Share

CHAPTER 15

THIRD PERSON'S POV

"Sabihin mo sa akin kung sino ang nagmamay-ari ng bagay na iyan," utos ni Kaisei sa manghuhula at inilapag sa pabilog na mesa ang hairpin at isang supot na ginto. Napatingala naman ang matandang babae sa binatang kararating lamang sa kanyang tahanan. Dahan-dahan niyang ibinaba sa mesa ang hawak na mga baraha at agad hinawakan ang hairpin.

"Malakas ang pwersang dumadaloy. Saan mo natagpuan ang bagay na ito?" tanong ng matanda ngunit hindi sumagot si Kaisei. Bagkus, naupo siya kaharap ng manghuhula at desididong malaman ang nababasa nito.

"Ang bagay na ito ay hindi pangkaraniwan. Pagmamay-ari ng isang dalagang...malayo ang pinanggalingan," wika ng matanda habang nakapikit at hinihimas ang hairpin. Tila kusang nanginig ang mga kamay nito at napamulat habang nanlalaki ang mata.

"May nagbabalik!" bulalas niya dahilan para matigilan ang nakikinig na si Kaisei.

"A-ano? Sinong nagbabalik?" Kahit alam niyang isa lamang ang tinutukoy ng matanda ay mas pinili niyang itanong pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status