Share

CHAPTER 25

CHAPTER 25- SHOPPING

MARIA

Sa nakikitang kasiyahan sa mga mata nya ay biglang nanumbalik sa aking isip ang mga scenario sa loob ng opisina dati. How he always has this stoic face, and how he shouted. All of that flashes in my mind. Minsan para syang robot na gumagalaw lang. And when you look at his eyes? You can see the dead man. It has no life, and at first, I ask myself why? Why does he have that kind of eyes? Hindi ko aakalain na makikita ko ang mga mata nito na kumikinang. At doon ko masasabing mas gumanda pa ang mga mata nito pag may buhay.

"So Maria as I've said. The baby is healthy but that doesn't mean na kailangan mo ng magpabaya okay? Always follow lang ang mga binigay ko sayong guide and drink your vitamins." Turan ng Doktora kaya napatango ako.

Matapos nitong ibigay lahat ng instructions ay nagpaalam na kaming umalis. Tumango naman ito at inihatid kami sa labas ng clinic nya. Nang makalabas kami ay agad umangkla sa akin si artemis na agad sinaway ng kuya nya.

"Artemis baka mabigatan si Maria sayo. Alisin mo ang kamay mo alam mo naman na buntis sya." Saway ni denrick sa kapatid nito kaya natatawang umiling ako. Hindi naman kasi sya over protective e no?

Natawa ako bago umiling. "No, it's okay. Hindi naman mabigat." Sabi ko kaya inirapan ito ng kapatid. 

"Over protective." Bulong pa nito na panigurado namang narinig ng kuya nito. Umiling na lamang si Denrick na nasa likuran namin. Napahagikhik ako sa sinabi nito dahil totoo naman ang lahat ng iyon. His is so over protective. And honestly, it sent thousands of butterflies in my stomach. 

"We will going to buy some baby stuff Ate Maria! And of course we will shop some clothes for and for me!" Excited na turan ni Artemis at nandoon na naman ang pagniningning ng mga mata nito na syang ikinangiti ko. Basta gastos talaga ay sobrang saya nito. 

"Marami ng mga gamit si baby pero sige." Ani ko kaya nagtaka ito.

"Huh? Did you buy already? Why didn't you tell me? Sana sinamahan kita." 

Kita ko ang pag nguso nito sa isipin na hindi ito sinama ng mag shopping. She is really a shopaholic.

Umiling ako sa tinuran nito.

"Ah hindi. Si denrick ang bumili." Sagot ko kaya nawala ang pag nguso nito at napatango.

"Masyadong excited si kuya." Bulong nito at inirapan pa ang kuya nito. Napahagikhik nalang ako dahil kanina pa nito kinokontra ang kuya nya. Maybe she is still irriated because her kuya joined us when she said it is supposed to be a girls bonding. 

Nang makasakay kami sa sasakyan ay palagi nitong iniirapan ang kuya nya na tahimik lamang na nagdadrive. Napatawa nalang ako sa inasta nito at napailing na ibinaling nalang ang tingin sa labas ng bintana.

Kahit na ganoon ang akto nito ay masasabi kong may respeto pa rin ito sa ibang tao. Yes, she is spoiled pero hindi sya yung tipo ng tao na mang aalipusta ng taong sa tingin nila ay mababa sa kanila. 

Bumalik sa isipan ko ang babaeng pumunta sa opisina ni Denrick. Speaking of her, she didn't attend our engagement party and I don't know why. Siguro dahil ayaw nitong mainggit kaya hindi sya dumalo. Gusto ko nalang mapangisi habang iniimagine ang mukha nitong naiinis.

I have so many experience with rich people who always belittle the poor people. Siguro kailangan ko ng sanayin ang sarili ko. But also, I should be thankful na hindi ganoong klase ng tao ang pamilya ni Denrick. Hindi sila tumitingin sa panlabas na kaanyuan at sa katayuan mo sa buhay kundi sa panloob mo na pag uugali.

Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa mall. Akmang hahawakan na sana ako ni Denrick ng mahina akong hinila ni artemis palapit sa kanya bago binelatan ang kuya nyang bumuntong hininga dahil sa inasal nito. 

"Girls bonding kasi eh pero nandito." Bulong nito sakin kaya napahagikhik ako. Kanina pa talaga ito nairita dahil sinira ng kuya nya ang supposed to be na girls bonding namin. Naiintindihan ko naman kung bakit takot ang kuya nya na iwan akong mag isa kasama nya sa mall. Siguro dahil iyon sa nangyari last time na takot na takot talaga ako dahil akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya.

I remembered that day when Sir Dark called him if he already saw Artemis. Nang sabihin ni Denrick na wala pa ay pumunta ito dito sa mall at tumulong na maghanap. Noon ay hindi ko pa naisip na may relasyon na sila.

As what I have expected earlier, agad kaming pumasok sa mga botique na natitipuhan nito. She would pick a dress for her and for me. She usually choose a maternity dress for me which I like. Hindi ako nag complain sa mga pinipili nito dahil agad kong natitipuhan ang mga iyon.

Lahat ng binibili namin ay pinapabitbit nya sa kuya nya. Ang ending ay nakasimangot na ito ngayon habang bitbit lahat ng pinamili namin. Tutulungan ko naman sana sya kaso hindi ito pumayag at pinigilan naman ako ni Artemis bago irapan ang kuya nya. 

"That's your purpose here." Turan pa nito sa kuya at iginiya na ako sa sunod na namang botique.

"This is lit!" Tili nito habang hawak ang isang daring na dress na kulay pula. Gusto kong ngumiwi dahil sobrang revealing nito pero mukhang nagustuhan talaga nito iyon dahil nagniningning ang mga mata nya.

"Bagay sa'kin diba Ate Maria? Bibilhin ko to." Sabi nito at akmang babayaran na sana sa counter ng pigilan ito ng kuya nya.

"Don't you ever wear that kind of clothes." Banta nito sa kapatid at tinignan ito ng seryoso sa mga mata. Umiling iling na lamang ako at iniwan sila doon. Alam ko naman na mag babangayan na naman sila kaya para iwas stress ay umalis na lang ako doon.

Minsan over protective na ito sa kapatid tulad nalang ng ayaw sya nitong pagsuotin ng over daring na damit at tingin ko ayos lang naman iyon. I even find it sweet. Ako kasi ay never nagkaroon ng kuya kaya hindi ko naexperience ang ganoong bagay. Ibig sabihin lang kasi noon ay mahalaga ka sa kanila at ayaw ka nilang mapahamak. 

Tumingin tingin ako sa mga dress na nandoon at aaminin ko na marami akong nagustuhan kaso ng tignan ko ang presyo ay napapaatras na lamang ako. My gosh! Isang dress lang 2,000 pesos na? Ay naku pang isang buwan ng allowance nila nanay yun sa probinsya.

Agad kong binalik ang damit na iyon sa rack at naglibot libot pa pero lahat ng natitipuhan ko ay binabalik ko din naman. Nasasayangan kasi ako sa pera na magagasto ko dahil isang damit lang naman iyon pero worth na ng isang buwang allowance sa pamilya ko sa probinsya.

Sa kakalibot ko ay may nakita akong isang dress na nakaagaw talaga ng atensyon ko na para bang sinasabi na kunin ko na sya. Agad ko naman itong nilapitan at ang una kong ginawa ay tignan ang presyo. Ganoon na lamang ang panlulumo ko ng makitang sobrang mahal nito. 

Napabuntong hininga ako at napagpasyahan na sanang umalis ng may nagsalita sa likuran ko. 

"Bakit hindi mo binili? Bagay kaya sayo."

Natuon ang tingin ko sa lalaking hindi ko kilala na nakatayo sa may likuran ko. Nakangiti ito sa akin pagkatapos ay bumalik sa dress na tinitignan ko kanina. Tinignan ko naman ang dress bago ngumuso.

