CHAPTER 24
CELESTE’S POV
“HERA, Hera ang iyong pangalan.”
“Simula ngayon ay tatawagin ka sa pangalan na Hera.”
“Hera, hindi ba’t napakagandang ngalan?” wika ng reyna at humalakhak na tila nasisiyahan. Napangiti naman ang hari.
Napatda ako sa kinatatayuan ko. Pamilyar ang mga sinasabi nila. Saan ko nga ba lahat ‘yon narinig?
“Celeste ang pangalan ko,” tanggi ko pa pero hindi nila ako pinakinggan.
“Dahil sa nagawa mong matawag ang Bathala ay napagpasyahan kong bigyan ka ng isang kahilingan. Isang pagkakataon lamang pwede mong gamitin upang makahiling ng kahit anong bagay na gustuhin mo,” sambit ng hari kaya napakagat-labi ako.
I want to go home. I want to return in Tokyo and never go back here again. Napayuko ako at napatitig na
CHAPTER 25THIRD PERSON’S POV“MAGBIGAY-DAAN sa paparating na prinsesa!” sigaw ng kawal at hinatak ang malaking gate upang buksan sa pagdaan ng karuwahe lulan ang prinsesa ng Timog, si Takumi.Dahan-dahang bumaba ang prinsesa bitbit ang abaniko niya at iginala ang paningin sa palasyo. Mahinhin pa rin ang kilos nito tulad ng dati.“Prinsesa Takumi, hinihintay na po kayo ni Reyna Seina sa kanyang silid,” magalang na saad ng kawal at napayuko bilang paggalang.Ngumiti lamang ito at pinaypay ang abaniko. Pagkuway naglakad na kasunod ang kanyang mga alalay.CELESTE’S POV“HOOO! Ang panget naman pala ng role ko rito! Isang dakilang tagapunas ng sahig!” himutok ko sa sulok at marahas na pinahid ang pawis ko gamit ang manggas ng damit.
CHAPTER 26THIRD PERSON’S POVABALA sa pagbabasa ng aklat ang panganay na si Jin habang si Kaisei naman ay hinihimas-himas ang kanyang espada. Tila wala namang pakialam si Itsoru sa mga kapatid at panay ang laro sa hawak niyang kutsilyo.“Itsoru, sinasabi ko sa’yo! Kapag nakasakit ka, ako mismo ang hahataw sa’yo ng hawak kong ‘to!” pagbabanta ni Kaisei sa nakababatang kapatid. Napanguso naman ang binatang si Itsoru at agad itinago ang armas sa mismong likuran niya.“Alam n’yo, dapat andito rin si Nisan Tsuyu. Nasaan ba ang isang ‘yon?” tanong nito sa mga kapatid pero walang sumagot. Pansin kasi nitong hindi pa ito nakikisalamuha sa kanila mula ng araw na dineklarang isa na muli siyang prinsipe.“Alam mo rin ba Itsoru, na hindi dapat hinahanap ang nawawala?” kalmadong
CHAPTER 27CELESTE’S POVIT’S been three months since I lost here in Gokayama. Time flies so fast that I couldn’t even remember how I get here alone. Ilang buwan na rin ang nakararaan mula nang umalis si Tsuyu para pangunahan ang digmaan alinsunod sa inutos ng hari sa kanya. Hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa mokong na iyon. Hindi pa rin siya bumabalik.Kung ako naman ang kukumustahin, medyo naa-adapt ko na rin ang buhay rito sa loob ng palasyo bilang isa sa mga alipin. This life I am living now is quite different compared to my life in Tokyo. Here, I have learned to earn a living on my own. I have no choice but to continue and survive my life.Natuto akong tanggapin ang mga responsibilidad bilang alalay ng hari at reyna. Ang pag-aralan ang tamang timpla at sangkap sa paggawa ng tsaa, pagluluto ng pagkain, halos lahat.
