Share

CHAPTER 14

CHAPTER 14

“ATE, anong hitsura ng Tokyo?” Napangiti ako dahil sa naging tanong ni Yuri, ang bunsong kapatid ni Tsuyu. Katabi ko sila ngayon ni Yamaro habang pinagmamasdan ang kalangitan na tadtad ng bituin. Tanging huni lamang ng panggabing ibon ang maririnig at mga kulisap. Napakarami ring mga alitaptap ang nagliliparan.

“Bakit mo natanong?” tanong ko pabalik at napatingala sa langit.

“Tulad rin ba ng lugar na ito ang lugar na pinanggalingan mo?” inosenteng tanong rin ni Yamaro na ngayon ay nakatingin na rin sa akin habang naghihintay ng sagot ko. Napakagat-labi ako.

“Ang lugar na ito ay kakaiba. Ibang-iba sa Tokyo...” bulalas ko at saka inalala ang mga lugar at pangyayaring kinagawian ko bilang isang normal na teenager sa Tokyo.

Naalala ko ang paggising ko ng tanghali kahit may pasok sa school. Ang sermon ni kuya Chester tuwing hindi ko kinakain ang mga pagkaing niluluto niya. Ang pagtambay ko sa Onibus Cafe malapit lamang sa Hirokoshi High kung saan ako nag-aaral. Ang palagi kong pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status