Share

Chapter 164

Author: Cathy
last update Last Updated: 2025-05-26 22:10:30

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

"May the best man win, Uncle!" huling katagang narinig ko mula kay David bago ko narinig ang pagbukas sara ng pintuan ng opisina. Palatandaan na umalis na siya. Mabuti na din kung ganoon. Baka kasi kapag magtagal pa siya dito sa opisina ni Lucian, magkasikatan pa silang mag tiyuhin.

Haysstt, hindi yata nakakatuwa ang ganito. Ano ba ang nakain nitong si David at bakit gusto niya na naman ako ngayung ligawan? Hiwalay na kami tapos gusto niyang ibalik ang relasyon namin na malabo nang mangyari.

Ayaw ko na sa kanya! Simula noong naghiwalay kami, tuluyan na ding naglaho ang pagtingin na nararamdaman ko sa kanya. Hindi na kami pwede at wala na din akong balak pang tumangap ng manliligaw.

Naku, talaga naman! Kay hirap ng ganito. Siguro, didikit na lang ako palagi kay Lucian para hindi na ako na malapitan pa ng David na iyun kahit kailan. At least kay Lucian, naging palagay na ang loob ko sa kanya at nangako na siya sa akin na hindi niya na uulitin ang mg
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Razel Manejo
more update plsss
goodnovel comment avatar
Rose Japitana Prado
more update po
goodnovel comment avatar
Allen
more update po please...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 168

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Kakausapin ko si Ms. Mayette na simula bukas, kailangan ka na niyang turuan sa mga trabaho na dapat mong matutunan." nakangiti niyang muling bigkas pagkatapos kong magpahayag ng pagpayag sa alok niyang maging secretary niya. Nakangiti naman akong tumango. "So, I think we need to go! Kakain pa tayo..." muli niyang bigkas. Wala sa sariling napatitig ako sa mga street foods na binili ko kanina bago ako tumango. Ayaw ko nang pilitin si Lucian na kainin ito. Baka kasi sumakit ang tiyan niya at ako pa ang masisisi sa bandang huli. Kailangan ko din irespito ang gusto niya kagaya ng ipinapakita niyang respito sa akin ngayun. "Okay." nakangiti kong sagot at nauna na nga siyang tumayo tapos inalalayan niya pa nga ako na makatayo. Siya na din ang dumampot sa mga street foods na binili ko kanina tapos tinawag niya ang tagalinis at iniabot niya iyun kasama ang ilang pirasong papel. "Sa amin na ito, Sir? Naku, thank you Sir." narinig ko pang wika ng taga linis

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 167

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "LUCIAN....ang sama mo!" angal ko kaagad sa kanya. Pabiro ko pa siyang nahampas sa kanyang balikat dahil sa labis kong pagkagulat. Imagine, ipo-promote niya daw sa posisyon? Akala ko ba ako ang mas mahalaga sa kanya? Akala ko pa naman ayaw niyang may mang-api sa akin pero bakit ganito ang naging sagot niya sa akin? "Hey, nagbibiro lang ako. Of course, hindi ako papayag na may mang-api sa iyo. Sabihin mo sa akin kung sino iyang nang tsismis sa iyo para madisiplina ko." nakangiti niyang sagot sa akin. "Talaga? Hmp, mabuti at sinabi mo kaagad sa akin ngayun na nagbibiro ka lang kung hindi, hindi na talaga ako makikipagbati sa iyo" nakaingos kong sagot sa kanya. Pagkatapos noon, buong paglalambing na humawak ako sa kanyang braso at inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Haystt, hindi ko akalain na darating ako sa ganitong punto. Na muli akong magtiwala ulit sa taong labis na nanakit sa akin noon. "Mas masarap palang magmahal si Lucian bilan

