In the heart of Pampanga, Nathalie, the ‘Palette Prodigy,’ defies her family's disapproval of her artistic pursuits. Despite her initial doubts about love, billionaire Lucas becomes the unexpected catalyst, unlocking Nathalie's heart. Due to a lack of support from her family for her relationship with the billionaire and amidst university rumors, their relationship becomes complicated. The billionaire refuses to accept the child because of the rumors and the chance he's not the father. She decides to leave and raise her child alone. Until the day comes when Lucas seeks them out, wanting to mend their issues, leading to a legal battle for their child. Nathalie becomes stronger as she faces the challenges of being a single parent. Despite Lucas' persistent efforts, Nathalie grapples with conflicted emotions, torn between love and the pain he caused. Will she give the billionaire another chance?
View MoreKasabay nang pagpasok ko sa pintuan ng exhibit ang pagbuhos ng ulan sa labas. Hindi na 'ko nabigla dahil halata naman sa ulap na magbubuhos ito nang malakas na ulan at magbibigay ng malakas na hangin.
"It's nice to see you, Nat!" bati sa'kin ng isang kilalang local artist dito sa Pilipinas.
Hindi naman sa pagmamayabang pero kaibigan ko s'ya.
"Lia!" pasigaw kong bati sa kanya bago ako nagmadaling lumapit para yakapin siya at mahigpit naman niyang tinanggap ang yakap ko. "Infairness ha, ang ganda ng venue na nakuha mo," sabi ko sa kanya nang kumalas ako.
"Nako, sinabi mo pa. Hindi naman kasi talaga dapat ito yung venue natin, kaso nagka problema. Buti na lang nahanap 'to agad ng asawa ko," aniya.
"I'm so proud of you! Proud ako sainyong dalawa ni David," dagdag ko pa bago ko siya muling yakapin.
Nakasama ko si Lia sa isang contest noon, nung college pa lang kami at isa s'ya sa mga nakilala kong tinuloy pa rin ang passion niya pagdating sa arts. Isa sa mga taong kinaiinggitan ko. Until now, whenever I see her, I always tell myself that I wish I was brave enough at that time to pursue what I love, to pursue my passion.
"Ako rin, 'no! Sobra din akong proud sa'yo. Just let me know if you still want to pursue arts. Para matulungan kita," sabi ni Lia bago humampas sa hangin.
Alam na alam niya kasi kung gaano ko kamahal ang pagpipinta pero kahit ganun ay hindi ako nagdalawang isip na tanggihan ang alok niya noon.
"Kung may time lang ako, bakit hindi? Busy na 'ko sa trabaho ko ngayon, at saka sa anak ko. Hindi ko pwedeng iwan 'yon palagi dahil sobrang likot ng inaanak mo," sagot ko sa kanya dahilan para ngumuso ito sa harap ko at napatawa naman ako dahil don. "Umayos ka nga, Lia, 'wag ka nang malungkot. Hayaan mo, ikaw ang una kong sasabihan kapag nagkaroon na 'ko ng oras at lakas ng loob."
"Sabi mo 'yan ha!" nakanguso niyang sabi. "O s'ya, Just enjoy around, Nat. Pumili ka lang kung anong gusto mo and I'll give you a discount," sabi nito at medyo pabulong ang huli niyang sinabi. Agad itong kumindat sa'kin bago ako iwan para salubungin pa ang ibang bisita.
Pilit akong ngumiti sa hangin bago ko tuluyang baybayin ang mga paintings na ginawa n'ya. Masaya akong kahit matagal ko nang tinalikuran ang pagpipinta, may mga tao pa rin na tumutulak sa akin na balikan ko ang bagay na minahal ko makaraan ang ilang taon.
Kahit naman gustuhin ko, mukhang malabo na. Napakatagal na panahon na nung huli kong sinubukan magpinta, wala na yata ang mga skills ko ngayon. Hindi ko na alam ang tamang paraan nang paghagod ng brush sa mga walang buhay na canvas.
Bahagya akong lumapit sa pangalawang painting na nakapukaw ng aking atensyon.
Ipinapakita ng painting ang kasimplehan ng isang babaeng Pilipina. Simpleng nakapusod ang buhok nito at naglalaba sa isang batis. Habang may lalaki naman sa likuran ng babae na may dalang pagkain at inumin. Sa unang tingin ay makikita mo ang kasimplehan at kagandahan ng painting na 'to pero kapag tinitigan mo't inalisa, makikita mo ang pagmamahal ng dalawang tao sa painting.
Simpleng buhay...
