LOGINUpang maiahon sa kahirapan ang kaniyang dalawang anak, pinili ng biyudang si Anna na makipagsapalaran bilang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait. Ngunit ang kaniyang biglaang pag-alis ay nag-iwan ng malalim na sugat at poot sa puso ng kaniyang anim na taong gulang na panganay na si Arnold. Pagkalipas ng dalawampung taon, nagbabalik si Anna upang humingi ng kapatawaran. Subalit matigas ang loob ni Arnold—ang lalaking maagang namulat sa bagsik ng buhay at mag-isang nagtaguyod sa kaniyang kapatid. Sa gitna ng kaniyang pagharap sa multo ng nakaraan, muling hahamunin si Arnold ng tadhana nang mabatid na ang kaniyang matagal nang kasintahan na si Lalaine ay aalis din patungong Switzerland para sa mas magandang pangarap. Sa pagbuhos ng mga lumang sugat at bagong takot, makaya kaya ni Arnold na buksan ang kaniyang puso para magpatawad? O tuluyan na lamang siyang mabubuhay sa takot na muling maiwan ng mga taong kaniyang pinakamamahal?
View MoreLahat na nagta-trabaho sa ibang bansa nakakaranas ng mala-roller coaster na damdamin. Minsan masaya, malungkot, sobrang sakit at may kirot sa puso pero kahit gaano pa kasakit ang hamon nang buhay na kanilang tinatamasa, patuloy pa rin nilang tinitibayan ang loob para sa mga mahal nila sa buhay. Mahirap ang maging isang OFW, hindi biro ang makikipagsapalaran sa ibang bansa at makihalubilo sa hindi mo ka dugo o kababayan. Lalo pa kaya ang magpa-alipin sa ibang tao.
Masarap pakinggan ang salitang, “Abroad” pero diyan mo mararanasan ang tunay na iba’t ibang pagsubok sa buhay.
“Okay lang” madaling banggitin, madaling sabihin upang itago ang tunay na iyong nararamdaman. Simpleng salitang may iba’t ibang pighati na nakabalot dito. Masarap din marinig mula sa mga mahal natin ang sambitin iyon, pero ‘di natin alam kung ano ang kanilang pinagdaanan bago masambit ang katagang, “Okay Lang”.
Si Anna Batumbakal, nagta-trabaho sa Kuwait para sa pamilya at mga anak. Kahit gaano pa kasing tigas ng bakal ang puso nito’y hindi pa rin naiiwasan ang umiyak, lalo na kapag naaalala ang mga anak nitong naiwan sa bansang kaniyang pinagmulan. Bente-singko anyos ito nang unang nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Anim na buwan pa lamang ang bunso nito nang iwan niya dahil sa hirap ng buhay.
“Umalis ka naman ‘di ba dahil sa pera. Iniwan mo kami tapos ngayon gusto mo intindihin ka namin. Bakit kami ba inintindi mo kung gaano kahirap ang lumaki na walang kinikilalang ina?” galit na sambit ng panganay nitong si Arnold.
“H-hindi ako umalis dahil gusto ko magbakasyon sa ibang bansa. Umalis ako dahil gusto ko magtrabaho upang matustusan ko mga pangangailangan ninyo! Hindi tayo mayaman, wala tayong pera kaya kahit mahirap gagawin ko para sa inyo na mga anak ko. Hindi mo rin ako naiintindihan, hindi mo alam kung ilang araw akong nagtiis na hindi kumain upang may malaking pera na maipadala sa inyo. Hindi biro ang pinagdadaanan ko pero okay lang…” ang madamdaming pakiwari ni Anna habang bumubuhos ang masagana nitong mga luha, “okay lang, basta para sa inyo na mga anak ko.”
CHAPTER 1
“M-mama!”
“M-mama, hu-hu-hu!” umiyak na sumbong ng panganay kong si Arnold habang tumatakbo papunta sa akin.
“Oh, bakit?” wika ko sabay lapag sa hawak kong cellphone at niyakap ang humihikbi kong anak.
“M-mama, inaway po ako ni Tonton,” patuloy niya sa pag-iyak.
Si Tonton ay anak ng kapitbahay namin. Kilala ito sa pagiging basagulero kaya madalas kong pinapayuhan ang anak ko na huwag masyadong lumapit doon, upang hindi na magkagulo pa.
