The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

last updateLast Updated : 2025-08-29
By:  Depthless_ScrivenerUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
62Chapters
9.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?

View More

Chapter 1

SIMULA

Oktubre 26, 1499...

Naganap ang madugong labanan sa pagitan ng mga puti at itim na mga bampira sa kaharian ng Sarsul. Ang mga itim ay pinamumunuan ng itim na bampira na si Supremo Atcandis at ang kaniyang asawa na si Inang Reyna Zenya. Kasama nila at ng kanilang hukbo ang dalawang binatang Prinsipe na sina Prinsipe Asmal, ang panganay, at Prinsipe Zumir, ang bunso.

Nagliliparan ang lahat ng bampira sa himpapawid. Ang mga dugo at laman nila ay nagkalat sa buong kapaligiran. Dahil duguan na ang Supremo ay ang kaniyang dalawang anak na lamang ang nakikipaglaban sa mga puting bampira na hindi rin biro ang ipinapamalas na mga lakas. Sugatan na si Prinsipe Zumir habang naghihingalo ang panganay na si Prinsipe Asmal. Hindi na nila nagawang balikan ang kanilang ina, sapagkat ay matapos nitong mapaslang ay naglaho ito sa hangin na parang bula.

"Tumakas na kayo! Ako na ang bahala rito!" nanghihinang saad ni Prinsipe Asmal.

"Hindi ka namin maaaring iwanan!" malakas ang boses na sagot ni Prinsipe Zumir.

"Huwag ng matigas ang ulo at ilisan mo na si ama!" Sigaw nito at inatake ang mga papalapit na mga puting bampira.

Ngunit hindi nagtagumpay ang mag-ama na makatakas, sapagkat ay tinamaan sa puso si Supremo Atcandis na naging dahilan ng kamatayan nito.

"Amaaaa!" Sigaw ni Prinsipe Zumir na umalingawngaw sa buong kaharian.

Nagsiliparan ang mga paniki't mga uwak at nagsimulang kumulog ang kalangitan. Mas lalong nag-aalab ang puso ng binata nang masaksihan na naglaho na parang bula sa hangin ang kaniyang nakakatandang kapatid matapos itong tagain sa ulo ng isang puting bampira na may hawak na itak.

Nanlilisik ang pula niyang mga mata at walang pagdaladalawang-isip na sinugod ang mahigit dalawampung puting mga bampira.

Itinuturing na ang mga itim na bampira ang mga salot, sapagkat kaya nilang s******n ang dugo ng kapwa nila bampira. Sa madaling salita, mga traydor ang mga itim. Nang-aalila sila ng mga inosente at ang pagpatay sa mga walang kalaban-laban ay madali lamang para sa kanila.

Bumuo ng plano ang mga puti na gapiin ang lahi ng mga itim upang mawala na sila nang tuluyan at upang maging pantay na ang pamumuhay ng lahat.

Naubos ng mga puti ang lahat ng mga itim maliban sa natitirang prinsipe, ang bunsong anak ng Supremo na si Atcandis at Inang Reyna Zenya, ang binatang si Prinsipe Zumir.

Sunod-sunod ang atakeng natanggap ng binata. Hindi makapaniwala ang lahat dahil buhay pa ito kahit na naliligo na sa sariling dugo.

Isang nagliliyab na pana ang diretsong tumama sa puso niya na naging dahilan ng kaniyang kamatayan. Agarang nagbunyi ang mga puti at nakahinga sa wakas ngunit, lumipas ang ilang minuto ay hindi naging abo ang katawan ng binata. Nakita nila kung paanong naghilom ang mga sugat nito at ang dahan-dahan na pagtayo mula sa pagkakabagsak.

"Hindi nga ako nagkakamali, siya ang tinutukoy ng orakulo na siyang uubos sa lahi natin!" Sigaw ng matanda na mula sa lahi ng mga puti.

Lumagutok ang buto ni Prinsipe Zumir at inatake sila isa-isa. Pugot ang mga ulo at labas ang mga laman. Lalong nagkagulo ang mga paniki at uwak sa himpapawid. Ang hangin ay nababalot ng malansang amoy ng dugo, mga hiyawan mula sa mga pinapaslang, mga nanghihingalo, at mga nagmamakaawa

"Ano po ang gagawin na'tin upang magapi siya?" takot na takot na bulong ng dalagitang mula sa lahi ng mga puti.

"Tatlong siglo pa ang ating hihintayin! Tatlong- daang taon pa bago maisilang ang nilalang na mula sa'ting lahi na siya gagapi sa nilalang na iyan!" Sigaw ng matanda, nanginginig ang boses nito.

Hindi niya napansin na nasa likod niya na pala si Prinsipe Zumir at huli na nang maramdaman niyang nakatarak na sa kaniyang dibdib ang isang punyal. Hindi nagawang makatakas ng dalagita, dahil bago paman siya makatapak ulit sa lupa ay nagsitalsikan ang lamang loob niya nang atakehin siya ni Prinsipe Zumir gamit ang matatalim nitong mga kuko.