"Hindi ko naman na iinisip kung bagay sa akin dahil panigurado ako na bagay iyon. Ang sa akin lang ay ang presyo." Tugon ko dito kaya napangiti ito.

"Sobrang honest mo." Aniya na may halong pagkaloko ang tinig.

"Alam ko naman iyon. Sabi nga nila, Honesty is the best policy." Ani ko kaya natawa ito.

"You are so funny." Natatawa nitong turan kaya napangiti ako.

"Yeah I know that my personality is really funny but my face is not." Nakangiting turan ko kaya mas lalo itong natawa. 

"You are one of a kind. By the way I am Miguel Guzman. How about you?"

"I'm Maria Isabella---"

"Moncuedo." 

Napalingon ako sa taong nakayapos na ngayon sa bewang ko. Kumunot ang noo ko ng makita si Denrick. Nagtaka ako ng makitang mukhang masama ang templa nito. Umiigting ang mga panga nito at sobrang dilim ng mga mata nya.

"So you are a Moncuedo?" Tanong ng lalaki kaya napatanga ako. Moncuedo? Maybe soon to be pero hindi pa ako moncuedo---

"Yes she is." Sagot ni Denrick sa matigas na tono. 

Lumunok naman ang lalaki bago ako balingan ng tingin.

"Oh is that so? A-ah so yeah nice to meet you Maria." Anito bago ngumiti sa akin at tumalikod na. 

Nagtaka naman ako sa kinilos nito sa harap ng lalaki. Kumunot ang noo ko at tinanong sa sarili kung kailan pa ako naging Moncuedo.

"Let's go. You need to eat. It is 6 pm already." Seryoso nitong turan at tamang tama naman na dumating si artemis at umangkla sakin.

"I smell something awhile ago." Anito kaya kunot noo ko syang tinignan. 

"I smell jealousy." Maloko nitong turan kaya namula ang pisngi ko. Jealousy? Kanino? 

Hindi ko na lamang pinansin pa ang sinabi ni Artemis at sumunod na lamang sa restaurant na mapili nito. Nang makapasok kami ay agad kaming pumili ng pwesto at ang napili nito ay ang malapit sa bukana ng restaurant. 

Dahil self-service and restaurant na napili nito ay ang kuya nya ang pinapunta nya sa cashier. Alam ko naman na pinapahirapan lang nito ang kuya nya dahil sa paninira nito ng bonding daw namin.  Marami ang pumipila kaya alam ko na naiinis na ang kuya nya at wala lang magawa dahil dito napili ng kapatid nya at alam din nito na nagugutom na ako. 

Napanguso ako ng makitang medyo malayo pa sa pila si Denrick at ng balingan ko naman si Artemis ay nasa cellphone naman nito ang pansin. Bumuntong hininga ako at kinuha ang atensyon nito. May gusto kasi akong itanong at hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil sobrang nacurious ako.

"Artemis, can I ask something?"

Tumango naman ito at nag angat ng tingin.

"Go on Ate M. Ask me anything." Aniya kaya tumikhim ako.

"Well, I am just curious about what happened to the girl that Denise crashed into?"

Bumuntong hininga ito.

"As I can remember, she fell into a coma. And she is confined in the hospital for 8 months." She answered. Kumunot ang noo ko at may isang tanong pang bumabagabag sa akin. 

"Nagkita na ba si denrick at ang babaeng nasagasaan?" Tanong ko ulit at tumango naman ito.

"Naalala ko pa na kinondisyon sya ni kuya na kami na ang mag shoshoulder sa lahat ng babayarin nya sa ospital at sa iba pa nitong mga kakailanganin." Sagot nito kaya tumango ako at nahulog sa malalim na pag iisip. Well, I am just really curious about his reaction when he saw that girl. The girl who is one of the reason why his love was taken from him.

**Written by stringlily**

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status