Beranda / Mystery/Thriller / Hanzai Academy / Chapter 2:The Mysterious Guy

Share

Chapter 2:The Mysterious Guy

Penulis: Rommel Bayutas
last update Terakhir Diperbarui: 2022-07-24 07:28:44

Shaniah's Point of view

Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang tuhod ko nang marinig ko ang sigaw at makita ang pagkalaglag ng babae mula sa taas sa likuran ng building.Agad na tumayo ang mga kaklase ko at saka dumungaw ang mga ito sa bintana para tignan ang babae.naramdaman ko ang mainit na likido na tumulo mula sa mata ko saka tinakpan ang bibig gamit ang kamay ko.nanginginig man ay tumayo ako at lumabas ako sa silid aralan namin at bumaba mula sa 6th floor.Naglalakad ako patungo sa likod ng building kung saan nalaglag ang babae.At nakita ang babaeng nakahiga na duguan,lalapit na sana ako nang may papalapit na babaeng may dalang kutsilyo.umatras ako at nagtago sa gilid ng building at sumilip.

Sino sya?bakit may dala siyang kutsilyo?

Inangat ng babaeng kanina ay nalaglag ang kanyang kamay at humawak sa bente ng babaeng may hawak na kutsilyo.Yumuko ang babae at saka sinaksak niya ang isa pang babae na ikinalaki ng mata ko.paulit-ulit niyang sinaksak ito nang may nakakakilabot na ngiti sa labi at dinilaan ang dugo sa kutsilyo at saka umalis.

Tumakbo ako papalapit sa duguang babae at saka napatakip ng bibig at nanlaki ang mata nang makita ang babae.

"L-Lily"Sambit ko.isa siya sa mga nakasama ko sa bahay ampunan,panong- pano na siya napunta dito,anong nangyari sakanya pagkatapos siyang ampunin ng mayamang babae."Lily- naririnig mo ba ako?Lily!"ani ko habang umiiyak.

Mayamaya ay dumating ang ibang estudyante at pinalibutan ang katawan ni Lily.habang ako ay nakaupo parin sa gilid ng bangkay niya.

"Pinatay siya"ani ko na ikinakunot ng aking noo nang wala man lang akong nakitang ekspresyon sa mga mukha nila,na di man lang sila nagulat."di niyo ba ako narinig?pinatay siya!"dugtong ko na benalewala lang ng mga estudyante saka umalis.Nang umalis ang mga estudyante ay may dumating na mga lalaki saka kinuha ang katawan ni Lily.Umalis ako at tumakbo sa Principal's Office at dumeritsong pumasok sa silid nito at bumungad saakin ang isang babae.

"Sigurado ako,alam mo na po yung nangyari kanina.Witness ako!handa akong pumunta sa presento for questions,Kailangan mapanagutan ng babaeng 'yon ang ginawa niya."ani ko sa Principal na ngayo'y may sinusulat.napahinto siya sa pagsusulat dahil sa mga sinabi ko at inilagay sa gilid ng papel ang hawak niyang ballpen at saka tumingala at tinignan ako.Tumalim ang tingin niya sakin na nagdulot sakin ng kaba.tumayo siya nang nakatingin parin saakin at saka biglang humalakhak sa kakatawa.

"Ikaw ba yung bago?what's your name again?tanong nito habang hawak hawak ang tiyan,na wari ko'y sumasakit na ito sa kakatawa niya.Kakaiba ang mga tao dito,di ko sila maintindihan.

"Shaniah,Shanaiah Arcilas po"nauutal kong sagot sakanya.tawa parin ito ng tawa na ikinatatakot ko,nakakakilabot ang tawa niya!

"By the way,I'm Miss Marquez.The school's Principal.Wag mo nang alalahanin yung nangyari kanina.Naglalaro lang ang mga schoolmates mo"ani nito na ikinagulat ko.

