Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

last updateLast Updated : 2025-12-02
By:  Lady_InkfiniteUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: KILALANIN SI HEATHER SHINE VILLAFUERTE

HEATHER'S POV

"Aray naman! Pwede ka ba magdahan-dahan?!" sigaw ko. Ikaw ba naman matusok ng safety pin.

"Idiot!" dagdag ko.

Nakakunot ang noo na hinarap ko ang babaeng nag-aayos ng damit ko. Sa sobrang inis ay itinulak ko ito na naging dahilan para mapaatras siya ng hakbang at manlambot sa kinatatayuan.

"S-sorry po, Miss Heather. H-hindi na po mauulit," aniya habang nakayuko. Bakas sa kaniyang kilos at tindig ang panginginig ng kaniyang tuhod gayundin ng kaniyang braso.

Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito upang tagpuin ang mga titig ko ngunit nanatili siyang nakatingin sa sahig.

"Look at me in the eye," sambit ko sa madiin na tono.

Umiling-iling lamang ito.

"You dare to prick me using that pin but not to look in my eyes?"

"M-miss..." bulong niya, ngunit hindi tinapos ang sasabihin. Bakas sa kaniyang mukha ang takot at pamumutla.

“Akala mo ba hindi ko alam na sinadya mo na tusukin ako?”

“M-miss? Ano bang…”

Yumuko ako ng konti para bumulong sa kaniya. “You dare to lie but you forgot na may CCTV. Let's see kung hanggang saan ang kakayahan ng pinagmamalaki niyo na papalit sa akin,” pagbabanta ko.

Binitawan ko siya bago magsalita sa iba pang staff na kasama namin sa loob ng silid. "She's fired. Make sure na hindi ko na siya makikita," saad ko kasabay ng pag-irap.

Nanatiling tahimik ang lahat.

"Did I made it clear to all of you?" paglilinaw ko, ngunit nanatili pa rin na tahimik buong silid na nagdagdag iritasyon sa akin.

Napapikit na lamang ako sa inis at inipon ang boses para sumigaw. "Understand?!!!"

"O-opo!!!!" sabay-sabay nilang sambit na may takot at nginig sa boses.

"Good."

Sinadya ko siya banggain nang palabas na ako na nagdagdag takot sa kanilang lahat.

"Ang sama talaga ng ugali no'n."

"Hayaan niyo. Si madam na ang bahala sa atin."

"Yari na naman ‘yan sa lola niya."

Narinig ko ang bulungan nila bago ako lumabas ng silid. May iilan pa na nagtawanan pero hindi ko na lang ito pinansin. Kahit na sa kasulok-sulukan ng puso ko, hindi ko ginusto na maging malupit. Pinoprotektahan ko lamang ang sarili ko lalo na't alam ko na walang ibang gagawa nito.

Hindi na ako naghintay ng mag-a-assist sa akin papunta sa venue ng shooting dahil alam ko na rin naman. Hindi ko na rin kailangan ng tulong nila, dahil hindi ko alam kung sino talaga ang kakampi ko dito.

Taas noo na lumakad ako patungo sa gitna ng stage kung saan gaganapin ang shoot at naupo na walang pag-aalinlangan kahit na alam kong mamaya pa ang start ko. Lahat ng staff kasama na rin ang producer ay na patingin na lamang at hindi na napaimik dahil sa kilos ko.

Hindi pa rin ako kumikibo at naghihintay na lamang ng signal nila o kung may magde-demo man ng posing.

Agad na lumapit sa akin ang isa sa staff, dala ang dalawang pares ng damit. Nagdadalawang isip pa ito kung lalapit ba sa akin o hahayaan na lamang ako.

"A-ah, Miss Heather, h-hindi niyo pa po…"

Napahinto ito sa pagsasalita nang gantihan ko siya ng matalim na tingin. Kasabay ng pagtaas ng kilay ko ay ang pagbunton ng hininga. Nakapamulsa ako na tumayo na naging dahilan para mapayuko siya.

"Why? Is there anyone else before me?" I asked with an intimidating tone.

Mula sa mga staff, may lumapit na babae sa akin, nakataas ang kilay at nakapakrus ang braso. Huminto ito ilang distansiya lamang ang layo sa akin.

Siguro ay baguhan lamang siya sa mga model kaya naman malakas ang loob niya na lumapit at hamakin ako.

"I can take it from here, thank you," aniya sa staff at lumakad pa lalo palapit sa akin.

"But...."

"Go on," aniya sa malambot na tinig.

Siya pala ang ipinagmamalaki nila. Kaya siguro nagustuhan nila ito ay dahil sa mala-anghel na pagmumukha at tinig.

"Mag-aaway ba sila?" bulong ng isang staff.

"Jusko, sana naman hinde," dagdag pa ng isa.

