Share

Chapter Sixty One

"I, We need to go to hospital Laura." seryosong aniya.

Para akong nabingi nang bitawan niya Ang salitang yon. Salitang kahit maikli ay naintindihan ko kaagad na mayroong problema sa katawan ko. Pero ang mas lalong ikinakatakot ko ay kung Ang problemang nakita ba niya ay may kinalaman din pati sa dinadala ko.

"B-bakit Doc? Hindi ba pwedeng dito? Ganon ba ka delikado? Apektado ba ang baby ko?" nanginginig ang mga mata ko, maging ang labi ko ay ngatag dahil sa sobrang tindi ng pinaghalo-halong emosyon.

"Laura, listen to me." kinuha niya ang kamay ko at hinuli ang mga mata ko para mapatitig sakaniya. "I think you have a Ectopic Pregnancy, pero kailangan makasigurado parin tayo kaya kailangan mong madala mismo sa hospital"

"Ectopic pregnancy? Ano po yun?" dinadamba ng malakas na kabog ang dibdib ko, halos mabingi na ako sa lakas non pero ang takot na namumutawi sa katawan ko ngayon' ay walang kasing tindi.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status