Share

CHAPTER 35

Author: Author Lemon
last update Huling Na-update: 2025-01-29 20:24:30

"HEY."

Napatingin si Adella sa papalapit na si Rigel. Kasalukuyan niyang nakaupo sa kubo, isinama kasi siya ngayon ni Apollo.

"Hello, Rigel," aniya sa binata na nakangiti sa kanya. Nginitian niya rin ito. Mukha naman talaga itong mabait, pero bad boy lang ang datingan. Sa tagal-tagal na niyang nakikita at nakakasama ito, ngayon lamang siya nito kinausap ng sarilinan. Abala kasi si Apollo sa pakikipag-usap sa mga tao sa plantasyon.

Umupo sa tabi niya ang binata pagkalapit sa kanya.

"Alam mo, unang beses pa lang kitang nakita, parang may kamukha ka," anito at muli siyang pinagmasdan

"Kamukha? Sino naman?" Curious niyang tanong.

"Iyon ang hindi ko alam. Everytime I see you, you remind me of someone, someone I knew maybe? Pero hindi ko matukoy."

Natawa siya.

"Baka may kamukha o kahawig ako sa mga babaeng nakasalamuha mo na noon pa man?"

Ito naman ang natawa.

"Yeah, maybe."

Biglang lumipad ang pansin nito sa kwintas
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maritess Andaya Nuñez
Update plzzzz
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   THE END

    "I'M sorry for everything we've done," banayad na sabi ni Althea kay Adella. Nasa balkonahe sila ngayon ng mansion nina Apollo at kapwa nakatingin sa ma-bitwin na kalangitan. Napangiti si Adella and she sweetly said, "Matagal na kitang pinatawad, Althea. Pinatawad kita noon pa para sa ikatatahimik ng puso ko, hindi ko naman kayang magalit ng matagal sa isang tao." "Totoo ang sinabi ni Apollo, sadyang napakabuti mo. Tama siya ng babaeng minahal at pinag-alayan ng kanyang puso," ani Althea na mababakas pa rin ang kalungkutan sa tinig. "Lahat tayo, may mabuting puso. Nagkamali ka lang, kayo ng Mama mo. Naiintindihan ko na gusto mo lamang protektahan noon si Apollo sa pag aakalang isa akong mangagamit. Kaya wala akong karapatang masuklam sa'yo, dahil mahal mo lang si Apollo." Nagulat siya nang bigla na lang humikbi si Althea. "Pakiramdam ko, napakasama kong tao. Lahat ng pagkakamali ko ay na-realized ko lamang nang makita ko si Atlas na buhay na ebidensya na anak siya

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 75

    PAMILYAR ang daan na tinatahak nila ni Apollo, hindi nga siya nagkamali nang makarating sila sa penthouse nito. Pinihit ni Apollo ang Seradura at tumambad sa kanya ang loob ng penthouse na matagal na niyang hindi napuntahan. Malinis ito na tila may taong nakatira roon. "Walang nagbago rito. All your things is still here," ani Apollo na nasa unahan niya at nakapamulsa. Pagkaraan ay hinila siya nito palapit at nakita niya ang masayang ngiti nito sa labi. "I'm jealous. Nakailang yakap sa'yo si David," biro ni Apollo na ikinatawa niya. "I salute him. Siya pa lang ang taong nakita kong kayang magparaya. Dahil ako? Pagdating sa'yo, hindi ko nakikita ang sarili ko na nagpaparaya." Napangiti siya sa sinabi nito. "But if ever na siya ang mahal mo at pinili mo, masaya akong ibibigay ka sa kanya because he's a good man." Napanguso siya at yumakap kay Apollo. God! It feels home, pakiramdam niya nang mga oras na 'yon ay buong-buo na siyang muli. "Pinasalamatan mo na ba siya sa

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 74

    "BAKIT hindi mo siya pasukin?" Napalingon si Adella sa nagsalita, nakasilip kasi siya sa salamin ng silid na kinaroroonan ni Apollo. Limang araw na ito roon at stable naman daw ang lagay. Ayaw niyang magpakita sa lalaki, atsaka ngayon lamang niya ito dinalaw ulit. Sa tingin niya kasi mas makakabuti sa kanilang dalawa ni Apollo kung hindi na siya magpakita pa rito. "Ikaw pala David..." "David..." ulit ni David sa sinabi niya. "I mean, honey..." Nagpamulsa si David at ngumiti, "Bakit hindi ka pumasok at kamustahin mo siya? Okay na siya, nakausap ko na siya kanina at ilalabas na siya sa susunod na mga araw," anito. Umiling siya. "Hindi na kailangan, okay na ako sa kaalamang ligtas na siya at para masabi ko kay Atlas, gaya ng sabi mo, okay naman na siya, " aniya na pilit itinatago ang totoong nararamdaman. Bigla siyang niyakap ni David na ikinagulat niya. "Can I invite you for a dinner date next week?" Kumalas siya sa binata at ngumiti. Hindi na siya ma

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 73

    Tahimik silang dalawa ni David sa loob ng kotse nang nasa byahe na sila pauwi. Ligtas na si Apollo, David saved him. At lubos siyang nagpapasalamat doon, kumalma na rin siya at ang matinding pag-aalalang bumalot sa puso niya kanina ay nabawasan. Naroon na din ang pamilya ni Apollo at sila na ang bahala sa binata.Nahihiya niyang tinignan si David na diretso lamang ang tingin sa daan. "About kanina, Sorry kung histerikal na ako. Nag-alala lang ako, Ama pa rin siya ni Atlas," marahan niyang paliwanag.Nilingon siya ni David at nginitian, pagkaraan ay muling binalingan ang daan. "Don't worry, hindi ko naman binigyan ng malisya iyon. After all alam ko namang may pinagsamahan pa rin kayo, so, it's a normal reaction.""Salamat sa pagliligtas mo sa buhay niya...""Tss. Don't mention it, that's my duty as a doctor, honey," magaan na sabi nito. "Oobserbahan ko pa siya, medyo malaki ang sugat sa kanyang ulo," imporma nito. Doon na itinakbo si Apollo nang mga taong nakakita rito, dahil iyon ang

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 72

    "Talk. Hindi ko matagalan na kaharap ka," malamig na sabi ni Apollo sa Ate niya. "Because of you and Mom, I am about to lose her, for the second time. Magpapakasal na siya sa iba, ako dapat 'yun. Pero dahil sa'yo,-""I am sorry." Panimula ni Althea.Hindi agad nakasagot si Apollo, nakakuyom pa rin ang kamao at nakatitig lamang sa kapatid."It's too late.""Alam kong hindi na maibabalik sa'yo ng paghingi ko ng tawad ang mga nawala sa'yo. Nasayang na apat taon sa piling ng anak mo at ang pagkawala sa'yo ni Adella.""Yeah, right."Malungkot na ngumiti ang kanyang Ate. "Gusto lang kitang protektahan noon, because I love you. Akala ko noon, katulad lamang si Adella nang babaeng muntikan ng sumira sa pamilya natin.Hindi makakabuti si Adella sa'yo noon, iyon ang nasa isip ko. Dahil sa kagustuhan kong ilayo ka sa kanya naisip kong gawin ang hakbang na 'yun. Dahil ayokong matulad ka kay Papa."Nag-igting ang mga panga ni Apollo. "But Adella is different," pigil ang emosyong sabi niya."Yes. N

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 71

    Matamlay si Adella nang makauwi sa hacienda, hangang sa makaluwas na sila pa-manila ni Atlas. Sobrang bigat ng nararamdaman niya at hindi alam kung paano pa niya kayang sikilin ang nararamdaman. Pakiramdam niya, ipit na ipit na siya sa sitwasyon at wala na siyang pag-asang maka-alpas doon. "Ayos ka lang ba, hija?" Usisa ng kanyang Ina na si Lucila nang papasok na sana siya sa kwarto niya.Binalingan niya ang Ina, nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Marahan siyang tumango, pero hindi niya napigilan ang sarili, yumakap siya sa Mama niya at bigla na lamang siyang nag-iiyak sa balikat nito. Hindi na kasi niya kinakaya ang bigat sa puso niya...May pag-aalalang hinaplos ni Lucila ang likod ng anak. "Adella, anak. Napapano ka ba? May masakit ba sa'yo? Nag-away ba kayo ni David?" magkakasunod na tanong nito kay Adella. Ngunit hindi makasagot si Adella at patuloy lamang siyang nag-iiyak sa balikat ng kanyang Ina hangang sa kumalma na siya. "Ma, nahihirapan na po ako," aniya sa ba

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status