Share

Chapter 04

Nandito ako sa ilalim ng puno kung saan kami madalas na tumatambay ni Quen. Ilang oras na 'kong naghihintay dito pero wala pa ring paramdam 'yung babaeng 'yun. Hindi ko tuloy maiwasan isipin 'yung offer sa'kin si Sir Makatimbang. Sa totoo lang, hindi ko naman dapat pinoproblema iyon dahil hindi ko naman problema 'yun.

Malamig naman dito sa ilalim ng puno, at presko rin ang hangin pero hindi iyon sapat para mawala ang inip ko. Sanay na naman akong maghintay pero uwing-uwi na kasi ako at masakit din ang puson ko. Parang may hinihila na ugat down there, parang sinusuntok, at sinasaksak nang paulit-ulit.

"Hello!" agad kong tiningala ang boses na 'yun habang nakahawak ako sa kumikirot kong puson. Nilapag nito ang bag niya bago ako binigyan nang malawak na ngiti na agad ko rin naman iyong sinuklian nang masamang tingin.

Malakas kong hinampas ang bag ni Quen nang ibagsak niya ito sa tabi ko. Malakas ang pagkakahampas ko dahil binuhos ko ang inip, inis, at sakit ng puson ko ron.

"Gusto mo ba 'kong saktan?" tanong nito nang makaupo siya sa tabi ko.

"Medyo, pero mabait ako kaya 'yung bag mo na lang."

Tumawa siya.

"Tumayo ka na riyan at umuwi na tayo, Quenilyn!" Inis kong sabi bago ako tumayo pero muli niya lang din ako hinatak pabalik sa kinauupuan ko.

Napangibit ako sa sakit nang gawin niya iyon. Dahan-dahan na nga akong tumitindig tapos hinila pa 'ko.

"Punyet–"

"Shh! Masama ang nagmumura," aniya bago nakapikit na sumandal sa balikat ko. "Let me rest kahit ilang minuto lang. Galing kaya ako sa training," dagdag pa niya.

"Ang galing mo talaga, Quenilyn."

"Atsaka, may chika ako sa'yo, Nat."

Tila ba nabuhay ang dugo ko nang marinig ko iyon pero mas nangingibabaw pa rin ang sakit ng puson ko. Pakiramdam ko ay kahit na anong oras ay matutumba na lang ako sa sakit.

"Masakit ang puson ko–"

She cut me off, AGAIN.

"Anong meron sainyo ni Mr. CEO?" Nagdikit ang mga kilay ko nang marinig ko iyon kay Quen.

Sinong Mr. CEO?

Nanatiling nakakunot ang noo ko kaya't agad niya iyong naintindihan.

"Parang nung isang araw sinabi ko lang sa'yo na friend siya nina Sir Patrick at ex ni Kayla Elise tapos ngayon kaibigan mo na?" nakangising sabi ni Quen habang tinataas baba ang kanyang mga kilay.

Inalis ko sa aking balikat ang bag ko bago ko siya muling tapunan ng tingin.

"Ano bang sinasabi mo? Sinong Mr. CEO 'yan?" tanong ko.

"Si Lucas," aniya habang nakatingin sa malayo.

Muling nagdikit ang kilay ko.

"L-Lucas?"

"Oo, d'ba, na-kwento ko sa'yo. Siya yung ex nung magandang babae na nasa tarpaulin, 'yung inaalis nung mga maintenance nung isang araw, 'yung magna cum laude, yung beauty and brain!" gigil nitong pagpapaliwanag sa'kin.

Unti-unting nagiging malinaw sa'kin ang mga sinasabi ni Quen. Kaya't agad ko siyang nilingon nang mapagtanto ko na 'yung ex ng taong hinahangaan ko at ang lalaking nag ligtas sa'kin sa holdaper, ay iisa. Bahagya akong napasandal sa malapad na katawan ng puno bago ako humampas sa hangin.

"Bakit hindi ko napansin 'yun..." aniko.

"Masyado ka kasing nabulag sa kagwapuhan niya," ani Quen.

"Totoo– este, hindi 'no! Ang common kaya ng mukha niya. Baka s'ya talaga ang problema kaya iniwan s'ya nung Kayla. Ang presko kaya niya," dagdag ko pa.

"Ang judgmental mo. Ganyan ba kasama ang tingin mo sa mga lalaki? Na porket may relationship na hindi nag work, sila agad ang may kasalanan?" patol ni Quen sa sinabi ko.

Sandali akong natigilan. Oo nga naman, may point si Quen. Ewan ko ba, siguro dahil naiinis lang ako sa kanya kaya ganun ko na lang siya husgahan.

"Hindi nga kasi natapos nang maayos 'yung relationship na meron sila. They both okay naman daw but Kayla suddenly left and didn't talk to him for months. Narinig ko pa nga na kahit isang taon na raw hindi pinapansin ni Kayla si Lucas, nag re-reach out pa rin si Lucas at gusto pang sumunod sa States. Siguro nakaramdam na si Sir Lucas na hindi na siya mahal ni Kayla kaya tinigilan na niya."

"Saan mo ba naririnig ang mga chismis na 'yan? Lakas talaga ng radar mo..." asar ko sa kanya.

"Kay Sir Patrick nga. Paano ba naman kasi masyadong nahusgahan si Sir Lucas dito sa campus noon kaya to the rescue si Sir Patrick para protektahan siya. Kaloka talaga si Kayla... walang heart."

Nagloko man si Lucas o hindi. Umalis man nang walang paalam si Kayla o hindi. Still, this is not our story to tell.

Sikat sila sa university na ito kaya't ganun na lang kaingay ang mga pangalan nila. Maybe because they're good looking people o di kaya maganda ang records o naiambag sa eskwelahan na 'to. But still, we have no right to talk bad about them. Hindi ko na gusto pang magsalita tungkol sa relasyon ng iba at saka matagal na raw iyon. Pero may isa lang akong tanong.

Sino si Ms. Paola sa buhay ni Lucas?

"O?" Nilingon ko si Quen. "Kanino 'yang coat?" she added.

"O, ito, kay Lucas." Muli ko iyong binuklat at muling ipinatong sa mga hita ko.

"Umamin ka nga sa'kin, Nat-"

"Wala akong dapat aminin sa'yo, Quen. Alam ko ang takbo ng utak mo kaya ngayon pa lang sasabihin ko na sa'yo na walang meron sa amin ni Lucas. Niligtas n'ya lang ako noong gabing muntik na 'kong ma-holdap, tapos iniwan naman niya itong coat sa'kin dahil nasisilipan na 'ko kanina kahihintay sa'yo."

Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang lahat ng iyon sa loob ng kinse segundo. Wala nang nagawa si Quen at tumango na lang pero napansin ko pa rin ang palihim niyang pagtuptop sa kanyang mga labi. Ma-issue itong si Quen kaya ngayon pa lang sinabi ko na na walang meron sa'min. Mas mabuti na iyong sinabi ko na agad.

"O, si Lucas, oh."

Automatic na umikot ang mga mata ko nang marinig ko 'yun. Pinagtritripan na naman ako nitong si Quen. Akala niya siguro agad akong lilingon kapag narinig ko ang pangalan ng preskong 'yon pero nagkakamali s'ya.

"Huy, sabi ko, si Lucas!" ibinangga nito ang balikat sa akin bago ko s'ya tapunan ng tingin. "Ah, bahala ka d'yan." Nang mapagtanto kong seryoso ang bruha ay agad kong nilingon ang direksyon kung saan nakatuon ang atensyon niya.

And then I saw him, walking towards us.

"Lucas!"

 Nang maisigaw ko ang pangalan niya ay agad kong inangat ang kanyang coat at agad naman itong napangiti nang matapunan ako ng tingin. Agad akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya. Nakakahiya naman at naka-abala pa 'ko. 

"Naiwan mo," sambit ko bago ko iyon inabot sa kanya.

"Actually, I came back cause Ms. Paola forgot something. You can keep that, masyadong maikli ang palda mo." 

Marahan niyang tinulak ang kamay ko kaya't dumikit iyon sa aking dibdib.

"Pauwi na rin kami ni Quen, e. 'Wag ka mag-alala, hindi naman masyadong nadumihan kasi pinatong ko lang s'ya sa hita ko. Thank you ha," sagot ko. 

Muli ko iyong inabot sa kanya at dun niya lang ito saka tinanggap.

Tumango ito at ngumiti sa akin kaya't pinihit ko na ang katawan ko patalikod sa kanya bago ako naglakad sa kanya palayo. Natanaw ko na rin si Quen na palapit sa amin at bitbit na rin ang bag ko.

"Nathalie..."

My lips parted when I heard him say my name. Mahinahon ang pagkakasabi niya kaya't dahan-dahan ko siyang nilingon.

"K-Kanino mo nalaman ang pangalan ko, aber?" masungit kong sabi sa kanya.

His face remained serious. Nagsimulang kumunot ang noo ko nang mapansin ko iyon. Nagulat na lang ako nang bigla niyang ilagay ang coat niya sa likod ko at pinulupot ang manggas ng coat niya sa bewang ko.

"Anong gina–"

"You have stain. Saan ka sasakay pauwi?" he asked. 

Hindi ko alam kung anong reaksyon ang maibibigay ko sa kanya dahil ultimo pagsasalita ay hindi ko magawa. Napahawak na lang ako sa puson ko dahil hanggang ngayon ay kumikirot iyon.

Sumulpot na lang bigla si Quen sa gilid ko bago nagsalita, "Girl, may tagos ka."

"Saan kayo sakay pauwi?" he asked Quen.

"Mag-dyi-jeep lang kami, ganern."

"Sa akin na kayo sumabay." Tinapunan ako ni Lucas ng tingin at hinawakan ako sa balikat. Bahagya siyang tumungo at sinilip ang mga mata ko. "Nathalie, are you okay? Sa'kin na kayo sumabay, okay?" he added.

Hindi ko magawang magsalita o kahit tumango man lang sa sinasabi niya. Wala akong maramdaman ngayon kundi kahihiyan. Hindi ko naman inakala na magkakaroon ako ngayon. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa ngayon din.

"Kaya mo ba?" he asked. "Do you want me to carry you?" he added.

"Kaya ko."

That's the only thing that came out of my mouth. Nakita na niya ang stain sa likod ko tapos magpapabuhat pa 'ko. Hell no.

Parang paulit-ulit na sinusuntok ang puson ko at parang kahit na anong oras ay babagsak ako sa lupa at mamimilipit dahil sa sakit. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin valid na reason ang pananakit ng puson.

This shit is killing me.

Alam kong halatado sa aking lakad ang nararamdaman ko kaya't hindi na 'ko nagulat nang hawakan ni Lucas ang bewang ko para alalayan ako. Ang ibang estudyante ay hindi na naiwasan ang tapunan kami ng tingin. Gusto ko na lang humiga at mamilipit pero masyado pa 'kong malayo sa bahay. Pakiramdam ko ay namumutla na 'ko at kahit ang mga nangyayari sa paligid ay hindi ko na mabigyan ng pansin.

Sa isang iglap lang ay napagtanto kong nasa loob na 'ko ng sasakyan. Hawak-hawak ni Quen ang kamay ko at natatanaw ko si Lucas na seryoso sa pagmamaneho. Normal sa'kin na nagkakaganito ako sa tuwing nagkakaroon ako, kahit unang araw ko. Hindi ko lang talaga magawang kumibo nang maayos dahil nahihiya ako kay Lucas.

Bakit siya pa ang kailangang makakita ng nangyari sa akin? Bakit siya pa, na hindi ko pa lubos kilala? Kung pwede lang ay magpapalamon na 'ko sa lupa. 

Tapos coat niya pa ang ginamit niya para takpan ang likod ko.

"Pasensya ka na ha, ganito talaga si Nat kapag sumasakit yung puson niya. Sabi ko nga, magpacheck up na siya e pero siya itong makulit."

Iyon ang huli kong narinig bago ko napagtanto na nasa loob na 'ko ng kwarto ko. Masyadong masakit ang puson ko para pilitin pa ang sarili kong imulat ang aking mga mata.

"Pasensya na kayo kung naabala kayo ng anak ko. Ganyan talaga 'yang si Nathalie sa tuwing nagkakaroon siya. Palagi ko ngang sinasabi sa kanya na magpa-check up pero ayaw makinig," boses ni Mama.

"Nako, Tita! Palpak na nga rin po ang bibig ko d'yan sa anak n'yo. Tinatakot ko nga po na kapag hindi siya nagpacheck up, baka hindi na niya kayo mabigyan ng apo."

"Manahimik ka, Quen, mahiya ka sa bisita." boses muli ni Mama.

"It's okay po. My auntie is an Obstetrician, maybe I can convince her."

Kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Lucas. Naririnig ko silang tatlo pero wala akong lakas para makipag-usap sa kanila. Hindi talaga biro ang pananakit ng puson ko sa tuwing nagkakaroon ako. Madalas kong sinasabi na siguro dahil dalawang buwan ako bago magkaroon.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status