Share

CHAPTER 3

CHAPTER 3

PERILOUS ASUNCION's POV

"LET's go check it. Kala mo makakatakas ka?"Nakangising sabi niya sakin na ikinalaki ng aking mga mata.

Gagong 'to sino ba siya sa inaakala niya? Pinapakulo niya talaga ang dugo ko!

Argh! Kung hindi lang talaga 'to Presidente sa Campus na 'to at hindi ito masiyadong kilala baka kanina ko pa binali ang leeg ng isang 'to.

Kung makautos sa'kin parang siya ang hari, letse lang talaga.

E ano naman kung hindi ako naka-uniform? Sa kanila ba ang buhay ko? Sa kanila ba ang katawan at utak ko? Ha?

Hinawakan niya ang aking mga kamay at hinila papalapit sa kaniya, tumalikod siya sakin at nagsimulang maglakad ngunit ang kaniyang kamay ay nanatili paring nakahawak sa kamay ko.

So in other words, HHWW kami. Holding hands while walking.

Yucks. May pagka-ninja pala 'tong letseng presidente nila e. Kapal talaga ng mukha.

Sino ba siya para hawakan ang kamay ko ng ganun-ganun lang? Ibalibag ko kaya 'to e.

Balak ko sanang bawiin ang kamay ko ng mas lalong higpitan niya ito at lumingon siya sakin sabay tingin ng masama na ikinakunot ko.

"Problema mo?"Inis na tanong ko sa kaniya pero nginisehan lang niya ako.

Nakarating na kami sa Cr ng mga kababaehan at tiningnan niya naman kong malinis ba talaga.

Duh.. wala ba 'tong tiwala sakin?Nakataas ang kilay ko sabay crossed arm habang hindi parin maialis ang ngise ko.

"Ano?"Mapanghamong sabi ko sa kaniya na siya na itong tumaas ang kilay.

"Tsk. Wag ka munang magpakasaya, may Cr pa ng lalaki."Sabi niya sakin kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya irapan.

Isa siyang tangina. Tanginang gago.

"Whatever."Sabi ko at tinalikuran ko na siya.

Nauna akong pumunta sa Cr, naramdaman ko naman siyang sumunod sakin.

Tumigil ako sa harap ng pinto at tiningnan siya.

"Lead the way, Mr. President."Nakangising sabi ko sa kaniya pero he just gave me a cold stare.

Akala niya masisindak niya ako sa pa-cold cold niya? Psh! Asa siya dahil hindi yan mangyayari.

Hindi niya ako matatakot kahit pa patayin niya pa ako sa isip niya, hinding-hindi. Tss.

Nauna naman siyang pumasok sa room, hinintay ko nalamang siyang lumabas.

Ayoko nang pumasok roon sa Cr nila, Like Eww.. Cr 'yun ng mga boys.

Habang naghihintay ako kung kailan lalabas ang ugok na Presidenteng 'yun, nag-Instagram muna ako.

Napatigil ako sa pagscroll down ng maramdaman ko ang presensya ng lalaking 'to.

Humarap naman ako sa kaniya, malaki ang kaniyang ngise mukhang abot langit ang ngise ng lalaking to.

Dali dali naman akong pumasok sa Cr at nakita ko naman na marumi pa ito.

What the heck! Inutusan ko ang pangit/ manyak na siya nalang ang maglinis ng Cr nila. Fudge.

Hinarap ko naman siya. "Asan 'yung lalaking Pangit na Manyak dito? 'Yung palaging nakangise?"

"Aba, malay ko."Nakangising sabi niya na ikina-inis ko naman.

Napatigil ako ng may nagsalita sa likod ko.

"Ako ba ang hinahanap mo, Binibini?"Nakangising sabi nito sakin na ikinainis ko.

Peste! Ang creepy niyang ngumite, para siyang napipilitan na ngumite, 'yung nasa mga horror movies na 'yung palaging ngumingite.

"Ay hindi.. si Mr. President yung hinahanap ko."Sarkastikong sabi ko sa kaniya at parang inosente naman itong tumingin sakin at tinuro si Presidentangina.

"Nasa likod niyo lang siya, Binibini. Hindi niyo ba siya nakikita?"Nakangising sabi nito na mas lalong ikinainis ko naman.

Isa pang ngise nito, bungi 'to sakin.

"Malay ko. Teka nga.. ‘Diba sabi ko sayo na linisan mo 'tong Cr na 'to?"Inis na sabi ko sa kaniya pero nginisehan lang niya ako na mas lalong ikinainis ko.

