Share

4- He Is A Threat

(Dylan POV)

Buong araw hinitay ko si Cami, paguwi ko galing sa bahay ni Stan, gabi na. Tinawagan ko si Cami at nalaman ko na kasama niya si Gabe. 

Balibalikwas lang ako sa kama ko.

Hindi ako nakatulog sa kakaisip kay Cami. Wala akong tiwala sa Gabe na yon. 

It's 4 am nang may narinig akong ingay sa labas. Bumangon at lumabas agad ako nang silid dahil di ko sinarado ang pinto para maramdaman ko agad ang pagdating ni Cami. Wala akong suot na pang-itaas at di ko rin naman ramdam ang lamig ng aircon.

Dumungaw ako sa may taas ng hagdan at nakita kong pasuray suray na umaakyat ng hagdan si Cami. What the hell? Is she drunk?

"Hi Dylan." sambit niya at nilampasan lang ako. 

Napalunok ako at huminga ng malalim.

"Bakit mo kasama si Gabe? Anong nakita mo sakanya at tiwalang tiwala ka sa taong yon? " Pinigil ko ang kamay niya.

"Well, I saw money on Gabe's face," ngiting sagot nito. 

Siningkitan ko siya ng mga mata.

Di na ako magtaka pa, napakahalaga ng pera para sakanya. But,

"What the hell?" bulalas ko, babae parin siya.

"Tommorrow he'll give me money," sagot niya at kumindat pa. Napahugot uli ako ng hininga at hinigpitan ang hawak sa malambot niyang kamay.

"Why? What else," nagtatakang tanong ko. Bakit naman siya bibigyan ng pera ng Gabe na yon?

"May pabor akong ginawa para sakanya kaya babayaran niya ako," taas kilay na sagot niya.

"Anong pabor," tanong ko uli, nagdududa kase ako na hindi maganda ang pinagawa ng Montero na yon sakanya.

"Tsk, Dylan gusto ko nang magpahinga, papasok pa ako bukas," usal niya umiwas ng tingin at hinablot ang kamay naglakad papunta sa silid niya.

Napabuntong hininga ako at tiningnan lang ang likod niya.

"And Dylan, bukas wag mo akong gigisingin, papasok akong late, " tawag niya bago pumasok at sinara ang pinto ng silid niya. 

Bumuntong hininga na lang ako, hinawi ang bangs ko at bumalik na sa silid ko. 

Haist, bakit parang nababahala ako sa closeness ni Cami at ng Gabe na yon, parang nakakapanghinang isipin na nagkakasama sila! 

Damn! Pipilitin ko na lang makatulog at makapagpahinga.

***

(Kinabukasan)

Maaga akong pumasok sa Crown University, hindi ko na ginising si Cami. 

Pinaghanda ko na lang siya ng makakain at iniwan sa ref bago pumasok sa school. Sana kumain muna siya bago pumasok.

Patungo ako sa hideouts ng Stygians, makakasalubong ko si Gabe at mukhang maaliwalas ang mukha nito na para bang ang saya. Mukha ng nanalo sa lotto! Ang lapad ng ngiti. Nakakairita!

Bago niya ako malagpasan nagsalita ako. "You seem to be on a good mood."

Napatigil ito, pero di ako hinarap. 

"Oh, is it that obvious?"

"Anong pinagawa mo kay Cami?" deretsong tanong ko. 

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Hindi mo gugustuhing malaman," sagot niya na may halong pagmamalaki ang tono.

"What is she to you?" Hinarap ko siya.

Tumawa siya this time malakas na. 

"Bakit mo ako tinatanong ng mga ganyan? What is she to you? Bukod sa adopted mo siya." usal niya at hinarap akong nakapamulsa pa.

Napalunok ako bago sumagot.

"She is mine." sambit ko titig sa mga mata niya. 

Nag-iba ang reaksyon ng mukha neto. Ang masayang mukha niya kanina ay biglang nagdilim.

"I know, pero kukunin ko siya galing sayo. So, don't let your guard down, para mas ma- challenge ako," seryosong sagot niya sa mga mata ko.

Umismid ako.

