Dahil sa mga masasamang nangyari sa buhay ni Adella, napilitan siyang pumasok bilang dancer sa isang club, para lamang mabuhay. Hindi niya akalaing doon niya makikita at makikilala ang iniidolong sikat na surfer na si Apollo Williams. Unang pagtatama pa lamang ng mga mata nila, alam na ni Adella na may kakaiba siyang nararamdaman dito. Ngunit paano siya magugustuhan ng isang tinitingalang taong katulad ni Apollo, gayon ang tingin lamang nito sa kanya ay isang mababang uri ng babae. For him, she was just his whore. Magkakaroon kaya ng katugunan ang nararamdaman ng dalaga patungkol dito? O mananatili na lamang siyang bayarang babae para kay Apollo?
Lihat lebih banyak"Wala ka na talagang ginawang matino, Adella!" Tungayaw ni Aling Cedez sa bente-uno anyos na dalaga na nakayuko lamang sa sofa at naluluha, habang tumatalak ang matanda sa harapan niya. Hindi kasi niya naplantsa ng maayos ang uniporme ni Yna- ang tunay na anak nito. Ampon lamang kasi siya ng mga Javier.
"Ulitin mo 'yan! Walang silbi!" Sabay hampas sa kanya ng unipormeng tangan nito. Marahan niyang hinawakan iyon at tumayo para sundin ang ipinapagawa nito. Nagpunta si Aling Cedez sa kusina at ipinagpatuloy ang pag aalmusal. Kumakain na ang mag anak, siya ay hindi pa. Trabaho agad ang ipinapa-asikaso sa kanya, kanina pa nga siya nagugutom eh. "Ayusin niyong kumain, Yna at Grace. Ubusin niyo na ang ulam na 'yan, kumain naman na ang kuya Hector niyo," sabi ng matanda sa mga anak. Ni hindi man talaga siya naisip na tirhan ng pagkain. Gusto na naman niyang mag iiyak, pero wala ng tumutulong luha mula sa mga mata niya. Siguro, dahil sa paglipas ng ilang taong ganitong nararanasan niya ay tumigas na ang loob niya. "Oh? Anong tini-tingin tingin mo d'yan?! Bilisan mo ang ipinapagawa ko, impakta ka!" Baling sa kanya ng matanda. Napayuko siyang muli at ipinagpatuloy ang pagpa-plantsa. "Plantsahin mo na rin ang palda ko, Adella." Dinig niyang utos ng disi-otso anyos na si Grace. Hindi naman kasi magkakalayo ang sala sa kusina. Maliit lamang ang bahay na tinitirhan nila. "Sige," walang ganang sagot niya sa babae. Wala talagang galang si Grace at Yna sa kanya kahit pa na matanda siya sa mga ito. Palibhasa mula pagkabata tinuruan na ng matanda na huwag siyang ituring na kapatid. "Ayaw mo ata eh?" Ani ni Grace bumusangot pa. Napabuntong hininga siya at tumalima. Pumunta sa kwarto ng dalawa at kinuha ang palda ni Grace. "Oh, bakit kayo lang kumakain? Hindi niyo isabay itong si Adella?" Bigla silang napalingon sa pintuan, at nakita roon ang Kuya-kuyahan niyang si Hector. Si Kuya Hector lamang ang mabait sa kanya, mula pa noon. "Busog pa raw eh," sagot ng kinse anyos na si Yna at sabay ngisi sa kanya. "Totoo bang busog ka, Adella?" Baling sa kanya ni Kuya Hector. Napatingin muna siya sa tatlo, na masama ang titig sa kanya bago muling tinignan ang kanyang kuya. Pilit siyang ngumiti at marahan na tumango. Napabuntong ang lalaki pagkatapos ay nilampasan siya, pumunta sa kusina para doon ilapag ang mga dala dalang supot ng pagkain at bigas. Isang Jeepney driver si Kuya Hector. "Wow kuya! Para sa amin ba ito ni Ate Grace?" Excited na bulalas ni Yna. "Hindi lang para sa inyo ni Grace 'yan. Bigyan niyo si Adella." - Hector Nakita niya ang pasimpleng pagismid ng mga ito sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin. Minadali