LOGINAkala ni Luna Alva, nahanap na niya ang habang-buhay niyang makakasama nang pakasalan niya si Theo Del Mundo. Mayaman, matagumpay, at minamahal niya ang lalaking pinangarap niyang makasama sa pagtanda. Marami silang binuong pangarap, kabilang na ang pagkakaroon ng sarili nilang pamilya. Pero hindi lahat ng pagsasama ay kayang lampasan ang pagtataksil, pagkadismaya, at mga problemang matagal nang hindi napag-uusapan. Unti-unting nasira ang kanilang pagsasama nang matuklasan ni Luna na may ibang babae si Theo, si Astra, ang babaeng kalaunan ay naging legal na asawa nito. Pinili ni Theo na tapusin ang kanilang kasal. At kahit masakit, pinirmahan ni Luna ang mga papeles para sa diborsyo. Ang hindi alam ni Theo, sa araw ding tuluyang natapos ang kanilang pagsasama, nalaman ni Luna na ipinagbubuntis niya ang batang minsan nilang pinangarap. Pinili ni Luna na ilihim kay Theo ang kanyang pagbubuntis. Makalipas ang ilang taon, bumalik si Luna sa Pilipinas kasama ang anak niyang si Selena. Hindi na siya ang babaeng iniwan ni Theo. Nakabangon na siya, nakapagtayo ng sariling karera, at natutuhang mamuhay nang hindi umaasa sa dating asawa. Ngunit muling pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga landas. Kasal na ngayon si Theo kay Astra, at wala siyang kaalam-alam na ang batang kasama ni Luna ay sarili niyang anak. Sa pagkakataong ito, may ibang plano si Luna. Gusto niyang muling mapaibig sa kanya si Theo, pero hindi na niya balak ibigay ang pusong minsan nitong winasak. Dahil minsan, ang babaeng dating ipinagpalit ay siya ring magiging dahilan kung bakit matatakot ang isang lalaki na muling mawalan.
View MoreLuna’s POV“SIGN THE PAPERS, LUNA! I’M DONE WITH THIS MARRIAGE!”Napapikit ako nang malakas na ibagsak ni Theo ang mga dokumento sa mesa. Sumunod ang ballpen na gumulong hanggang sa gilid nito.Nakatayo siya sa harap ko, suot ang itim na suit na lalong nagbigay-diin sa matipuno niyang pangangatawan. Maayos ang buhok niya, at kahit galit ang mukha, hindi maikakailang nananatili ang taglay niyang kagwapuhan.Pero ngayon, ang lalaking kaharap ko ay ang mismong taong gustong wakasan ang kasal namin.“That’s how you’re going to end this?” tanong ko.“It’s already over. Your signature is all that’s missing.”Napatingin ako sa mga dokumento. Ilang linggo nang inaasikaso ng mga abogado namin ang divorce, pero ngayon lang niya dinala sa harap ko ang huling papeles.“Can’t you at least talk to me properly? Hindi mo kailangang sumigaw.”“Then stop making this difficult.”Napatawa ako nang walang saya. “Ikaw ang nagdesisyong tapusin ang kasal natin, Theo. Hindi naman ako ang nagdala ng mga papele
Luna’s POVHindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Ang huling naaalala ko ay nakahiga ako habang nakatitig sa kisame, paulit-ulit na binabalikan ang sinabi ni Theo tungkol kay Astra.Nagising ako nang bumukas ang pinto. Nasa paanan na siya ng kama nang imulat ko ang mga mata ko. Inalis niya ang relo at inilapag sa dresser, saka tinanggal ang cufflinks ng polo niya.“Anong oras na?” tanong ko.“Past eleven. Sorry, nagising ba kita?”“Hindi naman.” Umupo ako at inayos ang kumot. “May pagkain pa sa kusina kung gutom ka.”“Nagdinner na ako.”Pagkatapos uminom ng tubig, nanatili siya sa tabi ng dresser.“Luna, can we talk?”“Sure. Ano ’yon?”“Our marriage.”Umupo siya sa armchair malapit sa bintana.“I want a divorce.”Hindi ako agad nakapagsalita. Napatingin ako sa kaniya, saka sa singsing sa daliri ko. Ilang segundo akong naghintay, umaasang may susunod siyang sasabihin na magpapaliwanag kung bakit niya iyon nasabi.“I want us to get divorced, Luna.”“Hindi mo na ba ako mahal?”“I’v
Napasinghap si Astra nang hilahin siya ni Theo palapit. Walang babala. Walang pag-aalinlangan.Diretso siyang hinalikan nito—madiin, mapusok, at tila matagal nang pinipigil ang pagnanasang iyon.Agad na gumanti si Astra. Hinapit niya ang mga braso sa leeg ni Theo habang lalo silang naglapit. Magulo na ang buhok nila. Gusot ang kumot. At sa pagitan nila, wala nang harang.“Theo…”Naputol sa isang mahinang ungol ang pangalan nito nang muling salubungin ng halik ang mga labi niya.“Bitawan mo ako,” biro ni Astra, kahit lalo pa siyang kumapit.Ngumisi si Theo. “You don’t look like you want me to.”Hindi na siya sumagot. Hinila niya ito palapit at muling hinalikan.Nagsimula silang magkatapat sa kama. Nasa ibabaw si Theo, isang kamay ang nakasuporta sa tabi ni Astra habang ang isa nama’y nakahawak sa baywang nito. Nagtagal ang halik nila, napuputol lamang kapag kailangan nilang huminga. Sa tuwing lalayo si Theo, si Astra naman ang humihila sa kaniya pabalik.Nang tuluyan silang maghiwalay,
Luna’s POVTatlong araw na mula nang huli kaming mag-usap ni Theo. Simula nang gabing iyon, mas naging tahimik ang bahay. Hindi ko na rin siya tinanong kung saan siya natutulog o kung kailan siya uuwi. Pagkatapos ng sinabi niyang kailangan niya ng oras mag-isa, hinayaan ko muna siya.Kaya nang sabihin ng house manager na nasa office si Theo at hinihintay ako, nagtaka ako. Hindi naman niya ako madalas ipatawag doon.Nakaupo siya sa harap ng monitor. May hawak na folder. Nang makita ako, isinara niya iyon at itinuro ang upuan sa harap niya.“There’s a foundation dinner on Friday. Sumama ka.”Napatingin ako sa kaniya. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw, siya mismo ang nag-aya sa akin. Hindi ko napigilang makaramdam ng kaunting tuwa. Akala ko, baka gusto na rin niyang gumugol ulit ng oras kasama ako, kahit sa isang formal na pagtitipon lang.“Gusto mong sumama ako?” tanong ko, bahagyang may ngiti sa labi.“You’re my wife, Luna. Kailangan nating dalawa roon.”Unti-unting nawala an












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.