Her Mate Is The Alpha

Her Mate Is The Alpha

last updateLast Updated : 2023-07-12
By:  Leanna_AvysOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
8 ratings. 8 reviews
24Chapters
2.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Alpha Trevor's pack found a cub, a baby wolf, inside a cave near the falls. The baby's eyes was as cold as the winter and her fur is majestic brown and white. The whole pack instantly fall in love with her. That day after they found her, the Alpha took care of her. As the day pass by and her adolescence start, she necame the most majestic werewolf in the pack. She grew up fierce. Coinciding with her 18th Birthday, The round moon appeared out of season. She danced with the Alpha but suddenly both of their eyes turns into different color. They both howl and cry in front of everyone. A symbol burns both of their wrist and an old werewoman shouted, "The Alpha's mate has appeared." They all shout in joy and happiness but her identity and genealogy remained unknown. And eventually, her character may be damage. What if her true identity will bring danger in the pack? What will she do if her identity can kill the Alpha or the Pack? What if, just what if, she's the demon and werewowolf's daughter?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: WINTER'S EYES

TANGHALI na nang magising si Trevor, ang Alpha ng pinakakilalang pack na Stelvestre. He rules the strongest pack in the entire immortal world. Lumabas siya ng kaniyang bahay at agad naman siyang sinalubong ng kaniyang Beta na si Xndrix. Siya ay pinsan ni Trevor. 

"Kumusta ang tulog mo, Alpha?" Alpha Trevor just nodded. "Siya nga pala, inaanyayahan tayo ng Hari para sa kaarawan ng kaniyang panganay. Sinabi kong ipaaalam ko muna sa iyo." 

"Ihanda mo ang pack, pupunta tayo." 

Ang haring tinutukoy niya ay ang hari ng mga lobo. Madaming sangay ang mundo ng immortal. May sangay ng mga bampira, salamangkero, mga lobo, sirena, diwata at iba pa. 

"Mukhang may gusto yata sa iyo iyong anak niya. Natutunugan yata kasi nilang mag-ina na hanggang ngayon ay wala ka pang mate." 

"My mate will come soon, Xndrix. I won't die and I will live forever in case she'll not appear. Huwag nating pangunahan ang itinakda." 

Beta Xndrix shrugged his shoulders. "Naroon sa may talon ang mga Gamma at Omega. Naroon sila at naliligo." 

Trevor didn't answer him. Kumuha siya ng isang baso ng strawberry juice at isang tinapay. Iyon ang agahan niya. Iginaya naman siya ni Xndrix sa may taniman ng ubas. 

Malawak ang tirahan ng Stelvestre's Pack House. Sa kabuuan ay may ilang daang pamilya ang nasa ilalim ng pack. Sa kanlurang bahagi ng kanilang Pack House ay may isang mataas na talon at kuweba sa may gilid nito. 

Tuwing tag-araw ay doon namamalagi sa talon ang mga cub at ang kanilang mga Ina. Trevor is a great Alpha for he makes his pack safe and strong. Many admire him as a leader, even the King of Wolves. 

"Nagtataka rin ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ang mate mo, Alpha." 

Trevor sighed. "If the Goddess Aaliah won't give me any, I'll live forever begging and waiting for my mate to come." 

"Pwede namang convert someone to be your mate." 

"It means the bond is illusion, Xndrix. Kahit siguro ikaw ay ayaw mo ng ginayang bond lang, hindi ba? Mas maganda pa rin iyong natural at orihinal na bond between mates." 

"Ang conyo mo, Alpha." Napatawa na lang silang dalawa. "Bakit nga ba napunta sa mate ang usapan natin, Alph--" 

"Alpha! Alpha! Alpha Trevor!" Isang batang lalaki ang humahangos na tinatawag ang Alpha. "Alpha!" Tumigil ang batang lalaki sa harap ng Alpha at Beta. Bahagya itong yumuko upang magbigay galang. 

"M-may. . ." Malalim muna itong huminga bago magpatuloy sa kaniyang sasabihin. "May nakita pong sanggol s-sa. . . sa loob po ng kuweba, s-sa may talon. S-sabi po ng mga babaeng lobo sa talon a-ay isang lobong sanggol." 

"A baby wolf?" Beta Xndrix asked the boy in surprise. "Ano ang ginagawa ng isang batang lobo sa isang kuweba?" 

Isang binata naman ang may kargang isang bata sa kaniyang bisig ang dumating. Walang saplot ang sanggol at ang kaniyang buhok at manipis. Ang kaniyang pilikmata ay mahahaba at ang kaniyang labi ay nakanguso. Tulog ito sa mga bisig ng binata. 

Kinuha ng Alpha ang sanggol at kinarga ito. He instantly feels something inside him that he can't name. It feels like something is building inside him. 

"Natagpuan siya ng isang lobong babae kanina. Sinabi niyang ay nakarinig siya ng mahinang iyak kaya sinundan niya ang pinanggagalingan nito at natagpuan niya ang isang sanggol sa may kuweba." 

"Sino namang ina ang aabandonahin ang kaniyang sariling anak?" 

Beta Xndrix can't move on. Sinong matinong Ina ang iiwan ang kaniyang anak? Kung meron man ay bakit? Bakit niya iiwan ang anak niya? Kanoon na ba ito katapang para iwan ang anak niya? 

"Base sa pagkakaalam ko ay walang bagong panganak sa pack natin, Alpha. Nagtataka rin kami kung saan nanggaling ang sanggol. Lalo na at ang barrier ng Pack House ay hindi man kasing lakas ng barrier ng mga bampira ay hindi naman tayo pahuhuli." 

But the Alpha keeps on staring at the baby. Her body is warm ang her skin is smooth. Her scent smells like fresh roses in the garden. "She's beautiful." Iyon ang tanging naiusal ni Trevor. 

"She really is." 

Humikab ang sanggol at ang paningin ng Alpha at kaniya ay nagtama. The warmth of her winter eyes captivated the Alpha's heart. Bright warm winter eyes that will surely makes you fall in love. 

"Aww. So cute," Ani ng Beta sa kaniyang tabi.

Lalo pang nahulog ang loob ng Alpha sa sanggol ng ngumiti ito sa kaniya. Nang pumikit ang bata ay muling bumigat ang kaniyang paghinga. Malumanay ang paghinga nito, patunay na muli itong nakatulog.

"Kukopkupin siya ng Stelvestre Pack," Mahinang saad ng Alpha. Both of the Beta and the young man nod their head. 

"Let celebrate then?" At saka pinagsiklop ni Beta Xndrix ang kaniyang mga kamay.

THE Alpha really took care of her. Sa bahay ng Alpha namalagi ang sanggol, sa bisig ng Alpha. Minsan ay binibisita ng Beta ang bata. The Alpha name her Yvonne. Wala siyang rason kung bakit niya pinangalanang Yvonne ang bata. Ilang araw din namang nagtanong ang Stelvestre sa ibang pack na malapit sa Stelvestre Pack. 

Hindi sila nagkulang sa pagtunton ng pagkakakilanlan ng bata. Pero mali ba ang hinihiling ng Alpha na sana ay hindi mahanap ang mga magulang ng cub? She's really an adorable girl. Sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata, his love for her grows deeper and deeper. 

"Bukas ang itinakdang araw para itanghal siya bilang kasapi ng Stelvestre Pack, Alpha. Bilang nakatatanda ay hindi ako komportable sa katotohanan na wala siyang pagpapakilanlan at wala tayong alam sa kaniyang pinagmulan. Bagaman ang kaniyang mga mata ay nakahuhumaling at mahal siya ng pack, maging ako ay nabighani. Ngunit hindi parin maalis sa isip ko ang katotohanan ang lihim niyang pagkakakilanlan ay maaaring ikapahamak ng lahat." 

"Apo Vakara, kung iyon ang nais mangyari ng ating Diyosa Aaliah, may magagawa pa ba tayo? Kung sakali mang talagang ikapahamak natin ang pagkupkop sa kaniya, at alam na natin ito simula pa lamang na ito nga ang mangyayari, sino sa atin ang mangangahas na baguhin ang itinakda?" 

Mahinang bumuntong-hininga si Apo Vakara. Isa siya sa mga nakatatanda sa buong pack house. "Hindi ang baguhin ang itinakda ang nais ko, Mahal na Alpha kung hindi ang kaligtasan ng lahat. Ngunit tulad mo ang aking pananaw, kung ito ang nais ng nakatataas, hindi ako mangangahas na baguhin ang itinakda." 

"Masaya akong nakakaintindihan tayo, Apo. Ang kailangan natin sa ngayon ay palakasin ang relasyon ng Stelvestre. At sana ay ikaw ang isa sa tutulong sa akin, Apo. Dahil ikaw ang nakakaalam ng lahat." Ngumiti naman ang matanda at yumuko sa Alpha bago ito nagpaalam sa kaniya. 

"Magkita na lamang tayo sa bulwagan ng Stelvestre, aking Alpha."

Bumalik ang Alpha sa kaniyang bahay at nakita sa sala ang batang Yvonne na naglalaway habang nakaupong kagat-kagat ang isang laruan niya. Nang makita nito ang Alpha ay dali-dali niyang binitawan ang nginangatngat na laruan at mabilis na gumapang papunta sa paanan ng Alpha. Natawa si Trevor ng lumabas ang pangil ng bata at ikinagat ito sa binti niya. 

"Yvonne, stop." Tinanggal naman ni Yvonne ang kaniyang pagkakakagat sa binti ng Alpha at nakangiting itinaas ang kamay upang magpabuhat sa kaniya. 

Binuhat naman ni Trevor ang bata at saka ito hinalikan sa kaniyang noo. "I love you, my sweet Yvonne." 

Kinaumagahan ay iniutos ng Alpha na bihisan si Yvonne. Ipinasuot ni Nanay Solome, ang mayordoma ng mansiyon ni Alpha Trevor, ang isang porselas na may asul na pendant. 

"Bagay na bagay sa munti kong Yvonne ang kaniyang porselas." 

Bumukas ang pinto at bumungad ang matikas na Alpha mula roon. Nakasuot ito ng three layer suit at hapit ito sa matipuno niyang katawan. 

"Handa na ba siya, Nanay Solome?" 

"Aba'y napakagandang bata nito, Alpha." 

He proudly carries Yvonne in his arms. "Of course, my Yvonne is indeed beautiful." 

"Kung mayroon ka lamang Luna ay mapagkakamalang anak mo siya," natatawang komento ng matanda. Muling dumaan ang panandaliang lungkot sa mga mata ng Alpha. 

"Maaari naman si Yvonne na lang, Nanay Solome." 

THE whole Stelvestre Pack at ang mga iba pang Pack mula sa iba't ibang lugar: Cresent Pack, Magdalene Pack, Bloodish Moon Pack at iba pa. Naroon din ang mga kaibigang Bampira at Diwata ng Pack at iba pang mga nilalang. 

Matapos ang seremonya at pagbasbas sa bata ay isa-isa siyang nilapitan ng mga nilalang at binati. 

"I thought she's your daughter." Nasa bisig ng Luna ng Magdalene Pack, ang Pack na puro babae at natatanging Pack, na si Luna Asther. "Sa akin na lamang siya." 

Natatawang kinuha ng Alpha ang bata sa kaniya. "Paumanhin, aking Luna Asther, ngunit hindi maaari." 

"Ako ay nagbibiro lamang, Alpha." 

"Ay sus, hindi natin alam baka sa pagdating ng panahon ay siya ang susunod na Luna ng Stelvestre." 

"Luna x Mate," Ani Beta ni Luna Asther at saka sila nagtawanan. 

Iniwan ng Alpha ang Pack ng Magdalene at dinala si Yvonne sa hardin. Yvonne is sleeping peacefully in his arms. Nang gulamaw ito ay isiniksik ni Yvonne ang sarili sa dibdib ng Alpha. 

"My sweet Yvonne, I trust the destiny's plan for us. Whatever it may be, I promise to stay by your side."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Rejan arvee Balisacan
Goo novel!
2022-10-23 16:07:56
1
user avatar
iampammyimnida
Love the storyline
2022-09-09 20:51:17
1
user avatar
Vicky Shen
Highly recommend, guys! More updates to come!!
2022-09-07 17:32:02
1
user avatar
Analia Faith
Highly recommended .........
2022-06-20 19:22:12
1
user avatar
Steff Rojo
Gandaaa title pa lang
2022-06-14 19:40:44
1
user avatar
Black_R
Ang ganda! Highly Recommended!
2022-06-14 15:19:12
1
user avatar
Winter Wendy
Good Book! Yiee!!
2022-01-30 09:05:01
1
user avatar
Winter Wendy
Wow! Good Book!
2022-01-30 09:04:36
1
24 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status