PRECIOUS AMBER RODRGIEUZ POV KAGAYA ng naging plano ko, sila Sapphire at Ms. Mayette ang kasabay kong kumain ng lunch. Marami naman din kasi itong mga pagkain na binili sa akin ni Lucian at sobra-sobra pa nga sa amin. Kung naging mabait sana sila Mary, Anne at Susan sa akin, baka pati sila naambunan eh. After namin kumain ng lunch, dumating din naman si Lucian galing sa labas. Napansin kong medyo stress ang mukha nito at nakasimangot. Mukhang wala siya sa mood. Mukhang mainit ang ulo niya na labis kong ipinagtaka. Kanina lang, kausap ko siya tapos ngayun biglang nagbago na naman ang ihip ng hangin Puntahan ko kaya siya sa office niya at tanungin? BAka kasi bigla na naman bumalik sa dati ang ugali niya eh. Hehehe! Nasa ganoon akong pag-iisip nang bigla akong lapitan ni Ms. Mayette. Sinabi nito sa akin na pinapatawag daw ako ni Lucian. Hindi ko tuloy mapigilan ang matuwa. Kanina lang, iniisip ko na puntahan si Lucian sa loob ng opisina niya pero kusa niya na akong pinapataw
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV"UYYY, dumating na ang bakasyonista. Imagine, three days nawala sa opisina? Ang lakas mo boi!" saktong pagkaupo ko sa aking pwesto nang marinig ko na naman ang patutsada ni Susan sa akin. Alam kong ako ang pinaparingan niya dahil ako lang naman ang nagleave ng three days sa aming lahat dito. "Naglipat ako ng tirahan at nagpaalam ako sa HR na magli-leave ako at pinayagan nila ako kaya wala naman sigurong problema iyun diba?" sagot ko din naman kaagad. Pagkatapos noon, parang wala lang na binuksan ko na ang computer na nasa harapan ko."Ang sabihin mo, masyado ka lang sipsip kaya lahat ng gusto mo, nasusunod. Sabagay, ganda pala ng puhunan mo para makuha mo lahat ng gusto mo." sabat naman ni Anne. Ang laki na talaga ng inggit nila sa akin. Grabe ang mga ito. Hindi inaano pero parang gusto nilang ubusin ang pasensya ko."Tama na nga iyan. Ano ba kayo, Bakit si Amber na lang ang palagi niyong nakikita? Hindi niya kasalanan kung na-aapproved ang leave niy
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV MAS naging magaan ang buhay ko sa paglipas ng mga araw. Masasabi ko na malaki talaga ang naitulong sa akin sa pagkakasundo naming dalawa ni Lucian. Sa isang iglap, biglang naglaho ang takot ko sa kanya! Sa isang iglap, bigla din akong nagkaroon ng kaibigan sa katauhan niya. Ininsist niya na isang linggo daw na bakasyon ang ibibigay niya sa akin dahil pumayag akong bumalik sa penthouse kung saan kami nakatira dati pero mas pinili ko ang tatlong araw na leave lang. Wala din naman akong gagawin sa penthouse liban sa tumunganga at maghintay ng oras. Alam na din ni si Sapphire ang tungkol sa paglipat ko at sinabi niya sa akin na masaya daw siya sa naging desisyon ko. Dapat lang daw na tirhan ko ang penthouse dahil akin naman daw ito. Regalo sa akin ni Lucian noong maayos pa ang pagsasama namin. Kaasalukuyan akong nag-aayos para sa pagpasok sa opisina nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Maliban kay Lucian at Sapphire, wala naman akong ibang inaasa
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGKATAPOS kong maligo at makapag-bihis ng kumportableng damit, muli akong lumabas ng silid kung saan naabutan ko si Lucian na nasa dining area na at nag-iimpisa nang kumain. "Let's eat!" nakangiti nitong pagyaya sa akin. Mabilis na din akong naglakad palapit sa kanya at naupo sa katapat ng upuan niya "Umorder ka ng mga foods?" nakangiti kong tanong. Sinipat ko ng tingin ang mga pagkain na nasa mesa at hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa nang mapansin ko na may sinangag. I mean, filipino breakfast ang nasa hapag kainan namin ngayun. " Pinabili ko ang isa sa mga bodyguards ko. Mabuti na lang talaga at malapit sa lahat itong penthouse mo. Hindi na tayo mahirapan sa pagkain lalo na mukhang tamad ka pa namang magluto." nakangisi nitong wika sa akin. Wala sa sariling kaagad ko din naman siyang pinandilatan. Bakit kasama siya sa hindi mahihirapan sa paghahanap ng pagkain? Bakit dito ba siya titira kasama ko? Hindi ako papayag. "Hindi ako tamad. N