"Nababaliw na po ba kayo?!"sigaw ko na ikinalaki ng mata ni Miss Marquez.Bawat galaw ni Miss Marquez ay nakakakilabot,bawat galaw niya ay kinakabahan ako.Natatakot ako sa kung ano man ang susunod na mangyari.Lumapit ito saakin nang matalas parin ang tingin sakin at biglaan na sinakal ako,dumiin ang mga mahahaba niyang kuko sa leeg ko dahilan ng pagtulo ng luha ko dulot ng sakit."Wala na po kayo sa tamang katinuan"Nauutal kong sabi.Bigla na naman itong tumawa tulad ng kanina at binitiwan ako,napaubo naman ako sa sakit ng lalamunan ko dahil sa pagkakasakal niya sakin.

"Satingin mo ba inosente ka Miss Arcilas?Alam ko kung bakit ka nandito"aniya na ikinakunot ng noo ko."nandito ka dahil pumatay ka"dugtong nito habang tumatawa.

"Hindi ako pumatay!"sigaw ko at kinuyum ang kamao.

"Lahat ng nandito ay Hindi inosente Ms.Arcilas.Sa ngayon bait baitan ka pa,pero lalabas din ang tunay mo na kulay!"bulong nito saakin matapos ito nilapit ang kanyang mukha saakin habang nakatingin saakin ang nakakatakot nitong mga mata.Tumayo siya ng maayos at saka kinuha ang isang black card sa table niya at inabot sakin.Kinuha ko ito at tumingin sakanya dahilan ng pagkalito.

"Sayo yan,spend all the money if you want,it's all yours!May cafeteria kami dito,salon,convenient store,lahat ng gusto mo andito except freedom.If you want your freedom then you have to survive.Hold a knife,that's all you need right now.pag nakasurvive ka at nakagraduate ka dito ng college,we'll give you that freedom that you want."ani nito dahilan ng pag buntong hininga ko.tumalikod ako at naglakad palabas sa silid.

Mag isa akong naglakad sa hallway nang biglang may humila sakin,tinakpan ang bibig ko at hinila ako papunta sa cr.Itinulak niya ko sa pader saka hinawakan ang dalawa kong kamay at inangat saka hinalikan ang leeg ko.inangat ko ang tuhod ko ng buong lakas upang tamaan ang ari nito na siyang dahilan ng pag bitaw niya sakin saka hinawakan ang gitna ng mga hita niya at ininda ang sakit tumakbo ako at lumayo sa lugar na iyon.Nasa dormitoryo ako ngayon,hawak hawak ang matulis na kutsilyo na binili ko kanina.

Flashback

"You already took a step inside this hell,that means you're not safe anymore."sabi ng lalaki na lumapit saakin noon

"If you want your freedom then you have to survive.Hold a knife that's all you need right now."ani Miss Marquez.

"Satingin mo ba inosente ka Miss Arcilas?"

Flashback ends

Ang mga salitang iyon,paulit ulit na pumapasok sa utak ko.kaya ko ba talagang pumatay para mabuhay.Kailangan ko ba talagang pumatay?pinasok ko ang kutsilyo sa knife case at saka nilagay sa bag ko.nakaramdam ako ng gutom kaya kinuha ko ang black card na nakalapag sa kama at lumabas sa dormitoryo.Nang Makarating nako sa Cafeteria ay bumili ako ng pagkain at nilagay sa foodtray,Papunta na sana ako sa napili kong mesa nang lumapit saakin ang lalaking nagtangkang gahasain ako kanina,may tatlo siyang kasama ngayon kaya yumuko ako sa takot na baka makilala ako ng lalaki.

"Kamusta?namiss mo ba ang halik ko?"tanong ng lalaking nagtangkang gahasain ako.lumapit saakin at tumabi sa gilid ko ang isa sa mga kasama niya habang tumatawa saka hinawakan ang bewang ko."Sexy mo Miss ah."sabi nito habang pababa ng pababa ang kamay na nagdulot sakin ng panginginig sa sobrang galit.Ipapasok na sana niya ang kamay niya sa maikli kong palda pero Itinapon ko sa mga mukha ng lalaking nasa paligid ko ang mga pagkain ko saka hinampas ng foodtray ang ulo ng manyak na lalaki na nasa gilid ko.Hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabila kong kamay para pigilan akong makagalaw,Lumapit saakin ang lalaking hinampas ko at inangat ang kamao upang suntukin ako pero tinadyakan ko ang tiyan nito dahilan upang matumba ito ngunit naramdaman ko na lamang ang sakit ng tiyan ko ng suntukin ako ng lalaking nagtangkang gahasain ako.