Napabuga na lamang ako sa hangin habang nakangisi at ipinaleng ang ulo.

"Do you have something to say?" tanong ko, sabay hinagod s'ya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Tumawa siya at napataas ng sabay ang kilay na para bang nayayabangan siya sa akin. "Look, I don't care whoever you are. May lineup tayo na sinusunod dito, kaya kung hindi ka marunong luminya, alis," pagsusuplada nito sa akin.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at sinadyang hinaan ang boses. “Enjoy your spotlight. Hindi magtatagal, mapupunta din sa akin ‘yan.”

Biglang may pagkabahala akong naramdaman dahil alam ko naman na may laban siya sa akin at posible ang balak niya. Pero hindi ako pwedeng magpalamon sa tingin niya.

Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya, bagkus ay binago ko ang usapan. "You're a newbie?"

Napakunot ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong ko. "And so?"

Ngumiti muna ako at umayos ng postura. Inikot ng paningin ko ang kabuuan ng silid, at kitang-kita ko ang mga kabadong postura ng bawat isa na naghihintay ng susunod na kilos. Kilala nila ako lalo na kapag inuubos pasensiya ko.

Hindi ko na pinalipas ang ilang segundo, lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang hibla ng buhok niya bago ito hilain.

"Ah!!!! What the hell!!! Bitch!!!" sigaw nito dahil sa higpit ng hawak ko. Kinaladkad ko siya pababa ng stage. Wala kahit isa sa kanila ang umangal at pumigil sa akin.

Pinagmasdan ko muna sandali ang mukha niya habang nakakaramdam ng sakit. Habang siya'y nakaluhod sa sahig, yumuko ako ng bahagya upang pantayan ang mukha niya.

"Gusto mo maging useful mukha mo, ‘diba? Tutal gusto mo mang-agaw ng spotlight, bakit hindi mo muna pakintabin itong sahig? What do you think?"

"No. No. No. Please let me—Ah!!!! Bitch!!!" sigaw niya nang ilampaso ko ang kaniyang mukha sa sahig.

"Bitch is a dog. Dog barks on a tree. Trees are nature and nature is beautiful. So I am beautiful," sarkastikong sambit ko.

"Let me go!!!"

Binitawan ko na siya nang makuha ko na ang satisfaction na hinihingi ko at umayos ng postura bago siya muling titigan mula ulo hanggang paa.

"Trash," sambit ko.

Akmang tatayo na siya para gantihan ako ngunit pinigilan siya ng mga staff kasama ng mga producer dahil alam nila ang susunod na mga mangyayari kung hahayaan nila ito.

They'll be fired. Effective immediately.

"What the hell are you doing? You're just gonna let her do that?!!" sigaw niya.

"Just stop," bulong sa kaniya ng isang producer.

"Take her out. Garbage doesn't belong here," utos ko bago bumalik sa entablado. "Come on!!! Take a shot!!!"

Agad ako naupo dahil naramdaman ko ang panghihina. Sa lakas ng boses ko, siya ring rupok ng tuhod ko. Hindi ko pinahalata sa kahit kanino na apektado ako.

"Quick!!!" dagdag kong sigaw para takpan ang pagkabawi ng lakas mula sa aking katawan.

Kahit na nabubwisit at naiirita, pinilit ko na lamang tapusin ang set dahil baka masermonan na naman ni lola. Sampal na naman ang matatamasa ko.

Nang makarating na ako sa kwarto, naramdaman ko kaagad ang panginginig ng kalamnan at sakit ng buo kong katawan dahil sa maghapon.

"Fuck!" daing ko nang maramdaman ko ang hapdi nang tanggalin ko ang heels na suot. Buong araw ko rin ito suot tapos nalimutan ko pa lagyan ng bandaid.

Hinubad ko na ang buong kasuotan at nagpalit. Dala ang natitirang lakas ay naglakad ako patungo sa banyo para maglinis kahit na pakiramdam ko ay bibigay na ang katawan sa sobrang sakit at pagod.

Hinaplos ko ang pisngi nang makita ko ang sarili sa salamin.

"Pretty," pamumuri ko sa sarili, kasabay ng isang patak ng luha sa 'di malamang dahilan.

Matapos ko labanan ang hapdi ng mga sugat at sakit ng katawan habang naliligo, napapikit ako nang maramdaman ang paglapat ng likod sa malambot na kama.

Hindi ko pa nae-enjoy ang paghiga ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Wait!" sigaw ko habang itinatali ng mahigpit ang nightrobe na suot.

Kahit na nanlalambot, pinagbuksan ko ito ng pinto at nakita ko si lola na nakatayo habang nakasimangot. Isang malakas na hagupit ng sampal ang kaniyang naging bungad.

Kita ko sa kaniyang mukha ang galit na hindi ko alam ang dahilan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status