Share

CHAPTER 4: Not ready

Sa kalagitnaan ng kainitan ay may isang taong hindi maipinta ang mukha. Iba-iba ang emonsyon ng bawat tao na nasa kwarto at kahit na hapon na ay may kakaiba pa silang nararamdaman. Tila mainit kahit naka-aircon naman. 

Kanya-kanyang lunok nang mga laway ang mga ito at hindi nila magawang maging pokus sa proyekto na kanilang pinag-uusapan at hindi sila makatingin dito ng daretso dahil bigla nga itong nagbago. Ang pagiging seryoso nito ay mas lalong naging triple. Kaya naman ang tahimik na kwarto ay mas lalong nakakabingi.

"Did you see Samuel?" tanong ni Leonel habang tahimik ang buong kwarto. Kaya naman kahit nagulat ang lahat ay nagpatuloy pa rin ang mga ito sa pagdiscuss ng proyekto. 

"N-no sir," sagot ng isa sa mga naririto at napasingkit naman ang mata ni Leonel. Simula kaninang umaga ay hindi pa ito bumabalik, kahit na inutusan lang niya itong maghanap ng makakain at alas-tres na pero wala pa rin ito. Kaya naman hindi maiwasan ni Leonel na magtaka dahil ngayon lang ito naging ganito. 

Makalipas ang dalawang oras ay natapos din ang meeting ni Leonel. Siya ay tumayo lang bigla at naglakad palabas ng kwarto at ang mga tao sa loob nito ay kanya-kanyang punas ng kanilang mga pawis at panay ang habol hininga. Para silang hinabol ng isang tigre at kinakabahan nanaman sila sa susunod na meeting. 

Samantalang si Leonel ay pumasok sa kanya opisina at wala siya sa mood. Palagi naman itong ganito simula nang mawala si Wynter. Kaya naman punong-puno siya ng galit sa dalaga at hindi niya alam ang gagawin kapag nakita niya ito. Hanggang sa napatingin na lang siya sa pinto, dahil bumukas ito bigla. 

"B-boss," tawag ni Samuel na kadarating lamang at may dala itong tatlong plastic na may lamang pagkain. "Pasensya na kayo at ngayon lang ako. Nagkaroon lang ng problema sa bahay at kinakailangan ako. Kaya hindi na ako nakapagchat sa inyo." 

Nagawang magsinungaling ni Samuel at hindi siya makatingin kay Leonel. Takot na takot siya sa asul na mata nito kahit na sobrang gandang pagmasdan. Damang-dama kasi niya ang inis nito dahil inabot na siya nang hapon, pero nakahinga si Samuel nang maluwag sa narinig niya. 

"Okay," simpleng sagot ni Leonel at hindi nito kayang paghinalaan ng hindi maganda si Samuel, sapagkat matagal na niya itong sekretarya at kilala na niya ito. 

Kaso nagkakamali si Leonel. Ano na lang ang gagawin ni Leonel kapag nalaman niya na limang taon siyang niloko ni Samuel at inilihim na wala siyang alam kung nasaan si Wynter? 

"I need to go. Ikaw ng bahala d'yan." Turo ni Leonel sa plastik na dala ni Samuel at saka umalis. Hindi na siya kumain pa dahil kanina pa siya inis na inis ng dahil sa ina niya. 

"I hate this fvcking marriage," mura niya at saka inis na umalis sa harap ng kanyang kumpanya. 

Sa loob nang limang taon, si Leonel ay hindi talaga nagbago. Kahit na kasintahan niya noon si Wynter ay ayaw talaga niya na magkaroon ng pamilya. Kaya nga kahit kailan ay hindi niya naisipan na magpropose kay Wynter, pero ng ito ay mawala na parang bula, si Leonel ay mas lalong nainis sa dalaga. Gusto niyang maghiganti kung sakaling makita niya itong muli at iparamdam ang sakit na naramdaman niya hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya. 

Kaya naman ng makauwi sa hacienda si Leonel, isang hindi magandang salita ang narinig niya sa inang si Lousiana Remington.

 "Leonel Remington! How many times do I have to tell you na h'wag mong iwanan si Dayana kapag magkasama kayo. Sobrang tigas na lalo ng ulo mo, Leonel. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto mo. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ka iniwan ni Wynter." 

Dahil sa narinig ni Leonel, ang kanyang inis ay mas lalong naging triple. Bukang bibig nito palagi si Wynter at siya ang laging sinisisi nito ng dahil sa pag-alis nito at kahit isang anino ay wala silang nakita. 

"Don't you dare say her name, mom. She left me behind and do you still like her?" inis na tanong ni Leonel at inirapan lang siya nito. 

"Wynter is a good woman. Your father, Hendrix, likes her as well. Then do you think I would believe you that she left without any reason? Maybe because of your attitude."

Pero natigilan din ang ina ni Leonel na magsalita dahil biglang dumating si Hendrix, "That's enough, Lousiana. Ang kailangan nating gawin ay ayusin ang kasal niya sa makalawa. Wala na tayong magagawa dahil limang taon na rin ang nakalipas. Kaya kung nasaan man siya ngayon ay sigurado ako na may dahilan 'yon." 

Kahit isa sa kanila ay walang nagsalita. Hindi pa rin kasi tanggap ng pamilya at lalo na ni Lousiana na umalis at nawala ng parang bula si Wynter. Inaasahan kasi niya na may plano na ang dalawa para magpakasal at bumuo ng pamilya. Kaso sa hindi inaasahan, silang lahat ay nagising na lang isang araw at wala na ito. 

"Fine, but I'm telling you... you better listen to me this time, Leonel. Ayoko ng ulitin pa ang mga sinasabi ko sa iyo at umayos ka at ayokong mapahiya sa kasal mo. Bukas na bukas ay tumigil ka rito sa bahay at hindi ka papasok. Puro na lang 'yan ang nasa utak mo, kahit nalalapit na ang kasal mo at trabaho pa rin ang nasa isipan mo. My god! Hendrix. Pagsabihan mo 'yang anak mong magaling kung hindi ay makakarinig talaga kayo ng hindi maganda sa akin." 

Hindi na nakasagot si Leonel dahil wala naman siyang laban sa ina. Naiinis man siya na marinig ang sermon nito, pero hinayaan na lamang niya. Ang tanging ginawa niya ay agad umakyat sa pangalawang palapag ng bahay at pumasok sa kanyang kwarto. Siya ay humiga agad at nakaramdam ng pagod. Ang imahe ni Wynter ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya at hanggang ngayon ay soolo pa rin niya ang mga ngiti nito at kung gaano talaga ito kaganda. 

"I hate you, Wynter. I hate you." Paulit-ulit itong sinasambit ni Leonel hanggang sa makatulog ito ng mahimbing. Napagod na ito sa sobra niyang pag-iisip at hindi pa nga siya handa sa kasal na gaganapin sa makalawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status