MasukSila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Lihat lebih banyak“Naiihi ako,”usal nito sa namamaos na tinig. When did that phrase sound so sensual? Tinaasan ko lang ito ng kilay at pinagtuunan muli ng pansin ang rubik’s cube na nakita kong nakapatong sa bedside table niya kanina. Bakit ang hirap namang buuin nito? I’ve spent two hours already pero talagang hanggang unang layer lang ang nabubuo ko. “Can’t you put that down first?” Nabaling ang aking atensyon sa lalaking ngayo’y magkasalubong ang kilay na nakamasid sa akin. I heaved a sigh and threw the Rubik's cube somewhere. “Anong maipaglilingkod ko sa iyo, Kapangitan?” Tumayo ako at bahagya pang yumuko na tila ba pinagsisilbihan ang isang maharlika. “Kapangitan?” he resonated with confusion and disbelief. Nagkibit-balikat ako't pinanuod siyang bumangon mula sa pagkakahiga. For an injured being, he looked so Godly. Nakabenda ang kanang braso niya't walang suot na pang-itaas. I gulped when I saw how his muscles flexed. “Oh, fuck that hurts,
"He's shot, Atlas!"I was trying to compose myself and think straight. Tinignan ko ang nakasandal na si Gunther sa passenger seat mula sa rearview mirror. I am driving, but I can't focus on the road. Rinig na rinig ko ang mahihinang pagmumura at pag-ungol nito."Nasaan kayo?" asik ni Atlas mula sa kabilang linya. Mababakas sa kanyang boses ang pagod. Gusto ko siyang kumustahin ngunit may mas mahalagang kailangang gawin; tumatakbo ang oras."Papuntang ospital.""Huwag!" Sa gulat sa biglaang paghiyaw niya, natapakan ko ang preno at halos sumubsob ang aking ulo sa windshield ng kotse. Ramdam kong kumirot ang ilang galos ko sa noo."Ikaw ata ang papatay sa akin, hindi ang bala," nanlalatang usal ni Gunther habang inaayos ang kanyang pagkakasandig. Humingi ako ng paumanhin bago muling paandarin ang sasakyan. Mabuti nalang at wala kaming kasabayan sa kalsada."Amara? Amara!"Napa-irap nalang ako nang muling marinig ang boses ni Atlas."Saan
“Ano? We're already in front of your house. Fuck!"Nanlaki ang aking mata nang makitang nasa tapat nga kami ng mans’yon. What the heck is happening?May mga itim na kotseng nakaparada malapit sa amin. Nataranta ako nang makitang may dalawang armadong lalakingnakamaskarang pang-clown ang papalapit sa aming direks'yon.Oh, shit!“Gunther, may nakakita na sa'tin!”“Get down, woman!” Mabilis itong lumapit sa akin at hinila ang lever ng upuan para mapahiga ako. In a split second, two shots were fired. Mabuti nalang at maagap siya dahil kung hindi, headshot ang kinalabasan.After reclining my seat, he grabbed his handgun from the car’s compartment at mabilis na minaniobra ang kotse. My heart pounded so fast.This is exciting!“Protectmy sister, dickhead!” saglit itong huminto at nagpaputok ng baril mula sa kabilang linya. I am quite worried for my brother, but I know tha
“I’m taking her with me.”With brows creased, I yelled, “I am not coming with you! I don’t even know you!” I tried removing the handcuffs. Nakakuha na rin kami ng atensyon pero hindi iyon ang mahalaga, kailangang makatakas ako.“Boss, may problema po ba?” wika nung maskuladong bouncer ngunit sinenyasan ito ni Marcus na umalis. What's wrong with these people?Hindi makapaniwala kong tinignan si Marcus.“Just come with him, Amara. Kapag may nangyare, I’ll be liable, I swear.You can trust him.”Trust this creep? Magkaibigan nga sila, parehong may sapak sa utak.“Marcus!” Nakahawak sa bewang na pinandilatan ng mata ni Gia ang pinsan na ngayo’y seryosong nakamasid sa amin.“Kung gusto ng kaibigan mo, ako nalang ang isama niya. Hindi pwede siAmara!”“I'll still take her with or without your permission, woman.&rdqu





