Share

CHAPTER 26

CHAPTER 26- BAGSIK NG ISANG API

MARIA

"Eat this." Turan ni Denrick bago ako subuan ng gulay. Kanina nya pa ako sinusubuan dito at kahit na napapatingin sa amin ang ibang kumakain ay hindi pa rin ito tumitigil. Kumain lang kasi ako ng konti dahil bigla ay nawala ang gutom ko. Hindi naman ito pumayag at sya na ang nagsubo sa akin.  

I am not a hypocrite to say that I am not affected because I really am. I felt thousands of butterflies in my stomach and I can feel my cheeks burning. Mukhang hindi nya naman napansin ang pamumula ng pisngi ko at patuloy lamang ito sa pag subo sa akin. 

Artemis is looking at us smiling. Mukhang kinikilig ito sa ginagawa ng kuya nya pero wala namang pakialam ang huli. Hindi nito pinapansin ang mga tingin at ngiti ng mga taong nandito. Siguro ang nasa isip lang nito ay ang maging healty si baby.

"You need to eat this because this is healthy and it is good for you and for the baby." Seryoso nitong turan kaya naman hindi ko na napigilan ang mapahagikhik. 

Tumingin ito sa akin ng may pagtataka. 

"What?" Tanong nito kaya umiling ako at ngumuso.

"Wala." Sagot ko naman kaya naman binalik nito ang pansin sa pagkain.

Ngumuso ako at napabuntong hininga. Ayaw ko ng kumain ng gulay. 

"Denrick ayaw ko na." Sambit ko kaya naman napaangat ito ng tingin at tinignan ako. 

"Why? You need to finish it." Aniya kaya ngumuso ako at nilibot nalang ang tingin sa ibang mga kumakain. 

Nagningning ang mga mata ko habang nakatingin sa isang magkasintahan. Bigla ay naglaway ako sa kinakain nilang strawberry cake at strawberry juice nila na hindi pa nangangalahati. Bumuntong hininga ako at nanatili lamang ang tingin doon. Sumusunod ang mga mata ko sa bawat kuha nila ng cake at sa bawat subo nila. Napalunok ako ng laway at napabuntong hininga ulit.

"Hey may problema ba?" Nag aalalang tanong ni Denrick kaya nilingon ko sila bago ngumuso.

"What?" Nagtataka nitong tanong habang nakanguso lamang ako sa kanya. 

"What do you want?" Tanong nito kaya naman ngumuso ako doon sa kinakain ng magkasintahan. Nakuha naman nito agad ang gusto kong sabihin kaya tumango ito bago tumayo.

"Okay bibilhan kita." Turan nito kaya naman napalabi ako bago umiling. I thought he understand what I was trying to show him?

Napalabi nalang ako ng hindi nito maintindihan ang gusto kong iparating. 

Kumunot naman ang noo nito. "What? I thought you want to eat strawberry cake?" Takang tanong nito kaya nakanguso akong tumango na mas nagpakunot ng noo nito.

"Then I will buy you that." Sabi nito kaya umiling ako na syang nagpakunot pa ng noo nya.

Napalabi ako. "G-gusto kong k-kainin yung c-cake n-nila." Mahinang sabi ko dahil sa hiyang nararamdaman. Bumuntong hininga naman ito bago sila nagkatinginan ni Artemis. 

Naiiyak naman ako sa isiping hindi ko makakain iyon. Gustong gusto ko talaga iyong kainin pero alam ko naman na hindi pwede. Natatakam talaga ako at isipin palang na hindi ko makain iyon ay parang mahihimatay na ako.

Bumuntong hininga ako bago ngumuso. Si baby kasi eh, masyado kaming pinahirapan ng daddy nya ngayon. Bakit kasi iyon pa yung gusto nya? Eh pag mamay ari na iyon ng iba?

Naalala ko pa ang sinabi ng nanay ko noon na hindi daw pwedeng hindi maibigay sa buntis ang pinaglilihian nitong pagkain. Makakaapekto daw iyon sa baby kaya naman natatakot ako ngayon. Hindi ko naman kasing pwedeng ipilit ang gusto ko eh.

Nag iwas nalang ako ng tingin sa kinakain ng magkasintahan. Hindi ko alam pero naluluha ako kaya naman kinagat ko ang ibabang labi. 

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Denrick bago ito tumayo. "Okay you will eat that." Sabi nito kaya nilingon ko ito at nakitang lumapit sa table ng magkasintahan. 

Malungkot pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Kinausap nito ang magkasintahan at lumingon naman sa gawi namin ang dalawa. Pagkatapos ay ngumiti ang babae at binigay kay Denrick ang cake. Kukuha na sana ito ng wallet pero pinigilan ito ng lalaki at parang may sinabi Ito dito. Tumango naman si Denrick na parang naiintindihan nito ang gustong iparating ng lalaki.

Bumalik naman si Denrick na dala ang strawberry cake kaya naman dahil sa tuwa ay napapalakpak. Sobra sobra ang kagalakan ko at pasimple nalang na pinahidan ang luha sa mata ko. 

Nang makarating si Denrick sa mesa ay agad ko iyong nilantakan. Akala ko talaga hindi ko na ito makakain. Mabuti nalang talaga at mabait ang mga ito at pumayag sa hiling ni Denrick. Nawala na tuloy ang takot ko na baka may mangyaring masama kay baby. 

