LOGIN"Mrs. Fuego, malalim ang sugat sa giliran ni Mr. Fuego. Mabuti na lang at hindi natamaan ang vital organ niya kaya wala sa kritikal ang kalagayan ng asawa niyo. Pero maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya kailangang manatili sa ospital nang ilang araw," sabi ng doktor.
Kunot-noong tumango si Jenica at bumaling sa nakasarang OR. She pursed her lips and paced back and forth again. Tinawagan na niya ang assistant ni Alex at paparating na raw ito.Tumingin siya sa dalawang bodyguard na tahimik sa may tabi at kumunot ang noo niya. Bigla na lang sumipot ang dalawa habang buhat-buhat niya ang asawa palabas ng club. Dead on arrival naman ang dalawang bodyguard na nag-escort kay Dante Antonete kanina. Sila ang dalawang bangkay na nakahandusay sa loob ng VIP room pagbalik niya."Isang sneak attack," bulong niya at nahulog na naman sa malalim na pag-iisip."Miss Laurel!" hingal na tawag ni Renato, personal assistant ni Alex. "Sorry late ako. Sobrang traffic sa highway. Kumusta si Mr. Fuego?""Kakatapos lang ng operation at ililipat na siya sa private room for observation." She glanced at the two silent men. "Kilala mo sila?" tanong niya at tinuro ang dalawang bodyguard.Tumingin si Renato sa tinuro niya at nangunot ang noo nito. "Antonete Private Security.""Antonete?" aniya at tumaas ang kilay. Tauhan ang dalawa ni Gia? Bakit nagpunta sa club ang dalawang tauhan kung wala na si Gia roon?Lumapit siya sa dalawa. "Hey. Inutusan ba kayo ni Gia Antonete para bantayan si Alex?" tanong niya.Yumukod ang dalawang bodyguard. "Yes, Maam."Mas lalong naningkit ang mga mata ni Jenica. May mali pero hindi niya mapunto. Umikhim siya. "May iba pa ba siyang utos sa inyo?""Wala, Maam. Nais lang ni Young Miss na bantayan si Mr. Fuego."Jenica sneered. Bantayan si Alex? Baka gusto nitong malaman kung may babae bang umaali-aligid sa asawa niya. Umirap siya. Lapitin talaga ng bubuyog ang lalaking 'yon!Matapos mailipat sa private room si Alex ay nagpaalam na si Jenica kay Renato. "I guess he'll be okay. Tawagan mo rin ang kamag-anak niya and inform them."Nagdalawang-isip ang assistant. Maya-maya pa'y may inabot itong sobre. "Mrs. Fuego, I know it's not appropriate for me to give you this. Pero baka kailangan mo ito."Kumibot ang sulok ng mga labi niya nang tawagin siyang Mrs. Fuego ni Renato. Nonetheless, tinanggap ni Jenica ang sobre at nakita niyang isa iyong invitation sa gaganaping engagement party nina Alexander Fuego at Gia Antonete.A flash of disdain appeared in her eyes before she smiled at him. "Thanks," aniya saka naglakad paalis ng ospital.Sumakay siya ng taxi pabalik sa hotel na tutuluyan at tinawagan ang assistant sa ibang bansa. "Give me the complete details of the guests and the organizers of this engagement party."Gusto niyang bigyan ng surpresa ang dalawang walang hiya. Isang hambog at isang manyak. She sneered.Tumawag din siya sa bahay at nagtanong sa ginang kung anong kalagayan ni Sham. Positibo ang sagot ng matanda. Nakahinga siya nang maluwag.Wala pang resulta sa investigation ukol sa Antonete Enterprise pero may nakuha naman siyang detalye ukol kay Gia mula sa assistant.Pangalawang anak ng mag-asawang Antonete at childhood friend ni Alexander Fuego. Lumipad sa States at doon nag-aral. Sumali sa Hollywood at naging sensational artist. Three years ago ay bumalik sa bansa dahil pinauwi ng lola nito.Sa bansa na rin umusbong ang karera nito sa pagkanta. A few months ago, may meet and greet na naganap sa capital at doon nagkita ulit sina Alex at Gia. At kaninang umaga lang ay naglabas ng statement si Gia na engage na siya sa CEO ng Fuego Empire. Walang denial sa part ni Alex kaya naging sensational news ang statement ni Gia.Naningkit ang mga mata ni Jenica. Ang ganda naman ng timing ng pagbalik niya sa bansa. Tumawa siya.'Gia Antonete, isn't it? You tried to kill me, then let's see if you can climb onto my husband's bed,' aniya sa isipan at ngiting tinanaw ang nagniningning na lungsod.Ilang araw ang lumipas at binalita sa national news ang kasalukuyang nagaganap sa engagement party. Dumating ang ilang kilalang mga persona sa showbiz at business world. Nakita pa ni Jenica ang ilan sa mga international stars na dumalo.Nakasuot siya ng magarang damit at mamahaling mga alahas. She looked different from her image before. Noon kasi ay hindi siya nagbibihis nang maayos at simpleng pambahay lang ang lagi niyang suot. Kahit na dalhin siya ni Alex sa mga boutique ay hindi siya pumipili ng dress.A rare soft smile appeared