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KINAUMAGAHAN, saktong kakagising ko lang nang narinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng door bell. Wala sa sariling napabangon ako at muli ding napahiga nang maramdaman ko na sobrang inaantok pa talaga ako. "Ano ba iyn? Ang aga-aga pa! Sino ba iyang isturbo na iyan." naiinis kong bigkas. Wala sa sariling napasabunot ako sa sarili kong buhok at muling napabangon. Paano ba naman kasi, mukhang walang balak na tumigil ang kung sino ang nasa labas at panay ng pindot ng door bell. "Sadali. Sino ba iyan? Ang aga-aga pa eh." naiinis kong bigkas. Wala na akong nagawa pa kundi ang basta na lang hablutin ang roba at isinuot iyun bago ako naglakad palabas ng kwarto. Direcho ako ng main door at pinindot ang gadget para makita kung sino ang nasa labas at ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita ko ang presensya ni Lucian sa labas. Panay pa rin ang pindot nito sa door bell butoon habang kitang kita ko sa mukha nito ang pagkainip. Hindi ko tuloy mapigilan ang m
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KUNG gusto mo daw na maging maayos at tahimik ang buhay mo, makipagkasundo ka sa taong akala mo malaking banta sa buhay mo at sa taong wala na yatang ibang gustong gawin kundi ang itatak sa isipan mo na pag-aari ka niya. Iyun ang ginawa ko kay Lucian at mukhang epektibo naman. Naging maayos din ang lahat-lahat at pumayag na din akong tumira sa penthouse na niregalo nya sa akin noon. Naging maayos naman ang lahat. Naramdaman ko ang pagalang ni Lucian sa akin. Never ko na din naramdaman na pag-aari niya ako. Hindi ko na din masyadong naramdaman ang pagiging obsessed niya sa akin. Kaswal ang pakikitungo ko sa kanya at ganoon din siya sa akin. Palagi niyang sinasabi sa akin na nagsisisi siya sa mga nagawa niyang pagkakamali at babawi daw kaya naman palagay ang loob ko na susundin niya ang kung ano man ang pangako niya sa akin. "Tomorrow morning, ipapahiram ko sa iyo ang isa sa mga kasambahay ko para ayusin ang mga gamit mo." seryoso niya pang wika sa
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "KUNG GUSTO mong maging maayos ulit ang lahat, pwede bang pakingan mo din ang kung ano ang gusto ko, Lucian?" seryosong tanong ko sa kanya! Sa pagkakataon na ito, mas naging mahinahon na ako at medyo nawala na ang mga agam-agam na bumabalot sa puso ko. "Yeah...of course! I am willing na makinig sa kung ano man ang nais mo, Precious. Everything...anything, ibibigay ko sa iyo basta mangako ka lang sa akin na hindi mo ako iiwasan at manatili ka sa tabi ko kahit na ano ang mangyari." seryoso niyang bigkas. Sa totoo lang, ramdam ko ang sensiridad sa boses niya. Siguro nga, nagbago na din siya. Siguro nga nagbago na din naman siya lalo na at nakita ko kung paano niya ako pinagtangol kanina kay Lauren. "Kung talagang concern ka sa akin, pwede bang payagan mo akong mabuhay nang malaya?" seryosong tanong ko sa kanya "Ano ang ibig mong sabihin?" seryosong tanong niya sa akin. " Kung talagang concern ka sa akin, pwede bang habang nagtatrabaho ako sa kum
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV AYOS ka lang ba?" nakatitig ako sa kawalan nang biglang nagsalita si Lucian sa tabi ko. Nandito na kami sa kotse at binabaybay namin ang daan pauwi ng Villa. "Si Lauren ang may kasalanan noong nahulog ang Mommy mo sa hagdan at alam mo na ang tungkol doon?" seryosong tanong ko sa kanya. Napansin kong napabaling ang tingin niya sa akin at kitang kita sa mga mata niya ang galit . "Yeah, nalaman ko ang tungkol doon pero huli na. Pinarusahan na kita na muntik nang naging dahilan ng pagkawala ng buhay mo!" seryosong bigkas niya. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Sa totoo lang, sobrang hirap tangapin sa kalooban ang sinabi niya ngayun sa akin. Oo, muntik na akong namatay dahil sa kagagawan ni Lauren. Ang bilis niya kasi talagang naniwala sa mga kasinungalingan ng babaeng iyun eh. Ni hindi man lang siya nagpa-imbistiga at basta niya na lang akong pinarusahan. "Si Lauren din ang may pakana kung bakit nasunog ang bahay kung saan k
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV NAPANSIN Kong napaangat ng tingin si Lucian sa akin nang bigla na lang akong tumayo. Kakatapos lang namin kumain at gusto kong magbanyo. "What?". seryosong tanong niya. Pigil ko naman ang sarili ko na mapasimangot. "Magbabanyo ako. Gusto mong samahan ako?" pabalang kong sagot sa kanya. Napansin ko pa nga ang pagtaas ng kabilang sulok ng labi niya habang titig na titig siya sa akin. "Okay, pero bumalik ka kaagad. Huwag kang magtagal sa loob ng banyo kung ayaw mong sundan kita doon." seryosong sambit niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapairap dahil sa sinabi niya at mabilis na naglakad paalis Kailan pa ba naging OA si Lucian? Hmmppp whatever! Bahala siya sa buhay niya! Mabilis akong pumasok ng banyo at ginawa ko kung ano ang gusto kong gawin. Kaya lang habang naghuhugas ako ng aking kamay siyang pagbukas naman ng pintuan ng banyo. Hindi ko na sana papansinin pa nang mula sa reflection ng salamin napansin kong si Lauren pala ang pumasok "Am