Kahit simple ay bakas sa mukha nila na sila'y masaya at mahal nila ang isa't isa. Bahagya akong umirap bago tingnan ang pangalan ng painting na 'to. Masyado akong bitter pagdating sa mga ganoong paksa, pero maganda ang painting na 'to.
"Dalisay ipininta ni Lia Esor."
Dalisay... sus!
Sa panahon ngayon, may sincere pa ba? Ang pagkakaalam ko kasi, puro na lamang pagpapanggap ang meron sa panahon ngayon. Sino bang kayang maging sincere sa panahon ngayon?
Nilisan ko ang painting na 'yun at ipinagpatuloy ang pagtingin sa iba pang gawa ni Lia. Maganda naman ang painting na 'yun, hindi lang maganda ang aking nakaraan.
Habang naglalakad ako, napukaw ng isang painting ang atensyon ko. Nasa dulo iyon ng exhibit at mukhang may matinding pagmamahal lang sa sining ang makakapansin sa kagandahan nito. Unti-unti akong naglakad palapit doon at sa bawat paghakbang ko ay mas nahuhulog ako sa kanya. Sa sobrang ganda niya, gusto ko itong hawakan pero pilit kong pinigilan ang aking sarili.
Isang babae, naka bestida at nakatingala na gustong ipahiwatig na sya'y malakas at hindi simpleng babae na basta natitinag. Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi lang ito basta ipininta, hindi lang ito basta gawa sa kulay. Napansin kong may magnifying glass na nakalagay sa gilid nito kaya't dahan-dahan ko itong dinampot para usisain kung para saan ang bagay na 'to.
Ipinagitna ko ito sa aking mata at sa painting na nasa harap ko. Tama ako. Ang babaeng ito ay hindi lamang gawa sa kulay o sa kahit ano. Gawa ito sa salitang baybayin. Ang bawat guhit nito ay mga salitang baybayin. Mga salitang nagpapahiwatig na ang babae ay hindi basta babae lang. Labis akong naantig sa painting na 'to. Masyado na 'kong nakuha ng painting na 'to at gusto ko ng mai-uwi ito at ilagay sa dapat n'yang paglagyan.
Sana man lang ay na-isama ko si Isabella, ang anak ko. Marunong din itong tumingin ng sining at mahilig din s'yang gumawa ng sarili n'yang disenyo.
"Mukhang nagustuhan mo 'to ah?" narinig kong sabi ni Lia bago ako akbayan.
"I want this painting," mariin kong sabi.
"Yours na po, madam—" natigilan si Lia sa pagsasalita at ganun na rin ako.
"But I want this too," boses mula sa tabi ni Lia.
Agad kong tiningala ang lalaking nagsabi non na agad ko ring pinagsisihan na pinili kong tingnan s'ya. Agad akong umiwas ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Tinuon ko ang atensyon ko sa painting at nakikita ko pa rin sa peripheral vision ko na nakatingin pa rin siya sa akin.
"Nauna ako," giit ko sa kanya.
"Lia invited me here, kaibigan ko ang gumawa ng painting." Agad akong tumingin kay Lia na ngayon ay binigyan ako ng pilit na ngiti. "So, it means, this painting belongs to me."
Hinarap ko siya. "Ininvite ka lang, this painting belongs to you na agad?" mataray kong singhal sa kanya, but he still managed to smile.
"Yes," nakangisi niyang sabi.
Lintek na ngiti yan!
"No! That painting is mine," mariin kong sabi.
Pabiro itong umirap bago harapin si Lia kaya't ganun na rin ang aking ginawa.
"Lia, kaibigan mo 'ko!" pag kumbinsi ko sa kanya.
"Kung ano man ang presyo ng painting na 'yan ay dodoblehin ko," mayabang nitong sabi sa kaibigan ko.
Agad kong nilakihan ng mata si Lia at mukhang wala na 'tong magawa sa aming dalawa. Kahit kailan talaga ay hindi magpapatalo si Lucas.
Oo, tama ang nabasa niyo.
Lucas ang pangalan n'ya, mukhang mabuting tao pero nuknukan ng yabang at walang paninindigan. He's my ex boyfriend. Pitong taon din kaming hindi nagkita dahil sa hindi magandang rason ng aming paghihiwalay. Hindi maganda ang nangyari noon kaya't ganito na lang ang pagtrato ko sa kanya. Wala naman pang rason para tratuhin ko s'ya nang maayos. Kung paano n'ya ako tinatrato noon ay ganun ko din s'ya dapat itrato ngayon.
Ilang oras ang nakalipas nang aming pagtatalo ay may nanalo na rin.
"Kung hindi mo sana ako inaway kanina, eh 'di sana, isa sa atin ang mag uuwi nung painting."
"Shut up, Lucas."
