Share

CHAPTER 5. GETTING CLOSE TO EACH OTHER

"Hoy! Bes, bakit wala ka na naman sa sarili mo? Kanina pa kita kinakausap ah," ani ni Shanella sabay hampas sa balikat ko.

"A-ano? Ano sabi mo?!" tanong ko naman sa kanya.

"Ang sabi ko kamusta ang first day mo kanina kay Sir Shawn? Ano, mabait ba siya?" tanong pa nito habang nakangiti.

"Hindi. Mayabang nga e," sagot ko naman.

"Bakit? Anong ginawa niya sa iyo? Paano siya naging mayabang?" usisa pa nito.

Nandito kami ngayon ni Shanella nag-uusap sa may starbucks. Nagpalamig na muna kami dahil pakiramdam ko sobrang init kapag nakikita ko si Sir Shawn.

Iyong nangyari sa amin kanina? Okay naman panay nga asar sa akin si Shawn dahil daw bakit hindi ako tumanggi. Kung sex ang habol niya sa akin ganoon din naman ako sa kanya. Makikipag laro sa kanya hanggat gusto niya. Yes, nag eenjoy naman ako. Tsaka naiinggit na ako kay Shanella dahil palagi siyang nadidiligan. Ayoko ein isipin na mali ang nagawa ko dahil tama si Shawn, pareho kaming may gusto sa mga nangyari. Ang galing niya kasing magdala kaya the best talaga. Naalala ko kung paano niya s******n ang nipple ko at kung paano niya laruin ang kaselanan ko. Mas naturn on ako sa kanya dahil ang bango ng kanyang hininga. Bonus na ang kapogian.

"Erin! Ayan kana naman bakit ba palagi kang lutang? Huwag mong sabihin na naiinlove ka kay Sir Shawn, sabihin mo nga sa akin ano ba ang problema mo? Dati ang daldal mo ha pero ngayon bigla kang napipi. Tapatin mo nga ako Erin!" sabi ni Shanella.

Siguro, ipaalam ko na kay Shanella na si Shawn ang lalaking naka one night stand ko sa condo.

"Erin!" tawag ulit ni Shanella sa akin.

"Ano kasi eh, baka ipapangako mo sa akin na hindi mo 'to sasabihin kahit na kanino man ha. May gisto lang akong ipagtapat sa'yo, tungkol sa lalaking naka one night stand ko sa condo," sabi ko naman sa kanya.

"Ahhhhh!" Sumigaw siya ng malakas kaya nakuha namin ang atensiyon ng mga tao doon.

Kaagad ko naman siyang hinampas. "Ano ba ang ingay mo naman, nakakahiya ka!" saway ko sa kanya.

"Oh, ano na ang sasabihin mo tungkol sa lalaking 'yun? Nakita mo ba siya? I mean, nakilala mo ba kung sino siya at taga saan soya?!" sunod-sunod na tanong nito.

"Bes, iyong lalaking naka one night stand ko sa condo..." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Shanella at kung paano ako magsimula na si Shawn iyon.

"Ano? Huwag mo sabihing namimiss mo ang lalaking iyon?!" ani nito.

"Hindi, ano kasi... si Sir..." Biglang tumunog ang aking telepono na nakalagay sa aking bulsa. "Wait, sasagutin ko lang ha." Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ko sino ang tumawag.

"Unknown Number"

Sino kaya ito?!

"Hello! Sino ito?" tanong ko.

"Where are you? Nakapagpaalam kaba sa akin na aalis ka?! Back to my office, now!" pasigaw at galit na sabi ni Sir Shawn.

Inilayo ko sa tenga ko ang aking telepono. Nakakabasag ng eardrum sa lakas ng boses ni Shawn.

"S-sige po Sir, babalik na po ako!" Pinutol ko na ang pag-uusap namin tapos ay dali-dali kong niligpit ang aking mga gamit para makabalik na sa Office.

"Ay, rush 'yan? Sino ang tumawag?" intriga ni Shanella sa sakin.

"Sino pa edi si Sir Shawn, galit ata kaya bilisan na natin!"

Tumakbo kami palabas ng starbucks at nagpara ng taxi. Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na kami sa Office. Dumiretso si Shanella sa kanyang working area, ako naman ay dumiretso sa Office ni Sir Shawn.

Naabutan ko siya na nakaupo sa may chivel chair habang nakatingin sa kawalan. Tila malalim ang kanuang iniisip. Kumatok ako sa may pintuan at kaagad naman siyang napalingon sa akin.

"Saan kaba nanggaling?" supladong tanong nito.

"B-bakit po Sir? Lunch time naman kaya lumabas ako. Hindi naman iyon bawal kay Sir Ricar-"

"Sa kanya hindi pero sa akin..." Napatigil siya sa pagsasalita. "I-lock mo ang pinto!" utos niya sa akin.

Nagtaka naman ako sa kanya pero sinunod ko naman ang sinabi niya.

Tumayo siya at dahan-dahan na lumakad papalapit sa akin.

Kuhang-kuha niya talaga ang mga lakad ni Piolo sa movie nito. Pakiramdam ko biglang huminto ang oras at nag slowmo. Nang malapit na siya sa akin ay kaagad naman akong napaatras hanggang sa napasandal na ang likod ko sa may semento.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko habang titig na titig sa akin.

"Hindi ka pweding umalis hangga't hindi mo ako kasama. Naintindihan mo?!" ani nito.

Bumuga sa akin ang mainit at mabango nitong hininga. Tumango lang ako sa kanya.

Tinabig niya ang papel na nasa taas ng lamesa niya tapos ay tumingin sa akin. "Pulutin mo!" ani nito.

Nagkunot ang aking noo dahil sa kanyang ginawa.

"I said pulutin mo!" sabi nito ulit.

Kaagad ko namang pinulot iyon. Nang tatayo na sana ako ay bigla niya akong niyapos ng halik sa labi sabay yakap sa aking beywang.

Sinubukan ko siyang itulak pero hindi ko siya kinaya.

Kahit anong gawin ko ay hindi ako makawala sa yakap niya.

Napagod na ako sa pagpumiglas kaya hinayaan ko nalang siya hanggang sa magsawa.

Bumaba ang kanyang kamay sa puwet ko at pinisil iyon habang nakahalik.

"Alam mo ba kung ano ang pinakagusto ko sa isang babae? Iyong malaman ang puwet," paos nitong sabi.

Siniko ko naman siya.

Pinakawalan na niya ako at ngumisi sa akin. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Nakakabingi at tila ba ay mayroong nagkakarera na mga daga sa loob.

Napakagat labi nalang ako at napayuko. Hinaplos niya ako sa mukha. "You're so cute lalo na kapag nag bablush," aniya.

Uminit naman ang mukha ko sa sinabi niya. Siguro kung makikita ko lang ang mukha ko, kasing pula ko na ang hinog na kamatis.

Umupo na siya sa kanyang upuan. Paupo na rin sana ako ng bigla niya akong tinawag. "Erin, come here!"

Napapikit ako at napasinghap ng hangin bago lumapit sa kanya. "Ano na naman kaya ang kailangan nito? Huwag niyanh sabihin na makikipag sex na naman dahil hindi ko talaga siya tatanggihan," sabi ko sa isip ko.

"B-bakit Sir Shawn?" nauutal kong tanong.

He tap his legs. "Dito ka umupo," sabi nito sabay ngiti.

Parang malusaw ako sa ngiti nito. Napaka gwapo talaga ni Sir Shawn. Ang tangos ng ilong at ang pungay pa ng mga mata.

Parang napako ang aking mga mata kay Sir. Ni hindi ko nga ramdam kung kumukurap pa ako.

"Stop staring at me, iyong-iyo lang naman ako!" sabi pa niya.

Talagang sinasagad ng lalaking ito na pakiligin ako hanggang buto, pagkatapos kapag ma fall na ako tsaka niya ako i ghost. Tsk! Sad reality naman kung ganoon.

"H-ha?! Naku, hindi na po kailangan Sir, may upuan naman ako at okay na ako doon." Ngumiti ako sa kanya na may halong hiya.

"I insist, gusto ko lang kasi na ang akin ay nasa tabi ko lang palagi. I don't want you to disappear from my sight. I want to feel your body heat, so come sit at my legs," sabi pa nito.

"Hindi na nga po eh, okay lang po talaga ako-"

Bigla niyang hinablot ang kamay ko.

Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Umupo ako sa paa niya. Habang may ginagawa siya sa kanyang laptop ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa itsura nito. Napaka seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa kanyang laptop. Kahit anong anggulo ay napaka gwapong tingnan ni Sir Shawn. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit ang lakas nang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na ewan.

Kapag itong mukha ang makikita mo sa bawat oras, napaka peaceful ng mundo. Nakakaganang magtrabaho kung ganito ka pogi ang Boss mo. Siguro, maraming babae ang nagkakandarapa kay Shawn. Napaka perfect na kasi niya eh. Lahat ng hinahanap ng isang babae nasa kanya na. Dagdag pa ang ari nito na mala sardinas sa laki, tapos pinkish pa. Minsan lang ako nakatikim ng ganitong putahi pero sagad na sagad naman.

Isinandal ni Sir Shawn ang ulo niya sa dibdib ko. "You know what, i need someone to talk pero ayaw ko din naman maging open sa iba." He look so tired while saying this word.

"Pwedi ka naman magpahinga kung pagod kana. Hindi mo naman kailangang i pressure ang sarili mo. Mabait naman kasi amg Daddy mo at sa tingin ko naman ay hindi ka naman niya pinipilit na maging isang pinaka magaling," sabi ko naman.

"Hindi mo kilala ang Daddy ko, ang alam mo lang ay mabait siya sa'yo," sagot naman nito.

Bakas sa mukha ni Shawn ang kalungkutan habang nagsasalita.

Gusto ko man tanungin siya kung ano ang problema niya pero ayoko naman isipin niya na masyado akong maintriga.

"Nang makita kita Erin noong gabing iyon, mayroon akong naramdaman na kakaiba para sa iyo," ani ni Sir Shawn.

Napalunok ako ng laway ko sa narinig ko.

Huwag niyang sabihin na nainlove siya sa akin?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status