Share

Chapter 2

Author: Wengci
last update Last Updated: 2021-09-03 20:56:37

Kararating lang ni Gregor sa El Nido nang mapansin agad ang isang grupo ng kababaihan na malapit sa bar counter.  But one particular woman caught his eyes.  Hindi niya matiyak kung dalaga o dalagita pa lang ito, na kung titingnan ay estudyante pa lang.  O dahil lang sa itsura nito.  She has a slender body, hindi rin ito katangkaran kumpara sa dalawa pang kasama nito.  Regardless, her face is the most beautiful he has ever seen.  Her eyes speak a thousand words.  At napakasarap kapag ikaw ang tititigan nito. 

Naka dalawang boteng beer na siya nang mapansing nginingitian siya ng kasama nito.   Hindi niya gustong makipagkilala ngunit tila hinihila ang mata niya para tumingin lagi sa grupong iyon.  He smiled back.  Pero hiniling na sana'y wag siyang lapitan ng mga iyon dahil may mas malaking problema siyang kinakaharap ngayon at mas gustong mapag-isa.

Dalawa lang silang magkapatid na magkaramay mula ng mga bata pa sila dahil naghiwalay na ang kanilang mga magulang.  Wala na siyang balita sa ama mula nang umalis ito ng Puerto Princesa at ang ina naman ay nakapagasawa na rin ng iba.  Naiwan sila sa pangangalaga ng kanilang lola na ngayon ay pumanaw na rin. 

Mula nang mag-asawa ang kanyang kapatid na si Arthur at nanirahan dito sa El Nido kasama ang asawa ay mag-isa na lang siyang namumuhay sa Puerto Princesa.  May kaya ang napangasawa ng kapatid kaya nakapagpatayo ng maliit na resort dito sa El Nido.  Siya naman ay isang Engineer na nakatapos dahil sa pension ng lola niya at sa tulong din ng kuyang si Arthur. Pagkatapos makapagtrabaho ng mahabang panahon sa isang construction firm sa Maynila ay sumubok siyang bumalik sa Palawan at magtayo ng sariling kumpanya sa Puerto Princesa. Maliit lang ang opisina niya dahil nagsisimula pa lang, pero kahit paano'y dumadami na ang mga kliyente niya.  Ang naipon mula sa pagtatrabaho ng halos walong taon sa Maynila ay isinugal niya sa kumpanya, kasama ng pagsasanla sa banko ng lupang naiwan ng lola niya para sa kanilang magkapatid.  Ang lupang iyon ay karugtong ng white sand beach na karugtong naman ng lupang kinatatayuan ng Falcon Hotel and Resort. 

Three months ago ay nalaman niyang under bidding ang ipapatayong bagong Falcon Condominium. Sumali siya sa bidding at nag-offer ng malaking diskwento para makuha ang project.  Wala pang isang linggo ay kinausap siya ng isang nagpakilalang Anthony Falcon na siyang namamahala sa pagpapatayo ng condominium, accepting him as their contractor pero sa isang kundisyon.  Na ipagbili sa kanila ang lupang kinatitirikan ng bahay ng lola niya for the extension of Falcon Hotel and Resort.

Hindi siya pumayag dahil iyon ang kahuli-hulihang alaala ng lola niya sa kanilang magkapatid.  A week after he met Anthony Falcon, isang nagngangalang Olive ang tumawag sa kanya na deny ang proposal niya para sa Falcon Condominium.  Sa napakababang presyo na binigay niya ay alam niyang may ibang dahilan kaya dineny ng mga ito ang proposal niya.  And it was because of the land he refused to sell.

He tried to call back Olive but she was not answering.  Sinubukan din niyang tawagan si Anthony pero ibinalik siya nito kay Olive dahil kasalukuyan itong nasa meeting.  And when she answered, he asked to reconsider his proposal.  Pero matigas pa sa semento ang sagot nitong "I'm sorry but our decision is final Mr. Gregorio." 

Sa kabila ng sinabing iyon ng kausap, tila nakakaakit naman sa pandinig niya ang boses nito at sa tawag sa pangalan niya.  Madalas sa mga business encounter na ganito ay Mr. Angeles ang tawag sa kanya, ang isang ito ay tinawag ang buo niyang pangalan.  Not that she was trying to seduce him.  Pero napakasarap sa pandinig ang malambing nitong boses kahit sa propesyunal na tono.  A voice that can arouse you in the middle of the night, or in wee hour of the morning.  He shook his head.  Hindi niya kilala ang Olive na ito bagama't alam niyang isa rin itong Falcon dahil sa tawag ni Anthony na 'little sister' nang ipasa nito ang telepono para kausapin siya.

Malaking bagay sa Angeles Builders Inc. kung mananalo siya sa bidding na iyon.  Sa kasalukuyan ay patapos na ang loan niya sa banko ngunit kailangan niyang i-renew iyon dahil sa binabalak niyang pag-import ng mga supplies at nakabinbin sa banko ang renewal ng loan niya.  Maganda naman ang credit standing niya at nakakabayad siya ng maayos.  Pero tila gumagana ang koneksyion ng mga Falcon para matagalan ang approval na iyon -- na maaari pang ma-deny kapag nagkataon.  Typical game of the rich.  Kaya nagtungo siya sa kapatid para ikunsulta ang problemang kinakaharap.  Kapag nangyaring na-deny siya sa loan application sa Puerto Princesa ay mag-aaply siya sa ibang banko dito sa El Nido.  Bagama't suntok sa bwan dahil sa Puerto Princesa ang main offices ng mga bankong ito.  At dahil alam niyang may branch din ang Falcon Hotel and Resort dito sa El Nido ay malamang umaabot dito ang koneksyion ng mga iyon.

Muli niyang ibinalik ang atensyon sa grupo ng kababaihan at nakita niyang may dalawa nang kasamang lalaki ang mga ito. Nakasukbit na ang mga kamay sa mga balikat ng babae na malamang ay magkakasintahan.  Natuwa siya nang makitang ang petite na babae pa ang walang kapareha gayung ito ang pinakamaganda sa tatlo.

Pagkatapos inumin ang pangatlong beer ay nagpasya siyang magpahinga na lang.  Ang resort na ito ng kapatid ay may tatlong palapag at labingwalo lang ang kwartong pang-paupahan.  Ang bahay na karugtong dito ay ang bahay ng kapatid at pamilya nito.  Bagama't maliit lang ay maganda ang disenyo nito at may bar at restaurant sa gabi na siyang pinupuntahan ng mga tao.  At dahil summer ngayon ay okupado lahat ng kwarto doon.  Sa guest room ng bahay ng kapatid siya tumuloy.   Mula sa balkonahe ng bahay ng kapatid ay makikita ang mga tao sa ibaba na nagkakasayahan.   Sinilip niyang muli ang grupo ng mga babae pero nag-iisa na lang ito roon.  Ang dalawang pares ng magkasintahan ay nasa gitna na at nagsasayaw. 

Pumasok sya sa silid at naligo sa banyo dahil sa init ng panahon.  Pagkatapos niya'y nakarinig siya ng mga nagkakagulo sa ibaba.  Agad siyang tumakbo sa balkonahe at nakita ang ilang kalalakihang nagkakainitan kya agad siyang bumaba.  Isang lalaki daw ang nagtangkang lumapit sa babaeng petite at gustong makipagsayaw sa kabila ng pagtanggi ng dalaga.  At dahil sa nakainom ito ay hinila diumano ang kamay para dalhin sa gitna ng dancefloor, ngunit agad ding sinaklolohan ng mga kasama nitong mga kaibigan. 

Kinausap niya ang lalaki na siyang humawak sa kamay ng dalaga at nagpumilit isayaw ito na magtatawag siya ng pulis kapag nanggulo pa din doon.  Sa katabing resort ang mga ito naka-check-in at sumakabilang bakod lang dahil sa kanila lang may restaurant at bar sa dakong iyon ng resort.  Siguro dahil sa awtorisadong tinig at laki ng kanyang katawan kaya natakot sa kanya at umalis na rin, bukod pa sa sinabi niyang sila ang may-ari ng resort na iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Heiress of Fire   Finale

    Sa Hacienda Falcon ginanap ang kasal nila Gregor at Olive. Naroon ang malalapit na kamag-anak, kaibigan, at empleyado ng mga Falcon. Ang tanging bisita ni Gregor ay ang kapatid niyang si Arthur at pamilya nito, ilang tauhan sa Angeles Builders, at ilang malalapit na kaibigan."Kung hindi ko lang kinakatakot na aatras ka sa kasal, hindi ako papayag na dito tayo nagpakasal at titira mula ngayon. I can afford to give you a grand mansion. Ano pa't naging engineer ako?"Ngumiti nang matamis si Olivia habang nakayakap na rin sa kanya. Nag-alisan na ang mga bisita at nakatanaw na lang sila sa malawak na lawn sa ibaba. Alas onse na halos natapos ang party. Si Romano ay kinuha muna ng mga kapatid ni Olive para magkaroon sila ng panahon sa isa't isa."I want our children to have a happy childhood -- yung may malawak na tatakbuhan, malayang makakapaglaro sa damuhan, may mga punong maaakyat. Pag-aari namin ang lupaing ito at g

  • Heiress of Fire   Chapter 74

    Maagang umalis si Gregor kasama si Adrian kaya't malayang nakapagtrabaho si Lovi sa opisina. Hindi niya gustong makaharap si Adrian ngayon. Para bang may obligasyon pa siyang magpaliwanag gayung ito ang may babaeng kahawakan ng kamay. Kapit tuko si Michelle sa binata na ikinaseselos niyang talaga.Pero dahil wala naman siyang karapatang magselos, magpapanggap na lang siyang okay siya. Bago matapos ang araw ay nagtipa siya ng resignation letter at iniwan niya sa mesa. Bukas ay kakausapin niya si Gregor na kailangan niya nang bumalik sa Maynila sa lalong madaling panahon para makasama niya ang kanyang Lola.Paglabas niya sa opisina at pagsakay sa elevator ay nakasabay pa niya si Michelle. Masaya itong nagkukuwento sa mga kasamahan nila sa trabaho."Sasagutin ko na si Adrian ngayon," nakangiti pa nitong wika habang kinikilig naman ang kinukwentuhan nito."Ang sw

  • Heiress of Fire   Chapter 73

    Kanina pa kinakabahan si Olivia sa kakaibang ikinikilos ni Gregor. Nag-grocery sila pero hindi naman pala ito magluluto sa bahay. Gusto raw nitong makasama ang anak pero hindi pa naman sila umuuwi.Parang may inililihim ito sa kanya dahil kung sino sino rin ang kinakausap nito sa telepono kanina pa. Hindi naman siya nanghihinala na babae ang kausap nito at lalong hindi siya nanghihinala na baka may karelasyon itong iba. Kinausap pa nito si Anthony kanina bago sila umalis sa opisina.Pero ngayong nakita niya ang magandang setup ng pandalawahang mesa sa tabi ng dagat, lalong tumindi ang kaba niya. This isn't a regular dinner. Ang mesa lang nila ang napapalamutian ng magandang bulaklak sa paligid, may string lights mula sa arko hanggang sa dulo ng pasilyo kung saan matatagpuan ang mesa, at higit sa lahat, may rose petals na nakapalibot doon.Sandali nitong kinausap ang may-ari na kanina pa din nakangiti sa ka

  • Heiress of Fire   Chapter 72

    Alas singko nang tawagan ni Gregor si Olivia. Galing sila sa meeting ni Adrian pagkatapos ay dumaan siya sa isang jewelry shop para bumili ng singsing. Gusto niyang paghandaan ang proposal kay Olivia na hindi pa niya alam kung paano isasagawa. Mas nauuna ang takot sa dibdib niya."Susunduin kita. Tayo na lang ang mag-grocery.""Suhestyon ba yan o utos?" sarkastiko nitong tanong. Alam niyang iniinis siya nito."It depends on how you take it. Regardless, you still need to say yes."Tila nakita niyang umikot ang mata nito sa inis. Lihim siyang ngumiti."Katatapos lang ng meeting. Mag-uusap lang kami sandali ni Anthony bago ako umalis.""I'll be there in thirty minutes.""Bakit kailangan mo 'kong sunduin?" tanong nito."Why not? Bakit, may iba bang susundo sa 'yo?""Wala naman!" agad nitong tanggi. "Hindi lang ako sanay na may sumusundo sa 'kin. May sari

  • Heiress of Fire   Chapter 71

    Kinabukasan pa pumasok si Lovi dahil hindi niya alam kung paano haharap kay Adrian pagkatapos ng mga nangyari. Wala si Gregor kahapon dahil kasama nito si Olivia at doon din ito natulog sa condo ng kasintahan nito.Pagbaba pa lang niya sa jeep sa tapat ng building ng Angeles Builders ay nakita niya na ang paghinto ng sasakyan ni Adrian sa parking lot. Kasunod niyon ay ang pagbaba nito at pag-ikot sa passenger's side para pagbuksan ang sinumang kasama nito sa sasakyan. Kaagad umahon ang selos at galit sa dibdib niya nang makitang ang napapabalitang nililigawan nitong si Michelle ang hawak nito ng kamay.Gusto niyang sumakay ulit sa jeep pero nakaandar na ito. Isang busina naman ang nagpagising sa diwa niya na tila nakaharang siya sa dadaanan nito. Ang gagawin niyang pag-atras ay naudlot nang tinawag ni Gregor ang pangalan niya."Lovi!"Ngumiti siya nang binigyan niya ng espasyo ang kotse nito para makaliko. H

  • Heiress of Fire   Chapter 70

    Walang nagawa si Olivia nang doon magpasyang matulog ni Gregor. Naibsan naman na ang mga tanong at takot sa dibdib niya. Pero kahit nagkaayos na sila at nakapagpaliwanag na siya, parang hindi buo ang nakikita niyang pagtanggap ni Gregor sa kanya. Tila may pader pa rin sa pagitan nila na hindi niya maipaliwanag. Tulad kanina, niyakap siya nito matapos niyang umiyak. Pero pagkatapos no'n ay hindi na nasundan. At napansin din niyang tila malalim ang iniisip nito."Tulog na si Romano, magpahinga ka na rin sa silid," wika nito nang matapos nitong dalhin ang bata sa kwarto. Umupo ito sa sofa at naghanap ng mapapanood sa cable TV. Napilitan siyang sundin ang sinabi nito dahil wala na itong ibang sinabi. Nang lumabas siya para magtungo sa kusina matapos ang kalahating oras ay nakapikit na itong nakalalapat ang paa sa center table.Paggising niya sa umaga ay may naaamoy siyang niluluto sa kusina. Alas sais pa lan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status