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 166

    PREICIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "HOW about your Dad? I mean, sorry sa tanong ko. Okay lang naman sa akin kung ayaw mong magkwento eh. Walang problema. Nagkataon lang kasi talaga na curious ako lalo na at nag start ka nang magkwento." seryosong bigkas ko. Muli siyang napatitig sa malayo habang nababanaag ko pa rin sa mga mata niya ang matinding lungkot. "Ganoon din si Dad! Kung sinu-sinong babae ang inasawa niya dati hangang sa isang araw, nahawaan siya ng isa niyang babae ng sakit at naging dahilan ng kanyang maagang pagpanaw." seryosong sagot niya sa akin. Lalo naman akong nagulat dahil sa narinig. "Palekero kasi eh. Hindi kayang panindigan ang binuong pamilya at hindi makontento sa iisang babae kaya maagang na-karma at maagang namaalam dito sa mundo." seryoso niyang bigkas. "Sorry...hindi ako alam." seryosong bigkas ko. Hindi ko naman din talaga alam ang tungkol dito dahil kahit na gaano pa kayaman at kakilala sa lipunan ang pamilya nila, walang napapabalitang mga ganitong ba

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 165

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV ''TRY THIS!" buong pagkasabik kong bigkas kay Lucian sabay subo sa kanya ng hawak kong binalatan kong balot. Hindi talaga siya nakailag nang bigla ko na lang isinalpak sa bibig niya kaya naman kaagad na nagsalubong ang kilay niya sabay takip sa sarili niyang ilong. Nandito kami sa isang park kung saan makikita ang mga pami-pamilyang namamasyal. Ang iba pa nga ay naglatag ng banig sa damuhan habang may mga pagkain sa harapan nila. Pami-pamilya ang naririto pero may ilan din sa mga magkasintahan yatang naliligaw. Alam kong first time ni Lucian ang pumunta sa mga ganitong lugar. Pero wala siyang nagawa nang sabihin ko sa kanya kanina pagkalabas namin ng opisina na dito ko gustong pumunta. May nabili kaming parang plastic na inilatag din namin sa damuhan kung saan nasa harapan din namin ang iba't i bang street foods na binili namin kanina. Nakiki picnik din kami kasama ng iba pang mga tao na naririto. "Ahhh. God! What is this? Smell like a rotten som

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 164

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "May the best man win, Uncle!" huling katagang narinig ko mula kay David bago ko narinig ang pagbukas sara ng pintuan ng opisina. Palatandaan na umalis na siya. Mabuti na din kung ganoon. Baka kasi kapag magtagal pa siya dito sa opisina ni Lucian, magkasikatan pa silang mag tiyuhin. Haysstt, hindi yata nakakatuwa ang ganito. Ano ba ang nakain nitong si David at bakit gusto niya na naman ako ngayung ligawan? Hiwalay na kami tapos gusto niyang ibalik ang relasyon namin na malabo nang mangyari. Ayaw ko na sa kanya! Simula noong naghiwalay kami, tuluyan na ding naglaho ang pagtingin na nararamdaman ko sa kanya. Hindi na kami pwede at wala na din akong balak pang tumangap ng manliligaw. Naku, talaga naman! Kay hirap ng ganito. Siguro, didikit na lang ako palagi kay Lucian para hindi na ako na malapitan pa ng David na iyun kahit kailan. At least kay Lucian, naging palagay na ang loob ko sa kanya at nangako na siya sa akin na hindi niya na uulitin ang mg

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 163

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV HINDI NAMAN ako nakatulog dahil kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko habang nandito ako sa secret room ni Lucian. Hindi talaga ako comfortable lalo na at saksi itong secret room sa mga ginagawa namin ni Lucian dati. Halos isang oras din akong nag stay dito sa loob ng secret room bago ako nagpasyang lumabas na. Kaya lang, akmang lalabas na sana ako nang matigilan ako dahil narinig kong may kausap si Lucian. Familiar sa akin ang boses ng kausap niya ngayun kaya muli kong isinara ang pintuan at nag-iwan lang ng kaunting awang para marinig ko ang kung ano man ang mga pinag-uusapan nila. "Get lost! Hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag na huwag ka nang pumunta dito sa opisina ko? Hindi ka ba talaga titigil, David?" halata ang galit sa boses ni Lucian habang sinasabi ang katagang iyun. "SAbihin mo sa akin kung nasaan si Amber para tumigil na ako, Uncle. Ano ba...kailan mo ba matatangap sa sarili mo na mahal ko si Amber!" seryosong sagot nam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status