Arranged Marriage To My Boss

Arranged Marriage To My Boss

last updateLast Updated : 2025-12-11
By:  Black RoseUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang araw nagising ako sa katotohanan na may asawa na pala ako. kung hindi niya lang binili ang nalulugi namin na kumpanya hindi ko gagawin ito. Lalo na't kung alam ko na siya na boss ko pala ang nakabili nun.

View More

Chapter 1

Chapter 1

CHAPTER 1:

First 1 month namin ngayon. Naging okay naman ang pagsasama namin sa loob ng isang buwan kahit minsan napaka bossy niya, pag nasa mood siya pinapansin niya 'ko pero pag wala. Ay, asa naman ako. Laging busy si Mr. Esqueza kahit sa iisang Company lang kami nagtatrabaho madalang kami magkita. Pinapatawag niya lang ako pag may kailangan siya o minsan para asarin ako.

Ang sweet niya diba? Kadalasan talaga naiisip ko kung tama 'tong pinasukan ko. Pero kaya ko naman magtyaga ang gwapo kaya ni Mr. Esqueza.

"Huy Iris! Nakakaloka! Bakit ka pinapatawag sa taas?!" Pagiinterrupt sakin ng kaibigan ko na si Romeo sa umaga Juliet sa gabi.

Tumingin ako sa itaas --kisame. Masyado kasing seryoso mga tao ngayon gusto ko naman magpatawa kahit waley kadalasan mga jokes ko.

"At nakuha mo pang magbiro ha? Haha! Ewan ko lang kung makakapagbiro ka pa niyan pag nakaharap mo na si Gorgeous-hot-temper-right-now Mr. Esqueza!"

Sumeryoso ako, "How bad is it?"

"Atey! Halos lahat ng pinapatawag niya ngayon tsugi na sa trabaho! Ayun ang daming umiiyak sa taas! Kaya go na! Baka susunod kana!" Tinulak pa ko.

Sweet din ng kaibigan ko hane? Gusto nako matanggal sa trabaho sasabunutan ko siya pag nangyari yun! Okay, so umakyat na ko kahit kinakabahan ako. Unang beses niya 'ko pinatawag na wala siya sa mood. Ano nanaman kaya nangyari dun?

"Di ko alam kung san ako kukuha ng pangtuition ng anak ko ngayon!"

"Manganganak ang asawa ko at naholdap pa ko kagabi. Pano na ngayon? "

"Magpapasko pa man din hindi ko man lang maiipaghahanda ang mga magulang ko"

Ang dami ngang umiiyak pag akyat ko nakakaawa sila.. Tsk. Sila pa napagbuhusan ng init ng ulo ni Mr. Moody Boss. Ganyan naman si Mr. Esqueza pag galit sa mga empleyedo niya binubuhos kaya nga takot na takot kami sa kanya.

Huminto muna ako sa glass door bago pumasok. Pumikit at huminga ng malalim pilit ko inaalala yung unang rules sa contract. Ano nga ba yun? Aah, Obey him.

That never ending rules and punishments. Daig ko pa highschool sa discipline ni Mr. Esqueza sakin eh. Kaya kahit kinakabahan, kahit ang daming umiiyak sa likod ko binuksan ko na yung glass door ng dahan dahan.

"Fired. Get. Out" Banggit ni Mr. Esqueza sa babae na nasa harap nito ni hindi nga niya nilingon dahil busy sa laptop niya. Ganyan siya kabagsik pag nagagalit. Tatamaan ang lahat ng lintik.

Umiiyak naman na tumakbo yung babae sa direksyon ko, "G-g-goodluck" Sabi nito at tinap pa yung shoulder ko. Pakiramdam ko sinasabihan niya 'ko na magkikita kami sa labas we have the same fate. Luh?

Pagkasarado ng glass door, I cleared my throat "S-sir?"

"You too. Get out" What?! Eh hindi pa nga niya 'ko tinitingnan? Hindi padin ba niya kilala yung boses 'ko? Ilan months na 'ko nagtatrabaho dito.

"S-sir, it's me" Gusto ko sabihin your wife. Baka magalit lang at kung anong puntos ibigay sakin para matupad yung consequence sa gagawin ko.

Tinapunan naman siya nito ng tingin. Pero nakakunot parin yung noo, hindi ngumingiti. Oh, this is bad, really bad.

"Sit" He ordered.

"Yes sir" Tumakbo ako ng mabilis sa upuan ayaw kasi ni Mr. Esqueza ng pinaghihintay siya. Ewan ko ba simula ng dumating siya sa out of town vacation niya lagi na lang siya nakasimangot hindi naman siya ganyan dati nung nagsisimula palang ako dito sa company.

Although, masungit na siya. Nakakainis nga lagi siya natatapatan ng katangahan ko before pero nung sinabi niya sakin kailangan ko magmature at maging smart para hindi matanggal dito. I worked really hard talaga para mabago yung sarili 'ko.

