Share

CHAPTER 5: Do you know my father?

Maaga pa lang ng mag-asikaso si Wynter at tinulungan siya ng mga katulong sa bahay na maghanda ng pagkain para sa mga trahabador na kinuha ni Olivia. Ang iba rito ay mga kakilala ng dalaga at ang iba naman ay mga nakatira malapit sa subdivision ng bakery na binili ni Wynter. 

Sa pagkakataong ito, siya ay hindi makapagpokus dahil si Neon ay hindi umaalis aa tabi niya at panay ang sunod. Kaya naman nagawang niyang lingunin ang anak at saka pinandilatan niya ito ng mata. 

"Neon, what did I say? Diba sabi ko sa iyo kahapon na hindi ka pwedeng sumama sa akin hanggat hindi pa tapos ang shop," paliwanag ni Wynter, pero hindi ito sumagot at talagang nakahawak lang sa damit niya. Napatingin tuloy si Wynter sa mga katulong na nakangiti sa kanila. 

"Bakit hindi mo na isama? May lakad din kami ngayon at sa tingin ko ay ayaw rin ni Neon na maiwan sa bahay kasama ang mga katulong. Kung ako sa iyo ay isama mo na 'yan," sabat ni Jeremiah at dahil hindi naman kayang tiisin ni Wynter ang anak, agad niya itong binuhat at saka sinenyasan ang mga katulong. 

"Pakilagay na lang 'yan sa kotse at isasama ko na 'tong si Neon. Mag-iingat kayo, dad!" masayang sigaw ni Wynter ng makalabas siya sa bahay at sumakay sa kotse. 

"Ayoko ng malikot okay?" At tanging pagtango lang ang natanggap niya sa anak. Kaya naman ng mailagay na nila ang lahat ng plastic na may iba't ibang laki ng tupperware, sila ay umalis na. Sa byahe pa lang ay nag-iingat na si Wynter dahil may kasama siya at nakakahinga naman siya dahil hindi naman malikot ang anak niya. 

Kasabay no'n ang pagtunog ng kanyang cellphone at ng kuhanin ito ni Wynter, nakita niya ang numero ni Samuel. "Ma'am Wynter, goodmorning." 

Napangiti naman siya sa kanyang nabasa dahil natandaan niya na ganito ito noon pa. Hindi naman ito nagawang replayan ni Wynter dahil siya ay nagmamaneho at lumipas ang isang oras, siya ay nakarating na rin sa shop niya. 

"Nandito na si ma'am!" sigaw ni Olivia at saka itinuro ni Wynter ang likod ng kanyang kotse at binuksan naman ito ng mga kalalakihan at kinuha ang mga plastik na naglalaman ng iba't ibang pagkain. 

"Kumain muna kayo bago magsimula," saad ni Wynter at saka naalala niya si Neon, kaya naman binuksan niya ang isang pinto ng kotse at binuhat ito. 

Halos lahat siya ay namangha ng makita si Wynter na may bitbit na bata. Hindi na nagtaka si Olivia dahil nabanggit ito ni Wynter sa kanya, kaso ang problema lang ay hindi niya inaasahan na gano'n ang itsura nito. Para itong isang artista at talagang napakagwapo. Bigla tuloy naisip ni Olivia, kung sino ang ama nito at talagang masasabi rin na gwapo. 

"Meet my son, Neon." Ipinakilala ni Wynter ang anak at nakangiti naman ang lahat kay Neon, kaso ang problema lang ay seryoso lang ang mukha nito at hindi nagbibigay na kahit na anong emosyon. Mukhang nahalata naman ito ng iba at saka umiwas. 

"P-pagpasensyahan n'yo na si Neon. Hindi kasi talaga siya mahilig magsalita. Kung siya ay malungkot o masaya ay gan'yan lang ang emosyon niya. Pero masaya siya na makita kayo, diba?" tanong ni Wynter at saka tumango naman si Neon. Kasabay no'n ang pagbuntong hininga nila dahil kinabahan sila na baka hindi nila makausap ng ayos si Neon sa sobrang seryoso ng mukha nito. 

Habang abala ang lahat sa pagkain ng mga pagkain, si Wynter ay napatingin kay Olivia na kanina pa nakatingin sa anak niya. Kaya naman nagawa niya itong lapitan at saka tapikin ang braso. 

"Olivia, ayos ka lang ba?" Sabay nagulantang naman ito sa paggulat ni Wynter sa kanya. Tumayo ito nang tuwid at saka panay ang tango. Nakaramdam bigla ng hiya si Olivia ng dahil sa ginawa niya. 

"Pasensya na kayo, ma'am Wynter. Si Neon kasi ay pamilyar sa akin at parang may kamukha siya." 

Biglang kinabahan si Wynter sa kanyang narinig at saka ilalayo na sana niya si Neon para hindi marinig ang sasabihin nito, pero huli na ang lahat at binanggit na nga nito ang pangalan. 

"Kamukha niya 'yong billionaire na si Leonel Remington. Magkaparehas sila ng mata at muk—" hindi na naituloy ni Olivia ang nais niyang sabihin ng panlakihan siya ng mata ni Wynter. 

Kasabay no'n ang pagdating ni Samuel at may ngiti ito sa mga labi dahil masaya talaga siya na makita ang dating kasintahan ng kanyang boss. Kaso laking gulat ni Samuel na makita niya si Neon at talagang hindi siya makapaniwala, dahilan na makalimutan niya ang mga tao sa paligid. 

"I-ito na ba ang anak ni boss Leonel?" tanong ni Samuel at napasapo sa sintido si Wynter. Hindi niya alam ang gagawin dahil dalawang beses ng nakarinig si Neon ng tungkol sa ama niya. Kaya naman hindi tuloy maiwasan na magsalita si Neon. 

"Do you know my father?" seryosong tanong nito at nagawang hilahin ni Wynter si Olivia at Samuel na pumasok sa loob ng bakery shop. "Neon, do not go anywhere okay? I'll talk to you later."

Medyo lumayo si Wynter sa anak at nakaupo lang ito ng daretso sa upuan at nakatingin sa kanila. Ang dibdib niya ay hindi matigil sa pagtibok at kinakabahan siya, lalo na nakarinig ito ng tungkol kay Leonel. 

"Samuel, hindi alam ni Neon kung sino ang ama niya. Kaya h'wag mo na munang banggitin si Leonel at baka mahirapan ako," pakiusap niya at nang mapatingin si Wynter kay Olivia ay bakas ang pagtataka nito. 

Kaya naman hinawakan niyang maigi ang kamay nito at saka nakiusap, "Olivia, kung ano ang sinabi mo kanina ay 'yon ang ama ni Neon. Gusto ko lang na malaman mo na hindi kami okay ng tatay niya at saka ayokong magpakita sa kanya. Kaya tulungan n'yo ako na h'wag malaman ni Leonel ang tungkol dito." 

Hindi nagsalita si Olivia, pero panay ang tango niya. Siya ay gulat na gulat na malaman na may relasyon ang isang sikat na bilyonaryo sa babaeng nasa harap niya. Hindi niya alam ang sasabihin dahil na rin sa gulat at saka masaya rin si Olivia na makilala si Wynter at si Neon. 

"Makakaasa po kayo," masayang saad ni Olivia at ginantihan naman ito nang ngiti ni Wynter. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status