Ang anak kong si Arnold ay anim na taong gulang na. Pinalaki ko siyang masayahin at palakaibigan, at ginagabayan ko sa lahat ng pagkakataon upang hindi matulad sa ibang pasaway na bata. Habang nakaupo kami sa sala, dahan-dahan kong pinunasan ang kanyang mga luha.
“Anak, ‘di ba sabi ko sa iyo ay iwasan mo muna siya? Kung ayaw niyang makipagkaibigan, hayaan mo na lang. Huwag mo nang patulan, hindi naman ikaw ang kawawa. Ang bait-bait mo kaya,” saad ko habang hinahalikan ang kanyang noo.
“M-mama, bakit po ang bad niya?”
“Kasi kulang siya sa pagmamahal at pag-aaruga ng Mama niya. Ikaw naman, mahal na mahal ka ng Mama mo,” nakangiti kong sambit habang ginugulo ang kanyang buhok.
“Mama, hindi mo ba ako iiwan? Kasi sabi nila aalis ka raw... iiwan mo raw ako?” tanong ni Arnold habang nakatitig sa aking mga mata, naghihintay ng sagot.
Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Nanatili lang akong nakatingin sa aking anak, hanggang sa hindi ko na rin napigilan ang bugso ng aking damdamin at unti-unting umagos ang aking mga luha.
“Mama, hindi mo naman ako iiwan, ‘di ba?” tanong niya ulit.
“S-sino ang nagsabi sa iyo niyan, anak?”
“Kay Nanay Bebang po.”
“H-hindi kita iiwan. Tandaan mo anak, magtatrabaho lang si Mama para sa inyo ng kapatid mo. Pero lagi naman tayong magkasama rito,” sagot ko sabay turo sa kanyang kaliwang dibdib. “Kahit anong mangyari, hindi ako mawawala rito sa puso mo.”
“Mama, paano po kayo papasok dito?” tanong niya ulit habang nakaturo pa rin sa sariling dibdib.
Ngumiti na lamang ako sa gitna ng aking pagtangis.
“Ikaw talaga, palabiro ka,” iyon na lamang ang naging tugon ko. “Anak, tamang-tama, may niluto akong adobo. 'Di ba paborito mo 'yon? Tara, kain tayo,” pag-iiba ko ng usapan sabay pahid sa aking mga luha. Binuhat ko ang aking anak at naglakad patungo sa kusina. Inihanda ko ang paborito nitong adobo.
“Anak, masarap ba?” tanong ko habang pinapanood siyang kumain. Muli na namang naglandas ang luha sa aking mga pisngi, subalit palihim ko itong pinunasan upang hindi niya mapansin.
“Opo, salamat po, Mama.”
“You’re welcome, anak!” mabilis kong sagot sabay pilit ng isang ngiti.
Makalipas ang ilang oras, biglang tumunog ang aking cellphone.
“Anak, kain ka lang diyan, ha? Kukunin ko lang ang telepono,” paalam ko kay Arnold.
“Opo, Mama,” sagot niya nang may ngiti bago bumalik sa pagkain.
“Hello, Madam,” malumanay kong bungad nang masagot ang tawag.
“Update lang kita, bukas na pala ang alis mo. Alas-otso ng umaga ang flight ninyo, dapat bago mag-alas-siyete ay nandoon na kayong lahat sa airport,” pagpapaalala sa akin ni Madam Scarlet, ang ahenteng tumulong sa amin upang makalabas ng bansa.
“T-thank you po, Madam,” iyon na lamang ang naisagot ko bago natapos ang aming pag-uusap.
Inilapag ko ang cellphone sa lamesa at nanghihinang naupo sa sofa. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang mawalay sa mga anak ko. Kung may sapat lang akong hanapbuhay rito, hindi ko na kailangang umalis pa. Ayaw kong iwan ang mga anak ko, pero ito na lang ang natitirang pag-asa para maiahon sila sa kahirapan. 'Di baleng ako ang mahirapan, ako ang magutom, huwag lang ang mga anak ko.
Tumingin ako sa larawan ng yumao kong asawa. “Responsibilidad ko sila bilang ilaw ng tahanan... hindi sana ito mangyayari kung hindi mo kami iniwan. Ang daya-daya mo, mahal. Ang bigat ng responsibilidad na iniwan mo sa akin. Hindi ko ito kaya mag-isa... bakit mo kami iniwan?” hagulgol ko habang patuloy na pumapatak ang aking mga luha.
“Diyos ko, bakit ang daya Ninyo? Bakit Ninyo kami pinapahirapan? Alam Ninyo namang walang-wala na kami, pero sunod-sunod ang ibinabato Ninyong problema sa amin. Dahan-dahan naman po, naaawa na ako sa mga anak ko... Kung parusa man ito, sana sa akin na lang. Huwag Ninyo nang idamay ang mga anak ko, hu-hu-hu!”
Sa gitna ng aking pag-iyak, biglang nagbalik-tanaw sa aking isipan ang nakaraan—ang simula ng masayang pagsasama namin ni Arnaldo.
Taong 2001, magkaklase kami sa high school ni Arnaldo. Para kaming aso't pusa; walang araw na hindi niya ako inaasar, na madalas na nagiging sanhi ng aming pagtatalo.
“Hoy, baboy! Tabi ka nga, nakaharang ka eh. Sa sobrang taba mo, sinakop mo na ang buong espasyo ng p***o, hindi ako makadaan!” Ang sigaw ng isang pamilyar na boses-lalaki sa aking likuran. Siya na naman—ang taong pinakakinaiinisan ko.
Agad akong lumingon habang nakayukom ang aking mga kamao.
“Anong sabi mo!?” pagalit kong tanong.
“Ay, bingi? Sabi ko ba—” Hindi natuloy ang kanyang sasabihin nang bigla ko siyang masuntok sa mukha. Nagulantang ang buong klase at biglang tumahimik ang paligid. “G*go! Bakit ka nanununtok sa mukha!?” galit niyang sigaw habang hawak ang pisngi.
“Ulitin mo pang sabihin sa aking baboy ako, hindi lang suntok ang aabutin mo sa akin!” pagbabanta ko. Ayaw ko sa lahat ang inaasar ang timbang ko. Oo, mataba ako, pero ano ngayon? Masarap kumain, eh!
“Totoo naman, eh, ang taba-taba mo!” sigaw pa rin niya.
“Kung mataba ako, ikaw ano ka? Payatot! Stick! Isang ubo mo na lang, pwede ka nang mamatay!”
“Ha-ha-ha! Ang ganda ng palabas!” kantiyaw ng mga kaklase namin.
“Naku, wala ka pala kay Anna, eh! Ha-ha-ha!”
“Bagay talaga kayo! The more you hate, the more you love! Ha-ha-ha!” biro ng kaibigan kong si Betty. Sabi ko sa sarili ko noon, hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking ito. Kung mangyayari man iyon, magpapakamatay na lang ako kaysa makasama ang payatot na 'yan.
“Yuck, never!” sabay naming sigaw, sabay damba ng aming mga tingin na naging dahilan ng biglang pagbilis ng tibok ng aking puso.
“Ay, nakakakilig!” bulalas naman ng bakla naming kaklase na si Mccoy.
Natigil lamang ang tuksuhan nang dumating ang aming guro.
Napapunas ako ng aking mga luha habang nakangiti. Iyon ang isa sa mga hindi ko makakalimutang yugto ng aming buhay. Muli kong tiningnan ang larawan ni Arnaldo, kinuha ko ito, at mahigpit na niyakap.
“Kahit hindi maganda ang simula ng kabataan natin, nagpapasalamat pa rin ako dahil nakilala kita. Mahilig ka mang-asar, pero sinusuyo mo naman ako kapag alam mong galit na galit na ako,” wika ko habang pilit na nagpapakatatag.
IKA-7 NA KABANATAHindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman, na marinig kong mag-kuwento si Mama sa amin. Para bang nakokonsensya ako dahil sobrang nagalit ako sa kanya. Alam kong hindi niya ginusto na umalis at iwanan kami, pero sadyang sinubok siya ng panahon para maka-abroad at maiahon kami sana sa kahirapan. Hindi man pinalad ngunit hindi sumuko na makauwi kahit ilang dekada ang dumaan. Hindi napaghinaan nang loob, kung hindi nanatiling matatag sa kahit ano pang pagsubok. Ngunit kami na mga anak, walang ibang inisip kung ‘di magalit dahil akala namin hindi na kami babalikan at tuluyan kinalimutan na ng panahon.Lahat naman tayo may damdamin na marunong masaktan, magalit at magtampo. Dapat hindi natin ina-invalidate ang feelings ng iba, kasi minsan kaya nakakagawa nang hindi kaaya-aya ang isang tao dahil may pinagdadaanan itong sobrang nakakasakit.“Attention Seeker” iyan ang tawag sa akin kasi gumagawa kami ng hakbang na sobrang ikaka-dissappoint ng mga taong malapit sa ami
Sa loob ng sasakyan, tahimik kami. Panay ang silip ko sa kanya kasi nasa likuran ako nakaupo habang seryoso lang siyang nagmamaneho. Unti-unti kong naramdaman ang antok dahil sa pagod sa biyahe. Ipinikit ko muna ang mga mata para makaidlip man lang pansamantala. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta ang naramdaman ko na lang ay may yumuyugyog sa akin para gisingin ako.“Hello, we are here in your boss’s house.”Pagmulat ko ng mata, isang malaking gate na may matataas na pader ang sumalubong sa akin. Walang ibang bahay sa paligid. Tanging katahimikan lang at ang boses ni Muhammad na nagsabing, “Get down. Boss is waiting.”Kinuha niya ang maleta ko mula sa trunk. Wala akong nagawa kundi sumunod. Sa bawat hakbang papunta sa pinto, mas lalo kong nararamdaman... na hindi na ako makakabalik sa Pilipinas. Agad nag-doorbell si Muhammad sa pinto. Hanggang sa unti-unti itong bumukas kasabay ng paglabas ng isang babaeng nakatakip ang buong mukha— tanging mata lamang ang nakikita
Pumasok kami sa loob ng bahay. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng aming mga yapak—kasama ang tunog ng mga basang sapatos sa sahig. Agad na dinala ni Leonora si Mama sa sala, habang si Lalaine naman ay nanatili sa tabi ko. Marahan niyang hinawakan ang siko ko, parang paalala na narito lang siya. Ang dating tahimik na sala ay biglang napuno ng bigat. Umupo si Mama sa lumang sopa, nakayuko. Ang kaniyang mga basang damit ay nag-iwan ng marka sa tela. Ang supot ng sabaw na bitbit niya kanina ay maingat na inilapag ni Leonora sa ibabaw ng mesa.Walang nagsasalita. Ang tanging naririnig na lang ay ang malakas na paghampas ng ulan sa yero at ang mabigat na paghinga ng bawat isa.“Kukuha lang ako ng mga tuwalya at tuyong damit,” basag ni Leonora sa katahimikan, bago mabilis na naglakad papunta sa kwarto.Naiwan kaming tatlo. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto, nakakrus ang mga braso. Si Lalaine ay dahan-dahang naupo sa upuang kaharap ni Mama.“Salamat, Lalaine,” mahinang bungad
"Ano pa ba ang magagawa ko, nakapagdesisyon ka na!"Iyon na lamang ang aking nasabi bago ako patakbong lumabas ng bahay nina Lalaine. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng panahon. Ang dating sakit na naranasan ko sa Mama ko ay tila bumabalik, at ngayon ay doble ang dusa dahil kay Lalaine.Hindi ko alam kung saan ako papatungo, ang tanging gusto ko lamang ay makalimot sa nararamdaman ko ngayon.Patuloy akong naglalakad habang tumutulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan—naghahanap ng karamay sa sakit na ito. Kasabay ng aking mga luha ang biglang pagpatak ng mga butil ng ulan, na para bang ang langit ay nakikidalamhati sa aking pighati."Arnold!"Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses na tumatawag sa pangalan ko.Nakita ko sa aking harapan ang babaeng minamahal ko. Ramdam ko sa kanyang mga mata ang sinserong paghingi ng paumanhin sa sakit na naidulot niya sa akin. Kita ko ang pag-agos ng kanyang mga luha, na unti-unting humahalo sa pagbuhos












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.