"You're so cute Ate M." Nakangiting sambit ni Artemis pero hindi na ako nag abala pang sumagot. Nakatuon lamang ang pansin ko sa kinakain at hinayaan ang dalawa. Narinig ko naman ang paghagikhik ni Artemis pero hindi ko sya tinapunan ng tingin. The cake really taste so good.

Pumikit ako habang ninanamnam ang lasa nito. Para bang nawala ako sa gitna ng mga tao at napunta ako sa lugar na puro puti at pink ang nakapalibot. Just by looking at the place you will immediately think about is sweetness.

Nang maubos ko ang cake ay napadighay ako. Malakas naman na tumawa si Artemis at hindi pinansin ang mga matang nakatingin sa kanya. Mukhang naaliw talaga ito sa akin kaya naman ngumiti ako sa kanya at uminom ng strawberry juice bago ko nakangiting binalingan si Denrick na nakamasid lang sa akin. 

"Let's go?" Aya ko at sabay naman silang tumango.

Nakalabas na kami ay hindi pa rin matigil sa kakakwento si Artemis kung gaano daw ako ka cute kanina. Nahiya naman ako sa kinikwento nito kaya naman mahinang tawa lang ang naging tugon ko. Masyadong natakam si baby sa cake kaya naman hindi na kami nag abala pang tumingin sa paligid. 

Tumingin tumingin kami sa nadadaanan naming shop at hinahanap namin kung saan ang baby shop. Or maybe pag wala kaming nakita ay titingin nalang kami sa department store. 

Nang sa wakas ay may nakita na kaming shop ay agad kaming pumasok habang nakasunod lamang si Denrick. Tumingin tingin ako sa paligid at hindi na pinansin ang pag alis ni Artemis sa tabi ko. Tingin ko ay gusto nitong magtingin tingin sa mga damit ng pang baby.

Nakatingin ako sa cute na damit na nakasabit at wala sa sariling napangiti habang hawak iyon. 

"Ano kaya ang magiging gender ng anak natin?" Wala sa sariling tanong ko kay Denrick habang hawak pa din ang damit.

"I think it's a boy." Sagot nito kaya napasimangot ako. Hindi ko kasi nagustuhan ang naging sagot nito.

"Babae ang anak natin." Sabi ko kaya naman napabaling ito sa akin.

"I think it's a boy." Ulit nito kaya mas lalo akong napasimangot.

"Babae nga eh!" Inis kong sabi. Napabuntong hininga naman ito.

"You asked me so I just answered it based on my opinion." Turan nito kaya naman sinamaan ko ito ng tingin.

"Eh sa hindi ko gusto ang sagot mo eh!" Sigaw ko dito kaya napabuntong hininga ulit ito. Hindi ko nga din alam kung bakit iritang irita ako sa sagot nito.

Bumulong ito kaya napakunot Ang noon ko bago sya lingunin ulit.

"Pregnant women." Bulong nito kaya nakakunot noo ko itong tinignan.

"Anong Sabi mo?" Tanong ko pero kumibit balikat lang ito.

"May ibinulong ka eh!" Sigaw ko ulit kaya hinawakan nito ang bewang ko.

"Don't shout. We're in a public." Sabi nito pero hinampas ko lang ito sa braso.

"Pake alam ko? Eh gusto kong sumigaw." Turan ko kaya naman nilapit nito ang mukha sa akin. Namula ako sa biglaang kilos nito.

"Shout again and I'll kiss you." Bulong nito kaya napaurong naman ang dila ko na naging dahilan kung bakit kitang kita ko ang ngisi sa labi nito.

"Good then. Let's go. Mukhang may napili na si Artemis." Sabi nito at iginiya ako papunta kay Artemis na nakangiti. She is holding a paper bag.

"Look! I bought a pink and blue onesies and a beanie hat!" Masayang turan nito sa amin kaya bumalik ang ngiti sa labi ko at lumapit sa kanya. Tinignan ko ang mga pinamili nito at mas lalong lumapad ang ngiti.

"Ang ganda nito." Masayang anas ko kaya naman ngumiti ito. She looks like telling me that 'of course, I am Artemis vhan Moncuedo.'

Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng mahina itong tumili.

"I'm glad that you like it. Well, of course! Ako kaya ang bumili nito." Turan pa nito kaya mahina akong tumawa habang tumatango tango telling that I agreed with what she said.

"Omg I really can't wait to teach my niece how to dress up." Bulong nito bago kumapit sa braso ko.

Me too.

"Let's go." Singit ng kuya nito kaya agad kaming lumabas. Mukhang atat na itong umuwi kaya hinayaan nalang namin total tapos naman na kami sa agenda namin dito sa mall.

"Are you tired?" Tanong nito sakin kaya naman umiling ako. Hindi ako nakaramdam ng pagod kasi sobrang saya ko. Hindi ko masukat kung gaano ako kasaya ngayon. Parang sasabog ang puso ko sa saya habang binabalikan ang nangyari kanina.

Masaya akong nakasama ko si Denrick sa pagbili ng mga gamit ng baby namin. It is one of my goal and I am so glad that I achieved it. And of course, Masaya din ako dahil malaya ko syang nasisigawan. Well, I am planning a revenge for him. I just want to get tie with him.

Ang saya lang dahil makakaganti na ako sa kanya. I think he won't mind it thinking it is just my mood swings. At least kahit paano ay nakaganti ako sq kanya sa pagsigaw sigaw nito sa akin noon. Maybe gusto din ni baby na iganti ako sa daddy nya.

Humanda ka Moncuedo dahil matitikman mo ang bagsik ng isang api!

***WRITTEN BY STRINGLILY***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status