Konting pasensya lang mapapatay ko 'tong lalaking 'to. Letche.

"Ha? May sinabi ka bang ganun, Binibini? Ang sabi mo lang naman na tulungan kitang linisan ito."Nakangising sabi niya na para bang wala itong ginawang masama.

Okay, nasasagad niya na talaga ang pasensiya ko baka hindi ako makapagpigil na ilagay ko nag ulo nito sa bowl.

"Oo nga. Sinabi ko nga 'yun."Inis na sabi ko sa kaniya na ikinakunot naman niya pero nanatili parin ang ngise sa kaniyang labi.

"Bakit po kayo lumabas? Na para bang ako lang ang pinaglilinis mo dito? Kala ko tayong dalawa?"Sabi niya na ikina-irap ko.

"Ulol mo. Walang tayo."Inis na sabi ko na ikinangise naman niya.

"Alam ko naman 'yon, Binibini. Pero kung gusto mo, Pwede rin naman na maging tayo."Nakangising sabi niya sakin na ikinapikit ko sa aking mga mata dulot sa inis.

Bu-bulyawan ko na sana siya ng magsalita si Presidentangina.

"Kung maglalandian kayo, 'wag sa harap ko. And you..." Turo niya kay Pangit/Manyak "Stop bothering her and go to your respective class. And you lady." sabay turo sakin " Clean this Cr all by yourself, Don't dare to escape. Nasa labas lang ako magbabantay sa'yo."Sabi niya na ikinairap ko naman dahil sa inis.

"Whatever Mr.Presidentangina."I whisperly said, enough to let him hear what I just said.

"What did you say?"Nakataas na ang kilay niya habang matatalim na ang kaniyang mga mata na para bang wala pang ilang minuto ay patay kana.

"Tanong mo sa bato. Tanginamopo."Sabi ko sabay kurimpas ng takbo malayo sa kaniya pero nasa loob parin ako ng Cr, kasi nga maglilinis pa ako.

Pucha, hindi naman ako pumasok sa paaralan para lang maging isang janitress. Putek!

Narinig ko pa ang pahabol niyang sigaw sakin

"That's your First Warning."

Oh diba? May pa warning, warning pang nalalaman. Hindi niya ba alam ang katagang " Basta may warning, mas exciting" syempre mapapasabak ka sa gulo no'n kaya nga naging exciting.

Ganda ng pambongad sakin ng presidente nila dito, first day of school naging janitress na ako. Hah! Pasalamat siya na naka-Masunurin Mode ako ngayon dahil kung hindi baka masapak ko na ang tanginang 'yun.

Langya talaga ang Presidente nila. Ganito pala sila magwe-welcome ng mga transferee. Sarap ilunod siya sa bowl. Letche lang talaga.

Nang matapos na ako, I throw my gloves and my mask near the bin. I also wash my hands, naglagay na rin ako ng alcohol, kulang nalang iligo ko na ito sa katawan ko.

Paksyett na malutong. Ayoko na tuloy bumalik sa Cr na 'to, this is the Worst! Hinding hindi na ulit ako maglilinis dito. I swear.

Lumabas na ako na nakangiwi, nakita ko naman si Mr. Presidentangina na nakapamulsa.

He stares at me from head to toe, hagard na yung mukha ko pero I seems not to mind. I don't care.

I raised my eyebrow. "What?"

"Nothing. You looked like a shit."He said na ikina-irap ko.

"Whatever.. and also ang mga kauri mong lalaki ay isang napakalaking Gago. Hindi man lang marunong maglinis ng kanilang Cr. Hinding hindi na talaga ako babalik doon at mas lalong ayaw ko ng maglinis ulit."Inis na sabi ko sa kaniya.

"If you don't want to be punished again, then follow the rules and always obey me."Malamig na sabi niya na ikinangise ko.

"Follow? Like what I've said, I'm not a rule follower and I, Perilous Asuncion will never obey nor follow you."

Nakangising sabi ko sa kaniya at saka nagflying kick-- kiss sa kaniya na ikinatahimik niya naman habang nakatingin parin sakin.

"Bye."Natatawang sabi ko sa kaniya at iniwan siya doon na walang imik.

Napangise ko, well mukhang hindi na maging boring ang araw ko everytime na papasok ako sa Paaralang 'to.

Pero mas maganda parin kung may darating na gulo.

Napasimangot tuloy ako ng maalala ko ang sinabi ni Nay Linda sakin na huwag akong sasali sa mga gulo, eh talagang habulin naman talaga ako ng gulo.

Mukhang mapapa-friendly mode muna ako.for now.

•End of Chapter 3•

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status