AFTER THAT TALK I CAN'T Properly sleep, and plus baby primo is been crying all night. Nag aadjust palang ako pero kaya ko to, it's just 3 am in the morning and I can't sleep.
Tiningnan ko muna si baby primo na ngayon ay mahimbing ng natutulog ulit, hinalikan ko ito sa nuo matapos harangan ang gilid nito ng unan. Pumunta naman ako sa kusina para magtimpla ng gatas para maka tulog na ako. At habang nag titimpla ay naalala ko nanaman ang sinabi nito kani kanina lang. An hour ago .... "Musta?! HAHAHAHA balita namin tapos kana sa kontrata kay Braxton ah? Saan ka ngayon? May isa pa." Dahan dahan ko namang nabitawan ang cellphone ko ng marinig ko ang boses na iyon. Boses ng aking ama. Pinulot ko naman agad ang cellphone ko at sinubukang maging malakas. "Hinding hindi na ako susunod sa mga pinag uutos nyo! You don't know h--how much I suffer because of you two!" Sa huli akala ko ay kaya ko, yun pala ay hindi, dahil sa bawat pagbitaw ko ng mga katagang iyon ay ang unti unting pagpunit ng puso ko kasabay ng luhang kumawala sa aking mata. Dulot ng pangamba na ako'y dina magiging malaya. "HAHAHAHA, umuwi ka dito ngayong tapos na ang kontrata mo kay Braxton ng mapakinabangan ka!" Kahit kailan talaga ay wala na itong ibang inisip kundi ang pagsusugal. I wonder what will happen to them when the karma strikes? Imbis na magsayang pa ng lakas ay binabaan ko nalang ito at ipinagpatuloy ang paghahanda. Inilabas ko ang mga susuotin namin ni primo at ang iba pa nitong mga kagamitan. Akmang magbibilang ng pera na aking naipon nang maalala ko ang iniwang pera ni Mariela para sa anak. Agad kong kinalkal ang basket nito at nakita ang isang envelope at wallet na nasisiguro kong ang laman ay pera at ang birth certificate nito. Kinuha ko naman ito bago sumampa sa kama at dahan dahang binuksan ang napaka-laking bag na sobrang bigat na puno ng gamit nito. Nang tingnan ko ang wallet ay napatanga ako ng makitang napakalaking halaga iyon ng pera! Saan nakuha ni Mariela ang ganitong kalaking pera? Nakita ko ang isang cheque na naglalaman ng isang milyong pera! Tingin ko ay sasapat na ito para sa susunod pang taon para sa lahat ng pangangailangan. Napatanga nalang ako ng tumunog muli ang aking telepono, sino nanaman kayang tatawag sa akin ng ganitong kaaga? Nakakairita! Kumunot naman ang nuo ko ng makitang number lang ang nakalagay dito, meaning hindi ko to kilala. Sinagot ko naman ito agad ngunit mas lalo akong nairita ng ilang beses ko na itong tinatanong kung sino ito pero hindi ito sumasagot! "Hoy! Kung sino ka man please! Wag kang tatawag ng ganitong oras! Susme ka! Nakakaistorbo ka!" Matapos sabihin iyon ay agad ko itong binabaan at muling bumalik sa pag ubos ng aking gatas. Maya maya pa ay unti unti na akong dinadalaw ng antok kaya nagpasya na akong mahiga sa tabi ni baby primo. UMAGA na ng ako ay nagising, binalingan ko naman ng tingin si baby primo na ngayon ay natutulog parin, mabuti naman at para makapag handa pa ako bago kami umalis. Nag luto naman ang ng fried chicken habang nag sasaing para mamaya ay ilalagay ko nalang ito sa lalagyan at hindi ko man nabanggit ay pupunta kaming Cavite para doon mag simula. Papasok na sana akong cr para maligo ng marinig kong umiiyak si baby primo. Agad ko namang itong pinuntahan at binuhat at habang hawak hawak ko ito ay hindi ko parin lubos maisip na ako ay instant mommy na. Habang hine hele ko ito ay diko mapigilan na mapangiti, dahil sa oras na makaalis kami rito sa pangasinan ay namumuhay na kami ng normal nito. Nang tumahan na ito ay dali dali ko itong inihiga at nilagyan ng maraming harang sa bawat gilid nito. "Baby, maliligo