"ERIE, pwede ba! Bakit ba ako ang kinukulit mo diyan sa 1 week vacation na yan? What happen to your girlfriend?" Tanong niya sa kabilang linya.
"I broke up with her" sagot ng binata na tila wala lang.
"Nanaman? Ano ka ba? Hindi ka na ba titino?" Reklamo niya. What's new? Last week lang nito sinabing may girlfriend ito pero ngayon wala na daw! Wow! Kung magpalit ng girlfriend parang nagpalit lang ng damit!
"Sweetie, huwag kanang magalit diyan. Ginawa ko yun dahil sayo." Muntik na siyang masamid sa tinuran nito dahil kasalukuyan siyang umiinom ng juice.
"Anong dahil sa akin?" Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
"She's always jealous with you. And pinapili niya ako kung ikaw o siya. Siyempre ikaw ang pinili ko. I love you and you know that" paliwanag ng binata
Natigilan siya, parang kakapusin siya ng hininga sa narinig. Maybe after all may chance....
"Hello? Sweetie? Jade? Are you still there? I mean you know you are my best-friend of course ikaw ang pipiliin ko." Pukaw ng binata mula sa kabilang linya
"Ang TAN- G. A. mo talaga Jade! Hopia kana naman! Di kana natuto!" Kastigo niya sa sarili
"Hay naku ewan ko sayo Zach Erie Villa Real!" Yun lang ang tanging nasabi niya maybe out of frustration na rin.
"Pumayag kana kasi. Sayang naman yung 1 week vacation na yun. Atsaka I want to be with you as well. Di kanaman 2nd option dun eh! Kahit may girlfriend ako ngayon ikaw parin ang isasama ko." Pamimilit parin nito.
"Give me a better reason nga kung bakit mo ako pinipilit sumama?"
"Because...." akmang nag-iisip ito
"And this better be good!" Singit niya habang nag-iisip ito.
Kilalang kilala niya si Erie. They are best-friends ever since. Dahil ang mga magulang nila ay matalik ding magkakaibigan. Kaya simula bata laging sila ni Erie ang magkasama. Matanda lang ng 4 months sa kanya ang binata. They are inseparable, madalas silang mapagkamalang magkasintahan. Maging ang mga magulang nila ay gusto sila para sa isa't isa, bagay na tinatawanan lang nila. Well, at least sa harap ng marami iyon ang pinapakita niya.
"Because, I want to see Burj Khalifa with you! Yes! That is my best reason!" Sigaw ng binata sa kabilang linya dahilan upang magulat siya at bahagya pang ilayo ang cellphone niya mula sa kanyang tenga.
"Seriously? Erie? Yan ang best reason mo? Gosh! So lame!" Saad niya rito.
"It's my first time to see the tallest skyscraper in the whole world and I want to see it and have a photo on it with you by my side. Remember I want to have all my first with you." Sagot ng binata.
Ano nga yung sabi ni Moira sa kanta niya? Gosh! Pakiramdam niya tumigil ang kanyang mundo ng literal! Bakit ba parang nagiging extra sweet itong si Erie these past few days? Kung kailan parang malapit na niyang sagutin ang masugid niyang manliligaw.
"Sweetie, please come with me." Pagsusumamo nito.
"I'll talk to you later. Medyo dumami ang mga customers. Bye!" Mabilis na pinindot niya ang end button at pinatay ang cellphone niya. Knowing Erie, hindi ito titigil hangga't di siya pumapayag.
Napabuntong hininga siya. Kasalukuyan siyang nasa Hanggang Ngayon Café. Ang negosyo na naipundar nila ni Erie mula sa sariling sikap. Before college they have goals na 5 years after college dapat ay mayroon na silang sariling negosyo at dapat business partners sila and Hanggang Ngayon Café was born. Sa loob ng isang taon may dalawang branch na sila. Sa ngayon siya ang tumututok sa main branch at si Erie naman ang sa 2nd branch. Patok na patok sa mga kabataan ang mga #HugotLines na may "Hanggang Ngayon" na nakapaloob roon. Kagaya nalang ng isang nakasulat sa table niya ngayon. "Bakit hanggang ngayon ikaw pa rin?" May mga freedom wall sila na pwedeng lagyan ng mga customers ng post it para sa mga hugot lines nila. Nasa kanila na if pa-pangalanan nila ang mga post it.
