Share

Chapter 42

Hindi pa man lumilipas ang kalahating oras mula nang umalis si Jose Abad sa opisina niya, may isa na namang tao na gustong guluhin ang pag-iisip niya.  Ang sabi ng sekretarya ay nakiusap ito na papasukin niya.

"Ano ang gusto mong ipagkausap sa akin?" tanong niya kay Lenny na umupo sa harap ng mesa niya.  Tumaba na ang babae ngayon kumpara noong huli niya itong nakita sa opisina ni Gregor.  Halata na rin ang umbok ng tiyan nito.

"Alam kong nahuhumaling ang asawa ko sa 'yo ngayon," panimula nito na hindi niya naiwasang magtaas ng kilay.  

"Asawa?  Kasal ba kayo ni Gregor?" 

"Hindi," mabilis nitong sagot.  "Pero nagsasama na kami nang matagal at magkakaroon na ng anak.  Nakikiusap ako sa 'yo, Miss Montañez, ibalik mo sa akin si Gregor.  Kailangan siya ng anak ko."

Nang magsimula itong magpahid ng luha sa pisngi ay naantig ang puso niya.  Hindi peke ang pag-iyak nito.  Totoo itong nasasaktan

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Anna Reamillo
Love conquers all…Laban lang Olive and Gregor.........
goodnovel comment avatar
Jhenn Gumata
thank you po sa update miss weng...kaya nyo yan olivia at gregor...️...️...️...️
goodnovel comment avatar
Marj Villena
hayy dko alam kng paano malalampasan n olive at gregor ito ang bigat s dibdib
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status