"Di mo ba ako kilala ha?!Ako Si Luke Del Mundo!wala pang tumanggi sa'kin.Babae ka lang,laruan ka lang namin!"Sigaw nito habang nilalapit ang mukha sakin.Dinuraan ko ito dahilan para magalit ito at sampalin ako ng buong lakas.

"Tama na yan"ani ng lalaking mula sa likuran ko.agad naman akong binatawan ng dalawang lalaki.tumingala ako at nakita ang lalaking nakita ko nung unang araw ko dito.

"Napahanga mo ko ah,I never thought na kaya mong makipaglaban ng ganun"ani nito.

Binuhat niya ko saka naglakad paalis ng cafeteria.

Umupo ako mula sa pagkakahiga nang magising ako,nagulat nalang ako ng makita ko ang lalaki na nagbuhat sakin kanina.

"A-anong ginagawa mo dito?"nauutal kong tanong sakanya.

"You're question should be "why am i here?"okay?"aniya na ikinalito ko.

"You're in my Dorm"walang emosyon nitong sabi na ikinalaki ng mata ko.

"Anong ginawa mo sakin?"ani ko sabay angat ng dalawa kong kamay at tinakpan ang dibdib ko.

"You're over reacting,binihisan lang kita"sabi nito saka bahagyang ngumiti na ikinalaki ng mata ko.Ang sexy niya ngumiti.G*go ba't gan'to nararamdaman mo Shaniah-wait binihisan niya ko.tinignan ko ang katawan ko at nakita ang suotsuot kong Malaki at kulay puti na tshirt.

"Nakita mo?"gulat kong sabi na ikinangisi nito.

"By the way I'm Zackary,you can call me Zack"pagpapakilala nito sa sarili.

"Shaniah"

"Babe!"rinig kong boses ng babae habang komakatok sa pintuan na ikinagulat naming dalawa ni Zack.Agad akong itinago ni Zack sa ilalim ng kama at saka binuksan niya ang pintuan.pumasok ang girlfriend niya,Agad itong yumakap kay Zack at nakarinig ako ng kakaibang tunog.Tanging mga paa lamang nila ang mga nakikita ko kaya di ko talaga alam kung ano ang ginagawa nila.

"Serafeena"sambit ni Zack habang umuungol na ikinagulat ko.

Zack anong ginagawa niyo?andito pa ko,palabasin mo muna ako saka niyo na gawin yan please,di ba kayo nahihiya andito ako,saka ang iinit na dito sa ilalim.Zack naman!

Humiga ang babae sa sahig na ikinalaki ng mata ko.

"Ang sakit ng ulo ko"rinig kong sabi ni Zack.

"Why?May lagnat ka ba?"sabi ng babae saka tumayo.

"Baka pagod lang ako"sabi naman ni Zackary.

"Okay then aalis nalang muna ako ah,rest ka nalang muna babe"sabi nito na ikinasaya ko,saka ito umalis.

Lumabas ako mula sa ilalim ng kama at saka tinignan ng masama si Zack.

"Why?Are you jealous?"tanong nito na ikinagulat ko.

"Kapal mo"ani ko.

"Then stop it,wag mo kong tignan ng ganyan,g*go ba't nakikilabotan ako sa mata mo pag tinitignan mo ko ng ganyan"sabi niya na ikinatawa ko,bahagya ring ngumiti si Zack na parang pinipigilan ang pagtawa niya.

"Sige na alis nako ah,saka ko nalang isasauli tong tshirt mo"Ani ko

"No,bawal"Sambit nito na ikinakunot ng noo ko."nakalimutan mo ata nakapanty ka lang,natatakpan lang ng tshirt kasi XL yan."dugtong nito na ikinagulat ko.Ba't di ko namalayan na wala akong suot na short."saka tinulongan kita kanina ah,syempre may kapalit yun"ani nya sabay lapit saakin.Humakbang siya papunta saakin.Napalunok naman ako at saka humakbang paatras hanggang sa di nako muling makahakbang pa dahil sa pader sa likod ko.Yumuko siya at saka nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Be my slave for three days"ani nya saka tinapik ang pisnge ko.

