Share

2-SHE IS CHANGING

(Dylan POV)

Matapos kong ipatumba lahat ng kalaban, humiga na muna ako sa bermuda grass. Napagod ako sa ginawa ko pero atleast nabawasan ang init ng ulo ko. 

Napatingin ako sa bughaw na kalangitan at mga maninipis na ulap na dumadaan.

Bakit ganun si Cami? Unti unti siyang nagbabago. Ang dating tahimik at mabait naging madaldal na at palaaway, mainitin na ang ulo niya at hindi na ngumingiti. May nagawa ba akong mali na di ko alam kaya galit siya saakin? 

Nahuhuli ko siya minsang nakatingin ng masama saakin. Hindi ko na siya naiintindihan, haist. 

"Dylan, Dylan!!" Rinig kong sigaw ni Cami kaya bumangon agad ako. 

"Cami," I smile at her. 

Nagsalpukan ang mga kilay nito at hinihingal. 

"What's with that face? Why looking me like that?" Nagtatakang tanong ko. 

"You are not dead?"

"DEAD! GANoN KA BA KAGALIT SAAKIN? YOU WISH ME DEAD? YOU ARE HORRIBLE CAM!" Di makapaniwalang usal ko at napa-iling.

"Sabi kasi ni Gabe, you're dying!" Sagot niya habol ang hininga.

"Eh, that bastard. Ah naabutan niya sigurong nakahiga ako kanina at nakapikit akala niya patay na ako," kamot ulong sabi ko. 

"May sugat ka ba? Anong nangyari sayo?" Puno ng pag-aalala habang kinapa niya ang katawan ko looking for wounds.

"Wala, relax, napagod lang ako kanina kaya nagpahinga ako. Don't over react, okay? I'm fine now," panigurado ko.

"Oh heaven, you sure you are? You worried me too much," usal niya naparang di makapaniwala. 

"Sorry to worry you." Gulo ko sa buhok niya. 

"Bakit may dugo ka!?"

"Ah ito ba? Maliit nasugat lang to, natapyasan ako ng kutsilyo kanina pero mababaw lang ang sugat na to," ngiting sagot ko, hawak ang gilid ko. 

Nagdilim ang mukha niya. 

"I'm gonna kill them!" Nanggagalaiting wika niya at tumalikod na kaya pinigil ko ang braso niya. 

"Cami! What are you going to do?!"

"Sinong nanakit sayo? Papatayin ko," seryosong usal niya. 

Pinigil ko ang baywang niya. 

"Ano ka ba, maliit lang na sugat to, wag ka nang magalit." Mahinang sabi ko.

"You idiot! You know I want to kill them!" Diin niya.

"Cami, alam kong nagalala ka ng husto para saakin, salamat para doon, pero ayaw kong nagkakaganyan ka. If you go straight to their lair, matatalo ka nila. Magisip ka nga!" Singhal ko.

"Hindi mo kasi naiintindihan! Sinaktan ka nila!" Sigaw niya. 

"It doesn't matter, I'm fine. So relax!" Wika ko tapik ang balikat niya.

"Of course it matters!!" Sigaw niya pa.

"Quit shouting!"

"Bakit ganyan ka! Palagi mong inaalala ang iba, pero sa sarili mo wala kang pakialam? Bakit di ka nakikinig saakin? You always do what you wanted carelessly with out thinking me!" Maluha luhang usal niya hila ang necktie ko. 

"Hey, stop nagging, you know I can handle all of them." Mahinang sagot ko sakaling kumalma siya.

"SHUT THE FUCK UP! NO MATTER HOW MUCH I WORRY TO YOU, OR HOW MUCH IMPORTANT YOU ARE TO ME, WALA KA PARING PAKIALAM! " Sigaw niya. 

Alam kong malaki ang tinatanaw niyang utang naloob saakin kaya ginagawa niya to kahit ayaw ko. Sumusubra na kasi siya minsan. 

"Ayaw mo akong kasama, ako gusto kong kasama kita dahil gusto kong protektahan ka. Sana hindi ka nasugatan o nasaktan ng ganyan kung sinama mo ako, gago ka!" Dagdag pa niya. 

"Alam mong ayaw kong gawin yon," ayaw ko siyang isama dahil mapapahamak lang siya dahil sa katigasan ng ulo niya. 

"Hindi na ako bata Cam, mas matanda ako sayo baka nakalimutan mo," paalala ko.

"I'm not treating you as a kid, I know you are a big guy. You idiot! Kailan mo ba maiintindihan na kailangan kong protektahan ka!"

"Ilang beses ko bang sabihin sayo na di kita kailangan, kaya di mo na kailangang protektahan ako." Wika ko.

Napatigil siya sa sinabi ko napara bang nasakatan.

