Share

02: Man hater!

last update Huling Na-update: 2025-02-18 14:28:00

NAGULAT ako nang hilain ako ng lalakeng ito papunta sa direksiyon ni Drew na noo'y naglalakad din patungo sa amin.

"Gago ka ah!" nakakuyom ang mga kamao ni Drew at akma na niya sanang susuntukin ang lalake ngunit nakailag ito.

"Drew ano ba! Tumigil ka! Huwag kang magsimula ng gulo dito dahil una sa lahat, ikaw ang nagsimula!" sigaw ko.

"What the hell Nessa! Kailangan ba talagang maghalikan kayo habang nandito ako!"

"And why not?! Bakit, no'ng mga oras na lalabasan ka na at sarap na sarap sa pag-ungol habang nakapatong ang babaeng 'yon, pinigilan ba kita, ha!" sigaw ko habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga pisngi.

"Fuck you! Gago ka! Niligawan mo ako ng isang taon! Naging tayo for almost two years! And next month! Kasal na sana natin..." sigaw ko na halos manghina ang mga tuhod ko sa bawat salitang binibitawan ko.

"Pero ano'ng ginawa mo...ano ang ginawa mo Drew!" sigaw ko habang hindi siya makaimik sa mga salitang ipinupukol ko sa kanya.

"L-love...hear me out please, I'm sorry. Na-carried away lang ako,"

"Putanginang carried away 'yan Drew! We're done! Hindi na ako mag-aaksaya ng luha pa na makipagtalo sa'yo!" sigaw ko. Paalis na sana ako no'n ngunit kaagad akong hinarangan muli ni Drew.

"Nessa--"

"Man, ayaw niya na di 'ba? So, get lost," biglang sabat ng misteryosong lalake na halos magpatayan na sila sa tinginan pa lang.

"Don't test my patience, fiancee ko ang kinakausap ko hindi ikaw. Huwag kang mangialam sa problema namin," matapang na sagot ni Drew na lalong nagpataas ng kilay ko.

"Well, hindi na ngayon. Nakita mo naman di 'ba kung paano niya ako sinalubong ng...matamis na halik,"

Kitang-kita ng mga mata ko kung paano pinipigilan ni Drew ang galit sa lalakeng kaharap niya. Kaya naisipan ko na sakyan na lamang ang trip ng lalakeng ito.

"He's right. Bakit Drew? Natapakan ko ba ang ego mo? Akala mo siguro ay hindi ko kaya, this guy is my new boyfriend... boyfriend ko na siya bago ka pa makipagbakbakan sa p****k na babaeng 'yon!"

That time ay tila nilamon na ako ng kakapalan ng mukha dahil sa galit na nararamdaman ko kay Drew. Halos manikip ang dibdib ko kakapigil ko sa emosiyon na naramdaman ko.

I saw Drew chuckled. At wala na siyang nagawa kung hindi ang maglakad palayo. Nang makaalis ang sasakyan nito'y, doon na bumagsak ang mga tuhod ko sa sahig. Nakita ko kung paano ako inalalayan ng lalakeng ito.

"Get out," malamig kong sabi.

"What? After that scene ganiyan lang ang isasagot mo sa akin?" saad niya at bahagya itong napatawa ng sarkastisko.

"Well sorry kung kinailangan kong gamitin ang presensya mo para saktan ang ex-boyfriend ko. And don't take it seriously," m*****a kong sabi at pinilit na tumayo upang iwasan ang lalakeng na nasa harapan ko.

"Hey Miss! Honestly, hindi rin ako natuwa sa ginawa mo, sinakyan ko lang din ang nais mo. And...here, n-nagkalat na kasi 'yong e-eyeliner sa mga mata mo," wika niya.

Kaagad kong hinablot ang panyo na 'yon sa kamay niya at pagtingin ko sa side mirror ng sasakyan ko ay tila nilamon ako ng hiya dahil nakipagtalo ako kay Drew na ganito ang itsura ko.

Waaaahhhh! Hindi naman kami nagsuntukan ni Drew pero parang mukha na akong may black eye! Kaagad ko itong pinunasan at nang humarap ako'y wala na ang misteryosong lalake sa harapan ko.

"Shit! Multo ba 'yon? Bakit biglang nawala?" bulong ko sa aking sarili. Ang hinanakit na nararamdaman ko ay napalitan ng kababalaghan ng mga oras na iyon at kaagad akong pumasok sa loob ng kotse ko tsaka kaagad na pinaandar ang makina at bumwelata paalis sa parking area na 'yon.

ILANG ORAS pa lamang ay narating ko na ang bahay. Inayos ko ang sarili ko upang hindi mahalata ni Tasha na hindi ako okay. Si Tasha, ang nakababata kong kapatid at nasa bente anyos na ito at kasalukuyang nagta-trabaho bilang call center agent dito sa Manila.

"Hi ate!" bati ni Tasha.

"Oh, wala ka bang kikitain na kliyente ngayon ate?"

"Amh...m-maybe bukas na lang, h-hindi kasi maganda ang pakiramdam ko eh," sagot ko.

"Gano'n ba, may niluto na akong tanghalian natin doon ate. At huwag ka masyadong workaholic ha? Nangangayayat ka lalo eh,"

"Okay lang ang ako bunso, sige na. Magpapahinga lang muna ako saglit,"

Akma na sana akong tutungo sa aking kuwarto nang muling magsalita ang kapatid ko.

"Siya nga pala ate, naaalala mo pa ba si Veos?"

"Sinong Veos?"

"Naku naman ang ate, si Veos?! Iyong kalaro natin dati at lagi mong kaaway, di mo na maalala?"

Sa dami kong iniisip malamang hindi ko na talaga maaalala ang Veos na tinutukoy ng kapatid ko.

"Kinalimutan mo na talaga siguro si Veos ate. Wait ipapaalala ko, siya 'yong nagtago ng panty mo 'non ate at nilagay sa kanal," tumatawang saad nito na halos may kasama pa na paghampas sa braso ko.

"What?! Oh, okay. Oh eh bakit mo naman siya nabanggit? Huwag mong sabihin na boyfriend mo na 'yon ngayon? Kukutusan kita,"

"Ang ate naman advance masiyado, 'di ba umalis siya no'n ate papuntang America? Tingin ko mga 10 years old siya noon eh,"

"Oh tapos?"

"Umuwi na siya ng Pinas ate!" sabi ni Tasha at tila kinikilig pa ang gaga.

"So? At pa'no mo nalaman na nakauwi na siya ng Pinas? May communication ba kayo?"

"Ang ate naman ang daming tanong, hindi pa naman nanliligaw iyong tao eh,"

Napataas ako ng kilay at napakrus ng aking braso. Napansin ko ang pamumula ni Tasha na tila sabik sa Veos na 'yon. Pero hindi ako p'wedeng maging kampante dahil minsan na rin akong dinaya ng pag-ibig.

"At kahit pa manligaw 'yon Tasha hahabulin ko 'yon ng itak, magkamatayan pa kami," seryoso kong sabi.

"Halla siya, ate magbebente-uno na ako, madami na rin akong ni-reject dahil alam mo naman ate na...may hinihintay akong isang tao," ngiti nitong sabi.

"Naku Tasha, unahin mo muna ang career mo, sinasabi ko sa 'yo wala ka'ng mapapala sa pag-ibig na 'yan,"

"Wow, ba't parang tunog ampalaya ka ngayon ate? Nag-away ba kayo ni kuya Drew?"

Natahimik ako sa tanong ni Tasha ngunit pinilit ko pa rin na huwag pag-usapan ang tungkol sa 'min ni Drew. Tapos na ang kuwento namin ni Drew! Bitter kung bitter! Man hater kung man hater! Sinumpa ko na ang pesteng LOVE na 'yan!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
JADE DELFINO
tinaguan pala ng panty ahhh . hahaha
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance    71: Semi- confession,🤣

    [Nessa Point of View] Sa sobrang taranta ko dahil sa posisyon namin ni Veos ay wala akong pasabi na itinulak siya. Dios ko! May bumubukol at hindi ko carry ang mabilisang pagtigas no'n! Hindi na rin pumasok sa isipan ko na hubo't hubad si Veos. Kaagad kong tinakbo ang pinto upang tingnan kung sino ang kumakatok. "H-hi!" Hinihingal kong tugon sa isang staff na kanina pa kumakatok sa pintuan. "Good morning, ma'am. I've brought your breakfast. Is there anything else I can assist you with during your stay? Perhaps a refreshment or an adjustment to your accommodations?" ang pormal na sagot ng isang housekeeper. "Umhh..n-no, that's enough," mabilisan kong sagot. Muli pang nagsalita ang staff at sinabi na kung maari ay siya na ang magpasok ng trolley ngunit kaagad ko siyang hinarangan. "M-Miss, let me take that. Teka lang? Pinay ka ba?" "Ah yes ma'am," nakangiti nitong sagot. "Ah nice, sige na, ako na ang magpasok nito sa loob Miss, tatawag na lang ulit ako mamaya kapa

  • HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance    70: Honeymoon gone wrong!

    [Nessa Point of View] NAGPATULOY ako sa paglalakad. Alam ko na sa mga oras na iyon ay wala akong alam kung bakit ako dinala ni Veos dito. At nang magawi ako sa napakagandang partes ng bahay ay nakita ko doon si Veos, nakapulupot lamang sa pang-ibabang bahagi niya ang puting towel. Sa mesa naman ay naroroon ang ibang petals na kanina ko pa sinusundan. Puno ng pagkain ang lamesa na tila ba nasa loob kami ng isang fine dining restaurant. "V-Veos...b-bakit tayo nandito! Bakit mo ako dinala dito!" sigaw ko ngunit nanatiling nakaiwas ang mga mata ko dahil naaasiwa ako sa half naked body niya. "Oh hi wifey, good morning?" "S-saka... b-bakit ang ganiyan ang suot mo?! Naubusan ka na ba ng damit?!" saad ko. "C'mon Nessa, we're on a honeymoon. Saka bakit ka ba naiilang? Mag-asawa na tayo kaya dapat maging komportable ka na sa mga ganitong inaasta ko," aniya na tila ba ay sanay na sanay na siya sa kaniyang ginagawa. "Che! Pero teka, n-nasaan ba tayo?! Bakit mo ako dinala dito!"

  • HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance    69: Twisted Honeymoon! 🤣

    [Nessa Point of View] DAPIT-HAPON na nang maisipan ko na umuwi sa bahay. Hinintay ko pa kasing magsibalikan ang mga dati kong trabahador para masigurado kong alam na nila lahat ang goodnews na babalik na naman sa normal ang lahat. Tatlong projects na rin ang hawak ko at for sure hindi na muling mababakante ang mga laborers at skilled workers ko. Kailangan kong i-priority muna sila since mas Malaki ang ambag nila sa mga nakukuha kong proyekto. Legit rin na masisipag, mabilis ang galaw at mga madiskarte. Napapangiti na lamang ako habang kumakaway ang aking mga workers at isa isang nagsibalikan sa kanilang mga quarter. Ngunit ito pa rin si Veos at hindi talaga ako tinantanan. "Oh ikaw, huwag mong sabihin na pati sa bahay ay susundan mo pa rin ako?" may katamtaman kong tono na saad. "Why not? Sa bahay naman talaga tayo uuwi," aniya. "Mr. Dimitre, uuwi ako sa SARILI KONG BAHAY. Hindi sa condo mo," mataray kong saad. "Pero padilim na Nessa, two hours pa ang biyahe right? Sa

  • HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance    68: The Makating Client🤣

    [ NESSA Point of View] HABANG papalapit sa direksiyon namin ang misteryosong babae ay tila nakaramdam ako ng pagkairitable."Sure ka, hindi mo talaga siya kilala?" "Hindi and we never met. Asawa mo na ako alangan naman na papatol pa ako sa iba," aniya. Hindi ko na lamang tinugunan ang sinabi niya at sa halip ay nakaabang pa rin ang aking mga mata sa paparating na babae. At noong malapit na siya sa amin ni Veos ay laking-gulat ko nang bigla niyang binigyan ng mabilisang halik si Veos sa kaniyang pisngi. Uy speed! "H-hey?" ani Veos. "Hello Veos. Kanina pa ako tumatawag sa 'yo but you keep ignoring my calls," saad ng babae. Wait? Pinaglololoko ba ako ni Veos? Kilala niya ang babae base sa paraan ng pagsasalita nito. "Your call? M-miss wait lang ha? Have we met before?" tanong ni Veos. At ako naman, ito lang papalit-palit ng tingin sa kanila. "Honestly, ngayon pa lang tayo nag-meet. Your architect told me na nandito ka that's why nagpasama ako saglit sa kaniya pero sinabi niya ang

  • HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance    67: The Regal Woman

    [ Nessa Point of View] ISANG KATAHIMIKAN ang namayagpag sa pagitan namin ni Veos. Natulala ako sa sinabi niya. Teka? Bakit napunta sa pagbubuntis ang usapan? Seryoso ba siya? "Napakaseryoso mo naman magsalita Veos, malabong mabuntis mo ako noh? Hindi mangyayari 'yan," saad ko sabay patay-malisya at natuon ang paningin sa blueprint na hawak ko. Napansin kong bahagya siyang dumistansiya. Hindi na ako nakatiis at agad ko siyang liningon. Doon ko lang na-realized na baka na-offend ko siguro siya. Upang maiwasan ang ano pa man na topic ay bigla akong nagtanong sa kaniya. "Siya nga pala, ano ba talagang motibo mo at pumunta ka dito?At teka, may alam ka ba kung bakit nagsibalik ang mga dating hawak ko ang projects? May kinalaman ka ba?" Seryoso kong saad habang nakapameywang ako. He shrouded at tila ay walang balak sagutin ang mga tanong ko. "Hindi ka sasagot? So may alam ka nga?" dagdag ko na halong diin ang boses ko. Sa puntong iyon ay liningon niya ako. "Kung bumalik man sila

  • HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance    66: May excited maging tatay🤣

    [Nessa Point of View] MEDYO MAKULIMLIM ngayon dito sa site. Isa-isa nang nagpaalam sa akin ang mga trabahador ko. Nakakalungkot lang isipin na nawalan sila ng susunod na proyekto. Ngayon lang nangyari sa career ko ito. But at the same time natutuwa ako dahil sa wakas, makakauwi na rin sila sa kaniya-kaniya nilang pamilya. Namalagi rin sila ng isang taon sa aking bilang mga tauhan ko, kaya deserve din nila na umuwi habang wala pa akong susunod na proyekto. Tinanggal ko ang aking hardhat at pilit na pinagmamasdan ang natapos na bridge. May mga katanungan ako sa sarili ko. Tama ba talaga na pinasok ko ang pagiging isang engineer? Proud kaya si tatay sa akin kahit na minsan nakatengga ako at kapos sa proyekto? Hayy...ang hirap maging independent. Maya-maya lamang ay nakita ko si Mang Norman, galak ang naging reaksyon nito habang patakbong papalapit sa akin. "Ma'am Nessa! Ma'am Nessa!" Hinihingal nitong sigaw. "Oh Mang Norman, bakit ho?" "Eh Ma'am, tumawag po mula sa telepo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status