na niyang tinapos ang mga plantsahin at pagkatapos ay naglinis na ng buong kabahayan. Maliit nga pero makalat, dahil sa dalawa niyang kapatid. Nang makaalis na ang dalawa para pumasok sa eskwela at nakaalis na si Aling Cedez para naman magtinda sa palengke, agad siyang nilapitan ni Kuya Hector. "Itigil mo na 'yang paglilinis na iyan Adella. Kumain ka na, alam kong hindi ka busog." Nabitawan niya ang hawak na walis at nahihiyang tumingin kay Kuya Hector. Ginulo nito ang buhok niya. "Kain na. Hindi ko alam sa'yo bakit ka nagpapa api kina nanay. Masyado ka kasing mabait, naku!" Sabi nito sa kanya at umupo sa luma nilang sofa, halata sa hitsura ng kanyang kuya ang pagod sa pamamasada. Madaling araw pa lamang kasi bumabyahe na ito. "Bubugbugin ako ni Nanay, kapag sumagot sagot ako Kuya," aniya at naglakad patungo sa mesa para kumain na. "Sinaktan ka na naman ba niya?" Usisa nito at napatingin sa kanya. "Hindi ha!" Sabay iling. Pero sa totoo lang, kagabi noong wala ang Kuya Hector niya sinampal at sinabunutan siya ni Aling Cedez, dahil lang sa hindi niya nagawan agad ang ipinag uutos nito. "Mabuti naman kung hindi. Maiiwan muna kita diyan at ako ay matutulog lang. Babyahe ako ulit mamaya." Tsaka tumayo ito naglakad patungo sa maliit nitong kwarto. "Matulog ka ng mahimbing Kuya," habol niyang sabi dito. Itinuon niya ang pansin sa pagkain. Gutom na gutom na talaga siya, apat na taong gulang siya nang mapulot siya sa quiapo ni Mang Roben- tatay nina Kuya Hector. Si Mang Roben na namatay din isang lingo matapos siyang matagpuan, kaya ganoon na lamang ang galit sa kanya no Aling Cedez, sabi nito malas siya, namatay ang asawa nito dahil daw sa kanya. May dala dala raw siyang kamalasan. Simula noon puro pagmamalupit na ang dinanas niya sa kamay nito. Ang pangalan niyang Adella, si Kuya Hector nagpangalan sa kanya, pero ang natatandaan niyang pangalan niya ay Gabriella. Atsaka hindi niya talaga alam saan siya nakatira, at anong pangalan ng mga magulang niya. Sana, natandaan niya para hindi niya nararanasan ngayon ang impyernong buhay sa kamay ni Aling Cedez at sa dalawang anak nito. Minsan gusto na niyang maglayas, pero iniisip niya ang Kuya Hector niya at isa pa, wala pa siyang alam na trabaho. Pagkatapos niyang kumain, iniligpit na niya ang mga pinagkainan at ipinagpatuloy na ang paglilinis ng mga kalat na iniwan ng kanyang mga kapatid. Maya maya pa, narinig niya ang mga katok sa pinto. Agad niyang pinagbuksan ang kumakatok. "Oy! Ikaw nga ang magtinda sa palengke! Sumakit ang ulo ko." Nabigla pa siya sa bungad na iyon ni Aling Cedez na nagbalik pala. "Sige po, 'nay. Magbibihis lang po ako." Isang kaltok sa ulo ang ibinigay nito sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. "Boba ka! Huwag ka ng magbihis! Dalian mo na! Maglakad ka na lang, wala akong pambigay ng pamasahe sa'yo." Wala daw pero bukol na bukol ang bulsa nito. Agad agad na siyang lumabas ng bahay at naglakad patungo sa pwesto ng nanay niya sa palengke. Maliit na pwesto na puro gulay lamang ang tinda. Napapatingin siya sa mga kasing edad niya na nakakasubong sa daan, naka uniporme ang mga ito. Buti pa ang mga ito nakakapag aral, siya first year high school lamang ang natapos dahil ipinatigil siya ni Aling Cedez sa pag aaral. Makalipas ang ilang minuto nasa palengke na siya. "Iyan talagang nanay nanayan mo, bigla biglang iniiwan ang pwesto!" Salubong sa kanya ni Aling Mameng. Katabi ng ina sa pwesto. "Tapos kapag may nawala, sa'yo hahanapin. Baliw talaga ang matandang iyon! Tumatandang paurong," dugtong pa ng matanda. Natawa siya. Mas gigil pa ito kesa sa kanya. Umupo siya sa bangkito. "Bakit hindi ka na lamang bumukod hija? Kesa naman sa ginaganyan ka ng mag iina?" Usisa nito sa kanya. Napangiti siya at umiling. "Inaalala ko po si Kuya Hector, aling Mameng. Wala ng mag aalaga roon, wala namang pakialam mga kapatid ko kahit pagod si Kuya. Atsaka isa pa, mag aalala lang iyon sa akin kapag bumukod ako." - Adella."I'M sorry for everything we've done," banayad na sabi ni Althea kay Adella. Nasa balkonahe sila ngayon ng mansion nina Apollo at kapwa nakatingin sa ma-bitwin na kalangitan. Napangiti si Adella and she sweetly said, "Matagal na kitang pinatawad, Althea. Pinatawad kita noon pa para sa ikatatahimik ng puso ko, hindi ko naman kayang magalit ng matagal sa isang tao." "Totoo ang sinabi ni Apollo, sadyang napakabuti mo. Tama siya ng babaeng minahal at pinag-alayan ng kanyang puso," ani Althea na mababakas pa rin ang kalungkutan sa tinig. "Lahat tayo, may mabuting puso. Nagkamali ka lang, kayo ng Mama mo. Naiintindihan ko na gusto mo lamang protektahan noon si Apollo sa pag aakalang isa akong mangagamit. Kaya wala akong karapatang masuklam sa'yo, dahil mahal mo lang si Apollo." Nagulat siya nang bigla na lang humikbi si Althea. "Pakiramdam ko, napakasama kong tao. Lahat ng pagkakamali ko ay na-realized ko lamang nang makita ko si Atlas na buhay na ebidensya na anak siya
PAMILYAR ang daan na tinatahak nila ni Apollo, hindi nga siya nagkamali nang makarating sila sa penthouse nito. Pinihit ni Apollo ang Seradura at tumambad sa kanya ang loob ng penthouse na matagal na niyang hindi napuntahan. Malinis ito na tila may taong nakatira roon. "Walang nagbago rito. All your things is still here," ani Apollo na nasa unahan niya at nakapamulsa. Pagkaraan ay hinila siya nito palapit at nakita niya ang masayang ngiti nito sa labi. "I'm jealous. Nakailang yakap sa'yo si David," biro ni Apollo na ikinatawa niya. "I salute him. Siya pa lang ang taong nakita kong kayang magparaya. Dahil ako? Pagdating sa'yo, hindi ko nakikita ang sarili ko na nagpaparaya." Napangiti siya sa sinabi nito. "But if ever na siya ang mahal mo at pinili mo, masaya akong ibibigay ka sa kanya because he's a good man." Napanguso siya at yumakap kay Apollo. God! It feels home, pakiramdam niya nang mga oras na 'yon ay buong-buo na siyang muli. "Pinasalamatan mo na ba siya sa
"BAKIT hindi mo siya pasukin?" Napalingon si Adella sa nagsalita, nakasilip kasi siya sa salamin ng silid na kinaroroonan ni Apollo. Limang araw na ito roon at stable naman daw ang lagay. Ayaw niyang magpakita sa lalaki, atsaka ngayon lamang niya ito dinalaw ulit. Sa tingin niya kasi mas makakabuti sa kanilang dalawa ni Apollo kung hindi na siya magpakita pa rito. "Ikaw pala David..." "David..." ulit ni David sa sinabi niya. "I mean, honey..." Nagpamulsa si David at ngumiti, "Bakit hindi ka pumasok at kamustahin mo siya? Okay na siya, nakausap ko na siya kanina at ilalabas na siya sa susunod na mga araw," anito. Umiling siya. "Hindi na kailangan, okay na ako sa kaalamang ligtas na siya at para masabi ko kay Atlas, gaya ng sabi mo, okay naman na siya, " aniya na pilit itinatago ang totoong nararamdaman. Bigla siyang niyakap ni David na ikinagulat niya. "Can I invite you for a dinner date next week?" Kumalas siya sa binata at ngumiti. Hindi na siya ma
Tahimik silang dalawa ni David sa loob ng kotse nang nasa byahe na sila pauwi. Ligtas na si Apollo, David saved him. At lubos siyang nagpapasalamat doon, kumalma na rin siya at ang matinding pag-aalalang bumalot sa puso niya kanina ay nabawasan. Naroon na din ang pamilya ni Apollo at sila na ang bahala sa binata.Nahihiya niyang tinignan si David na diretso lamang ang tingin sa daan. "About kanina, Sorry kung histerikal na ako. Nag-alala lang ako, Ama pa rin siya ni Atlas," marahan niyang paliwanag.Nilingon siya ni David at nginitian, pagkaraan ay muling binalingan ang daan. "Don't worry, hindi ko naman binigyan ng malisya iyon. After all alam ko namang may pinagsamahan pa rin kayo, so, it's a normal reaction.""Salamat sa pagliligtas mo sa buhay niya...""Tss. Don't mention it, that's my duty as a doctor, honey," magaan na sabi nito. "Oobserbahan ko pa siya, medyo malaki ang sugat sa kanyang ulo," imporma nito. Doon na itinakbo si Apollo nang mga taong nakakita rito, dahil iyon ang
"Talk. Hindi ko matagalan na kaharap ka," malamig na sabi ni Apollo sa Ate niya. "Because of you and Mom, I am about to lose her, for the second time. Magpapakasal na siya sa iba, ako dapat 'yun. Pero dahil sa'yo,-""I am sorry." Panimula ni Althea.Hindi agad nakasagot si Apollo, nakakuyom pa rin ang kamao at nakatitig lamang sa kapatid."It's too late.""Alam kong hindi na maibabalik sa'yo ng paghingi ko ng tawad ang mga nawala sa'yo. Nasayang na apat taon sa piling ng anak mo at ang pagkawala sa'yo ni Adella.""Yeah, right."Malungkot na ngumiti ang kanyang Ate. "Gusto lang kitang protektahan noon, because I love you. Akala ko noon, katulad lamang si Adella nang babaeng muntikan ng sumira sa pamilya natin.Hindi makakabuti si Adella sa'yo noon, iyon ang nasa isip ko. Dahil sa kagustuhan kong ilayo ka sa kanya naisip kong gawin ang hakbang na 'yun. Dahil ayokong matulad ka kay Papa."Nag-igting ang mga panga ni Apollo. "But Adella is different," pigil ang emosyong sabi niya."Yes. N
Matamlay si Adella nang makauwi sa hacienda, hangang sa makaluwas na sila pa-manila ni Atlas. Sobrang bigat ng nararamdaman niya at hindi alam kung paano pa niya kayang sikilin ang nararamdaman. Pakiramdam niya, ipit na ipit na siya sa sitwasyon at wala na siyang pag-asang maka-alpas doon. "Ayos ka lang ba, hija?" Usisa ng kanyang Ina na si Lucila nang papasok na sana siya sa kwarto niya.Binalingan niya ang Ina, nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Marahan siyang tumango, pero hindi niya napigilan ang sarili, yumakap siya sa Mama niya at bigla na lamang siyang nag-iiyak sa balikat nito. Hindi na kasi niya kinakaya ang bigat sa puso niya...May pag-aalalang hinaplos ni Lucila ang likod ng anak. "Adella, anak. Napapano ka ba? May masakit ba sa'yo? Nag-away ba kayo ni David?" magkakasunod na tanong nito kay Adella. Ngunit hindi makasagot si Adella at patuloy lamang siyang nag-iiyak sa balikat ng kanyang Ina hangang sa kumalma na siya. "Ma, nahihirapan na po ako," aniya sa ba
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen