NAKATAYO siya sa harap ng bintana habang nakatanaw siya sa malawak na hardin. Yakap niya ang sarili habang hinihintay ang pagpatak ng alas-dose. Nakaupo sa kaniyang kama ang Alpha na nakamasid sa kaniya. Ito ang hiniling niya nang tanungin siya nito sa kung ano ang kaniyang hiling para sa espesyal na araw niya.'Gusto kong salubungin ang araw na iyon.' Kaya pinili ng Alpha na samahan siya. Ito ang araw kung kailan siya natagpuan sa kuweba malapit sa talon. Ang araw na nagkaroon siya ng pamilya. Hindi man niya kadugo ngunit pamilya sa puso. "Sit here beside me, my sweet." Ngunit pinili niya ang higpitan ang pagkakayakap niya sa kaniyang sarili."It's been 18 years." Napangiti si Yvonne. "Labin-walong taon mo na akong inaalagaan at kinukupkop. Labin-walong taon na akong nasa ilalim ng pangangalaga mo. Nasa legal na taon na ako, Alpha. Habang-buhay ang utang ko sa 'yo. Kung papaano kung susuklian ang mga kabutihan mo sa akin ay ang manatili sa tabi mo habang-buhay."Mula noon hanggang n
ILANG araw nang hinihintay ng Stelvestre Pack at ang pagbangon ni Alpha Trevor at Yvonne. Simula nang mawalan sila ng malay nang gabing iyon ay hindi pa sila nagigising.Nababahala man ay normal lamang iyon kung ang isang bond ay mula sa buwan mismo. Nakaabang lang naman sa labas ng silid ng Alpha si Nanay Solome at ng iba pang mga tagapagsilbi. Mula ng araw na iyon ay tahimik ang mga lobo. Maging ang palasyo ay tahimik sa pangyayaring ito. Ang mga hukom ay hindi rin naman nagsalita tungkol dito. Payapa ang sangay ng mga lobo at hinihintay lang ang paglabas ng dalawa sa kanilang silid.Bagaman tahimik ay nananabik ang lahat sa nasaksihan. Kaniya-kaniya ang haka-haka ng bawat nilalang. Hindi lang dahil napakasagrado ng isang bond na nagmula sa buwan ngunit napakamahalaga ang malaman kung bakit ito nangyari."Nanay Solome, kayo'y kumain na muna," saad ni Prinsesa Chloe at saka hinawakan sa balikat si Nanay Solome. "Maraming salamat, Prinsesa Chloe."Ganito ang lagay nila sa nakalipas n
"HI," paunang bati ni Trevor kay Yvonne. "Isn't it a good thing to work again but you're with me?""Magandang umaga," bati rin naman ni Yvonne. "Ang ganda mo.""Salamat. Kay aga-aga, nambobola ka." Mahinang napatawa si Trevor at saka siya lumapit kay Yvonne para halikan ito sa kaniyang noo. Nang hawakan ni Trevor ang kamay ni Yvonne ay may maiitim na parte ang likod ng palad nito. Nahihiyang binawi ni Yvonne ang kamay niya."Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat. Gagawa tayo ng paraan."'"THAT was a charm for," Lauresia catches her breath. "For those who died."Everyone become silent and all eyes are on Yvonne. The charm of death shines every second passes and Yvonne feels hot and she feels like she's burning. Alpha Trevor then looked at Yvonne who is dealing with the heat that started to burn the back of her hand. Trevor then covered Yvonne and led her to the house. "Shush, it's okay. Everything will be okay." Yvonne can't utter a word and just wincing out of pain. Nakakapi
SA takot nila ay lalo lang lumalala ang nangyayaring pagkawala ng mga babae tuwing gabi. Isa na si Ara ang naitalang nawawala."Inutusan ko lang siyang pumitas ng Lavender ng hapon na iyon ngunit ilang oras na ang lumipas ay hindi ko na siya mahintay kaya sinundan ko siya sa hardin. Ang nakita ko na lang ay iyong buslong dala niya."Matuyagang isinalaysay ni Nanay Solome ang mga nalalaman niya tungkol sa pagkawala ni Ara. Kung paanong nawala si Ara ay isang palaisipan sa Luna at Alpha."Hindi kaya isa sa atin ang may salarin?" Sabat ng isa sa mga manggagawa.Agad naman siyang pinandilatan ni Nanay Solome at saka ito humingi ng tawad."Mas maigi na iyong nagbabahagi tayo ng ating iniisip ukol dito. Kailangan natin magtulungan. Paano kung talaga nga na narito sa ating tahanan ang salarin?""Luna, maaaring hindi isa sa atin ngunit nakapasok dito. Ano ang masasabi mo sa bagay na ito? Hindi siya isa sa atin ngunit ang puntirya niya ay tayo."Lumingon ang Alpha kay Yvonne at matamis niyang
TILA naging maling desisyon ang pagsundo ni Trevor sa pinsan niyang si Lorraine. Balak kasi niyang kahit saglit sa tulong ng paboritong Auntie ni Yvonne at paborito nitong laro ay gumaan man lang kahit kaunti ang pakiramdam niya.Ngunit simula nang sila ay dunating ay hindi na bumaling pa ang paningin ni Yvonne sa kaniya at hindi na siya mawalay pa sa Aunt Lorraine niya. Kaya nang matapos magkwentuhan ang dalawa at magpaalam si Yvonne upang magpalit ng damit para laro nila sa pamamana, ay nilapitan naman ni Lorraine ang nakasimangot niyang pinsan."Nakakasira ng araw iyang itsura mo," aniya na hindi naman pinansin ni Trevor. "Anong problema mo?"Doon na siya bumaling kay Lorraine at sinamaan niya ito ng tingin."Nagsisisi na akong dinala kita rito," aniya na ikinatawa ng pinsan niya."Bakit naman?""Hindi na mawalay-walay si Yvonne sa 'yo. Ni hindi man lang niya ako tapunan ng tingin."Humalagpak ng tawa ang pinsan niya na lalo niyabg ikinainis dahil para ba nitong inaasar si Trevor.
MATAPOS ang nagyari kay Ara at sa natanggap na sulat ni Yvonne na siya rin naman na nabasa ng Alpha ay biglang nanahimik ang Stelvestre. Tama nga ang hinala ni Lorraine, gawa ng may kapangyarihan ang krimen na iyon.Nakibahagi rin sa pagiimbestiga si Luna Teresa. Hindi rin naman pinabayaan ng palasyo ang Stelvestre at nag-ambag ng proteksyon. Hindi man pinag-uusapan ang sensitibong sitwasyong ito ay patuloy pa rin ang imbestigasyon."YVES, Yves, sino ka?" Nanginginig na nilapitan ni Yvonne ang repleksiyon niya sa salamin ng tokador. Hawig niya ito ngunit may kakaiba itong awra."Sino ka? Ano ka?"Tumawa ng nakakaloko ang babae sa salamin. Tinignan niya ng mapanuring mata si Yvonne na ikinaatras niya. Dinamba ng babae ang salamin na para bang gusto niyang sugurin si Yvonne."Ako? Ako ay ikaw, Yves. Ako ito! Ako ito, Yves! Yves, mahal na mahal kita! Yves, maghiganti tayo! Patayin natin silang lahat, Yves--""YVONNE!" Trevor huggged the crying Yvonne tightly. She's having this nightmar
LORRAINE welcome an unexpected visitor. Her visitor was wearing a thick cloak that she think is heavier than the owner."Come in," anyaya niya. Nang makapasok na ang bisita niya ay napatingin muna siya sa paligid bago isinara ang pinto. Nang lumingon siya ay prente nang nakaupo sa isang silya ang kaniyang bisita. Napabuntong-hininga na lang siya at nilapitan ito."Anong maitutulong ko sa iyo? Hindi ba at bawal lumabas ang kahit na sino sa Stelvestre? Siguradong mananagot ka sa Alpha kung sakali mang malaman niyang pumuslit ka.""Hindi niya malalaman kung hindi mo isusumbong. At saka, maging ikaw naman ay lumabas ng Stelvestre. Kung isusumbong mong lumabas ako ay madadamay ka rin. Alam natin pareho 'yon."Natahimik si Lorraine. Pagak siyang napatawa at umupo sa silyang kaharap ng kaniyang bisita. Sakto at mainit pa ang tsaang inihanda niya, isinalinan niya ito ng maiinom."Salamat," ani nito."Alam kong hindi ka nagkukulang ng pangangailangan sa Stelvestre. Bakit ano ang nais mo at ta
"WHERE are you going?" Nag-aalalang tanong ni Trevor kay Yvonne nang makita niyang nakabalabal ng makapal at mahaba. Kung hindi nga lang sa lukso ng puso ni Trevor ay hindi niya ito makikilala. Tahimik na umiling si Yvonne tanda ng ayaw nitong sagutin ang tanong ng Alpha.“But I am worried, at least tell me. Para naman alam ko kung saan kita hahanapin,” mahinahong pagkumbinsi ni Trevor sa kaniya. Inalis ni Yvonne ang hood niya at saka malungkot na tumingin kay Trevor. Nakababasag ng puso ang kaniyang naging tingin sa Alpha. Pigil ni Trevor na tawirin ang pagitan nila at siilin si Yvonne ng halik. Takot siyang baka masamain ito ng dalaga.“Wala akong ibang pupuntahan, Alpha. Kaya ko na mag-isa. Mag-iingat ako, pangako. Hindi ako gagawa ng bagay na ikapapahamak ko,” sagot ni Yvonne.Trevor nodded and watch her walk away until she was gone from his sight. He can feel it, the agony, the sadness, the anger, the disappointment, her breaking heart, her shattered soul. Gustong-gusto niyang