"Oh well, the game is on. Asahan mong di ko siya basta bastang ibibigay sayo. Lalabanan kita ng patas bilang lalaki! Good luck," panigurado ko at tinaasan siya ng kaliwang kilay.

"Dapat sabihin mo yan sa sarili mo," he smirked.

Napa-iling ako.

"Talaga? Let see," nginitian ko siya.

At mukhang hindi niya nagustuhan.

"I'll drag Cami away from you. I'll do everything to make her fall so hard on me. Soon, she wont be able to part from me. So, keep her as much a you can," puno ng tiwalang sabi niya, tinalikuran  ako at naglakad na palayo.

Sumingkit ang mga mata ko sa inis!

Ang laki ng tiwala niyang mangyayari yon. Akala niya basta niya na lang makuha si Cami mula saakin! Tsk, bibigyan ko siya ng magandang laban. 

He sure was a jerk taking someone else possession. Cami is mine!

But now I'm worry. Ano kaya ang gagawin ni Gabe Montero?

Tumuloy na ako sa hideout at saktong pagbukas ko ng pinto at naabutan ko si Stan. 

Kailangan ko siyang makausap tungkol kay Gabe. Sabi ko makipaglaban ako ng patas pero pagdating kay Cami, may daya man kailangan kong manalo!

"Stan, I need to talk to you."

"Seems, so important huh. What is it," tanong ni Stan lapag ang binabasa niyang libro. Mahilig talaga siyang magbasa.

"About Gabe," tuluyan na akong pumasok sa hideout namin dito sa C.U. tumalon para umupo sa mesa.

"Montero? What about him?" tanong ni Stan patong ang isang paa sa kabilang paa at hinilig ang mukha sa kamay niya.

"Ramdam kong banta siya."

Tumawa si Stan. 

"Talaga?" di makapaniwalang sambit niya.

"He is not a Stygian and he is Rogue Sharks lord's bestfriend."

"Oh. So you see him as a threat," nakataas kilay na tanong ni Stan.

"Definitely!" Hadlang siya saamin ni Cami!

"Banta nga siya, sayo at kay Cami right, pero hindi sa grupo hindi. I know him well," nakangiting dagdag ni Stan. Si Stan at ang tinitingalang leader naming mga Stygians.

No!

"Pero bestfriend nga siya ng diyos ng mga Rogues na si Nate Guevarra, for me he is a threat, so you should forbid him in our territorries at wag palapitin sa mga myembro natin," diin ko.

"For me, Gabe is no threat. You should keep your enemies closer, right? But if you are unable to stay close to your enemy, bakit hindi mo subukang lumapit sa mga malalapit sa kanila? You get my point?" Paliwanag ni Stan at tama naman siya doon. 

"But Gabe never be our ally."

"He is not an ally to us but he is a friend. Wag mong kalimutan, si Gabe parin ang tunay na kapatid ng kapatid kong si Zaneah," paalala ni Stan. Poor Gabe he doesn't know all along.

Tumahimik na lang ako at nagsindi ng sigarilyo. 

"Alam kong nagkakaganyan ka dahil kay Cami. Wag kang mabahala, mas malapit sa mga kamay mo si Cami o baka nga hawak mo na siya. Hawakan mo siya ng mahigpit para di maagaw ng iba," paalala ni Stan. 

Si Cami, hawak ko? Nagkakamali siya. Oo malapit nga kami dahil sa iisang bahay kami nakatira pero pakiramdam ko, milya milya ang layo niya at napakailap, mahirap abutin!

Tumunog na ang bell hudyat nang first class, tumayo na ako at inayos ang sarili. 

"Tara na," yaya ni Stan at inakbayan na ako palabas ng hideout. "Relax, she'll be yours." 

I hope so.

***

Pagpasok namin sa silid nandoon na si Cami. Lahat ng kabilang sa Icon Class ay kilala ko at may koneksyon sa bawat isa. 

Nakinig ako sa klase at pilit inaalis sa isip ang pagaalala habang panakaw nakaw na sinusulyapan si Cami.

***

<Uwian>

"Dylan tara na," yaya ni Cami hila ang damit ko palabas ng pinto.

"Dylan hatid mo uli ako? " tanong ni Zaneah na kakasulpot lang.

Muntik ko ng makalimutan, body guard pala ako ni Zaneah at nangako ako kay Stan at Auntie ko na laging aalagaan siya.

"Oo naman. Bodyguard mo kaya ako," ngiting sagot ko kay Zaneah. "Cam, sama ka na munang ihatid si Zanny tapos sa labas na tayo maghahapunan," Yaya ko kay Cami.

Tumango si Cami pero halatang dismayado ang mukha niya. What is wrong with her? Hope she's okay. Gusto ko man siyang tanungin alam ko namang hindi niya rin sasabihin ang totoo. I know her and what she been through.

Palabas na kami ng building ng biglang umulan. 

Shit! Napatingin ako sa langit, ang lakas ng ulan.

"Ano ba yan. Kanina ang sakit nang init tapos bigla na lang uulan," reklamo ni Zaneah. 

"May dala ka bang payong Zan?" tanong ko. 

"Wala eh," sagot ni Zaneah. 

"Ako rin wala, asar," iling ko.

"Ahmp itong payong ko, gamitin niyo na lang dalawa lang kakasya nito," ngiting alok ni Cami sa dala niyang payong inaabot saakin. 

Tinanggap ko ito. 

Tama, ihatid ko muna sa parking si Zaneah tapos balikan ko si Cami para magkasya sa payong.

"Zan tara na," pinayungan ko si Zaneah at inalalayang tumakbo papunta sa kotse na service niya.

Pagkapasok ni Zaneah sa kotse sumenyas akong bumalik.

"Ako na bahala dito Dy, balikan mo na si Cami hintayin ko kayo dito," sabi ni Zaneah at sinara na ang pinto ng kotse. 

Tumakbo ako pabalik sa exit ng building pero wala na si Cami doon. Sobrang lakas ng ulan at rinig ko ang bawat patak netong bumabagsak sa lupa. Basa na ako.

Saan nagpunta ang babaeng yon? 

Tumakbo ako papasok uli at hinanap siya pero hindi ko siya mahanap sa loob. Tinawagan ko ang phone niya, out of coverage din. 

Asar! Saan na ba yon?

Bumalik na lang ako sa parking para magpaalam kay Zaneah na si Aiden na lang ang maghahatid sakanya dahil kailangan kong hanapin si Cami. 

"Oh, Dylan. Saan si Cami? " tanong ni Aiden. 

(Si Aiden at Dylan ang kinuhang protector ni Stan para kay Zaneah. Must read the story YOU ARE MY ENEMY(My Hero) 

"Ai, ikaw na muna maghatid kay Zaneah, hahanapin ko lang si Cami," paalam ko.

"Tulungan ka na naming maghanap," sambit ni Zaneah. 

"Wag na, masyadong malakas ang ulan. Ako na maghanap sakanya, baka nandyan lang siya sa tabi tabi. Mauna na kayong umuwi," ngiting sambit ko punas ang tubig sa noo, di ko alam kong pawis o tubig ng ulan. 

"You sure?" panigurado ni Zaneah.

"Yeah."

***

Pagkaalis nila Aiden hinanap ko uli si Cami. 

Bumalik uli ako sa building. Tiningnan ko sa silid, sa locker room, sa mga banyo pero wala talaga siya. 

Bumaba uli ako ng building at naglakad pabalik ng parking. 

Magtaxi na lang ako pauwi. Baka nasa bahay na si Cami. 

Saktong palabas na ako ng Crown University building D, nahagip ng tingin ko si Gabe at Cami. Pinapayungan ni Gabe si Cami. Damn, napahigpit ang hawak ko sa payong!

Geeez kaya pala! Gabe is really a threat. I feel it. 

Papunta sila sa kung saan. 

Sinundan ko sila at di nagpagalata.

Tatawagin ko pa sana si Cami nung makita kong naghalikan sila ni Gabe. 

Nanghina ang mga tuhod ko at parang naging bato ako sa nasaksihan!

Damn! That bastard! I'll kill him!

..... 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status