Share

HTBS 19:

Lilac

"May pupuntahan ba kayo ngayon?" tanong sa akin ni Seve pagkababa namin ni Lucas. Nauna kasi itong nagising at nagluto na ng almusal namin.

"Oo, may importante kaming lakad. Ang gwapo mo pala sa pink na apron," natatawa kong asar sa kanya. Umiling-iling naman ito na lumapit sa amin. Hinalikan nito sa pisngi si Lucas at saka ginawaran rin ako nang halik sa labi pagkatapos.

"Mas gwapo pa rin ako kay Papa, Mommy!" reklamo ni Lucas at nagpabuhat sa akin, Ngumiti ako at kinarga siya. Kinurot naman ni Seve ang pisngi nito at pinaupo na kami, para makapagsimula ng kumain.

"Saan kayo pupunta, Lily?"

Napatulala ako sa tanong ni Szellous, ngayon pa lang kami nagkakaayos. Magagalit ba ito kapag sinabi ko sa kanya na may gagawin akong ikakabagsak ni Jonalyn? Paano si Lucas makakaya ba nito mamaya ang mata ng maraming tao? Mga matang man

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status