共有

Kabanata 07

last update 最終更新日: 2024-09-25 14:20:30

“MAMA MIA, andito na kami.” biglang sigaw ni Aleng Beka pagkapasok namin sa loob ng bahay nila.

“Kami? Sinong kasama mo?” tugon naman nang ina ni Aleng Beka mula sa loob ng kusina.

“Labas ka muna rito, ma. May unexpected bisita tayo, dali,” excited naman na sabi ni Aleng Beka. “Maupo muna kayo. Nagluluto pa kasi si Mama Mia.” dugtong naman nito.

Inilapag na rin namin ang mga gamit namin sa gilid. Maya-maya ay lumabas na rin ang ina ni Aleng Beka mula sa loob ng kusina. “Si Karding na naman 'yan, ano?” Bigla namang napalitan nang tuwa ang reaksyon ni Aleng Mia nang makita niya si Ohani.

Nilapitan naman agad nito si Ohani. “Ohani? Ikaw na ba iyan?.... Jusmiyo! Napakagandang bata.” namamanghang wika ni Aleng Mia habang sinusuri ang mukha at katawan ni Ohani.

Nang lingunin ako ni Ohani ay saka lamang ako napansin ni Aleng Mia.

“Ohhh.... Tisoy!” aniya. Nagtataka ko naman itong tiningnan.

Kilala niya ako? Hindi pa naman kami nagkita.

Ibinalik naman ni Aleng Mia ang atensyon kay Ohani.

“Huhulaan ko. Boyfriend mo itong si Tisoy, ano?” nakangiting saad ni Aleng Mia.

Umiling naman si Ohani. “Hindi po.”

“Talaga? Akala ko rin kanina na boyfriend mo siya,” pagsingit naman ni Aleng Beka at saka umakbay sa kaniyang ina. Seryoso naman silang dalawa na nakatingin sa amin ni Ohani.

Nagkatinginan rin kami ni Ohani. Lumapit naman sa akin si Ohani at saka humawak sa braso ko. “He's my husband po.” aniya.

Pati ako ay nagulat din sa sinabi niya. Kaya hindi ako makapagsalita kanina ay dahil hinihintay ko lang siyang ipakilala ako, dahil baka hindi pa rin siya komportable na ipakilala ako bilang asawa niya. Mahirap na. Ayoko siyang pangunahan.

“Seryoso?” sabay na bigkas nilang dalawa. Bakas pa rin sa mga mukha nilang ang pagkagulat.

“Yes po,” sagot naman ni Ohani at pagkatapos ay may kinalkal ito sa loob nang mini shoulder bag niya na LV.

Inilabas naman niya ang wedding ring namin, at ito'y kaniyang isinuot sa kaniyang daliri. Pagkatapos ipinagdikit naman niya ang kamay naming dalawa at saka ipinakita sa kanila ang suot namin na wedding ring.

Napakurap-kurap naman silang dalawa.

“Kailan pa kayo ikinasal? Bakit wala man lang kaming nabalitaan na ikinasal ka na pala, Ohani?” tanong naman ni Aleng Beka.

“Uhm... Ako nga po pala si Rufus at last year lang po kami ikinasal ni Ohani. Actually, it's a secret wedding po. At... iyon po kasi ang huling kahilingan ng Daddy niya bago po ito mamaalam.” sagot ko.

Natahimik naman silang dalawa at napatango nalang.

Lumapit naman si Aleng Mia kay Ohani at saka niyakap niya ito.

“Pasensya ka na at hindi kami nakadalaw man lang noong nakaburol pa ang Daddy mo.... Parang anak na rin ang turing ko kay Sheldon, kahit hindi kami nagtagal ng Grandpa mo,” mahabang saad ni Aleng Mia habang tinatapik ang balikat ni Ohani.

Nagulat naman ako ng biglang humikbi si Ohani habang nakayakap na rin ito kay Aleng Mia. Mga tatlong linggo pagkatapos ng libing ng ama ni Ohani ay hindi ko na ito nakitang umiiyak. Ngayon ko nalang ulit siya narinig at nakitang umiyak.

Nabaling naman ang atensyon namin ni Aleng Beka nang biglang mag-ring ang phone na nasa ibabaw ng mesa. Kaagad naman nitong kinuha at sinagot ang tawag.

“Pupunta nga si Mama Mia, riyan.... Ako? Hindi ako interesado, Aleng Myrna. Si Mama Mia nalang ho.” malumanay na saad naman ni Aleng Beka sa kaniyang katawag sa kabilang linya, bago niya ibinalik ang phone sa ibabaw ng mesa.

Bumitaw naman sa pagkakayakap si Ohani kay Aleng Mia. “Sorry po.” wika niya.

“Ayos lang 'yon. Maiwan ko muna kayong dalawa kay Ate Beka ninyo ha? May pupuntahan pa kasi akong birthday party.” saad naman ni Aleng Mia bago ito umakyat sa second floor.

“Uhm.... Maiwan ko muna kayong dalawa rito ha, magbibihis lang muna ako sa taas.” paalam naman ni Aleng Beka. Sumunod naman ito sa kaniyang ina sa second floor.

Naiwan naman kami ni Ohani sa sala. Uupo na sana ako sa sofa nang biglang humikbi na naman si Ohani kaya nilapitan ko na ito.

Sinapo ko naman ang mukha nito. Mabilis na nagsipatakan ang mga luha niya sa kaniyang mga pisngi nang magtama ang aming mga tingin.

“I-I'm tired of pretending.... I-I am not really o-okay, Rufus.” umiiling-iling na sabi nito habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kaniyang mga luha.

Niyakap ko naman ito pagkatapos kong punasan ang mga luha sa kaniyang mga pisngi.

“I understand you. Iiyak mo lang. At kapag ready ka nang mag-open up sa akin, sabihin mo lang. Handa akong pakinggan ka.” saad ko rito habang tinatapik ko ng mahina ang likod nito.

“Don't leave me, Rufus. I-I'm sorry if I didn't introduce you to, Rael, that you're my husband.” aniya.

“Ayos lang 'yon. Hindi naman gano'n ka big deal sa akin 'yon. Naging kapatid din naman kita.” Natawa naman ito sa sinabi ko.

“A-About kanina? I'm sorry too. Nadala lang ako ng emosyon ko kanina kaya ko nasabi ang mga salitang 'yon.... I'm really really sorry. I can't control my mouth every time na mas nangingibabaw yung emotions ko. I'm sorry.” mahabang saad niya at saka yumakap ito pabalik.

Isang malaking buntong-hininga naman ang pinakawalan ko.

“Ang sweet niyo naman.” biglang sabi ni Aleng Beka mula sa aking likuran.

Napabitiw naman agad kami ni Ohani.

“Ay! Sorry, dapat pala hindi nalang ako nagsalita.” Napakamot naman sa kanyang ulo si Aleng Beka.

“A-Ayos lang po.” sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Natawa naman ito ng bahagya. “Anyway, you can call me, Ate Beka. At kay Mama naman ay Mama Mia rin. Mas sanay kasi si Mama sa gano'n. Ayaw niya na tinatawag siyang 'Lola'.” natatawang sabi ni Aleng Beka. Ay, Ate Beka na pala! Masyado kasi akong nasanay sa 'Ale'.

Ilang segundo lang ang lumipas ay bumaba na rin si Mama Mia. Naka-dress ito na kulay puti with sandals na kulay puti rin.

“O, 'di ba hindi halatang sixty six years old na ang Mama Mia ko?”

Napanganga naman si Ohani sa kaniyang narinig. Maski ako rin ay nagulat. Napakaganda pa rin nito. Hindi halatang sixty six years old na si Mama Mia.

Umikot naman si Mama Mia para ipakita sa amin ang kaniyang suot. “Bagay ba sa akin, mga anak?” tanong nito.

Tumango naman ako.

“It suits you po, Mama Mia.” saad naman ni Ohani.

“Ay bet ko 'yan. From now on, call me Mama Mia na okay, Ohani?” nakangiting tumango naman si Ohani sa itinanong nito. “Ikaw din, Rukus, okay?” tanong din nito sa akin.

“Mama, Rufus hindi Rukus!” singit naman agad ni Ate Beka.

Napangiti naman ako.

“Ay, Rufus ba? Pasensya ka na ha? Minsan humihina yung pandinig ko.” natatawang sabi niya.

“Ayos lang po.” sagot ko naman.

“O siya sige, mauna na ako sa inyo. Babush mga anak ko!” Kumaway pa ito bago rumampa palabas ng bahay nila.

Nagulat naman kami ng bigla itong bumalik sa loob ng bahay. Nakalimutan niya raw palang b****o sa aming tatlo. Pagkatapos nitong b****o ay umalis na talaga ito ng tuluyan.

“Pagpasensyahan niyo na yung Mama Mia ko ha? Gano'n talaga 'yon.” saad naman ni Ate Beka.

“She's cute pa rin po.” saad rin ni Ohani.

Napangiti naman si Ate Beka sa sinabi nito.

“Uhm... Ilang araw or weeks nga pala kayong mananatili rito?” tanong nito.

“Uhm.... Sa totoo lang, Ate Beka, hindi pa namin alam.” saad ko.

Tumango-tango naman ito. “Naku. Ayos lang iyon. Mabuti na rin 'yon at para may kasama ako rito sa bahay sa tuwing aalis si Mama Mia,” tugon naman nito.

“Kakausapin daw naman po kayo ni Auntie Olla, mamaya.” sabi ko.

Natuwa naman ito sa kaniyang narinig.

“Mabuti naman kung gano'n. Matagal ko na rin kasi siyang hindi nakakausap.... Uhm... Ayos lang ba sa inyo kung dito kayo matutulog sa ibaba? Dalawa lang kasi yung kuwarto namin sa taas at itong kuwarto lang sa ibaba yung available. Hindi naman kasi kayo nagsabi na pupunta kayo rito. Sana nalinis ko man lang yung kuwarto ko sa taas para roon muna kayo.” aniya.

“Ayos lang po, Ate Beka. Kami nalang po rito sa ibaba at saka nakakahiya naman po kung kayo pa ang mag-a-adjust. Okay na po kami rito sa baba.” saad ko.

Napatingin naman ako kay Ohani nang tumingin din sa kanya si Ate Beka.

“Don't worry about me, Ate Beka.” agad naman na sabi ni Ohani.

“Pasensya ka na talaga, Hani. Uhm.... wala rin kasi kaming aircon dito, electric fan lang at saka ceiling fan.” nahihiyang sabi ni Ate Beka kay Ohani.

Napatingin naman sa akin si Ohani. Ngumiti nalang ako, pinipigilan kong 'wag matawa dahil iyon talaga ang una niyang iniisip sa tuwing hindi siya sa mansyon matutulog.

“It's okay po. Masasanay din po ako.” saad naman ni Ohani.

“Huwag kang mag-alala, Ate Beka. Ako na ang bahala sa kanya. At kapag nagreklamo pa ito, sa labas ko nalang siya patutulugin. Libre aircon na rin 'yon.” sabi ko.

Tiningnan naman ako nito nang masama. Natawa nalang sa amin si Ate Beka.

“Tara ipasok niyo na rito yung mga gamit ninyo. Malinis naman itong kuwarto na 'to sa ibaba, dahil nililinisan ko naman ito tuwing sabado or linggo kasi rito natutulog ang pamangkin ko kapag nasa mood siya.” paliwanag na saad ni Ate Beka.

Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat at kinuha ko na rin ang malaking maleta ni Ohani. Nahirapan pa kaming ipasok ito sa loob pero kalaunan ay nagkasya na rin ito.

“Oh my goodness. I really really like pink!” namamanghang wika ni Ohani habang pinagmamasdan ang loob ng kuwarto.

Natawa naman si Ate Beka sa inasal niya.

Nilapitan naman ako ni Ate Beka. “Ayos lang ba sa 'yo, Rufus, na pink lahat ng nasa loob ng kuwarto?” mahinang saad ni Ate Beka sa akin.

“Ayos lang po. Mukhang natutuwa naman iyong isa. Wala po akong choice.” pagtukoy ko kay Ohani sa mahinang boses.

Natawa naman ulit si Ate Beka. Nilapitan naman nito si Ohani at nag-usap muna sila saglit bago ito magpaalam at saka umalis sa loob ng kuwarto.

Ngayon, kaming dalawa nalang ni Ohani ang natira sa loob ng kuwarto. Hindi naman gano'n ka liit yung kuwarto, at yung kama rito ay malaki naman ito para sa akin, ewan ko lang kay Ohani.

Pinagmamasdan ko naman ito habang nag-aayos ito ng mga gamit niya. Nagpaalam na rin ito kay Ate Beka kung ayos lang na gamitin niya ang aparador at pinayagan naman siya nito.

Dahil wala naman akong ginagawa rito sa loob, nahiga nalang muna ako roon sa kama.

“Dating gawi ulit. Dito ka sa kama, at dito ako sa sahig.” saad ko habang nakatitig sa kisame ng kuwarto.

Ang akala ko ay papayag ito ngunit iba ang kaniyang sinabi.

“Malaki naman ang kama, kasya naman tayong dalawa riyan.” rinig kong sabi nito sa mahinang boses niya.

Napaayos naman ako nang upo. “A-Anong sabi mo? Paki-ulit nga, hindi ko masyadong narinig,” pagsisinungaling ko.

“I said, we can share in the bed. You don't have to sleep on the floor.” pag-uulit niya habang patuloy pa rin sa pag-aayos ng mga kagamitan niya.

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya.

“Sigurado ka ba?” paniniguradong tanong ko rito.

“Of course. You don't do anything to me naman, 'di ba?” tanong nito.

“Oo naman” sagot ko.

“Then, good.” aniya.

Napabalik naman ako sa pagkakahiga bago ko ipinikit ang mga mata ko.

Maya-maya ay naramdaman kong lumubog ang kama sa tabi ko dahilan para maidilat ko ang mga mata ko, at pagtingin ko si Ohani pala. Nakahiga na rin ito sa tabi ko.

“Why are you looking at me?” tanong nito habang nakatitig lang ito sa kisame.

Hindi naman ako nakasagot at saka tumitig na rin ako sa kisame.

“Aren't you going to arrange your clothes? May space pa naman roon sa closet.” saad niya.

“Ma-mamaya nalang siguro,” sagot ko at tumingin sa kanya.

“Okay...” aniya at tumingin rin ito sa akin.

Nagkatitigan naman kaming dalawa. Sa huli ay nag-iwas din ako nang tingin.

“Rufus,” tawag nito sa pangalan ko dahilan para mapalingon ako sa kanya. “Hindi mo ba talaga ako nagustuhan?” dagdag pa niya.

Nagulat naman ako sa itinanong nito. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Chona Bobot Santiago
update sgain
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE   Kabanata 50

    DALAWANG BUWAN na ang lumipas pero parang kahapon lang ako pumayag kay Mr. Sheldon na papakasalan ko ang anak niya. At ngayon, naghahanda na kami para sa kasal namin bukas ni Ohani. Napagkasunduan din namin na simpleng wedding lang, at sa beach gaganapin dahil sina Auntie Olla, Madam Meran, Tana, Ferris, at si Mr. Sheldon lang naman ang dadalo bukas sa kasal namin ni Ohani.Sa loob din ng dalawang buwan na 'yon ay maraming nagbago. Biglang bumait sa'kin si Ohani at hindi ko na rin maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Bigla nalang akong ngumingiti kapag hinahanap niya ako, at nagiging maganda na rin ang gising ko tuwing umaga.Pumasok na agad ako sa kuwarto ko pagkabigay ni Madam Meran sa'kin ng susuotin ko bukas para sa kasal. Dali-dali ko naman itong inilapag sa aking kama at pinagmamasdan ko ito habang nakatayo lang ako. Inilagay ko na rin ito sa closet ko pagkatapos at nagpahangin muna ako labas, sa may balcony.Pagkatapos kong magpahangin, babalik na sana ako sa loob ng bigla

  • HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE   Kabanata 49

    (Flashback)Rufus's POV:"GUSTO KONG PAKASALAN MO ANG ANAK KO." Halos mabingi ako sa sinabi ni Mr. Sheldon.Pinapunta ako rito ni Mr. Sheldon sa may garden dahil gusto niya raw akong makausap at sakto rin dahil day off ko ngayon. Hindi ko rin alam na ito pala ang gusto niyang pag-usapan namin ngayon kaya sobrang nagulat talaga ako. Sino ba naman ako para ipakasal sa anak niya."Gusto kong maranasan na ihatid ang anak ko sa altar sa araw ng kanyang kasal... bago ako mawala rito sa mundo," malungkot ang kanyang mga mata nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.Kumunot naman ang noo ko. "Ano po ang ibig mong sabihin, Mr. Sheldon?" tanong ko.May inabot siya sa akin na isang papel at agad ko naman iyong kinuha. Natahimik naman ako nang makita ko ang nakasulat sa mismong papel."M-may... cancer po kayo? Puwede naman po kayong magpagamot. May pag-asa pa pong mawala yung sakit mo." sabi ko.Umiling naman si Mr. Sheldon. "Matanda na ako, Rufus. Gusto ko na rin makapiling ang mommy ni Hani. Mi

  • HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE   Kabanata 48

    Ohani's POV:Lumipas ang ilang taon...."Hubby, what are you doing?" I confusedly asked him dahil iniimpake niya ngayon ang mga gamit namin.Saglit niya akong sinulyapan at muling itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa. Lumapit na ako sa kanya at pinigilan ko siya."What are you doing? Bakit mo iniimpake ang mga gamit natin?" muling tanong ko sa kanya."Basta. Saka ko nalang sasabihin kapag nailayo ko na kayo rito ng anak natin." tanging sagot lang niya.I didn't bother to ask him again, at tinulungan ko na lamang siya sa pag-iimpake ng mga gamit namin. Maya-maya lang ay pumasok na sa loob ng kuwarto namin ang yaya ni Ruhan na bitbit ang mga gamit nito. Nakabukas din ang pinto dahil nakalimutan ko itong isara kanina."Ma'am, sir, ito na po yung mga gamit ni Ruhan." aniya."Saan ba talaga tayo pupunta?" muling tanong ko kahit alam kong wala akong makukuhang sagot mula sa asawa ko."Thanks, ya. Pakilagay nalang ang mga 'yan sa loob ng van." saad naman ni hubby."Sige po, sir."

  • HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE   Kabanata 47

    BITBIT ko ngayon ang bag ni ma'am Ohani. Nakatanaw lang ako sa kanya habang ito'y lumalangoy sa pool. Nandito rin kami ngayon sa isang resort dahil ayaw niya raw mag-swimming sa sarili nilang pool kaya dumiretso na kami rito.Nang umahon na ito. Lumapit ito kaagad sa akin at pinakuha niya sa'kin ang kanyang lipstick mula sa bag niyang bitbit ko ngayon."Why are you looking at me like that, Rufus?" Tanong nito nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya habang naglalagay siya ng lipstick sa kanyang labi."Aalis na po ba tayo, ma'am?" Tanong ko."What? No. Naglalagay lang ako nito dahil..." Pinutol nito ang kanyang sasabihin at napatingin naman ako sa tinitingnan niyang isang lalaking photographer."Type mo siya? Kaya ka nagpapaganda?" Hindi makapaniwalang sabi ko rito na ikinatawa niya.Ibinigay naman nito sa'kin ang kanyang lipstick. "Silly, Rufus... Back then, I really wanted to be a model but ayaw ni Dad. And this is my chance. That photographer is taking pictures of me. Kaya kaila

  • HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE   Kabanata 46

    Continuation..."Ako na ang magluluto. Sakto rin dahil gutom na ako." Sabi ko.Kinuha ko na rin mula sa kanya ang hawak niyang ice cream at ibinalik ko iyon sa ref. Kumuha na rin ako ng ham sa loob ng ref at pagkatapos naghugas muna ako ng mga kamay."Kumakain ka naman ng fried rice, 'di ba?" Tanong ko sa kanya na agad nitong ikinatango.Nagtira ako ng apat na slice ng ham at yung ibang natira naman ay hiniwa ko ng maliliit para ihalo sa fried rice. Akmang bubuksan ko na sana ang stove nang bigla akong hawakan ni Ohani sa braso ko at iniharap ako nito sa kanya.Nagtataka ko naman itong tiningnan. "Bakit?" Agad na tanong ko rito.Ngumiti lang ito, saka nito ipinasuot sa akin ang apron na kinuha niya sa gilid."Hindi ko na kailangan 'to. Madali lang naman itong lutuin," sabi ko sa kanya.Muli naman niya akong iniharap sa may gas stove. "You still need this apron. Baka tumalsik yung oil." Sabi niya na ikinatawa ko. "Why are you laughing, Mr. Rufus Madrid?" Bakas sa boses niya ang inis."

  • HUSBAND OF A SPOILED BRAT BILLIONAIRE   Kabanata 45

    (Flashback)Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan namin kaagad kaming dumiretso sa condo ni Tana, dahil iyon ang gusto ni madam Ohani. Private plane rin nila ang sinakyan namin papuntang US para lang makapag-shopping itong si madam Ohani.Maghawak-kamay pa silang dalawa ni Ohani sa harapan ko na akala mo isang dekada silang hindi nagkita ni Tana, eh kakakita lang nila last week."I have a gift for you." Aniya at tumingin ito sa akin.Nakuha ko na agad ang ibig niyang sabihin kaya hinanap ko na yung binili niyang bikini para kay Tana dahil birthday raw nito ngayon. At nang makita ko na, inabot ko kaagad iyon kay Ohani.Ibinigay naman ni Ohani kay Tana iyong regalo niya rito. "Here. I hope you like it." Nakangiting sabi niya.Niyakap muna ni Tana si Ohani at nagpasalamat din ito bago nito binuksan ang regalo ni Ohani para sa kanya.Nanlaki naman ang mga mata ni Tana nang makita na niya ang regalo ni Ohani sa kanya. "O.M.G! I like it. I like it. Girllll! Thank you so so much!" Tumitili pa

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status