."Congrats, anak. Daddy ka na talaga! Be a good man to your family."Tuman

  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 55

    Chapter 55 – "Princess, Spy, at ang Buntis na Bride"Safara POVAng bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, umiiyak ako sa ospital, tapos ngayon… KASAL KO NA.Andito lahat ng mga kaibigan ko, pati si Selena — ang panganay naming anak ni Vince. Hindi na ako nagtaka kung bakit sobrang ayos at elegant ng lahat ng detalye. Inako lahat ng pamilya ng Altacara, mula sa gown, pagkain, hanggang sa honeymoon. Napaka-swerte ko talaga.Habang binibihisan nila ako, pakiramdam ko isa akong princess sa sariling fairy tale. Ang gown ko ay parang hinabi sa ulap. May mga swarovski pa raw ‘yon, sabi ni Ate Leah.“Perfect! Gandang-ganda ako sa’yo, girl. Parang ka talagang prinsesa!”Napatingin ako sa salamin. Hindi ko mapigilang mamangha.“Wow... Ako ba ‘to?”“Yes! At take note, hindi pa yan full glam, natural ka nang maganda. Sige na, lumabas ka na—baka mainip na ang pogi mong groom.”Ngumiti ako. Buong puso.---Natapos ang kasal.Maraming bumati sa amin. Sobrang saya ng lahat. Pagkatapos ng recep

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status