Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2023-03-07 08:47:48

"Marina, pinapatawag ka ni sir Sebastian sa office niya." sabi ng isa kong kaklase. 

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam basta pumunta ka na lang daw doon."

Uwian na namin pero pinapatawag pa ako, ano naman kaya ang ipag uutos nun, anas ko.

Bitbit ko ang bag na bigay sa akin ni lola Fermina, lahat ng gamit ko ay siya ang nagbigay. 

Kailangan ko na talagang magpapayat para hindi ako palaging napapagod sa paglalakad, ang layo pa naman ng office ni sir Sebastian. Sir na pala ang tawag ko sa kaniya dahil siya ang aming Prof. Pero panay utos niya sa akin kaya ako nabubuwisit. Pagod na ko maghapon sa klase tapos uutusan na naman niya ko. Ano ako PA niya sabi ng isip ko.

Fifteen minutes ang tinagal ko sa paglalakad makarating lang sa kaniyang office. Halos pumutok na ang suot kong uniporme dahil sa hapit nito sa akin. Nag aalat na din ang pawis ko sa sobrang pagod sa paglalakad.

Kinuha ko muna ang panyo para punasan ang pawis sa mukha. Naging pawisin na ko ngayon dahil nananaba na naman ako. Hindi ko talaga maiwasan ang kumain ng marami lalo na at masarap ang ulam. Tapos kanina sa canteen naparami na naman ang kain ko. Magpapayat na talaga ako sabi ng isip ko.

Nang wala na akong pawis ay kumatok ako sa pintuan ng opisina ni sir Sebastian. Pagkabukas ko ng pinto ay nakaramdam ako ng lamig sa loob ng kaniyang opisina. Naginhawan ang katawan ko sa lamig na dumadampi sa balat ko.

Pagkasarado ko ng pinto, nakita ko siyang nakakunot ang noo nito.

"Why are you late? More than 20 minutes bago mo narating ang opisina ko," singhal nito. Napatayo siya sa kinauupuan niya at parang mistulang tigre ang itsura niya ngayon at humakbang patungo sa akin.

"Sir sorry po, malayo lang po talaga ang opisina niyo kaya late akong dumating." kinakabahan kong sabi. 

"Tsk! thats the reason why you late? Ang sabihin mo mabagal kang maglakad kaya late kang nakarating dito sa opisina ko."

Binato niya sa aking tiyan ang suit case niya at tumama sa bilbil kong tiyan. Muntik pa itong mahulog dahil sa pagtalbog nito sa bilbil ko. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Get my things on my table now. Ayoko ng babagal bagal and make sure na nakasunod ka na sa akin, naiintindihan mo ba." Yumukod siya at inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko kaya naamoy ko ang mabangong hininga nito.

Dali dali kong kinuha ang gamit niya sa mesa niya at binitbit ko ito. Sinarado ko muna ang pinto at naglakad na ko ng mabilis.

Bakit ang bilis naman niya at bigla na lang nawala sa paningin ko si Sebastian.

Punuan pa ang laman ng elevator, hay naku palagi na lang bang ganito. Palaging may laman, wala na akong pagpipilian kaya sa hagdan na lang ako maglalakad. Wala akong pakialam kung magalit siya sa akin.

Narating ko din agad ang first floor at hiningal na naman ako sa pagod maglakad. Kung ganito lang din ang ipapagawa sa akin ni Sebastian ay mamamayat ako nito. Sana nga.

Nilakad ko na patungong parking lot at nandoon na si Sebastian na nakatayo lang sa gilid ng kaniyang sasakyan.

Sa pagmamadali kong maglakad ay may tao akong nakabungguan kaya nalaglag ang dala kong mga libro at paperworks ng mga estudyante. Inisa isa ko itong pinulot, mabuti na lang at mabait yung nakabanggaan ko kasi tinulungan akong magpulot ng mga papel. Nakayuko lang ako at hindi ko alam kung sino ito dahil busy din ako sa pagpulot ng mga papel. Sumulyap ako kay Sebastian na galit ang mukha, nagsalubong na naman ang kilay niya kaya alam ko na kung ano ang mangyayari.

Nagsalita yung taong nakabungguan ko, tila pamilyar ang boses niya kaya napatingin na lang ako sa kaniya.

Sa gulat ko pagkakita sa kaniya, naibulalas ko tuloy ang pangalan niya.

"Kuya Nathan!" tuwang tuwa kong sabi

"Oh Marina, ikaw na ba iyan? Mas lalo ka atang tumaba" agad niyang puna. 

"Grabe ka naman kuya, wala man lang kamusta diyan? Ah wait lang po kuya, ibigay ko lang ito kay Sebastian." turo ko sa dala ko.

Sumunod sa akin si kuya Nathan. 

Wala na si Sebastian sa labas ng kaniyang sasakyan, nainip na siguro ito kaya pumasok na lang ito sa loob ng kaniyang sasakyan.

Kumatok ako sa may bintana dahil nakalock na ang pinto nito. Binuksan naman niya agad ang salamin ng bintana. 

"S-Sir ito na po iyong gamit niyo," nauutal kong sabi.

Kinuha naman niya agad ito na walang kibo at walang ekspresyon ang mukha nito pagkakuha niya iyon. Nangunot ang noo ko nang paandarin niya na ang kaniyang sasakyan at mabilis na umalis ito. 

"Lagi ka bang sinusungitan ni Sebastian?" tanong ni kuya Nathan sa may likuran ko. 

"Walang nagbago at ganoon pa din siya hanggang ngayon. Ano pala ang ginagawa mo dito kuya?"

"May kinuha lang akong mahalagang bagay. Uuwe ka na ba?"

"Oo kuya."

"Halika ka na sumabay ka na sa akin. Iisang way lang naman ang uuwian natin diba," pag aya nito.

"Oo kuya," hiya kong sabi. 

Sumabay na lang ako kuya Nathan pauwe. Tahimik ang namayani sa amin ni kuya nang maisipan ko siyang tanungin.

"Ah kuya, may kapatid ka pala na nag aaral dito. Kaklase ko siya," agad kong sabi.

"Ah si Lexie, mabuti at nagkakilala na kayong dalawa." Matagal bago siya ulit nagsalita. "Mabait siyang kapatid, malapit na siyang mamatay noon dahil sa sakit niya. Lumaban siya dahil alam niyang may pag asa pa siya. Hindi siya nawalan ng pag asa dahil mahal niya kaming pamilya niya."

Nagulat na lang ako sa sinabi niya, kaya pala ito payat dahil sa nagkasakit siya.

"Ah oo eh, mabait siya kaya nga naging magkaibigan na kaming dalawa," sagot ko.

"Thats good, alam mo na ngayon ang dahilan kaya siya payat. Pero may pag asa pang bumalik sa dati ang katawan niya," ngiting sabi nito habang nakatuon ang paningin niya sa pagdadrive.

"Ganun ba kuya," sagot ko. Ako kaya may pag asa pa kaya na pumayat.

"Ikaw, gusto mo bang magpapayat?" Bigla akong natuwa kasabay ng

pahinto ng sasakyan tanda na narito na kami sa hacienda. 

"Siyempre naman kuya gustong gusto ko. Hindi ko kasi maiwasan na kumain ng marami lalo na at masarap ang ulam."

"Okay, tuwing saturday at sunday susunduin kita dito. I owned a gym, so everytime na gusto mong pumunta dun always welcome ka. Saka ko na ibibigay ang vip card mo kapag nag umpisa ka na and may rules and regulation ako na dapat mong sundin."

"Okay kuya salamat sa paghatid. Sana hindi mahirap yang rules and regulation mo kuya." 

Tumawa siya, "pero yun dapat talaga ang susundin mo para sumeksi ka."

Sumilay ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang salitang sexy. Sana nga.

"Oo na kuya, alam ko na yun kahit hindi mo sabihin," sabi ko nang ako ay makababa na ng sasakyan. 

"Tsk! baka sa una pa lang ay sumuko ka na lang bigla," sabi nito. "Okay kita kits na lang," paalam nito saka pinasibad na nito ang kan'yang sasakyan.

Tinungo ko na ang mansion at nakita ko na naman si Sebastian na nangangabayo. Ganitong eksena na naman yung nangyari sa akin noon. Naging maingat na ko kapag ganito na may binabalak siya. Nagtago ako sa may likod ng puno para hindi niya ko banggain at yun nga buti hindi natuloy ang binabalak niya. 

Dali dali akong lumabas sa likod ng puno at pumasok na sa mansion. 

Nagmano muna ako kina lolo at lola. Habang tumatagal ay nanghihina na din sila dahil sa katandaan nila. Naawa na din ako sa kanila dahil hindi na sila gaanong makakilos. Gustuhin man ni Sebastian na ipagamot silang dalawa upang lumakas ulit ang kanilang resistensiya ngunit matigas ang kanilang ulo. Sadyang tumatanda na daw sila kaya humihina na din ito. 

"Marina!" tawag sa akin ni lola at niyakap ako ng mahigpit .

"Bakit po lola at umiiyak po kayo?" Kinabahan ako bigla dahil sa higpit ng pagyakap nito sa akin.

"Mamimiss kita ng sobra apo, kahit anong mangyari ipagpatuloy mo pa din ang pag aaral mo ha. Ayokong iwan ka na hindi ka pa nakakapagtapos ng pag aaral ngunit mahina na talaga ako at matanda na. Magtapos ka ng pag aaral mo para hindi ka maliitin lang ng apo kong si Sebastian. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Sebastian at sana huwag kang aalis dito sa mansion. Gusto kong manatili ka dito sa bahay. Tiisin mo na lang muna ang pang aapi sayo ni Sebastian. Maging matatag ka Marina at ipangako mong magtatapos ka ng pag aaral mo. Maasahan ko ba yan Marina?" mahabang sambit ni lola habang ito ay nakahiga sa kama.

"Lola ano po ba ang sinasabi niyo? Bakit parang....... lola huwag na po kayo magsalita, huwag po kayo magsalita ng ganun. Makakaasa po kayong tutuparin ko lahat ng mga sinabi niyo. Mahal na mahal ko din po kayo lola," sambit ko.

May pumatak na luha sa aking mga mata dahil sa mga sinabi ni lola para itong namamaalam na. Ang sakit sa puso kahit hindi ko sila tunay na kadugo ay napamahal na sila sa akin. Pero si lolo ay naging matamlay na din dahil sa panghihina ni lola Fermina. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Naku Ang kuya Nathan mo na yta Ang makakatulong Sayo Marina para maging sexy ka..
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Nakakalungkot nman namamaalam na Ang Lola ni Sebastian..Sobrang mahal na mahal ka nila Marina kahit Hindi ka nila kamag anak . thank you Author .
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 99

    LUMIPAS ANG ILANG BUWAN… Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa loob ng ospital. "SANTINOOOO! HUWAG MO AKONG HAHALIKAN KAPAG LUMABAS NA 'TO! IKAW MAY KASALANAN NITO!" Sa labas ng delivery room, naglalakad-lakad si Santino, pawisan at hindi mapakali. Ilang beses na siyang napabuntong-hininga habang naghihintay. Kasama niya ang kanilang mga pamilya, lahat ay sabik pero kabado rin. "Anak, umupo ka nga. Ikaw yata ang mas kinakabahan kaysa kay Luna," natatawang sabi ng mommy niya. "Paano ako hindi kakabahan, Ma? Tatlo ‘yung lalabas!" sagot ni Santino, hawak-hawak ang dibdib na parang siya ang manganganak. Maya-maya pa, bumukas ang pinto at lumabas ang doktor. "Congratulations, Mr. Monteclaro! Tatlong malulusog na baby boys!" Nanlaki ang mata ni Santino. "T-Totoo? Tatlo talaga?" "Oo, Sir. At kamukhang-kamukha mo silang tatlo!" biro ng doktor. Sa sobrang saya, hindi napigilan ni Santino ang sarili at napayakap sa kanyang ama. "Dad! Tatay na ako! At tatlo agad! Kaya ko ba

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 98

    Sa loob ng kanilang silid, tahimik na nakahiga si Luna sa malambot na kama habang nakatingin sa kisame. Ramdam pa rin niya ang init ng selebrasyon at ang saya sa puso niya, pero higit sa lahat, ramdam niya ang presensya ni Santino—ang lalaking hindi niya inakalang magiging bahagi ng buhay niya. Biglang naramdaman niya ang paggalaw ng kama. Sumunod ay ang mainit na yakap ni Santino mula sa likuran niya. Mahigpit ang pagkakayakap nito, parang ayaw siyang pakawalan. "Hindi ko akalain na darating tayo sa puntong ‘to," bulong ni Luna, bahagyang lumilingon kay Santino. "Ako rin," sagot ni Santino habang hinahaplos ang buhok niya. "Pero alam mo bang noon pa man, ikaw na ang gusto ko? Kahit hindi mo ako pinapansin, kahit pilit mong nilalayo ang sarili mo sa akin, gusto pa rin kitang habulin." Napangiti si Luna, pero may halong lungkot sa kanyang mga mata. "Natakot kasi ako noon. Natakot akong masaktan, natakot akong umasa. Hindi ko alam na may plano ka na pala para sa atin." Hinawak

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 97

    "Inay!" halos lumipad si Luna papunta sa kanyang ina at mahigpit itong niyakap. "Nandito na ako…" Napayakap din si Aling Edna sa anak, hindi na napigilang maluha. "Anak, ang tagal mong nawala… Miss na miss na kita!" Ngunit bigla itong napatigil nang mapansin kung sino ang kasama ni Luna. Napatakip siya ng bibig nang makita ang mommy ni Santino. "M-Ma’am…" nahihiyang sabi ni Aling Edna. Halata sa mukha niya ang kaba, dahil sa nangyari noon sa pagitan nila. Ngunit ngumiti ang mommy ni Santino at marahang lumapit. "Wala na ‘yon, Edna. Hindi na tayo dapat bumalik pa sa nakaraan." Nagkatinginan sina Luna at Santino, parehong nagulat sa inasal ng kanyang ina. "Tama na ang mga alitan. Magiging lola na ako ng magiging anak ng anak ko. Ayoko nang may samaan ng loob," patuloy ng ginang, bago hinawakan ang kamay ni Aling Edna. "Patawarin mo rin ako sa naging turing ko kay Luna noon." Dahil sa narinig, hindi na napigilan ni Aling Edna ang mapaiyak. "Naku, ma’am, ako po dapat ang hum

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 96

    Hindi na nakapagpaalam pa si Luna sa mga ka office mate niya. dahil kulang sila sa oras. Habang nakasakay sila sa eroplano pauwi ng Pilipinas, nakasandal si Luna kay Santino, ramdam ang pagod at ang hindi maipaliwanag na bigat sa katawan niya. Kanina pa siya hindi mapakali, at kahit anong pilit niyang itago, hindi nakaligtas kay Santino ang paminsan-minsang pagdampi niya sa tiyan niya. “Saan tayo didiretso pagdating natin?” tanong ni Luna, pilit na inaayos ang sarili. Lumingon sa kanya si Santino, bahagyang napangiti. “Sa bahay, syempre. Gusto mo bang dumiretso muna sa inyo?” Umiling si Luna. “Hindi na siguro. Tatawag na lang ako kay Inay para ipaalam na nakabalik na ako.” Tipid na tumango si Santino, ngunit hindi niya maiwasang tingnan si Luna nang mas matagal. Alam niyang may itinatago ito—at lalo lang niyang pinagtibay ang desisyong huwag muna ipahalata na alam na niya ang tungkol sa pagbubuntis nito. Hinawakan niya ang kamay ni Luna at marahang pinisil iyon. “Pagdating n

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 95

    Matapos ang dalawang buwang pananatili ni Santino sa ibang bansa, sa wakas ay tumawag na ang kanyang ina. "Santino, anak, kailan ka babalik sa Pilipinas?" Direktang tanong ng kanyang ina sa kabilang linya. "Kailangan ka na sa kompanya. Hindi na pwedeng ipagpaliban pa." Nasa hotel suite siya nang matanggap ang tawag. Nakaupo siya sa veranda, hawak ang baso ng alak habang nakatanaw sa malawak na city lights. Ilang sandali muna siyang natahimik bago sumagot. "Ilang araw na lang, Ma," sagot niya sa mahinang tinig. "Babalik na ako." "Good. Dahil maraming kailangang ayusin sa kumpanya. Alam mo namang hindi pwedeng puro gala ka lang diyan," paalala ng kanyang ina. Napangisi si Santino, alam niyang tama ito. Pero may iba pang bumabagabag sa isip niya—si Luna. Sa dalawang buwang lumipas, hindi niya ito masyadong nakausap. Hindi niya rin alam kung paano ito haharapin pagbalik niya. "Oo na, Ma. Huwag kang mag-alala, babalik ako sa tamang oras," sagot niya bago tinapos ang tawag. Na

  • He Hates Me But He Loves Me   Chapter 94

    Sa bawat halik at haplos ni Santino, parang nawalan na ng ibang mundo si Luna. Ang tanging alam niya lang ay ang init ng katawan nilang dalawa, ang mabagal ngunit nakakapasong galaw ng mga kamay ni Santino sa balat niya. Hindi siya lumayo. Sa halip, siya pa mismo ang kusang yumakap dito, ipinadama kung gaano siya kahanda sa gabing ito. Naramdaman niyang bumuhat siya ni Santino palabas ng jacuzzi. Basang-basa ang kanilang katawan, ngunit ni hindi nila alintana ang lamig ng hangin na sumalubong sa kanila. Marahan siyang ibinaba ni Santino sa malambot na kama, habang ang titig nito ay nag-aapoy sa matinding pagnanasa. "Luna..." mahina ngunit puno ng emosyon ang tawag ni Santino sa pangalan niya. Hinaplos nito ang pisngi niya, bago muling dinala ang labi sa kanya. Hindi na nila kayang pigilan ang nararamdaman. Ang bawat galaw ay puno ng pananabik at pangungulila. Sa bawat sandaling lumilipas, tuluyan nang nawala ang natitira pang hadlang sa pagitan nila. Sa gabing iyon, sa ilalim

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status