LOGINKung ilarawan ng mga tao si Raya Digo, siya ay masayahin, maganda, at matalino. Taglay niya rin ang buhay na kinaiinggitan ng marami. Ngunit ang hindi nila alam, sa likod ng mga ngiti ay may nakatago na matinding lungkot sa kaniyang dibdib, na nagpapa miserable rito sa araw-araw. Lumaki si Raya sa puder ng kaniyang lola dahil sa trabahong tinahak ng kaniyang mga magulang. Sadya nga namang malupit ang tandhana. Makakayanan pa kaya ng dalaga ang ibabatong unos kung haharapin niya ito ng mag-isa, at kung siya ay wasak na wasak pa?
View MorePagkapasok ko ng school kinabukasan, nahagip kaagad sa paningin ko si Jaypee na nakaupo lang sa isa sa mga bench malapit sa building namin at mukhang may malalim na iniisip. Alam na kaya ng mga magulang nila?"Hi, morning," bati ko sa kaniya at umupo sa tabi niya.Bahagya lang siyang tumango pero hindi siya nag-angat ng tingin sa 'kin."Si Franzen?"Nanatili siyang nakayuko at hindi nagsasalita kaya bigla akong kinabahan."Wala na. Umalis na siya, R-Raya," naiiyak na aniya.Hindi ko alam ang gagawin ko nang unti-unting nalaglag ang mga luha niya."H-Ha?""Alam na ng parents niya... kaya sila umalis. N-nalaman ko lang... kanina no'ng susunduin ko na dapat siya."
"V-Vince?" Paano ako natunton ng lalaking 'to?Nagtangka siyang lumapit sa 'kin kaya dali-dali akong naglakad papalayo sa kaniya. Pero dahil nga matataas ang biyas niya, ay naabutan niya pa rin ako at marahas na hinawakan ang braso ko. Bakit ba kasi nandito 'to? Paano niya ba ako napuntahan? Taena naman."Raya, please. Kausapin mo naman ako," pagmamakaawa niya."Wala na tayong dapat pag-usapan, Vince. Pwede ba, bitawan mo ako?"Imbes na bitawan ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko."No. May dapat tayong pag-usapan, Raya. Bumiyahe ako galing Batangas para sa 'yo tapos hindi mo ako kakausapin?"Aba, ang kapal nga naman ng kalyo sa mukha nitong lalaking 'to."Eh, sino bang may sabi sa 'yong pumunta ka rito?" na
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, dali-dali ko itong sinagot. Ni-loud speaker ko na lang ito para marinig ko pa rin habang nagbibihis ako."Uy, Thalia. Good morning!""Good morning, Raya. Kumusta ka na?""Okay naman. Ikaw ba?""O-Okay naman," medyo may pag-alinlangang sagot niya.Napaupo tuloy ako sa kama... nag-aalala kung talagang okay siya. Alam ko kung okay ba talaga ito o hindi kasi hindi naman ito nag-aalangan kapag tinatanong ko ito noon."Okay ka ba talaga?"Natahimik siya sa kabilang linya. Hindi ko siya kinulit dahil alam kong ayaw na ayaw niya no'n. Kalaunan ay nakarinig ako ng mahinang hikbi."W-Wala akong k-kwenta, Raya. I'm useless. Nang dahil sa 'kin... nag-away sina Mama'
Tulad nang nakasanayan, maaga akong pumunta sa school pero parang late pa rin ako. Hindi ko alam kung saan ang may problema. Advance lang siguro ang oras ng school kaysa sa bahay kaya gano'n.Pagkababa ko ng sasakyan, sinalubong kaagad ako ng isang maganda at fresh na preggy."Good morning, Raya.""Good morning, Franz," pabalik na bati ko sa kaniya. "Oh, bakit ka pa nandito at saka nasaan si Jaypee?" tanong ko nang napansin kong siya lang mag-isa."Nauna na siyang pumasok sa 'kin, sabi niya, kakausapin niya raw si Keith at Jaypee about doon sa nnagyari kagabi at sasabihin niya raw 'yong hinala natin about sa nangyari sa 'tin."Oo nga pala. Siguro ay mayro'n pang tampo si Keith about sa nangyari kagabi. Siguro nga ay tama ang gagawin ni Jaypee para hindi rin kami mahihirapang makisama sa kanila. Mahirap rin nama
reviews