Akala ni Prinsipe Zumir ay naubos na niya ang lahi ng mga puti ngunit, napaluhod niya nang maramdaman ang kakaibang kemikal na unti-unting nagpapalambot sa kaniya. Hindi niya maramdaman ang kaniyang mga tuhod, ang kaniyang paningin ay lumalabo at umiikot, ang ang napakasakit na pakiramdama ay nagpapabigat sa talukap ng kaniyang mga mata. Isang espada na may lason ang isinaksak sa kaniyang dibdib at sikmura dahilan upang magdilim ang kaniyang paningin at hindi na nagising pa.

Ang puting bampira na si Ismael ang siyang nagpatumba sa Prinsipe na si Zumir. Ang lason na kaniyang ginamit ay maaaring magpatulog sa sino man sa loob ng mahabang panahon.

Ang pinakamatagal ay ang isang siglo.

Kailangan na pagkatapos ng isang siglo ay muling maturukan ang katawan ng Prinsipe upang manatili itong tulog. Dahil kung hindi maisasagawa ang hakbang ay wala nang makakapigil pa sa muling pagkagising ng bampira na mula sa lahi ng mga itim na siyang uubos sa lahi ng mga puti.

Sa oras na siya ay muling magmulat ng kaniyang mga mata, ay wala ng lason o kahit na anong kemikal ang makakapagpatumba sa kaniya, dahil alam nilang hindi na ito mamamatay sa isang armas lamang.

---

Oktubre 26, 1599...

May malaking salu-salo sa kaharian ng mga puting bampira sapagkat kahapon lamang ay matagumpay na naiturok ang kemikal sa Prinsipe ng mga itim na siyang magpapanatili sa kaniya na natutulog sa loob ng isang-daang taon.

Nakahimlay ito sa bukod tanging silid na napapaligiran ng nagtatasang bakod at nagkakapalang mga kandado. Sa nagdaang isang-daang taon ay mayroong mga puti na namaalam na dahil sa isang pambihirang sakit na tumatama sa mga matatandang bampira. Sa loob ng isang-daang taon na iyon ay may mga bagong tubo na siyang magpapatuloy sa kanilang lahi.

Tatlong puting bampira lamang ang may awtoridad na makakita sa Prinsipe ng mga itim. Si Ismael na siyang kasalukuyang Supremo ng mga Puti, si Prinsipe Kaigan, ang kaniyang anak, at si Inang Reyna Luciana, ang kaniyang asawa.

Ipinangako niya sa yumaong Supremo na gagawin niya ang lahat upang mapanatiling tulog ang Prinsipe ng mga itim at kung mawala man siya, sisiguraduhin niyang maipapasa niya sa kaniyang mga anak ang kaalaman kung paano gumawa ng kemikal na taga-isang siglo kung ituturok kay Prinsipe Zumir.

Napatitig ang asawa ng Supremo na si Luciana sa Prinsipe na payapang natutulog. Suot nito ang puting kasuotan na may mahabang manggas at manipis na kwelyo. Mahaba na ang malaalon nitong buhok ngunit nanatiling mababa ang mga bigote na hindi man lang nagkakakulay, hindi gaya ng mga bampira na nagmula sa kanilang lahi na nagiging abo or kaya naman ay puti ang mga kulay ng mga bigote. Maputla ang kulay ng balat nito, ngunit ang angking kagwapohan ay hindi kumukupas. Hindi rin ito namamayat at nanatili ang kakisigan. Ang malaking "fatek" nito na nasa leeg ay klarong-klaro pa at hindi man lang kumukupas. Sa nagdaang mga taon ay mas lalong bumabata ang itsura nito. Ayon sa yumaong Supremo ay epekto ito ng kemikal na itinuturok sa kaniya.

"Katapusan natin kung sakaling sumablay tayo ng isang beses sa pagturok sa kaniya ng kemikal. Masyadong malakas at makapangyarihan ang Prinsipeng ito na kahit pagsama-samahin ang ating mga lakas ay hindi natin siya magagawang talunin," mahabang saysay ni Inang Reyna Luciana.

"Hindi mangyayari iyan sapagkat gagawin ko ang aking makakaya upang manatiling tulog ang Prinsipe. Ilang siglo nalang ang ating hihintayin at isisilang na ang sanggol na siyang magliligtas sa atin." Sambit ni Supremo Ismael.

"Gaano po ba kalakas ang Prinsipeng iyan? Na kahit pagsama-samahin tayo ay hindi natin siya magagapi?" inosenteng tanong ng batang si Prinsipe Kaigan.

Naglakad si Supremo Ismael papalapit sa Prinsipe at tinitigan ito ng maigi. Kahit na hindi nila ginamot ang mga sugat na nakuha ng Prinsipe sa naging labanan noon, ay nagawa nitong maghilom ng kusa. Tunay ngang makapangyarihan at malakas ang Prinsipeng ito.