lang si mommy ha? Behave ka muna dyan." Sabi ko rito sabay halik sa nuo nito at agad agad na pumasok sa banyo upang maligo. Makaraan ang ilang minuto ay natapos na ako sa pagligo at sinimulan ng ihanda ang mga gamit na dadalhin namin. Pagkain, check. Bag ni baby primo, check. Bag ko, check. Wallet, check. At ang mga ID'S ko, check na check! Nang matapos na sa pag hahanda ay binihisan ko naman si baby primo, buti nakikisabay ito kaya madali ko itong napalitan ng damit. Saka ko kinuha ang baby carrier para maisuot ko na at ilagay si baby primo sa aking bandang dibdib. Nang maayos na iyon ay agad kong isinukbit ang aking sling bag na naglalaman ng mga mahahalagang bagay, tulad ng pera at ID'S. Kinuha ko naman ang aking telepono para tawagan ang inarkila kong sasakyan na maghahatid sa amin sa cavite. Habang nagaantay sa sasakyan na inarkila ay inisa-isa ko namang inilabas ang mga gamit namin sa labas para ma-padlock ko na ang bahay, ibinilin ko nalang sa kapitbahay ko ang bahay at siya na ang bahalang mag bigay nun sa may ari. Nang dumating na ang sasakyan ay agad agad naman ako nitong tinulungan na ipasok ang tatlong malalaking bag na punong ng mga kagamitan namin. Matapos maipasok ay pumwesto na kami sa loob. Napag isip isipan ko din na bakit hindi nalang ako mag arkila since marami rami din naman itong pera na hawak ko. Nasa kalagitnaan kami ng pagbyahe ng biglang mag ring nanaman ang cellphone ko. Hirap na hirap ko namang kinuha ang cellphone ko na nasa gilid dahil tambak ang mga gamit ko dito sa loob, nang makuha ko ay nakita kong tumatawag si ate rose ann. Nakangiti ko naman itong sinagot. "Hello? Napatawag ka? Miss muna ako agad ano?" Natatawa naman ako ng marinig kung humagikgik ito. Sa katunayan ay limang taon lang tanda nito sa akin kaya't nakakasabay ito sa mga biruan. "Napatawag ako dahil nakalimutan mo raw kunin ang panghuling sweldo mo! Sa sobrang atat mo e, naiwanan mo!" Natawa ito habang sinasabi ito. Sa katunayan ay wala na naman akong pakialam sa panghuling sweldo ko basta ang mahalaga ay makaalis ako rito sa lalong madaling panahon. "Sa iyo nalang yan ate rose, kaya ko namang magtrabaho at kumita muli sa Cavite." Sasapat naman ang perang naipon ko kaya, kaya kong bawiin iyon. "Pinadala ko kay yoshi, sasalubungin ka niya sa drive thru para ibigay ang sobre. Atsaka hindi ko ito kailangan kahit napakalaking halaga nito." Malaking halaga? Ang alam ko ay 20k lang ang sahod ko kada buwan kasama na doon yung mga araw na pinaparusahan ako ni sir Braxton. Oo, binabayaran ako nito tuwing nagpaparusa siya sakin. "Bakit? Ilan ba ang laman ng sobre?" Takang tanong ko habang hinihimas ang likod ni baby primo ng magsimula na itong umiyak. " I.... I don't really believe it at first, but I think 2 million!" Nagulantang naman ako sa sobrang laki na iyon! "At sinabi din ni sir Braxton na siguraduhing makukuha mo daw! " Ano nanaman kayang pakulo nito at nagbigay ito ng ganon kalaking halaga! "Sige na at baka malapit na kayo, siguradong naghihintay na si yoshi doon. Mag iingat kayo dyan sa gagawin mong paglipat dahil hindi pa natin alam kung anong tunay na tumatakbo sa isip ni sir Braxton." Muntikan naman akong mapaiyak ng dahil sa sinabi nito, si ate rose ann ay tumayong ate ko kaya ramdam ko ang pag aalala nito sakin lalo na ngayon na may bata akong kasama. So I really should be careful. "Sige ate rose ann, malapit nadin kami sa may drive thru baka andoon na si yoshi. Bye!" Matapos naming magpaalam sa isat isa ay agad namang kaming ibinaba ni manong sa babaan. "Buti naman at hindi ka dumeretso, akala ko iiwan mo pa to e." Saad nito habang iwinasiwas ang sobre na naglalaman ng pera sabay haplos sa ulo ng anak ko. "Ito nga pala yung sahod mo, ang init masyado ng ulo ni sir kanina." Pagdaldal nito. "Bakit naman mainit ulo nun?" Takang tanong ko na nagpairap sa mata nito. "Malay ko ba kay sir, mas lalong naging mainitin ang ulo simula nung umalis ka kahapon." Sinilip ko muna ang laman ng sobre at nakita ang cheque na naglalaman ng 2 million. Napaka laking halaga nito pero nagawa niyang ibigay ito, hindi ba siya nanghihinayang? Sabagay bakit pa siya manghihinayang eh barya lang naman toh para sa kanya. "Nag-abala ka pa tuloy sa pag hatid nito." Matapos mai-abot na nito sa akin ang sobre. "Ano ka ba! Para na'rin to sa pag sisimula niyo sige na, lumarga na kayo. So, this little one can rest too." Nakangiti namang sabi nito "Salamat yoshi ah." Sabi ko dito habang naka upo kami sa loob ng sasakyan. "Ano kaba wala iyon." Natapos naman agad ang usapan namin ay sinabihan ko na si manong na pwede na kaming umalis. Nang maka-ayos na kami ng upo ni baby ay agad akong tumingin sa bintana at tiningnan si yoshi sa huling pagkakataon. Kumaway ito na tila nagpapaalam na kaya kumaway ako pabalik habang hawak hawak ko ang kamay ni baby na ngayon ay behave parin. Sa bawat pag andar ng sasakyan papalayo ay unti-unti akong nakakaramdam ng kaginhawaan, dahil sa oras na makaalis na kami dito ay alam kong magiging ok na ang lahat. Mabilis lang naman ang pag byahe mga ilang oras lang kaya maaga kami makakarating doon. I just hope that when we leave here everything is going to be fine. Habang nasa byahe ay unti-unti akong nakakaramdam ng antok and since wala pa namang pasaherong naka upo sa isang upuan ay nagpasya muna akong matulog. NAGISING ako dahil may narinig akong ingay, and there I saw na nag stop si manong saglit para magpa gas. Muli ay sumakay kami at nagpatuloy. Matapos ang ilang oras ay nasiraan kami ng sasakyan. "Ma'am sorry po at mukhang nasiraan tayo. Sandali po at kokontakin ko ang isa sa mga kasamahan ko." Sumang-ayon naman ako dito. "Ma'am, papunta na raw po ang kasama ko. Bale kailangan ko napong ibaba ang mga bagahe ninyo at antayin niyo po ang kasamahan ko." Pumayag akong muli at naupo ako kasama ng mga bagahe ko dito sa tapat ng tindahan. "May nakita po akong malapit na paayusan ng sasakyan ma'am puntahan ko lang po saglit. Pero mag antay parin po kayo sa kasamahan ko ma'am. Sorry po ulit." Wala naman na akong nagawa bale binigay niya sakin ang kalahati ng binayad ko kaya okay nadin. Nang umalis na si manong saka ko lang napag tanto na hindi ko pala alam kung asan ako! Nasaan nga ba ako? Ilang sandali pa akong nag antay para sa kasamahan nito pero mukhang hindi na ito darating. 6:30 pm! Papainomin ko pa pala ng gatas si baby primo, at ayon! Saktong sakto na mayroong tindahan dito at sure akong merong init tubig dito. Syempre tindahan to noh! Kakaunti lang naman ang mga tao rito kaya iniwan ko saglit ang mga bagahe ko sa tabi ng tindahan, kinuha ko agad ang bote ng gatas ni sabay nag takal ng dalawang powder ng gatas doon. Nang masiguro kong okay na agad agad akong nag tanong sa tindahan. "Excuse me po. May tinda po ba kayong init tubig? Saka wilkins na nasa bottle?" Magalang na tanong ko rito. "Oo hija, sandale at kukunin ko ang thermos." Agad naman itong pumasok sa loob at habang kinukuha niya ang thermos ay tiningnan ko naman ang anak ko na sinisip-sip na ang hintuturo nito kaya alam na alam kong gutom na ito. "Oh heto hija, at ng mapainom muna ang iyong anak." Nginitian naman ako nito kaya nginitian ko din ito pabalik. Kaya habang nagsasalin ako ay tinatansya ko kung hanggang saan lang ang init tubig, at isinunud ko naman ang wilkins na nasa bottle. Nang matapos ay agad ko itong shi-nake para mahalo ito. Habang naghahalo ako ay kumuha ako ng 50 pesos pambayad sa mga binili ko, dahil nagugutom narin ako kaya kumain muna ako ng pagkain na dala dala ko. Bumalik na ako kung saan ako naka-upo kanina habang pinapa-dede ko ang anak ko sa feeding bottle niya. Inalis ko na ito sa dibdib ko at kinarga sa bisig ko kaya medyo gumaan narin ang dibdib ko. Nakita kong may isang lalaking parang naiirita na ewan na nasa tapat mismo ng mga bagahe ko. "Are you going to cavite?" Nabigla ako sa malalim na boses nito kaya sandali akong napatingin dito habang napatulala. "Miss?" Natauhan ako dahil sa sinabi nito kaya agad akong napatango dito. "Well, you're not in cavite anymore." Napatanga naman ako dahil sa sinabi nito! Wala na ako sa cavite?! Nako!! Paano na to!! Saan ako tutuloy!! "K--kung ganon po nasaan po tayo ngayon?" Sa sobrang kabang nararamdaman ay nautal na ako, I can feel the sweat on my forehead already! "We're in Batangas." S***a? S***a!! Batangas!! Mag gagabi na! Hindi kami pwede ni baby kung saan saan! Week palang si baby! "Teka nga! Sino kaba?" Takang tanong ko rito. Tumingin naman ito sakin sabay. "You can call me Hiro and I am here to help you. "AFTER I Walked out of the room where my wife and my newborn baby staying at, I run to the living room where my babies is. When I got there I saw Primo, my son crawling and I ran to him as fast as I could. "Baby, where's Reid?" I ask him. "Lola Agatha." He's almost crying while saying it."Where are they?" "Kitchen!" As I heard what my son said, I was about to run but then I faced the son of Otto. Fvck! I hate that man to the core! Kahit ang anak niya ay kaugali ng kanyang ama. Take note, kamukha niya pa! "Well, well, well. If it isn't Braxton!" He said, and I smelled danger when he glanced at my son who's now hugging my neck and sniffing. I still have to know why's my son crying and how did he ended up crawling when in fact, he knows how to walk. "Your eldest huh. What if I kill that son of yours?" I want to erased that smirked off his face! Naging alerto ako nang bigla nitong ilabas ang baril at itutok sa anak ko. I held my gun under my pants, in case he fired his gun. "As i
ISANG Linggo mula ng makarating na kami sa lugar na sinasabi ni Kelvin ay hindi ko mapigilang mamangha. Tunay ngang napaka laki ng mga lupain nito. Ang sumalubong samin ay walang iba kundi ang kaibigan kong mukhang stress at hindi alam ang gagawin. I honestly don't know what's been happening to them, all i know is that they are arguing about something. I just hope na matapos na ang sigalot nilang mag asawa. Ayokong dumating ang araw na ang anak nila ang mag sa-suffer sa huli. Sila Kiel at Diana naman ay hindi ko alam kung nasaan ngayon. Pero sana ay nasa ligtas sila."Wife? What are you doing out there? You should be resting now." Hindi na ako nagulat ng may yumapos na braso sa aking beywang. "Nag papahangin lang. Ang mga bata? Tulog na ba?" Ani ko habang hinahaplos ang braso nito. "Yeah, pinatulog ko na. Anong tumatakbo sa isip mo? I can feel that something's bothering you." Napangiti ako, sa pagsasama namin ay hindi ko maitatanggi na mas lalong nagiging sweet sa akin ang asawa
NANG makarating kami sa bahay ay para akong pinagbagsakan ng lupa sa itsura ng bahay na nakikita ko ngayon. Tama nga ang hinala ko na may posibleng sumugod na kalaban. "No no no no! Braxton we better hurry! Baka kung napaano na ang mga anak natin!" Nagsisimula na akong kabahan ng malala nang makita ko ang dami ng mga tama ng bala sa gate, sa guard house na wala ng nagbabantay, at sa pintuan naming may awang ng kaunti kaya hindi ko matukoy kung may tao pa ba sa loob o wala. "Wife, listen to me okay? Nothing will happen to them okay? Trust me, they are safe and sound. Now, let's go inside the mansion to see if they are all alright." Dahan dahan akong inalalayan ni Braxton at sa bawat nadadaanan namin ay hindi ko mapigilang kumapit ng mahigpit sa damit dito at sumiksik pa lalo. May mga nagkakat na dugo! Who knows kung kanino yang mga yan! "Shhh, wife I'm here you're safe with me." Naka alerto ang tatlo habang pinauna nila kaming mag lakad patungong pintuan. Nang marating namin ang p
"DUDE, WHAT Is your kid name again?" Kiel asked. "Draxe Phoenix. You didn't listen to what I said earlier?" Kumunot ang noo ni Braxton habang nagtatanong. "I did, pero kasalanan ko bang nakalimutan ko agad? No right?" Pamimilosopo ni kiel sa kaibigan. "Come on, stop it. Braxton asikasuhin mo na ang mga papeles ni draxe para makapag pahinga na si Rain sa bahay niyo." Pagpigil ni Hiroshi sa dalawa. "Fine, just stay there." Umalis na si Braxton para ayusin ang papeles na kakailanganin ng anak. "And you bro, don't argue with him right now. They just had a baby." "Chill dude, I was just kidding. " Bungisngis ni kiel at habang nag aantay kay Braxton ay nagpasiya ang dalawa na maglaro ng SOS sa Cellphone ni kiel. "Dude, my turn ha!" Sabi ni kiel at inilagay itinira na ang S sa pangatlong box. Same thing Hiroshi did and they have been playing the game that they didn't even notice that Braxton is already on there side. "What the heck are you two doing?" Kunot noo tanong nito sa da
5 M O N T H S A G O . . . "WIFE, DID YOU Already think about our baby name?" Napatingin si Scarlett sa asawa. "Sa totoo ay hindi pa, iniisip ko pa kung babae ba ito o lalaki. Pero since nag usap na tayo na hindi alamin para surpresa nalang. Medyo mahirap." Hawak hawak nito ang lumolubong tiyan habang naka upo sa rocking chair at nakatanaw sa labas ng veranda. "Hey, just take it easy okay." Nag squat sa harap ni Scarlett si Braxton sabay himas sa tiyan nito. " Pero alam mo napa isip din ako e, kung lalaki ay Draxe phoenix o kaya Vaughn Shawn. Diba? Maganda naman siya?" Masayang sabi ng asawa. Namangha naman si Braxton sa naisip ng asawa, maganda ang mga suggestions nito. "It is actually good names, but what about names for girls?" Sabay na napa isip ang dalawa. "What if Charlotte? Amarissha Thalia? Or Amareese Thalie?" Marahang sabi ni Scarlett. "Hmm, I like the name Amarissha Thalia and Amareese Thalie. " Nag ngitiian naman sila na para bang nagka sundo na. "So, whatever o
IT'S BEEN A MONTHS SINCE The 2 weeks honeymoon and guess what? I immediately got pregnant after that 2 freaking weeks! And now malapit na akong manganak. I am 8 months pregnant and I am almost at my due date. Sila nanay Agatha at nanay Cecelia ay nag decided na dito muna tumira sa bahay simula ng nag 5 months ang tiyan ko. Napahawak ako sa aking tiyan ng biglang sumakit ang tiyan ko. Agad akong dinaluhan ni nanay Cecelia na nasa tabi ko habang nag aayos na ng mga gamit na dadalhin sa hospital. "Hija, may masakit ba?" Hinimas nito ang aking likod sabay hawak sa tiyan ko. Sa totoo lang ay hindi kami nag pa ultrasound ni Braxton kasi gusto naming ma surpresa sa magiging gender nang anak namin. "Sumakit lang po ng kaunti yung tiyan ko, nay." Dahan dahan akong tumayo habang hawak hawak ang balakang ko. Inalalayan naman ako nito. "Biatch! I am here na!" I rolled my eyes, sa wakas at nandito narin ang babaeng kanina ko pang inaantay. "Finally, Charity. Ngayon nasaan na ang mga anak k