"Tama ka, di mo ako nga kailangan! "

"Hindi ka naman ganito noon ah. Tahimik ka lang, seryoso at nagsisikap magaral, pero ngayon nagbago ka na ng husto. Alam mo bang masakit para saakin ang makita kang nagkakaganyan?! Unti unting nagbabago?" I sighed.

"Haha, dahil bobo ka Dylan! Dahil sayo kaya ako nagkakaganito! Ako ang may karapatang o mag desisyong magbago wala ka na doon," iling niya.

"Ako ang dahilan? Ano bang nagawa kong mali sayo ha?" Nagtatakang tanong ko.

"Mali? Nagawang mali? Tsk you stupid!"

"Geez, mula ngayon wag ka nang makialam sa mga gagawin ko. Wag mo na akong pagsasabihan at wag mo nang isipin pang protektahan ako!" Diin ko.

Sinampal niya ako nang napakalakas. Napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sakanya  Di ko mabasa ang mukha niya. 

"Talaga.? Wala ka man lang alam sa nararamdaman ko! Well, wala ka namang pakialam!" Wika niya at tinalikuran na ako. 

Bakit nagkakaganyan siya? Haist, di ko na alam ang gagawin ko, ang gusto ko lang naman ay ang ilayo siya sa kapahamakan, pero bakit galit na galit siya saakin? 

"So?" Tapik ni Stan sa balikat ko. Di ko napansing nakalapit napala siya.

 Nakatingin lang kami kay Cami habang papalayo. 

"Masama ba ako Stan? Ano sapalagay mo ang dahilan kung bakit galit si Cami saakin?" Buntong hininga ko.

"Alam mo wala din akong ideya eh. Hmp ang mga babae talaga komplikado kaya kailangan mong habaan ang pasensya mo at intindihin pa sila," suhestyon ni Stan.

"Ang gusto ko lang naman ay ang protektahan at alagaan siya bakit humantong sa ganito? Pakiramdam ko nagbabago na siya."

"Baka ganyan talaga si Cami, ngayon mo lang nakita."

Tumunog na ang bell hudyat na ng susunod na klase. 

"Tara na!" Tapik ni Stan ng likod ko.

Dumaan muna ako sa washroom para linisin ang katawan.

***

Pagpasok ko nang Icon Room, hinanap ko agad si Cami pero wala siya. Saan kaya siya? 

Wala rin si Gabe. Magkasama kaya sila? 

Tumabi ako kay Zaneah, si Zaneah ay kapatid ni Stan at ako at si Aiden ang protector niya dahil siya ang tagapagmana ni Stan at ng Stygians, bilang membro ng Stys tungkulin kong alagaan si Zaneah at dahil na rin sa pakiusap nang yumaon kung Tita na nagpalaki saakin at tagapangalaga din ni Zan noon bago pa ito nagkasakit at namatay. 

Bago pa nawala ang tita ko binilin niya saakin si Zaneah kaya nung namatay siya hinanap ko agad si Zaneah at sumali sa Stygians. 

May kapatid ako at kaklase ko siya pero wala kaming pansinan. Mula nung inalis ako sa bahay inalagaan ako ng tita ko at yun na ang huli naming pagkikita ng kapatid kong si Zaki. 

Tinakwil ako nang ama ni Zaki dahil anak ako ng mama ko sa ibang lalaki pero dala ko parin ang apelyedong Delrama. Apelyedo ni Zaki at nang papa niya. 

Nung namatay ang kaisa isang pamilya kong si Tita Thelma, si Stan na ang naging pamilya ko mula nung naging bahagi ako ng grupo niya. 

"Zanny my alam ka ba tungkol kay Cami? "

"Hmp, wala masyado ee. Di kasi makwento si Cami ee. "

"May boyfriend ba siya? "

"Teka nga, diba magkasama kayo sa bahay, dapat mas kilala mo siya kaysa saakin? Bakit ako ang tinatanung mo?! "

"Tsk sagutin mo na lang ako kung may alam ka. "

"Hmp, si Cami ang alam ko crush niya si Stan. Sabi niya nung tribute party, iwan ko ngayon. "

"Si Gabe, kaanu anu niya. "

"Si Gabe? Tsk parang aso at pusa yung dalawa. Nakita ko sila kanina papuntang cabin. "

Anung gagawin nila ni Cami sa cabin? 

Nung pumasok ang guro namin di ako nakafucos sa klase ang nasa isip ko si Cami lang. May pagasa pa bang maayos kami at magbalik sa dati. 

Dumungaw ako sa bintana at nakita ko si Gabe na nakaakbay kay Cami. 

Anu ba talaga ang dalawang to sa isat isa? 

Nakaramdam ako nang sakit, di ko alam kung bakit! 

Kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit nagkakaganun si Cami. Kung bakit siya galit saakin, para magawan ko nang paraan. Ayaw kong ganito kami!

.... 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status