"Now what sir?"

"They're coming" He said still his eyes on the laptop.

"Huh?"

"I said they are coming. Are you that slow?" He snaps, Grr. Masama ba magtanong?

Calm yourself Iris, Calm yourself. "WALA NAMAN KASI AKONG IDEYA KUNG SINO YUNG SINASABI MO NA PUPUNTA. ANO AKO SI MADAM AURING NA MANGHUHULA DIBA.... Sir?" Oopsie. Anong nangyari sa bibig ko?! Bakit biglang lumabas yung mga ganyan salita!

He raises his eyebrows, hindi nagustuhan yung sinagot ko.

"Are you shouting at me?"

Ipapatahi ko na yung bibig ko simula bukas!

"Absolutely not, Sir.."

"Really Ms. Villafuente?"

"Y-yes.. Sir.."

Tumayo siya sa inuupuan niya at naglakad sa likod ko. I can smell him, bakit ang hot ni Mr. Esqueza kahit pabango lang naaamoy ko? Bakit eto padin iniisip ko? Eh badtrip na nga siya?

"What's rule no. 1 again?"

Kaisa isang rule na naaalala 'ko, "O-obey you Sir.."

"And what you did Mrs. Esqueza?" Mrs. Esqueza daw! It's been month since the last time na tinawag niya ko niyan. Anong nangyayari sa mundo?

"I did obey you sir" I reasoned out.

"1 lie is equivalent to 1 punishment"

Magsasalita pa sana ako.

"New rule. And you're lying?" He said.

I have no choice so I give up, "Guilty as charge, Sir.."

"Now. Close your eyes" He commands.

Pumikit naman ako agad. Anong gagawin niya sakin? Kinakabahan ako, bigla naman niya hinigit ang mga buhok ko ng dahan dahan mula sa likod. Teka, teka, nag iinit ako. Ano bang ginagawa niya? Nag iinit ako.

"Wag mo bubuksan yung mga mata mo hangga't hindi ko sinasabi. Naiintindihan mo ba ko Mrs. Esqueza?" Bulong niya sa tenga ko. Tagalog ang pagkakasabi niya kaya naiintindihan ko pero mas nangingibabaw yung kamay niya sa buhok ko.Crap!

I nodded. Nararamdaman ko ngayon ang bawat pag hinga niya sa gilid ng leeg ko hawak niya padin yung buhok ko, his thumb is massaging the back of my head while holding it.

Do not seduce me Mr. Esqueza! Gusto ko isigaw. Dahil kung hindi, hindi talaga ako aayaw!

"Still smell good as ever. Mrs. Esqueza huh?" Napalunok ako dahil naramdaman ko naman yung paghinga niya sa harap ng leeg ko nakatingala na ngayon ang ulo ko. Thank heaven sa lavander lotion ko dahil ang bango ko ngayon. Thank you, Lord!

"Now. Stand up without opening your eyes" Pinakawalan na naman niya yung buhok ko. Tumayo ako nang hindi dumidilat.

"Hands at the back of your head" Parang ang awkward naman pero syempre ginawa ko padin. Sino ba ang boss diba siya?

Naamoy ko naman yung hininga niya. Ang bango lang! Amoy mint! Hahalikan na ba niya ko? Go on kiss me! Nung kinasal kami sa noo niya lang ako hinalikan kase. Matagal ko na din pantasya 'to.. Hello, Mr. Esqueza na 'yan? And dami kayang nababaliw sa kanya. Kahit may nakakainis siya na ugali.

May pumulupot naman na mga kamay sa bewang ko.. Dahan dahan napanganga ang bibig ko dahil dun and then boom, may dumantay na halik sa mga labi ko. Soft kiss lang siya kaya gusto ko ilagay yung mga kamay ko sa leeg niya para lumalim yun. Pero pinigilan ko na lang sarili ko baka hindi niya magustuhan.

His lips against mine, I don't know if I should respond or not? But in the end, I respond to his kiss making it passionate as possible. Bumalik lahat kung ano ba talaga ang rason bakit ako yung napili niya para gumanap na asawa niya.

Mula first day ko dito hanggang sa nakipag sagutan ako sa kanya para ibalik yung kompanya namin hanggang ngayon na nasa harap ko siya at natitikman ang mga labi niya. God, wala nang mas sasarap pa sa halik ni Mr. Esqueza..

Hindi ko na din mapigilan yung kamay ko na hindi humawak sa leeg niya. But he groan natakot ako kaya binalik ko na lang sa likod ng ulo ko.

Umakyat naman yung kamay nito sa leeg ko to make this kiss deepen. Now, he is kissing me hard, violently like he never kiss someone before.But I like it that way I have never been kiss again since we are married.

