Hindi naging madali ang pag-eensayo ni Adella. Pero kailangan niyang galingan, dahil sa likas siyang madaling turuan unti unti niyang nalalaman ang pagsasayaw sa pole.
"Wow! Ang galing mo Adella. Ikaw na ata ang pinakamadaling naturuan ko!" Masayang bulalas ni Kimmy. Napaupo siya sa malinis na floor ng studio na iyon at pinunasan ang pawis na nasa noo. Masakit ang mga kamay niya at balikat. Hindi lang kasi pagpa-practice sa pole dancing ang ginagawa ng dalaga. Naggi-gym din siya para mas lalong gumanda at kumurba ang katawan niya. "Dalawang araw lang ang show mo sa isang lingo. Pero 'wag kang mag-worry inday, baka kapag naging in-demand ka, naku! For sure baka walang bakanteng araw ang show mo. Trust me! " Madaldal na sabi ni Kimmy na ngayon ay nakitabi sa kanya sa pag-upo. "Talaga? Pero alam mo okay lang sa akin na dalawang araw muna ako. Kasi medyo hindi pa ako sanay sa alam mo na, " kimi niyang sabi. Tinapik siya ng bakla sa legs. "Inday, alam mo dapat mag aral ka na rin paano maging fierce o 'yung tipong hindi probinsyana ang peg! I swear! Mas lalakas ang appeal mo day! " Napangiti siya. Hirap naman kung babaguhin niya ang sarili niya, mahihirapan siya dahil eversince ganoon na siya. "Osige na tumayo ka na diyan at ng makauwi na tayo. Gutom na ako noh!" Sabay tayo ni Kimmy. Kendeng palakad papunta sa mga bags nila. Napapailing siyang tumayo at nagtungo na rin sa pinuntahan ni Kimmy. __________________________________________ __________ Mabilis lumipas ang mga araw, ngayong gabi nga ay ang unang sabak ni Adella sa club. Kaya ang nararamdaman niyang kaba ay hindi biro. "Addie." Napalingon siya sa tumawag. Sabi ni Kimmy 'Addie' ang pangalan niya kapag nasa club. "Kimmy, bakit?" "Mag-relax ka lang ah? Huwag kang papalamon sa kaba nang hindi ka magkandatapilok sa stage. Okay?" Mahigpit nitong bilin sa kanya. Ngumiti siya at tumango. "Here, take it, inday." May iniabot itong itim na maskra sa kanya, half lamang iyon na matatakpan lamang ang mga mata hangang ilong. "Para saan 'to?" Naguguluhan niyang tanong sa bakla. "Tonta! Isusuot mo 'yan mamaya. Gimik natin, para mas ma-curious sila ano ang mukha sa likod ng maskra na iyan. Atsaka makakatulong 'yan para hindi ka gaanong mahiya." Napatango siya. Tama naman ito, medyo hindi siya kakabahan kapag isinuot niya ang mask na 'yun "Mamayang 8:30 turn mo. So, beaty rest ka muna diyan. Mamaya babalikan kita at ako ang magme-make up sa'yo." Tumango siya at umalis na si Kimmy. Nasa preparation room kasi siya nang mga oras na 'yun. Wala siyang kasama dahil kasalukuyang nakasalang ang mga kasama niya sa stage. Makalipas ang ilang sandali, muling bumalik si Kimmy para ayusan siya. Nilagyan nito ng extension ang buhok niya tapos kinulutan nito iyon. Light make up lang ang inilagay nito dahil maganda naman na daw siya. Kinapalan lang nito ang red lips stick niya para mas maging kaakit akit daw ito. Pinasuotan siya nito ng itim na heart shape na tube, litaw ang pusod niya at isang maikling shorts. Black din iyon. Tapos ay stockings at 3inch na black na stilletos, na lalong nagpatangkad sa kanya. "Tayo ka nga." Tumayo siya at nakita niya paanong kuminang ang mga mata ni Kimmy sa hitsura niya. "Perfect! Napakaganda mo Inday! Tingin ko magiging star ka nitong Stary Club!" Pumapalakpak pa ito. Namula ang mukha niya. Hindi siya sanay na pinupuri, tumingin siya sa malaking salamin at nakita niya ang sarili. Hindi siya makapaniwala na nakatingin siya sa kanyang sariling reflection. Tunay ngang napakaganda niya at naging kaakit akit ang kanyang hitsura. "Galingan mo! Para makita ni Madam ang performance mo para makarami kang tip." Tumango siya. Napabuntong hininga at inisip ang kalagayan niya ngayon, magbabayad ng bahay, mag-share sa pagkain nila sa apartment. Tapos mag iipon para makapagsimulang muli kapag naisipan niyang iwan ang club "Kayanin mo Adella. Nag-iisa ka na lang sa buhay, kaya kayanin mo!" Kausap niya sa sarili. Kakayanin niya para maka-survive siya. "Wow! Ang ganda mo Addie." Napatingin siya kay Marj na bagong dating, kasama si Ritz at iba pang mga nagtatrabaho sa club. "Salamat, Marj." "Naku! Maraming mababaliw na matanda sa'yo. Ingat ka," natatawang sabi namam ni Ritz. Kinabahan siya. "Gaga ka Ritz, huwag mong tinatakot 'yang si Losang." Dinig niyang sabi ng isa pa nilang kasama na si Osang. "Oh siya na inday, tara na at turn mo na. Good luck!" Ani Kimmy. "Good Luck, Addie." Sabay sabay na sabi ng mga kasama niya. Tumango at ngumiti siya sa mga ito. Tsaka na sila lumabas ng room ni Kimmy. _____________________________________________ ____________________ Kasalukuyang nakaupo sa may madilim na bahagi ng club na iyon si Apollo. Nag-iisa habang abala sa pagsimsim sa alak na hawak niya. Karaniwan ay nagpapa VIP room siya, pero dahil mag-isa lamang siya ngayong sabado kaya naisipan niyang magsolo muna. Medyo malapit sa stage upang makita ang mga live band ng Stary. Kaso nang matapos ang mga ito, biglang tumahimik ang paligid nang ang baklang si Kimmy ay nagpunta sa gitna ng entablado. Kilala na niya ang floor manager na 'yun, since matagal na siyang customer ng Stary Night Club. "Good Evening everyone! Patalastas muna. Meron lang po tayong sasalubunging bagong babies ng Stary night." Umalis ito sa entablado at namatay ang ilaw ang stage. Binitiwan niya ang hawak na kopita at curious na tinignan ang mga susunod na mangyayari. "I would like to introduce, our new pole dancer, Let's welcome, Addie!" Tinig iyon ni Kimmy mula sa back stage. Naghiyawan ang mga tao at natuon ang pansin sa entablado. Tumama ang spot light sa pinaka gitna kung saan nakatayo ang isang babaeng naka maskara, habang nakahawak ito sa pole. Iba ang gimik ngayon ng club, naka mask ang bagong dancer, mas nakakadagdag sa curiousity ng mga manonood. Kabilang siya doon. Dahil hindi biro ang babaeng nakabalandra ngayon sa stage. Matangkad ito, lalo pang tumangkad dahil sa heels na suot. Masasabing niyang napaka perpekto ng kurba ng katawan nito na mas nakakadagdag sa appeal ng kung sinumang babaeng 'yun. Napaka kinis rin nito. Tinuon niya ang pansin sa mukha nito, at dahil natatakpan ng half mask, ibabang parte lamang ang nakikita niya. Matangos ang ilong at napakaganda ng mga labi nito. Wari'y nang aakit, lalo na nang may simpleng ngiting napunit doon. He felt the urge to take off that mask at makita kung sino at ano ang hitsura ng babaeng iyon sa likod ng itim na maskra. "Who are you..." bulong ng binata habang pinagmamasdan ang marahang paggalaw ng babae nang pumailanlang ang malamyos na musika."I'M sorry for everything we've done," banayad na sabi ni Althea kay Adella. Nasa balkonahe sila ngayon ng mansion nina Apollo at kapwa nakatingin sa ma-bitwin na kalangitan. Napangiti si Adella and she sweetly said, "Matagal na kitang pinatawad, Althea. Pinatawad kita noon pa para sa ikatatahimik ng puso ko, hindi ko naman kayang magalit ng matagal sa isang tao." "Totoo ang sinabi ni Apollo, sadyang napakabuti mo. Tama siya ng babaeng minahal at pinag-alayan ng kanyang puso," ani Althea na mababakas pa rin ang kalungkutan sa tinig. "Lahat tayo, may mabuting puso. Nagkamali ka lang, kayo ng Mama mo. Naiintindihan ko na gusto mo lamang protektahan noon si Apollo sa pag aakalang isa akong mangagamit. Kaya wala akong karapatang masuklam sa'yo, dahil mahal mo lang si Apollo." Nagulat siya nang bigla na lang humikbi si Althea. "Pakiramdam ko, napakasama kong tao. Lahat ng pagkakamali ko ay na-realized ko lamang nang makita ko si Atlas na buhay na ebidensya na anak siya
PAMILYAR ang daan na tinatahak nila ni Apollo, hindi nga siya nagkamali nang makarating sila sa penthouse nito. Pinihit ni Apollo ang Seradura at tumambad sa kanya ang loob ng penthouse na matagal na niyang hindi napuntahan. Malinis ito na tila may taong nakatira roon. "Walang nagbago rito. All your things is still here," ani Apollo na nasa unahan niya at nakapamulsa. Pagkaraan ay hinila siya nito palapit at nakita niya ang masayang ngiti nito sa labi. "I'm jealous. Nakailang yakap sa'yo si David," biro ni Apollo na ikinatawa niya. "I salute him. Siya pa lang ang taong nakita kong kayang magparaya. Dahil ako? Pagdating sa'yo, hindi ko nakikita ang sarili ko na nagpaparaya." Napangiti siya sa sinabi nito. "But if ever na siya ang mahal mo at pinili mo, masaya akong ibibigay ka sa kanya because he's a good man." Napanguso siya at yumakap kay Apollo. God! It feels home, pakiramdam niya nang mga oras na 'yon ay buong-buo na siyang muli. "Pinasalamatan mo na ba siya sa
"BAKIT hindi mo siya pasukin?" Napalingon si Adella sa nagsalita, nakasilip kasi siya sa salamin ng silid na kinaroroonan ni Apollo. Limang araw na ito roon at stable naman daw ang lagay. Ayaw niyang magpakita sa lalaki, atsaka ngayon lamang niya ito dinalaw ulit. Sa tingin niya kasi mas makakabuti sa kanilang dalawa ni Apollo kung hindi na siya magpakita pa rito. "Ikaw pala David..." "David..." ulit ni David sa sinabi niya. "I mean, honey..." Nagpamulsa si David at ngumiti, "Bakit hindi ka pumasok at kamustahin mo siya? Okay na siya, nakausap ko na siya kanina at ilalabas na siya sa susunod na mga araw," anito. Umiling siya. "Hindi na kailangan, okay na ako sa kaalamang ligtas na siya at para masabi ko kay Atlas, gaya ng sabi mo, okay naman na siya, " aniya na pilit itinatago ang totoong nararamdaman. Bigla siyang niyakap ni David na ikinagulat niya. "Can I invite you for a dinner date next week?" Kumalas siya sa binata at ngumiti. Hindi na siya ma
Tahimik silang dalawa ni David sa loob ng kotse nang nasa byahe na sila pauwi. Ligtas na si Apollo, David saved him. At lubos siyang nagpapasalamat doon, kumalma na rin siya at ang matinding pag-aalalang bumalot sa puso niya kanina ay nabawasan. Naroon na din ang pamilya ni Apollo at sila na ang bahala sa binata.Nahihiya niyang tinignan si David na diretso lamang ang tingin sa daan. "About kanina, Sorry kung histerikal na ako. Nag-alala lang ako, Ama pa rin siya ni Atlas," marahan niyang paliwanag.Nilingon siya ni David at nginitian, pagkaraan ay muling binalingan ang daan. "Don't worry, hindi ko naman binigyan ng malisya iyon. After all alam ko namang may pinagsamahan pa rin kayo, so, it's a normal reaction.""Salamat sa pagliligtas mo sa buhay niya...""Tss. Don't mention it, that's my duty as a doctor, honey," magaan na sabi nito. "Oobserbahan ko pa siya, medyo malaki ang sugat sa kanyang ulo," imporma nito. Doon na itinakbo si Apollo nang mga taong nakakita rito, dahil iyon ang
"Talk. Hindi ko matagalan na kaharap ka," malamig na sabi ni Apollo sa Ate niya. "Because of you and Mom, I am about to lose her, for the second time. Magpapakasal na siya sa iba, ako dapat 'yun. Pero dahil sa'yo,-""I am sorry." Panimula ni Althea.Hindi agad nakasagot si Apollo, nakakuyom pa rin ang kamao at nakatitig lamang sa kapatid."It's too late.""Alam kong hindi na maibabalik sa'yo ng paghingi ko ng tawad ang mga nawala sa'yo. Nasayang na apat taon sa piling ng anak mo at ang pagkawala sa'yo ni Adella.""Yeah, right."Malungkot na ngumiti ang kanyang Ate. "Gusto lang kitang protektahan noon, because I love you. Akala ko noon, katulad lamang si Adella nang babaeng muntikan ng sumira sa pamilya natin.Hindi makakabuti si Adella sa'yo noon, iyon ang nasa isip ko. Dahil sa kagustuhan kong ilayo ka sa kanya naisip kong gawin ang hakbang na 'yun. Dahil ayokong matulad ka kay Papa."Nag-igting ang mga panga ni Apollo. "But Adella is different," pigil ang emosyong sabi niya."Yes. N
Matamlay si Adella nang makauwi sa hacienda, hangang sa makaluwas na sila pa-manila ni Atlas. Sobrang bigat ng nararamdaman niya at hindi alam kung paano pa niya kayang sikilin ang nararamdaman. Pakiramdam niya, ipit na ipit na siya sa sitwasyon at wala na siyang pag-asang maka-alpas doon. "Ayos ka lang ba, hija?" Usisa ng kanyang Ina na si Lucila nang papasok na sana siya sa kwarto niya.Binalingan niya ang Ina, nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Marahan siyang tumango, pero hindi niya napigilan ang sarili, yumakap siya sa Mama niya at bigla na lamang siyang nag-iiyak sa balikat nito. Hindi na kasi niya kinakaya ang bigat sa puso niya...May pag-aalalang hinaplos ni Lucila ang likod ng anak. "Adella, anak. Napapano ka ba? May masakit ba sa'yo? Nag-away ba kayo ni David?" magkakasunod na tanong nito kay Adella. Ngunit hindi makasagot si Adella at patuloy lamang siyang nag-iiyak sa balikat ng kanyang Ina hangang sa kumalma na siya. "Ma, nahihirapan na po ako," aniya sa ba