"Three days?okay kalang?"ani ko.

"Oum"maikling sagot nito na ikinakulo ng dugo ko.

Napilitan akong manatili sa dorm ni Zack hanggang sa sumapit na ang gabi.nakatulog na si Zack sa sahig habang ako ay nakahiga sa kama niya.Tumagilid ako at saka tinignan si Zack na nakahiga sa baba."Mapagkakatiwalaan ba kita?"bulong ko.umupo ako mula sa pagkakahiga saka dahan dahan na tumayo at lumabas sa dorm.Madilim ang paligid at tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.

"Don't turn around,Just...stay still"rinig kong boses ng lalaki na ikinagulat ko."Lumayo ka kay Zackary,ipapahamak ka lang niya,Iwasan mo siya if you want to survive"ani nito na ikinalito ko.

End of Chapter.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hanzai Academy   Chapter 34:Experiment

    Chapter 34: ExperimentZackary's Point of viewHindi ko maaninag ang mga bagay sa paligid ko dahil sa sobrang dilim ng buong lugar. Alam kong nakapaa lang ako sapagkat ramdam na ramdam ko ang magaspang na lupa na kinatatayuan ko ngayon, hindi nga lang ako sigurado kung talagang lupa ba talaga ito. Inangat ko ang aking paa at nagsimulang humakbang ng dahan-dahan."Nasaan ako? Paano ako napunta dito?"Nang muling dumampi ang paa ko sa lupa ay nakaramdam ako ng malagkit na likido. "What is this?"Napatingin ako sa malayo nang may napansin akong liwanag. Naglakad akong muli kahit na hindi ko gusto yung nararamdaman ko sa tuwing dumadampi ang paa ko sa malagkit na likido sa lupa. Hindi ko ito pinansin at naglakad lang ako hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan may kunting liwanag, sapat na liwanag upang maaninag ko ang nakakakilabot na lugar. All this time naglalakad ako sa dugo, ano ito?bakit ang dami ng dugo. Sobrang layo ng nilakad ko, kung dugo rin yung tinatapakan ko kanina.

  • Hanzai Academy   Chapter 33:Laboratory

    Draco's Point of viewHabang naglalakad ako ay naririnig ko ang mga tunog ng bawat hakbang ko sa sahig dahil sa sapatos na suot ko. Agad akong nagtungos sa silid kung saan namin nilagay ang mga bata na ginawa naming subject sa experimento namin. Isang taon na ang nakalipas nang dumating sila dito sa laboratoryo na ito at simulang pag experimentohan ang kanilang mga utak"What is going on?" tanong ko sa mga kasama kong scientist nang makarating ako sa silid."Hindi ko rin alam, may mga data na bigla nalang nag appear dito sa mga computer. Parang......" litong lito na wika ng kasamahan ko. "Gumagawa na naman ng artificial memories ang kanilang mga utak" dugtong nito na ikinalito ko rin.Tinignan ko ang mga data sa computer na gawa ng kanilang mga utak. Nakikita ko dito ang mga nabubuong data ng kanilang mga sariling utak dahil nilagay namin sila sa isang incubator kung saan mga mga bagay na nakakonekta at naka inject sa kanilang ulo upang malaman namin ang performance ng kanilang utak h

  • Hanzai Academy   Chapter 32:Who are you?

    chapter 32:Who are you?Shaniah's Point of ViewNung una inakala ko na panaginip lang ito pero nang sinubukan kong kurutin ang sarili ko nakaramdam ako ng sakit.Hindi rin naman siguro ako namamalikmata.Gusto ko sanang hawakan ang mukha niya kaso hawak-hawak niya pa rin ang alaga niyang ahas.Ang saya ko nang makita siya pero habang tinitignan ang mukha niya nakaramdam ako ng kakaiba sakaniya."Ilayo mo nga yan sa'kin!" Naiirita kong sabi."Sorry na po ah,Mahal na prinsesa!"wika nito na ikinakunot ng noo ko.Tumayo siya saka ibinalik sa malaking aquarium ang ahas."Ba't mo kasi hawak yun?ang aga-aga,Ahas agad hinahawakan mo""Parang hobby ko na kasi yun,Pagkagising ko nilalaro ko agad ang ahas ko,malaki ba?" Nakangisi nitong tanong na ikinatahimik ko.Ngayon ko lang nakita si Zackary na ngumiti ng ganito. Ngungiti rin naman siya dati pero yung mga labi niya lang,iba pa rin yung nakikita ko sa mga mata niya.Hindi ko alam,pero siguro.. Lungkot?ewan basta iba ang nakikita ko ngayon.Ang lawa