on her lips."Miss, are you alone?" biglang tanong ng lalaking lumapit sa kaniya.Tumingin si Jenica sa bagong dating at bahagyang naningkit ang mga mata niya. Hindi ba ito ang pinsan ni Alex na hambog? Naalala pa niya kung paano ito pumorma sa kaniya nang bumisita ito minsan sa bahay ni Alex.Pumaling sa gilid ang ulo niya. Mukhang hindi siya nakilala ng lalaki. Ngumiti si Jenica at nilahad ang kamay. "I'm Laurel," aniya.Bahagyang nanlaki ang mga mata ng lalaki sa ginawa niya at ngumiti ito nang pagkalaki-laki. "Robert Fuego, Miss." At kumindat pa ang walang-hiya.Tumaas ang gilid ng mga labi niya nang maramdamang pinisil ni Robert ang palad niya. Pasimple niyang binawi ang kamay. "So... you're one of the relatives?" tanong niya at sumimsim ng wine."Kinda," ngiting sambit nito saka nagkamot ng batok. "I'm Alexander's cousin. Do you want to meet him?""Why you ask?"Hilaw na ngumiti si Robert. "I don't have a date tonight. If you don't mind, I'll introduce you as my date to that cousin of mine."'The same playboy Robert, I see,' aniya sa isipan. Jenica smirked. "Sure. Why not?"Dinala siya ni Robert sa second floor. Lihim naman niyang nilibot ang tingin at napansing ginastusan talaga ng dalawang angkan ang engagement party. Too bad, it'll be a waste later.Nandilim ang paningin niya nang maramdaman ang kamay ni Robert sa baywang niya. She side stepped and smiled at him. "There are eyes staring at us. I don't want a scandal."Natawa si Robert at tinaas ang dalawang kamay sa eri. "Okay, got it."Hindi nagtagal ay sabay silang pumasok sa loob ng men's dressing room. Tumaas ang kilay ni Jenica at sumulyap kay Robert pero wala itong pake sa tingin ng ilang hotel crew na napapatingin sa gawi niya. Why not? It's strange to see a woman entering the men's room, pero mukhang walang sense of shame ang lalaking katabi niya.Umirap siya."Bro! I brought a girl tonight. Mas maganda pa sa fiancee mo!" sigaw ni Robert at hinila siya palapit sa nakatalikod na lalaki.Napasinghap si Jenica sa gulat.“You bastard!” she slapped him hard across his cheek and the man fainted. Nagtaas-baba ang balikat niya. This damned uncle sent her son to the lion’s den! That’s a child, for pete’s sake! “I will hold you accountable if something happened to Sham,” pangako niya saka lumabas ng silid. She immediately contacted the black market and promised Code X’s attendance in the auction. She also sent the VIP list with her item on it – the thing that Martinez clan is after. She checked the calendar and she only had one month before she would be back to HQ as Agent J. They had contacted her earlier that week ordering her as Agent J to stop her operation in the country. The mission they had assigned to her was tagged as a failed mission and she is ordered to go back to HQ as punishment.Just months prior, Agent Z had given her the Ironmaiden token. She knew by then that HQ had already viewed her mission and Agent J as failure. It’s only now that they officially declared that her mission was a fail
“Stretcher! Tawagin niyo ang ospital. Prepare the emergency room, bilis!” utos ng isa sa mga medic. Jenica watched as they escorted the unconscious man towards the waiting ambulance. Tumingin siya ulit sa pintuan at doon lang niya napagtanto that it’s a secret door sa may ground floor ng building, malapit sa main entrance. Yet, she never knew this door existed and she bet that even her father didn’t know about this. “May isa pa! Prepare niyo ang stretcher!” sigaw ng medic na malapit sa pintuan. “No need. I can walk,” sabi ng pamilyar na boses. Nang tumingin si Jenica sa pinanggalingan ng boses ay doon lang siya nakahinga nang maluwag. It was Alex, her husband. The man covered in blood earlier was Agent Z who was lying on a stretcher. And since Agent Z is an agent, Jenica knew that Agent Z could pull it off. He had experienced more terrifying and gruesome wounds in the HQ than this. Ang mas inalala niya ay si Alex since that man is not a secret agent. Sure, he might know some move
“Welcome to the first ancestral home of the Martinez clan,” sabi ni Rica saka naunang humakbang papasok sa loob. Jenica was stupefied while looking at the big portrait hanging on the wall. It was hand drawn. Nakasuot ng traditional na kasuotan ang babae. May hawak itong nakabukas na abanikong pamaypay sa kanang kamay. Nakapaskil ang munting ngiti sa mga labi nito. “Who is that?” tanong niya kay Rica and pointed a finger. “My great great grandmother,” sagot nito saka ngimiti nang mahinhin. “Yes, you look like her, that's why I brought you here. Come, I have yet to show you a lot of things,” dagdag nito saka nagtungo sa kung saan. Sumunod siya sa babae habang tahimik lang na nakasunod sa kaniya si Agent Z sa likuran. Jenica was preoccupied with her thoughts kaya hindi niya napansin na huminto sa paghakbang si Rica. Muntik na siyang mabunggo sa likod nito. Mabuti nalang at nahawakan siya ni Agent Z at nahila palayo sa babae. “You might find your head on the ground, Miss Laurel,” bir
“Why?” tanong ni Alex. He’s somewhat at a loss for words. Hindi niya alam kung anong nagawa niyang mali at bakit siya tinulak ni Jenica?“I still remember you have other woman clinging onto you,” sabi ng babae saka lumipat ng puwesto. Naupo ito sa upuang katapat niya. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Alex. “Why are you so far away? Come near me,” utos niya. Umiling si Jenica saka humalukipkip. Tinitigan niya si Alex na hindi mapirmi sa kinauupuan nito, pero wala siyang balak na sundin ang utos nito. Just then, biglang tumunog ang cellphone niya. She answered the call from Agent Z. She had somewhat asked for his number and saved it in her personal phone a few days ago. “Yes?” bati niya sa kabilang linya. “What have you done these days? Your Guam Business Empire is being seized by an unknown organization that has ties to the underground world,” sabi ni Agent Z. “Where are you now? You should go back,” dagdag pa nito. Binaba ni Jenica ang tawag at tumingin kay Alex. “I’ll put my t
With her time running out, Jenica called an emergency meeting with the board of directors. Bago pa sa alaala ng mga ito ang nangyari kay Marc Cenizo kaya natatakot ang mga itong magkamali. In the end, tahimik ang boardroom while Jenica is looking at these funny men.“What? You don’t want to talk?” she taunted. Nagsitinginan ang lahat ng nandoon sa loob. After a few minutes ay umikhim ang babae na nasa mid-40s. “Miss Guam, we heard what Mr. Marc Cenizo did it to your son. We offer our deepest condolences.”Naningkit ang mga mata ni Jenica saka tinuro ang babaeng nagsalita. “Are you cursing my son to die?” she asked between gritted teeth. “My son is still alive and Marc Cenizo is hiding him. Now, if you don’t want to bear the title traitor of this company, tell me what you know of this incident and you’ll have lesser years in prison.”Walang gustong magsalita and Jenica expected this outcome. “I will be at my office. Just knock on my door if you want to confess. Anyone who’ll blow the
Tinitigan siya ng Uncle Marc niya saka ito tumawa nang malakas. Naningkit ang mga mata ni Jenica at nagsalubong ang mga kilay. “Anong nakakatawa?” tanong niya.May munting ngiti sa mga labi ng matanda nang tumingin ulit ito sa kaniya. “How will your father feel if he sees you pointing a gun at your Uncle?” tanong ng matanda.Bumaba ang tingin ni Jenica sa hinahawakan niyang baril. Oo nga pala. She drew her gun when she faced her Uncle. Of course, sino bang hindi? Nakita niya kasi kung paano nito kalagan ang sarili nang walang kahirap-hirap. And Jenica knew this type of person well. They’ve undergone training just like her. Seeing him making a move against her, hindi mapagkakailang may alam ang Uncle niya sa art of assassination.
“I never knew you were this good, accusing people with fake crimes,” Jenica sneered. “Your father had yet to investigate but you already pointed a finger at me. Tell me, what gives you confidence, Ms. Gia Antonete?”Gia gritted her teeth and looked at her father who was pondering. She sighed. At le
Nilabas niya ang abaniko at binuksan iyon. A gust of wind swift through the main entrance of Fuego ancestral house, whisking those poisonous needles away. The guards standing nearby went alert and looked around only to see a woman in red fanning her face gently. Jenica sneered and led the way insi
It was not an accident. Someone wanted her dead as Jenica Laurel - the heiress of Guam Business Empire. To be honest, she’s accustomed to being chased by death everyday while she’s working as a secret agent. But now, she’s using her real identity, yet someone still hired an assassin to go after her
"Dad!" Shimen called and looked at Jenica worriedly. "Don't lock her up. We're not yet married, and she has still her Uncle Marc who is her close kin. You can't make her agree to your requests," dagdag nito. Mr. Takura squinted and seemed to remember her Uncle Marc. He snorted and stood, leaving h



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