Last boyfriend ko bago ako magpakasal sa kanya, si Bryle. Nakipag break ako bago kami magpakasal. Mas matimbang sakin pangangailangan ng pamilya ko, saka hindi ko naman talaga mahal si Bryle, ewan ko ba nalulungkot lang talaga ako nung mga panahon na sinagot ko siya. Gusto ko lang ng kasma eh kaso puro epic fail yung pagiging mag-on namin.

Sa kompanya naman namin, hindi ko alam na nalulugi na pala kami huli na daw ang lahat sabi ni dad. Pero para sakin hindi pa huli dahil gagawa ako ng paraan para maibalik lang ang pinaghirapan ng magulang ko. Ilan months ko din hinanap kung sino nakabili, kaya nung nalaman ko di na 'ko nagdalawang isip na kausapin siya.

Iginiya ng mga kamay ni Mr. Esqueza ang katawan ko sa lamesa, that made me back to reality. He's still kissing me hardly then starts unbottoning my shirt. I tried to put my hands on his chest para pigilan siya.

"You're not following the rules"

Napadilat na 'ko. Binalik ko naman agad yung kamay ko sa gilid ng table, umiling lang siya.

"I'm sorry.. It'sjust..." Inayos ko ulit yung shirt ko, "Can we do it again?"

Ah crap! Ano bang pinagsasabi 'ko?!

He smirked, "So you like it?"

Ramdam ko ang pagpula ng muka 'ko.. Sino bang hindi magugustuhan ang halik na 'yun? Lugi pa ba 'ko kay Mr. Esqueza?

"And I think the answer is yes" He smirked again.

Hindi ko alam kung saan 'ko ibabaling ang mga mata ko kaya yumuko na lang ako. Kesa makita niya 'ko ng ganito.

"S-so bakit ba ang init ng ulo mo kanina, Sir?" Pagiiba ko ng topic habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"I already told you right? I said they're coming" Bumalik na siya sa upuan niya na parang walang nangyari at bumaba na naman ako ng lamesa.

"Sino po ba kasi sir?"

"My family" Seryosong saad nito.

"What?!" H-his family?

Kaya lang naman siya pumayag sa kontrata na to dahil sa kahilingan ng lola niya na makapag asawa siya habang nabubuhay pa ito. See? Babalik nanaman yung tanong 'ko na bakit ako? Bakit hindi yung babae na pinuntahan niya before sa states? Ayun kasi ang bali-balita may pinuntahan si Mr. Esqueza siguro ayun ang unang niyaya niya pero hindi pumayag.

Crap, kaya eto kailangan namin umakto na inlove sa isa't isa. Sakin okay lang effortless, magaling kaya ako umakting. Ewan ko lang kay Mr. Esqueza. Pero binalaan niya na ko na hindi basta basta ang pamilya niya.

His mom; Masungit sa mga nakakadate niya.

His sister the well known model and organizer; Ashley Esqueza di ko pa alam kung anong ugali niya. Sana mabait siya para magkasundo kami.

His dad; Laging nagpipilit ng family bonding sa kanya kahit ayaw niya.

His little brother; Mahilig magbasa pero ako wala akong hilig dyan mas gusto ko manood.

And last, his Lola Belle; Kaugali daw ng dad niya 'to pero siya talaga ang pinaka importante sa akting na 'to kailangan namin siya mapasaya.

Gonna meet the whole Esqueza Family. Ang bilis na ng pagtibok ng puso ko, namumutla na ata ako ngayon. So this is it.

"Iris" He said.

"S-sir?"

"Are you okay?"

"Y-yeah" Awkward na yung pag kakatawa 'ko.

"Don't stress yourself. Relax we can do it just trust me"

"O-okay. . Sir"

"Naalala mo naman lahat ng kinwento ko sayo before diba?"

"Opo sir. Para kung sakaling magtanong sila pareho tayo ng sagot at kunwari kilalang kilala na natin ang isa't isa. Tama po ba?"

"Good. Prepare yourself for tonight ok? Wag ka na din pumasok. Be ready at 7 pm"

"Okay" Tiningnan niya ko ng masama. "Sir" pahabol ko.

At lumabas na ko ng office niya mas lalo ko lang ata pinakomplika ang mga bagay bagay.

"Ano Villafuente? Tanggal ka na din ba?"

Kawawa naman si Jack pati pala siya natanggal. Umiling ako.

Gulat naman ang rumehistro sa mukha nito.

"Lumuhod kasi ako at nagmakaawa sabi ko, Sir! Gagawin ko lahat ng inutos nila sakin. Kaya ayun pumayag naman siya" Nagbulungan sila sa palusot ko. Binilisan ko na lang paglakad ko baka gawin nila yun at masisi pa ko.

Ihahanda ko pa naman ang sarili ko para mamayang gabi. Kaya sumakay na ko ng taxi pauwi sa bahay namin ni Mr. Esqueza.

End Of Chapter 1

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
3 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status