  • Hanzai Academy   Chapter 31:His name

    Shaniah's Point of ViewHindi ko alam kung alin ang mas mainam, ang pagkakulong ko ba sa paaralan na iyon kung saan hindi ako sigurado kung kailan ako mamatay. Kung saan araw-araw kong nasasaksihan ang mga brutal na pagpatay. O ang pagiging babaeng bayaran ko dito sa lugar na ito,kung saan pagpipiyestahan at pagsasalohan ako ng mga maduduming lalaki. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa mga nangyayari saakin. Nung una,nang nasa paaralan pa ako. Gusto kong mabuhay,gusto kong makasurvive. Takot akong mamatay. Pero ngayon mas gusto ko nalang mamatay. Hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat ng tao sa buong mundo ako pa talaga ang napiling gumala sa impyerno."Ayusin mo yang sarili mo ah!Ito na ang trabaho mo ngayon,H'wag kang mag inarte!simple lang naman ang gagawin mo,aakitin mo lang yung mga customers sa labas at pag nagustuhan ka nila,Yayain mo kaagad.Saka ito ang tandaan mo dapat makarami ka,Mas maraming lalaki equals mas maraming pera" nakangising wika ng babae."Hindi

  • Hanzai Academy   Chapter 30:An angel

    Enzo's Point of ViewPalabas na kami nang warehouse pagkatapos naming parusahan ang di ko kilalang lalaki. Hindi rin naman ako interesado kung sino siya,ang gusto ko lang ay ang parusahan siya sa ginawa niya saakin."Di ka pa rin talaga nagbabago,gusto mo parin magbihis ng bagong biling damit pag may nililigpit kang basura."He said as we walk towards our cars." Ba't mo naman naisip na magbabago ako after spending two years in Italy?Bro ako pa rin 'to""Talaga ba?May duda ako sayo eh,I think hindi ikaw si Lorenzo Villafuerte na kilala ko.Isa kang Impostor!" Natatawang saad ni Treyton saakin."If that's what you think,then hayaan mong patunayan ko sa'yo ang sarili ko" nakangiting tugon ko kay Treyton."Tamang tama,May bagong bukas na bar malapit dito" wika ng kaibigan kong si Treyton dahilan upang mapatawa ako."Tara!"anyaya nito pagkatapos niyang pumasok sa sasakyan ko.Agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan at nagdrive papunta sa sinasabing bar ni Treyton.As usual maingay pa rin

  • Hanzai Academy   Chapter 29:The Mafia

    Enzo's Point of viewI'm in a fancy tailor shop today with my friend Treyton.Napagpasyahan kong magpagawa ng bagong suit,para sa event na pupuntahan ko mamaya."Mmm-"Rinig ko mula sa Sastre dahilan upang mapatingin ako sa kaniyang repleksiyon sa malaking salamin sa aming harapan."Artista ka ba?hmm Model?"Tanong ng baklang sastre."Your body is very attractive to look at-"wika nito habang tinitignan niya ang katawan ko."you're face is too perfect to be true"dugtong pa ng bakla habang nakatingin sa repleksiyon ko."You don't have to tell him that, I've told him over and over again that he doesn't belong in our world"natatawang wika ni Treyton sa sastre."Nagparetoke ka ba?"tanong ng sastre na interesadong interesado na malaman ang sagot ko."Bago ko sagutin ang tanong mo,sagutin mo muna ako.Required ba talagang hubarin ang tshirt pag susukatin ang katawan ng costumer mo?"Tanong ko sabay harap sakaniya at yumuko upang tumapat ang mukha ko sa mukha ng sastre na ngayo'y namumula dahilan pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status