"Maihahalintulad siya sa hangin na ubod ng lakas ang bugso. Hindi mapapansin ang kaniyang mga galaw maging ang tunog ng kaniyang pangyapak ay hindi maririnig. Sa oras na mapansin mo siya ay nasa paanan mo na ang iyong ulo," malamig ang boses na usal ni Supremo Ismael.

Nanlaki ang mga mata ni Prinsipe Kaigan at napalunok.

"Ang mga itim na bampira na may dugong bughaw ay hindi basta-basta ang mga kakayahang tinataglay. Kaya nilang mabuhay hangga't gustuhin nila ng hindi kumakain ng dugo't laman ng mga tao, at tanging sa mga hayop lamang. Sila ang pinakamakapang- yarihang lahi na naitala sa kasaysayan ng mga bampira. Dahil sa kapangyarihan at angking kakayahan na hindi natin kayang pantayang mga puti ay nagagawa nilang kumitil ng kapwa nila bampira upang mas pabatain ang kanilang mga anyo." Dagdag ni Supremo Ismael.

Tumingin siya sa kaniyang nag-iisang anak na si Prinsipe Kaigan. Bakas sa mga mata ng pitong-taong gulang na bata ang kaba at takot dahil sa narinig.

"Ikaw ang susunod sa trono anak at ipangako mo na hangga't hindi pa naisisilang ang sanggol na magliligtas sa ating lahat ay huwag mong hahayaan na magising mula sa malalim na pagkakatulog ang Prinsipeng ito." Sambit ni Supremo Ismael habang diretsong nakatitig sa mga mata ng anak.

Tumango si Prinsipe Kaigan, ngunit naglalaro sa kaniyang isipan ang kahihinatnan ng kaniyang sambayanan kung sakaling hindi niya magawa ng maayos ang pamumuno balang araw. Sa mga oras na iyon ay hinihiling niya na lamang na magkaroon ng kapatid upang ipasa rito ang responsibilidad.

Taon-taon ay mas lalong dumadami ang kanilang lahi at hanggang sa kasalukuyang panahon ay walang binabanggit ang orakulo kung saang pamilya mangagaling ang sanggol na isisilang sa taong 1799. Kung ano man ang pambirihirang kakayahan nito na siyang pupuksa sa natitirang itim na bampira ay hindi rin nila batid.

May mahika ba siya? May pambihirang lakas na kayang lampasan ang lakas ng Prinsipeng payang natutulog?

Ano ang mayroon siya? Anong buwan siya isisilang? Anong araw ang kaniyang kapanganakan? Ano ang kaniyang kasarian?

Magmumula ba siya sa pamilyang bughaw? O isang normal na bampira lamang?

"Kung sakaling hindi po maturukan ng kemikal ang Prinsipe sa insaktong petsa katulad ngayon ay agad ba siyang babangon at tayo'y uubusin?" Tanong ni Prinsipe Kaigan sa mga magulang na nananatiling nakatayo sa malaking kahon na pinaglalagyan ng prinsipe.

Bumuntong hininga si Supremo Ismael.

"Babangon siya at agad tayong papaslangin. Wala siyang ititira, at hindi na maisisilang ang nakatakdang magliligtas sa atin. Mauubos ang mga puti at mananatili na lamang ang ating mga bakas sa kasaysayan hanggang sa hinaharap. " Sambit ni Supremo Ismael.

Ramdam ni Prinsipe Kaigan ang panlalamig ng kaniyang mga palad.

"Hindi ko hahayaan na mangyari iyan," pabulong na sambit niya.

Kahit na natatakot ay nasabi niya iyon upang pagaanin ang loob. Natatakot siya sa kayang gawin ng Prinsipe ng mga itim na kilalang malakas at makapangyarihan. Natatakot siya sa kahihitnatnan ng kanilang lahi sa susunod na mga siglo.

At natatakot siyang mabura ang lahing puti.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Depthless_Scrivener
Happy 9.1k reads, "The Supreme (TAGALOG VERSION)............
2025-08-19 19:41:16
1
user avatar
Depthless_Scrivener
Malapit na pong magtapos ang storyang ito, maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa....
2025-08-19 19:40:07
0
user avatar
Depthless_Scrivener
Magandang bati sa lahat! Pasilip naman po ng storyang ito, hindi po masasayang ang inyong coins....Salamat!
2025-08-19 19:39:00
0
user avatar
Jenelyn Sechico Rivera
sana po,,tapusin hnggang wakas,,pra po masaya yung iba kasi,,hndi tinapos,,
2025-04-27 07:18:02
1
user avatar
Mia Dee
interesting
2024-08-14 19:03:03
1
user avatar
Glee Aireen Carungay
I hope you all give this book a try.......️
2023-08-21 20:20:09
1
62 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status