"See, iba tuloy ang nakinabang." Dagdag pa niya bago ituro yung matandang mayaman na nakabili nung painting na pareho naming nagustuhan.
Ang daming shit nitong si Lucas. Hanggang ngayon ang toxic-toxic niya pa rin. Pitong taon na ang nakalipas, hindi pa rin nagbabago! Psh.
Automatikong umikot ang mga mata ko bago ko siya talikuran.
"It was nice seeing you again, Ex."
Natigilan ako sa paglalakad palayo sa kanya pero sapat ang galit at inis ko sa kanya ngayong gabi para magpatuloy ulit sa paglalakad.
"Sorry," salitang dahilan nang aking pagtigil at dahilan para manatili sa kanyang harapan. "Alam kong marami akong nagawang mali sa'yo. Kaya nandito ako to say sorry," dagdag niya.
Nilingon ko siya at binigyan nang nakakaasar na ngiti.
"Masama ang panahon ngayon, Lucas. Let's just talk when the sun comes out," agad ko s'yang binigyan ng pilit na ngiti bago s'ya iwan.
Aaminin ko, tinatakasan ko si Lucas. Ilang taon ko s'yang tinaguan at iniwasan. Ayokong magkaroon ulit kami ng koneksyon at ayokong makita na s'ya ulit. Ang gabing ito ay sapat na para sa aming pagkikita. Hindi na sana ito maulit pa dahil baka may mga tanong na naman ang gumulo sa isip ko.
"Lia!" tawag ko sa kaibigan ko nang makita ko s'yang pa sakay ng kotse. Agad itong bumaba at lumapit sa'kin. "Why did you invite him? Are you trying to tease me?" pagtataka kong tanong sa kanya.
Kumamot ito sa kanyang ulo bago sumagot, "I texted him nung sinabi mo na hindi ka sure kung makakapunta ka. Sabi n'ya, hindi rin daw s'ya sure. Kaso pareho pala kayong sure."
"I'm your best friend, Lia. Ako nalang sana ang in-invite mo," sabi ko sa kanya habang umiiling.
"He's my best friend too, Nat. Ayoko naman mawalan ng bestfriend sa first exhibit ko kaya hindi ako nag-stick sa sagot mo. Sorry na," hinawakan nito ang kamay ko at inalog-alog pa nito na nagsisisi na talaga sa ginawa n'ya.
"Okay, fine. Basta next time ha? Alam mo namang iniiwasan ko si Lucas." sabi ko at mabilis naman itong tumango.
Matagal na kaming magkakilala ni Lia bago sila naging mag kaibigan ni Lucas. Huli na nung nalaman kong s'ya ang kaibigan na nakilala ni Lia sa isang club. My ex-boyfriend, Lucas, was the one who rescued her from the perverts who nearly molested her. Dahil sa utang na loob, they became friends.
"Eh bakit ba kasi pitong taon mo s'yang tinaguan ha? Ano bang nangyari bago ang pitong taon?" marahan akong napatingin sa aking kamay. Siguro sa ilang taon ko ring pagtakas sa pagkwekwento kay Lia ay ito na rin ang tamang panahon para malaman n'ya.
"It all started when..."
Dean talked to Quen regarding some matters related to our program’s organization. I’m not sure about all the details, but from the look on her face, everything seemed fine.Tila ba nabunutan ng tinik ang dibdib ko nang malaman kong iyon lang ang rason. Nang malaman ko kasi na hinahanap siya ni Dean, iba agad ang pumasok sa isip ko.Akala ko nalaman niya ang tungkol sa kanila ni Coach.“Kamusta ka?” Tanong ko kay Quen na ngayon ay ngumingiti-ngiti na. Kanina kasi, tila ba hindi maipinta ang kanyang mukha dahil sa kaba.“Nakakahinga na. Natakot ako kanina e.” Malumanay niyang sagot sa akin.Naglalakad kami ngayon sa daan, ilang kembot na lang ay mararating na namin ‘yung coffee shop na madalas naming pinupuntahan kapag may sobra sa allowance namin. Medyo mahal kasi ang mga kape rito kaya’t minsan lang kam
Nakatambay kami ni Quen sa rooftop, sinasayang ang oras habang hinihintay ang mga klase namin. One hour pa bago ang sa’kin, two hours naman kay Quen. Gusto sana naming umuwi, pero sa totoo lang, sobrang miss na namin ang isa’t isa.Ang tagal na rin namin hindi nagagawa ‘yung mga ganitong bagay. Kaya naisipan namin na dito na lang muna kaming dalawa. Tahimik pero magaan naman sa pakiramdam.Madalas siyang busy sa pagiging varsity, habang ako naman, laging kasama si Lucas at Kuya. Kaya ngayong pareho kaming may free time, why not spend it together?Dati pa naming tambayan ’tong rooftop. Hindi ko rin alam kung bakit, wala lang—mahangin, presko, at kita mo lahat mula sa taas. Lalo na ’yung volleyball court sa quadrangle. Hilig ko siyang samahan manood dito sa rooftop kahit medyo takot ako sa bola.“Tuturuan kita mag-volleyball pag may free time ako,” basag ni Quen sa katahimikan.Napating
“Ilang buwan na lang, ga-graduate na kayong lahat. Hindi na kayo elementary o high school para habulin ko pa kayo sa requirements. Kapag may kulang, cinco agad. Madali akong kausap.”Iyan ang bilin ni Ma’am Dizon bago niya iniwan ang silid, kasabay ng pagbagsak ng katahimikan.Nag-unat ang ilang kaklase ko, habang ang iba’y abala sa pagbubuklat ng notebooks at pag-double check kung may kulang ba sila sa requirements. Ako nama’y tahimik na tumayo at ipinasok ang mga gamit sa bag. Mabuti na lang talaga at naipapasa ko ang mga output ko kahit pa hindi ko gusto ang kursong ito.Sapat na ang stress ko sa course—hindi ko na hahayaang magkaproblema ako sa grades.Nilingon ko ang upuan ni Candice. May babaeng tumayo roon, ngunit agad akong nagdikit-kilay nang marealize kong hindi pala siya si Candice. Wala ni isang gamit sa silya—mukhang ibang kaklase lang ang lumipat ng upuan. Kaya pala hindi siya tumayo kanina nang banggitin ni Ma’am na siya ang highest. Akala ko wala lang siya sa mood.Lum
Kanina pa ako naiilang sa mga taong kasama ko. Hindi ako sanay makihalobilo sa mga taong hindi ko kilala pero wala akong choice kundi ngumiti at makipag-usap sa kanila. Nasanay akong sina Quen ang kasama ko kaya’t medyo nahihirapan ako sa mga ganitong sitwasyon. Ilang beses ko na nakakasama ang mga kaibigan ni Kuya at Lucas pero hindi ko pa rin maiwasan ang mailang.Lahat sila ay successful na’t may mga bigating negosyo. Bigla na lang ako nananahimik kapag nag u-usap sila ng tungkol sa mga career at pag a-asawa lalo na kapag tungkol sa negosyo ang usapan. Parang gusto kong mag walk out na lang at umuwi na lang. Parang bigla akong na-pressure sa buhay kasi successful na silang lahat, e. No one chose the wrong path. Walang kahit na isa sa kanila ang naligaw sa landas.Habang ako, nagtitiis sa kurso na hind
"Enough, Nathalie!" Singhal sa akin nung isa nilang kasama na hirap na hirap din sa pag pigil kay Niko. "Bakit hindi 'yang kaibigan niyo ang pag sabihan niyo? Masyadong affected sa mga sinabi ko," sabi ko bago ako bahagyang ngumiti at tapunan ng tingin ang mga kuko ko. Pilit nilang pinipigilan si Niko sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito habang nakatayo lang kami ni Quen sa harap nila. Kanina pa 'kong niyayaya ni Quen na umalis na lang pero nag matigas ako. Hindi naman ako ang nauna, hindi naman ako ang nagsimula ng gulo, at mas lalong hindi naman ako 'yung nauna na magsambit ng mga masasakit na salita. Malinaw na malinaw naman na payapa lang kaming naka-upo ni Quen kanina. Just minding our own business, but they ruined it. He looked so pissed. Wala naman akong sinabing mali o kasinungalingan para magalit siya ng ganito. Who would have thought that this guy in front of me, who looks like a gentleman, wants to punch a girl? "Pasalamat ka dahil babae ka!" sigaw sa akin ni Ni
“You see, I’m just concerned about your friend. Napansin ko rin kasi na napapadalas ang pagiging maliyuhin at pagsusuka niya,” dagdag pa niya. “I’m not forcing her to take the test. Pero kung makukumbinsi mo s’ya, much better.”“Susubukan ko po,” tipid kong sagot.“Hindi naman kita kakausapin tungkol dito kung hindi siya pa ulit-ulit na bumabalik dito dahil sa liyo at pagsusuka. Ang sa’kin lang kasi, baka mapasama sa kanya ‘yung mga gamot na naibigay ko last time, dahil nga humihingi siya sa akin at wala naman akong alam sa nararamdaman niya. If you can talk to her, kumbinsihin mo na lang na magpa check-up siya. Kasi iniiwasan naman n’ya ang mga tanong ko,” ani pa ni Nurse Georgia.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments