Home / Romance / Heiress Bodyguard / Chapter 23: Simone

Share

Chapter 23: Simone

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2024-03-24 23:54:10

BUSINESS PARTNER. ‘Yan ang sabi ni Kana kay John nang tanuningin nito ang dalaga. Medyo nainis lang si John kasi isang tawag lang ni Rogando dito, sumusunod si Kana. Papunta na sila ngayon sa restaurant na pagkikitaan nito at ni Rogando.

“Hon,”

“Hmm?”

“Nagseselos ako,” ani ni John na ikinatigil niya. Naglalagay si Kana ng make up ng mga sandaling iyon habang ito ay nagmamaneho. Tinitigan niya ito at seryoso ito habang nakatingin din sa kanya. Saktong huminto na rin sila dahil sa nagpalit na ang traffic lights.

“Bakit?” wala sa sariling tanong ni Kana.

Shocked lang ang dalaga dahil sa pagiging straightforward nito. Actually, hindi pa siya sanay kay John.

“Isang tawag lang ni Rogando sa ‘yo, makikipagkita ka kaagad. Sa akin kaya?”

Napataas ng kilay si Kana. “John, he’s my business partner, malamang na makikipagkita ako agad. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang partnership na ito.” Basta ang isip niya kasi ngayon, magkaroon pa ng ibang venture

May bubuksan kasi silang cocktai
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
naku Kana may Plano yata Yan si Simone Lalo na narinig Niya kayo ng kaibigan mo nag uusap, masasaktan si John
goodnovel comment avatar
Batangueña03
𝐝𝐢𝐧 𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐢 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐚𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮 𝐊𝐚𝐧𝐚 𝐬𝐚𝐧𝐚 𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐛𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐮𝐥𝐢 𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐢𝐬 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐢𝐡𝐢𝐠𝐚𝐧𝐭𝐢 𝐤𝐚𝐲 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐢𝐟 𝐞𝐯𝐞𝐫 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐲𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐨 𝐦𝐨!
goodnovel comment avatar
Batangueña03
𝐀𝐭 𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐚 𝐧𝐠𝐚 𝐦𝐮𝐤𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐢𝐧 𝐩𝐚 𝐧𝐢 𝐒𝐢𝐦𝐨𝐧𝐞 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐥𝐚𝐜𝐤𝐦𝐚𝐢𝐥 𝐬𝐚𝐲𝐨 𝐊𝐚𝐧𝐚 𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐫𝐢𝐧𝐢𝐠 𝐧𝐢𝐲𝐚. 𝐓𝐨𝐢𝐧𝐤𝐬 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐤𝐮 𝐑𝐨𝐠𝐚𝐧𝐝𝐨 𝐚𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐧𝐚?𝐇𝐦𝐦... 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Heiress Bodyguard   Chapter 68: Special Chapter / Teaser

    Teaser:Akala ni Kana, tapos na ang isyu sa lupa nila sa Pangasinan. Natuklasan ni Kana na ang kasalukuyang nobya ng panganay na anak na si Kenjie ay anak ng babaeng iyon. Ang mismong ipinagbununtis ng babaeng sumugod sa kanila. At planado ang lahat ng mag-ina. Para makuha sa kanila ang lupang iyon. “Hinding-hindi niyo makukuha ang lupang iyon, Tania. Nakatakdang mapunta talaga sa amin ang lupang iyon. Dahil pag-aari ‘yon ng Mommy ko. Sa Lola ni Kenjie. Naiintindihan mo ba?”Ilang beses na bumalik noon ang anak ni Don Ignacio sa kanila para tangkaing bawiin ang lupa. Bago mamatay ang ama nito ay sinabi nito sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila nito naibigay ang bahagi ng lupang iyon. Yes, bigay lang. Dahil sa ina niyang si Keana. Dahil sa naudlot na pagmamahalan ni Don at ng ina niya.Ang lupang iyon ay pagmamay-ari pala ng ina, na sadyang binili nito para mapalapit kay Don. Pero dahil tutol ang magulang ng huli, nagkahiwalay din ang dalawa. Iniwan ng ina ang lupang iyon kasama

  • Heiress Bodyguard   Chapter 67: Wakas

    KASABAY nang pagpubog ng araw sa bahaging iyon ang muling pagbaon ni John ng sarili sa asawa.For John, mali na bigyan siya nang parusa dahil lamang sa hindi niya pagsabi, na siya ang nakatalik ng asawa sa hotel na iyon sa Texas. Lalo lamang siyang nanabik dito. Isa lamang ito sa hindi niya kayang pigilan kapag nasa paligid ang asawa. Kahit na anong pigil niya, hindi niya kaya. Sa pagkakaalam niya kasi, alam ni Kana na siy ang nakatalik nito nang gabing iyon. At kaya lang siya nawala sa tabi nito dahil sa urgent matter nila. “O-oh, husband. Hindi ka pa ba nagsasawa?” Nakangiting umiling si John sa asawa. “Kasalanan mo ito, hon. Pinag-diet mo ako. Naalala mo? ” Sasagot sana si Kana nang siilin ni John nang halik ang labi niya. Hindi na talaga siya nito hinayaang magreklamo pa.Kanina, sabi ni Kana, baka maapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya. Pero hindi naman raw dahil masuyo ito. Baka lang naman makalusot siya. Totoo namang masuyo— no, mabagal. At dahil traydor ang katawan ni

  • Heiress Bodyguard   Chapter 66: Honeymoon time

    Smooth pa sa kumot niyo ang naging seremonya ng kasalang Kana at John. Walang naging problema. Masaya ang lahat ng nakasaksi sa pag-iisang dibdib na iyon. Pero ang higit masaya ay ang bagong kasal, lalo na si John.Nalaman ni Kana na pinapirma ni John si Hazel na wala na itong responsibilidad dito at wag na itong lalapit sa kanilang mag-asawa kapalit ng malaking halaga. Kaya pala talaga natagalan ito sa pakikipag-usap kay Hazel. “John! Saan na naman tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Kana sa asawa nang bigla siyang hilahin nito palapit sa sasakyan. Halos kasing taas yata iyon ng bus. Pero hindi naman kasing haba. Kakatapos lang noon ang pictorial sa labas at ng paghagis niya ng bulaklak. “Honeymoon time, hon.” Kakaiba na ang ngiti sa labi ni John ng mga sandaling iyon.“P-pero kailangan pa tayo sa recep—”Hindi na natuloy ni Kana dahil pinangko na siya ni John at masuyong pinaupo sa loob ng sasakyan. Nilingon niya ang magulang at ang ina ni John, nakangiti ang mga ito. Kumaway din

  • Heiress Bodyguard   Chapter 65: Finally

    “O-okay ka lang?”Matamis na ngumiti si Kana kay Maricel bago ito nilagpasan. Ganoon din kay Astin. Gustong manghina ni Kana. Nasasaktan siya dahil mas inuna ni John na puntahan si Hazel kesa sa seremonya ng kasal nila. As if kailangang kompirmahin muna nito ang nararamdaman kung gusto nga ba nitong magpakasal sa kanya.Pakiramdam din kasi ni Kana ng mga sandaling iyon nagmukha siyang tanga. Napagtanto niyang hanggang ngayon wala siyang alam sa nakaraan ni John kay Hazel. Hindi man lang ito naging open sa kanya.“Kana, magsisimula na ang seremonya. Dapat sabihan mo na si John. What if may schedule pa si father?”Nilingon ni Kana si Maricel. Hindi ba nito nakita ang mga nakita niya?“Kung gusto niyang matali sa akin habang buhay, darating siya. Pero kung ayaw niya, wala na akong magagawa, Maricel.”“Gusto mo bang hilahin ko siya papuntang simbahan?” tanong ni Astin na ikinatawa niya. Pero ang tawa na iyon ay saglit lang.“No need, Astin. Thanks.” Nakikita niya ang guilt sa mga mata ni

  • Heiress Bodyguard   Chapter 64: Who hugged him?

    HANGGANG sa araw ng kasal ni Kana at John, nangungulit ang huli sa kanya. Gaya ng mga naunang sagot niya, walang honeymoon. Pero hindi niya naman iyon totohanin. Kailangan lang nitong pagdusahan ang ginawa nitong pagtago. “I’m so thrilled, anak. Sa wakas ay natupad rin ang pangarap ko na maikasal ka,” maluha-luhang sambit ng ina nang sabihin iyon. Suot na ni Kana ang wedding dress na pinili nila mismo ni John. Lace applique mermaid strapless wedding dress ang napili nilang dalawa. Iyon naman kasi ang unang pumukaw nang atensyon niya nang tumingin sa brochure. Nakita niya rin iyon noon sa isang boutique. Sabi nga niya, sana si John ang lalaking pakakasalan niya. At heto, nangyari nga— mangyayari pa lang pala.“Ako rin po, Mommy. Hindi ko maipaliwanag ang saya.” Hinimas pa niya ang tiyan niya. Dahil din sa magiging anak nila ni John.Napatingin siya kay Kenjie nang bigla nitong halikan ang umbok niya.“I’ll be good to her, Mama. Promise!”“Her?” halos makasabay na sambit nilang mag-in

  • Heiress Bodyguard   Chapter 63: Do you know which room it is?

    “Talaga, hon? Buntis ka?” Saya ang sunod na makikita sa mukha ni John.“Oo, John. P-pero hindi—”Hindi na natuloy ni Kana ang sasabihin nang kabigin siya ni John. Mahigpit na yakap ang ginawa nito pagkuwa’y lumuhod pa para lang halikan ang baby bump niya.“Dapat na siguro na nating madaliin ang kasal, hon. Ayokong lumabas sa mundong ito ang ating anak na hindi mo dala ang apelyido ko.” Lalong lumapad ang ngiti ni John. “Bukas or sa susunod kaya?” Excitement na naman ang pumalit sa mukha ni John.Paano pa masasabi ni Kana ang nais sabihin kung saya na ang nakikita sa mukha ni John. Parang ang hirap na sirain ang sayang pinapakita ni John. Pero kailangan niyang sabihin ang problema niya. Para masolusyunan na.“J-John, before that, um, may aaminin ako sa ‘yo.”Biglang napalis ang magandang ngiti ni John. May kung anong kaba siyang naramdaman. Sa tono ni Kana, parang seryosong usapin iyon. “I-I love you. Really. God knows kung gaano kita mahal. I never loved a man like this before. Neve

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status