"Bakit hanggang ngayon ikaw pa rin?"
Muling basa niya sa table kung nasaan siya. Kasalukuyan siyang nagre-review ng mga resumés kanina dahil hiring sila nang biglang tumawag si Erie.Aminado siya sa sarili niya na mahal niya si Erie higit pa sa pagiging best friend. Kung kailan nagsimula hindi niya alam. Or maybe it was during that night... Ngunit matagal na niyang binaon sa limot ang gabing iyon!
"Weh? Di nga? Limot na nga ba?"
She has to conceal her feelings for her best friend! And only God knows how hard she tries everyday. Ayaw na niyang balikan ang gabing iyon dahil yun lang ang pinanghahawakan niyang pag-asa at ayaw niyang umasa.... ayaw na niya... last time na umasa siya ay sobrang sakit ng naramdaman niya. It's been 10 years... Ngunit sa tuwing naaalala niya ay bakit naiiyak parin siya? Na parang kahapon lang nangyari iyon.
Luckily, na-perfect niya ang art of pretending. Well siguro doon siya magaling, yung magpanggap sa harap ng lahat na best friend lang niya si Erie. Magpanggap na okay lang siya sa tuwing may ipapakilala itong girlfriend. Well if there is any consolation - kung yun nga ang tawag doon, yun yung very vocal si Erie sa pagpili sa kanya kaysa sa mga nagiging girlfriends nito.
At ngayon nga ay pinipilit siya nito na samahan ito sa 1 week vacation nito sa Dubai. Naka base sa Dubai ang kuya ni Erie na isang engineer. Last 2 months ang parents ni Erie ang pumunta roon. Hindi sumama si Erie sa kadahilanang ayaw siyang iwan nito at kabubukas lang ng 2nd branch nila. Ngayon naman ang binata ang pinapapunta ng kuya niya doon. At siyempre dinadamay pa siya ng mokong!
"Ayaw mo nun? Masosolo mo si papa Erie! Tapos pwede mo na siyang akitin! Get get awww!"
Madalas talaga yung inner self niya ang sarap kutusan eh! Hindi siya pwedeng sumama kay Erie kase prevention is better than cure! Siguradong maaakit lang siya kay Erie! Kaya no way!
IPINITIK ni Erie ang daliri sa harap ng dalagang tila balon ang lalim ng iniisip.
"Jade Eriette Dela Cruz sa sobrang lalim ng iniisip mo, alam kong ako yan!" Tudyo niya sa dalaga. Bahagya pa siyang natawa ng makita itong bahagyang napakislot at pagkatapos ay tiningnan siya ng masama.
"What are you doing here?" Masungit na sagot nito.
"Oh! Not in the mood sweetie?" Natatawang saad niya rito. Ewan niya pero ang pinaka best part talaga ng pagiging mag best friends nila ay yung walang humpay na asaran.
"Okay naman ako kanina. Kaya lang dumating ka! Kaya nasira ang mood ko."
"Wow! Ang sungit mo! Kaya siguro binabaan mo ako ng phone kanina." Binabaan siya ng phone ng dalaga kanina kaya naman pinuntahan niya ito sa Café.
"Pwede ba Erie huwag mo akong guluhin dito. At bakit mo iniwan ang Café? Ibabawas ko yan sa sahod mo!" Pagtataray pa rin ng dalaga.
"Oh! I'm sorry to disappoint you sweetie but you can't do that." Sagot niya dito. At lalo siyang natawa ng makitang naningkit ang mga mata ni Jade. Oh! She's really amazing! Yung tipong kahit galit na at umuusok na ang ilong maganda pa rin.
"Of course I can!" Singhal nito sa kanya.
"I'm on break babe." Kibit balikat na saad niya rito.
"Don't call me babe!" Tumayo ito at tinalikuran siya.
Sinundan niya ito sa mini office sa loob.
"Hello, sir Erie." Bati ng mga staff sa kanya.
"Hi sa inyong lahat!" Masiglang bati niya sa mga ito. Hindi pa rin nakikinig ang mga ito sabi na niyang Erie nalang ang itawag sa kanya pero hanggang ngayon may sir pa rin ang tawag sa kanya.
"Yiiii.... ang pogi talaga ni sir Erie!"
"Oo nga! At ang bait pa!"
"Bagay talaga sila ni Ms. Jade."
"Number one fan ako ng JadRie!"
Siguro kung maglalagay siya sa social media ng #JadRie mag-ti-trending iyon, pero dito lang sa Café nila malamang! Naiiling at natatawa nalang siya sa naisip habang sinusundan si Jade. Ang mga staff talaga nila napaka cool!
"MY GOD! JADE! It's been 24 hours at wala kaman lang talagang paramdam!" Marahas na napabalikwas si Jade mula sa pagkakahiga sa kama at mabilis na tumayo ng mapagtanto kung sino ang pumasok sa kanyang silid. "Bago mo ako sigawan diyan! Uso ang kumatok!" Singhal niya kay Erie. "Eh ano naman ngayon kung di ako kumatok?" "Paano kung nagbibihis ako?" "Nakita ko na lahat yan." Sagot nito na may kalakip na pilyong ngiti. Sinimangutan niya ito, "Bakit ka nandito?" Matabang na tanong niya rito. "Hindi mo man lang ba ipapaliwanag sa akin kung bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? I was waiting for your explanation for 24 hours now!"
NAPAKA-GANDA ng rest house nila Bastie. Nasa mataas na parte ito kaya kitang kita ang napakagandang view. Nakaka-relax at ang sarap din ng simoy ng hangin. Maraming silid iyon kaya kahit isa isa sila ng kwarto ay okay lang. Ilang saglit pa ay sama sama ang lahat sa kusina, ang lahat ay abala sa pagluluto. Nagpaalam saglit si Jade sa mga kaibigan upang kunin ang kanyang cellphone na naiwan niya sa kanyang silid. She was about to go back when she heard that voice.... "Caitlin, when are you going to tell them? Kailangan nilang malaman." Boses iyon ni Erie. Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng iba. Ngunit nang mga sandaling iyon ay hindi siya makakilos mula sa kanyang kinaroroonan. Hindi niya nakikita ang mga ito ngunit d
NANG MAGISING si Jade ay wala na si Erie sa kanyang silid. Hindi niya tuloy maiwasang mapasimangot. "Hay naku Jade Eriette! Dapat good-vibes! Umagang umaga eh!" Kausap niya sa sarili at pilit na ngumiti. Ang kumag na iyon! Nag-eexpect pa naman siya na paggising niya ay mag-sosorry pa rin ito at may paandar ito na surpresa! "Yan tayo eh! Kapag nag-eexpect talaga masakit!" Aniya at umirap sa hangin, "Ay! Erase erase erase! Good-vibes...." Aniya habang nag-inhale at exhale. Napatingin siya sa bedside table. "Wala man lang kahit note na I'm sorry..." Muli ay di niya maiwasang magdamdam kay Erie. Pagkuway tumunog ang cellphone niya. "Good morning babe! I'm
"AS YOU ALL know, magbi-birthday si Jade bago ang pasko, and this time, Jade does not want to celebrate it. Gusto niya isabay na sa yearly Christmas celebration natin." Paliwanag ni Ice. Nagpatawag ito ng 'emergency meeting' kuno at hindi kasama si Jade sa meeting na ito.Dalawang araw na niyang hindi nakikita ang dalaga, pupuntahan sana niya ito kahapon ngunit biglang nagpasama ang kanyang mama sa kanya na hindi naman niya matanggihan. And yes she missed her. Well, at least sinagot na naman ni Jade ang tawag niya kahapon at base sa tono ng boses nito ay okay na naman ito."So, you are suggesting na i-surprise nalang siya sa birthday niya? Wika ni Jayden."Yes, simple lang, cake and food and movie marathon nalang tayo sa may sala nila." Ani Ice."Okay ako diyan, and slee
NANG MAKAALIS siya ng library, kaagad niyang hinanap si Caitlin. Kailangan niya itong makausap tungkol sa kalagayan nito. Natagpuan niya ang dalaga sa may terasa ng bahay."So, she told you..." Usal nito at tinalikuran siya. Nilapitan niya ang dating kasintahan at pinaharap sa kanya."Bakit hindi mo kaagad sinabi?" Tanong niya rito."Para kaawaan mo? Katulad ngayon?" Anito sa pagitan ng pag-iyak.Pinunasan niya ang mga luha ng dalaga."Ssssshhhhh...""Mamamatay na ako Erie.... Nararamdaman ko sa bawat araw na nagdaraan nanghihina ako at lalong namumutla." Patuloy sa paghikbi ang dalaga.Niyakap niya ito upang mapatahan. Nang pumikit si
"KAMUSTA ANG pag-puno sa box mo kagabi?" Iyon ang bungad ni Erie sa kanya habang papunta sila sa bahay ni Caitlin. Nasa likod sila ng sasakyan. Pinag-drive sila ni mang Kiko."Okay lang." Matipid na sagot niya at tumingin sa bintana ng sasakyan. Kunwari ay tinatanaw ang mga tanawin sa labas kahit madilim na, ngunit ang totoo ay pinakikiramdaman niya si Erie."Hindi mo lang ba ako tatanungin kung kamusta ang pagsama ko kay Caitlin kagabi?"Wala sa sariling napa-irap siya sa may bintana. Sa ayaw nga niya iyong pag-usapan! Kung pwede nga lang huwag mag-attend ngayon eh! Mas gusto pa niyang humiga sa kama at magmukmok."I saw that...." Ani Erie na nagpabaling sa kanya sa gawi nito."What?" Kunot noong tanong niya.
"SH*T! OUCH!" Bigla niyang nasapo ang ulo. Nang bigla nalang may pumitik at may maalala siya. Ngayon sigurado na siya na mga alaala niya ang mga iyon. Hindi panaginip."I can kiss you all day, you know." Paulit ulit iyon na tila sinasabi niya sa isang babae. Punong puno ng pagmamahal ang kanyang tinig."Erie? What happened?" Tinig iyon ni Jade, "Erie, Oh God! Please, talk to me..." Dama niya ang pag-aalala sa tinig ng dalaga.Unti unti niyang minulat ang mga mata at tumayo nang tuwid. Mahina niyang hinimas himas ang sentido."I'm okay, ganoon lang talaga kapag may bigla akong naaalala." Tumingin siya sa dalaga. Nasa mukha parin nito ang pag-aalala.Gusto lang sana niyang i
"THERE IS really something in the way she looks at me...." Paulit ulit iyon sa isipan ni Erie. Iba eh, iba ang nararamdaman niya, naguguluhan siya. Tila ba may nais ipabatid si Jade sa kanya. Mayroon ba siyang kailangan malaman? Is there any important thing or whatsoever that happened within that 5 years that was forgotten? At bakit nanaginip siya kagabi na tinatawag siya ni Jade ng 'babe', samantalang never niyang narinig ang dalaga na tawagin siya sa endearment na nakasanayan niya para rito. Siya lang ang tumatawag kay Jade nang ganoon. Ngunit sa panaginip niya, buhay na buhay ang boses ni Jade. Masaya at tila musika sa pandinig niya. Pansamantala siyang lumayo sa karamihan matapos kumanta ni Jade. Nasa may hardin siya. Gusto niyang makapag-isip. "Huwag mong l
KANINA PA naka-plaster ang matamis na ngiti sa mga labi ni Jade. Pakiramdam niya ay nangangawit na siya sa kaka-ngiti. Again, she is pretending she is okay in front of many people, specially to their friends. Pero ang kalooban niya ay nadudurog. Paano ba namang hindi, kanina pa ang tudyo ng mga kaibigan nila kina Erie at Caitlin. Masyado kaseng inaasikaso ni Caitlin si Erie at ganoon din ang binata sa dalaga. Nakangiti siya ngunit ang kalooban niya ay naghihimagsik sa sobrang panibugho. "O ano? Kaya mo pa? Ginusto mo yan eh!" At ayun nga pati inner-self niya ay ginagatungan siya! "Palagay ko may magkakabalikan dito." Tudyo ni Jayden. "Oh! No! Fiancé ko na si Erie!"