Share

He Was My Comforter (Taglish)
He Was My Comforter (Taglish)
Author: MaidenRose7

PREVIEW

"HULI KA! SINASABI KO NA NGA BA EH," pigil ko sa kamay ni Gabe na may dalang bulaklak at sulat. 

Araw araw kasi may bulaklak, sulat o di kaya chocolates and locker ko.

Di ako pumasok sa period na to para lang hulihin ang kung sino mang baliw na naglalagay ng kung an ano sa locker ko.

Ngayon nahuli ko na ang may gawa. Duda na ako kay Gabe, at tama nga ako siya nga! Pate ba naman ako pagtripan! Naloko niya na ako noong una kaya ngayon di na niya ako maloloko pa! 

"Ahehehe Gabe, you moron. Sabi ko na nga ba ee. Ikaw nga!" Nakangiti ako at kinikindatan siya.

"Tsk Cami itigil mo nga yang ngiting aso mo... Ito para sayo," wika niya hinampas sa dibdib ko ang bulaklak na dala at tinalikuran na ako.

Nagsalpukan ang kilay ko. Ugali talaga nito di maintindihan. 

"Hoy! Ayaw mo bang magsorry man lang o magpaliwanag kong bakit mo nilalagyan ng bulalak at sulat ang locker ko?" Sigaw ko sakanya at umismid.

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ako. Ang mapungay na mata neto ay inikot niya.

"Malay ko bang locker mo yan. "Masungit na sambit nito. 

"Ows, ang laki ng pangalan ko oh, CAMI, ayan oh nakadikit sa maliit na pinto ng locker," turo ko sakanya ng pangalan ko na nakadikit sa locker ko. 

"Oh, sorry then," ismid niya.

Tiningnan ko siya ng masama. It's too obvious na alam niyang locker ko tong pinaglalagyan niya ng kung ano ano!

"Yon lang? Alam mo bang kinain ng mga langgam ang chocolates pate narin ang mga gamit ko sa loob ng locker na to, dahil sa mga pinanglalagay mo?" Singhal ko sakanya at sana naintindihan niya.

Nilapitan niya ako at tiningnan lang. 

"Eh anong gusto mong gawin ko? " Tanong niya yumuko at nilapit sa mukha ko ang mukha niya. Dapat magpaliwanag siya tungkol dito diba?

"Gusto kong magsorry ka ng maayos, yung seryoso Gabe Montero!" Duro ko sa dibdib niya at tinaasan siya ng kilay.

Titigan niya ako ng matagal. He is acting odd today. 

Nagulat ako nung hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako bigla. Kaya nanigas ang katawan ko! What a sudden attack!

"Do you mean like that?" Tanong niya pagkatapos akong halikan. 

Gago talaga! 

"Naghahanap ka ba ng away?! Are you a nuts? That's not what I mean. Kiss to say sorry? Are you kidding me!?"Halos pasigaw na sabi ko tulak siya.

"Would I kissed a girl as a joke. You stupid little brat," sagot niya sumandal sa locker at nagcrisscross arms and legs. 

Bakit parang ibang tao si Gabe ngayon? 

"Baliw!" Halos umusok na ang ilong kong sabi.

"Kung ayaw mong tanggapin ang kiss bilang sorry, well pwede kitang e-date," seryosong sabi niya. 

Siningkitan ko siya ng mga mata ko. 

"Teka? Hindi ka ba natatakot sa saakin at binabastos mo ako ha!" Sigaw ko sakanya, mabuti na lang class hour, kami lang nasa locker room nagbabangayan. 

"Bukod sa nakakatakot mong tingin, hmp, well you are still cute. Hindi ako takot sayo," pa ismid niyang sagot.

"Bweset ka! What is the point of talking to an idiot like you anyway?" Tatalikod na sana ako pero pinigil ni Gabe ang kamay ko. 

"Kung hindi sapat ang kiss para sayo, we can have sex then, wala pang tao sa lugar na to. Pwede nating gawin ang gusto nating gawin dito," bulong niya kaya automatikong  sinampal ko siya ng malakas. 

Yeah, we had sex before but hindi ko ginusto yon. 

"Bigti kana gago!" Sigaw ko nanggagalaiti na ako sa galit!

"You know what, were losing time so let me just touch you," dagdag pa niya. 

Inaasar ba talaga ako nito? 

"You bastard!" Akmang susugurin ko na siya nung malakas itong tumawa.

"Hahaha look at you face Cami. Did I hit a nerve?" Tawang sabi niya turo ang mukha ko. 

Here's the true Gabe now. Sabi ko na nga ba niloloko niya lang ako ee. 

"Tsk walang hiya ka, kung ano anong kamanyakan ang sinasabi mo!" Sambit ko napakuyom ng kamao.

"Hmp tinry ko lang maging cool," sagot niya hawi ang bangs.

"Cool? Cool ba yong ginawa mo at sinabi mo? Kamanyakan mo talaga."

"Oo naman, sayo lang naman hindi umubra yon ah. Sa iba, if I kiss them as a way of saying sorry, di katulad sa reaksyon mo ang reaksyon nila," tawang usal niya. 

So nanghahalik pala siya kapag nagsosorry? How lewd! 

"Iwan! Ayaw na kitang kausap! "

"Ang cute mo! "

Tsk, tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, 

"Hindi naman ako cute aa, nakakatakot nga ang mukha ko! Takot nga halos lahat sa pagmumukha ko ee. "

Lumapit siya sa likod ko at tiningnan ako sa salamin. 

"Kasi palagi ka lang nakasimangot. Ganito, ngumiti ka nang konti sa lahat ng makakasalubong mo, siguradong ngingitiin ka nila in return," wika Gabe tapik ang balikat ko. 

"Eh? Palagi kong naririnig ang mga nakakatakot na comment tungkol saakin, tapos sabihin mo cute ako? Like scary, horrible sucks or what so ever. Siguro ikaw hindi mo yan naririnig dahil gwapo ka."

"Hmp, they always say I'm sexy, handsome, cool, hot, talented, pero pagod na akong marinig ang mga yun. Sana sa susunod ang sabihin nila, mabait ako at nakakatuwa," malungkot na usal nito. 

Tumunog na ang bell, hudyat sa next subject. 

"See yah. I have to go," paalam niya at tumakbo na palabas ng lockerroom. 

Tsk, kakaiba nga talaga si Gabe. 

Tumakbo na ako papunta sa room ko kaya hiningal ako pagdating doon.

"Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang? "Tanong agad ni Dylan. Kaibigan ko si Dylan at sa bahay niya ako nakatira. 

"Hey Dylan after this subject, breaktime na diba?" Bulong ko kay Dylan. 

"Come on Cam, kakapasok mo nga lang breaktime na agad ang nasaisip mo."

"Eh kasi gusto kong kumain ng white pasta."

"Ano? Nanaman? Kahapon white pasta, kinain mo pa ang para saakin. Di ka ba nagsasawa sa white pasta na sinasabi mo?"

Ang sungit talaga ni Dylan! Hmp, kaya ang sarap niya asarin ee. Asarin ko nga. 

"Hey Dylan."

"What?! Pwede makinig ka sa klase?"

"Pero yung lesson ngayon ay katulad ng lesson kahapon kaya ayaw kong makinig. May sasabihin ako."

"Pwede bang mamaya nang lunch break! "

"Fine! "

=Forward=

<Lunch Break>

"Hey, Cami diba may sasabihin ka?" Paalala ni Dylan at sinabayan ako sa paglalakad. 

"Yup."

"Ano?"

"Alam mo bang nakakabasa ako ng puso through eyes!"

Kailangang matrap ko siya para mapaamin kung may gusto na siya. 

"Ows, nonsense!"

"Seryoso. Halika, babasahin ko ang puso mo."Hinila ko si Dylan at kinulong ang mukha niya sa palad ko. 

Tiningnan ko ang mga mata niya at hahaha tsk di ko mabasa ang mata niya, pero di ko sasabihing hindi talaga ako marunong magbasa ng mata. 

"Ano ba, bitawan mo nga ako!"

"Nabasa ko na ang puso mo Dy!"

"Tsk, lokohin mo ang lolo mo."

"It's love! Nakikita ko ang pagmamahal sa mga mata mo. Aminin mo may mahal ka na ngayon noh!? "

Hinila ko ang damit niya, bakit ba kasi ang tangkad ng lalaking to? 

"Pweee love! Wag mo nga akong lokohin. Ikaw talaga! Kahapon iba trip mo, ngayon iba naman! Malapit mo pa ako napaniwala kahapon na kapag malungkot ka, umuulan. Tsk!" Iling niya.

"Hindi, totoo na to. Halika titigan tayo."

"Arghh tama na, ayaw ko sa mga laro mo."

"Tsk wag ka nang mareklamo. Babasahin ko nga ang mga mata mo." Hinila ko ng necktie niya. 

"Fine, fine, nasasakal na ako."

Yumuko siya at nagtitigan kami ng matagal. Damn, para kaming mga baliw. 

"See, I saw love," sabi ko kahit di talaga ako marunong magbasa ng mata. Kailangan mapaamin ko siyang may nagugustuhan na siya, iba na kasi kinikilos niya ngayon. 

"Tsee, reading eyes. Fooling around, what the hell?! Kung marunong ka talagang magbasa sana nakita mo sa mga mata ko, na ayaw kong nakikitang kasama mo ang Gabe na yon," seryosong sabi ni Dylan. 

Ganun ba siya kagalit kay Gabe, dahil siguro sira ulo si Gabe kaya ganun. 

"Haha, aminin mo, you love me right? Yun ang nakikita ko sa mga mata mo ee. Love, full of LOVE!" Haha asarin ko ang lalaking pikonin na to. 

Palagay ko kasi may gusto tong masungit na to kay Zaneah ee. 

Tinitigan niya lang ako. 

"Yeah. You are right," sang ayon niya at tinalikuran ako. 

Anong sinabi niya? He loves me? Sabi niya,"I'm right."Anong ibig niyang sabihin? Mahal niya ako? 

Mukhang ako ang nahulog sa patibong ko! 

"Hey, DYLAN WAIT!!!! What did you say? "

(YAME Side Story <Cami<Gabe<Dylan>)

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status