Her Sweetest Comeback

Her Sweetest Comeback

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-26
Oleh:  August RBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
6Bab
8Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Akala ni Maria Estella Guanzon, ang pagpapakasal kay Alberto Romano ang magiging paraan para matulungan ang kaniyang pamilya. Ngunit paano kung ang lalaking pinakasalan niya ang siya ring dahilan ng pinakamalaking sakit na mararanasan niya? Nahuli niya ang pagtataksil ni Alberto kasama ang girl best friend nitong si Eliza Moreno. Pero hindi lang pala pagtataksil ang naghihintay sa kaniya. Isang aksidente ang muntik nang kumitil sa kaniyang buhay, at sa isang iglap, naging patay na siya sa paningin ng lahat. Walang nakakaalam na nakaligtas siya. Walang nakakaalam maliban sa isang lalaki. Si Alexandro Lorenzo. Isang lalaking may kapangyarihan, koneksiyon, at madilim na mundong hindi basta-basta pinapasok ng sinuman. Sa tulong nito, nagkaroon si Estella ng pagkakataong magsimulang muli. Pero hindi niya balak kalimutan ang lahat ng ginawa sa kaniya. Limang taon ang lumipas bago siya muling nagpakita. At sa pagkakataong ito, hindi na siya ang babaeng madaling apihin. Handa na siyang harapin ang mga taong sumira sa buhay niya at bawiin ang lahat ng nawala sa kaniya. Pero habang unti-unti niyang isinasakatuparan ang kaniyang paghihiganti, mas lalo rin niyang nakikilala ang lalaking nasa likod ng kaniyang bagong buhay. Pero sa larong puno ng kasinungalingan, pagtataksil, at dugo, may isang tanong na kailangang sagutin: hanggang saan siya dadalhin ng paghihiganti? At kapag natapos na ang lahat, kaya pa ba niyang piliin ang pag-ibig? O magiging bihag siya ng sarili niyang galit?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Simula

“AALIS KA na?” Tanong ko sa asawang si Alberto nang makitang nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.

“Yes.” Malamig na sagot niya, sinamaan pa ako ng tingin. “H’wag ka ngang maraming tanong. Nakakairita.”

“Nagluto kasi ako ng breakfast, sayang naman kung walang kakain.”

Wala kasi akong ginagawa sa mansion kaya pagluluto na lamang lagi ang ginagawa ko. Minsan dinadalhan ko pa siya ng lunch sa opisina pero hindi ko alam kung kinakain ba niya dahil laging secretary niya ang tumatanggap dahil busy raw.

“Kumain ka muna kahit konti. Ipagbabaon din kita para may pagkain ka sa office.”

“Can you stop, Estella?!”

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang pagsigaw kahit na lagi naman na ‘yong ginagawa simula ikasal kami. Hindi pa rin ako masanay. “A-Ano?! Ipinagluto lang naman kita.”

“Na ayokong gawin mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yan? Asawa lang kita sa papel, Estella, kaya don’t act like one.” Aniya. “Buwisit na buhay talaga!”

Sasagot pa sana ako ng bumungad sa p***o ng mansion si Eliza. Nakapostura. Pulang-pula ang labi. Maiksi ang dress na suot at sobrang hapit sa katawan.

Kitang-kita ko ang agad na pagliwanag ng mukha ni Alberto ng makita ang kaibigan.

Dahan-dahan na lamang akong bumuntong hininga at hinilot ang sentido.

“Let’s go, Albie?” malambot na tanong ng babae sa asawa ko.

“Saan kayo pupunta?” tanong ko.

Akala ko hindi ako papansinin ni Eliza—na lagi naman niyang ginagawa—pero nginitian niya ako bago sumagot. “We have a meeting outside, Estella. Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Albie?”

“Uh,” marahan akong umiling saka mabilis na sinulyapan si Alberto na tuwid ang tingin sa babaeng kaibigan. “No. He… didn’t mention anything to me.”

“Hmm,” nakangiti pa rin ito. “Bakit hindi mo naman ini-inform ang asawa mo?” tanong nito sa lalaki na may kasamang mahinang halakhak. “You’re one big bad boy, huh.”

Naiiling na sumulyap sa akin si Alberto bago nakangiting hinarap si Eliza. “Wala naman kasi siyang alam, it will be just a waste of time kung ipapaliwanag ko pa.”

“Oo nga naman. Tsk. Let’s go?”

Nang lapitan ito ng asawa ko ay umangkla si Eliza bago lumingon pa muna sa akin.

“H’wag ka nang makialam sa usapang negosyo, Estella. Wala ka rin namang maiintindihan. Just stay here and do your job as a housewife, huh.”

Masakit marinig ang bagay na ‘yon sa kapwa babae pero tama naman din ito.

Hindi ko maiintindihan kahit na nakaapak naman ako sa college kahit hindi natapos.

Hindi kasi business ang kursong kinuha ko kundi Information Technology. Mahirap at magastos kaya hindi kinaya.

Dahan-dahan akong bumalik sa kusina saka nanlulumong tiningnan ang mga pagkain na niluto. Ipamimigay ko na lang sa mga kasambahay at security at iba pang tauhan para hindi masayang.

Lumabas ako sa pintuan ng kusina patungo sa likod kung nasaan ang Staff Quarters.

“Ma’am Estella, may kailangan po kayo?” salubong ni Manang Karing. Ang mayordoma ng mansion. “Umalis na si Sir Alberto?”

“Opo, ‘e.” malungkot na sagot ko na mukhang nabasa naman niya dahil marahan siyang bumuntong hininga.

“Hindi na naman kumain?”

Umiling ako. “Hindi po, ‘e. Tatawagin ko po sana kayo para sabayan ako.”

“Sige na. Pumasok ka na sa loob, ako na ang tatawag sa iba.”

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa magaang pakikitungo ng mga kasambahay. May ilang hindi ako pinapansin pero ayos lang ‘yon dahil hindi ko naman mapipilit ang mga ito na gustuhin ako.

Hindi ko akalain na ganito pala ang mayayaman… halos hindi ko na mahagilap si Alberto sa bahay. Lagi siyang wala, nahihiya naman akong tawagan baka magalit na naman sa akin. Isang beses kasing ginawa ko napagbuhatan ako ng kamay.

Mabilis pa naman ‘yong mairita lalo na kung magtatanong lang ako ng kung ano. Kaya ang ginagawa ko inaabangan ko na lang siya at saka tatanungin. Kahit nagsusungit ay sumasagot naman.

Nahahalata kong mabait lang siya at ngumingiti kapag iyong kaibigan niyang si Eliza ang kasama, ‘e.

Siguro dahil matagal na silang magkakilala at magkasama. Sanay na sa presensya ng isa’t isa.

Nagtataka nga ako ba’t pumayag siya sa kasal gayong ganito lang pala ang mangyayari, para siyang nasasakal.

“Sa susunod kasi h’wag ka na lang magluto kung hindi naman nag-utos si Sir Alberto. Nasasayang ang mga pagkain. Baka lalo lang siyang magalit kung mabilis maubos ang grocery.” Sermon ni Manang Karing.

“Opo, Manang.”

“Alam mo naman si Sir, masyadong metikoloso pagdating sa mga bagay-bagay. Naka-monitor siya sa lahat dito sa bahay. Kahit laging wala, alam niya ang nangyayari pati ang mga bills at grocery ay alam niya.”

Gusto ko sanang sumagot na asawa naman ako, kaya siguro naman may karapatan ako pero mas pinili na lamang manahimik para hindi na humaba ang usapan.

Hindi rin lang naman ako mananalo. May hidden animosity rin yata si Manang Karing sa akin, ‘e.

“Opo, Manang.”

Kapag lalabas naman ako kailangan may kasama at magpapaalam pa kay Alberto, kung hindi siya papayag, kahit na anong pakiusap ko hindi talaga ako makakalabas.

Hindi ko naman masisi ang mga magulang ko sa kinahinatnan ko dahil sobrang hirap na ng dinanas nila at ito na nga lang ang kaya kong itulong tapos sisisihin ko pa sila. Oo, nagtampo, pero sandaling panahon lang.

“Ah, Manang,” kagat labing agaw ko sa atensyon ng matanda na abalang nagmando sa mga kasambahay kung saan uupo ang mga ito para kumain.

“Ano iyon, Ma’am Estella?”

“Ahm, lalabas po sana ako mamaya par—”

“Nagpaalam ka ba kay Sir Alberto?” agad niyang usisa hindi pa man natatapos ang sinasabi ko.

Marahan lamang akong umiling. “Hindi po. Madali lang naman ako sa labas. Bibisitahin ko lang sandali ang pamilya ko.”

Matagal ko na kasi silang hindi nabibisita, last month pa yata. Nito kasing mga nakaraang linggo ay ayaw talaga akong payagang lumabas ni Alberto sa hindi ko malamang dahilan.

“Dadaanan ko na lang din po sa office niya para sigurado, at hindi siya mag-alala.”

“Hindi naman talaga mag-aalala ‘yon. Ang iniisip niya ‘e baka gumawa ka ng kung anong ikasisira niya sa tao.”

“Hindi na po ako bata para gumawa ng gulo sa labas. Alam ko po ang ginagawa ko, Manang, saka may kasama naman po ako, ah. Hindi naman ako umaalis na walang kasama.”

Ayoko sana talagang sumagot lalo na at matanda ang kausap ko at marunong akong gumalang kaso mukhang ako naman ang hindi nirerespeto sa sariling pamamahay ng asawa ko.

Sabagay, asawa ko nga hindi rin ako nirerespeto, ‘e baka akala ng mga kasambahay ganoon din dapat ang gagawin nila.

“Walang sasama sa ‘yo ngayon kung aalis ka. Abala ang lahat sa parating na birthday party ni Doña Romano, hindi ipagpapaliban ng mga tao ang gawain nila para lang samahan ka, Ma’am Estella.”

Marahan akong bumuntong hininga. Hindi ko kailangan ng kasama sa totoo lang, pumayag lang naman ako na may kabuntot na Yaya at Security dahil sa kagustuhan ni Alberto.

“Kaya ko naman pong mag-isa, Manang.” May pera rin naman ako. Iyong mga ibinibigay sa akin ng lalaki ay iniipon ko dahil wala naman akong pagkakagastusan dito sa loob ng mansion. “Sanay po akong mag-commute.”

“Bahala ka.”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
6 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status