CHAPTER 28THIRD PERSON’S POV“NABALITAAN mo na ba? Mamaya na raw darating ang pangalawang prinsipe. Nakakahanga ang tapang niya! Biruin mong dalawang giyera ang napagtagumpayan!”“Tunay? Napakagiting talaga!”“Napakaswerte naman ng mapapangasawa niya!”“Sinabi mo pa. Lalo na kung ako ‘yon.”“Napaka-ambisyosa mo naman!”Natigil ang pag-uusap ng mga katiwala nang mapadaan si Prinsesa Takumi na tumigil pa sa kanilang harapan habang nakataas ang kilay. Napayuko ang mga ulo nito.Nagmamataray na napalingon si Takumi sa mga kasunod niyang alalay na ngayon ay malapad na ang ngisi.“Nagbago na ang isip ko. Mananatili muna ako rito sa palasyo ng ilang araw,” nakangiti niyang sambit at agad tumalikod na parang tuwang-tuwa.Mukhan
CHAPTER 29THIRD PERSON’S POV“MAGANDANG gabi, mahal na prinsesa. Ipinag-utos po sa akin na ako ang mag-asikaso ng susuotin mo sa pagsasalo mayamaya,” magalang na bati ni Celeste pagkapasok pa lamang sa silid ni Takumi. Dahan-dahang ibinaba ni Takumi ang tasa ng tsaa habang nakaharap sa salamin. Blanko ang ekspresyon na tumingin ito kay Celeste na hanggang ngayon ay naka
CHAPTER 30THIRD PERSON’S POVNAGULAT ang binatang si Tsuyu sa biglaang pagyakap sa kanya ni Celeste. Mayamaya ay nakarinig na siya ng hikbi mula rito.“U-umiiyak ka ba?” Nag-aalangan niyang hinawakan ang tuktok ng ulo nito at sinipat-sipat ang mukha kung umiiyak nga.Hindi siya magaling sa ganito. Sa pagpapatahan ng umiiyak na babae ay wala siyang ideya kung ano ang gagawin.“Huwag mo akong iyakan. Hindi pa ako patay. Nakabalik ako!” natatawang sambit niya kaya kumawala sa yakap si Celeste at pinunasan ang basang-basa nang pagmumukha.“Pambihira, ang pangit mo umiyak,” nakangiwi niyang biro rito kaya halos masapak siya ng dalaga.“Siraulo ka! Masama bang umiyak kasi buhay ka! Na-miss kitang mokong ka!” bulalas ni Celeste habang natatawa kahit umiiyak pa rin. Hindi niya
CHAPTER 31“HERA...”“Hera?”“Hera Ether Yakagami!”Pupungas-pungas na naiangat niya ang ulo matapos ang ilang minuto ng pagtulog sa gitna ng klase. Nabalik siya sa reyalidad nang makitang sa kanyang harapan ang professor niya sa History. Magkasalubong na ang kilay nito habang masama ang titig sa kanya.“Hindi ka na naman nakikinig. Ang lakas pa ng loob mo na matulog sa gitna ng diskusyon ko,” ani ng matandang guro na may pagkadismaya sa boses nito. Nakarinig siya ng hagikhikan mula sa mga kaklaseng halos lahat ay nakatingin na sa kanya.“Answer my question if you really are into my class,” masungit nitong wika.“Nababaliw na ba ang matandang ‘to? Paano ko naman sasagutin ang tanong gayong hindi nga ako nakinig at natulog lang? Ni hindi ko nga
CHAPTER 32THIRD PERSON’S POVNAGMAMADALING pumasok sa silid ng mahal na reyna si Takumi. Hindi na nito pinansin ang ilang katiwala na nagbabantay sa labas nang magbigay-galang ito sa kanya.Napalingon si Seina sa biglaang pagbukas ng pintuan at iniluwa nito si Takumi na gusto siyang makausap. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na tasa ng tsaa at napangiti nang makahulugan sa prinsesa.“Nais mo raw ako makausap. Halika at pag-usapan natin iyan,” mahinahon niyang sambit ngunit may ibig sabihin kaya lumawak ang ngisi ng dalaga at dinaluhan ang reyna sa pagkakaupo.CELESTE’S POVPAGOD na pagod akong napaupo sa malaking bato malapit rito sa may lawa. Hingal man dahil sa walang pahinga na pag-iigib ng tubig ay napangiti pa rin ako habang tinatanaw ang papalubog na a