KABANATA 4.1
My tears have no plan to stop from falling. An overflowing liquid from my eyes through my cheeks down to my chin is full of pain. I felt numb inside my upper right chest, everytime I cries parang pinipiga ang puso ko, hinding hindi ko maipaliwanag ang sobrang kirot nito.
Kada hugot ko ng lakas para makahinga ng maayos ay kasabay naman nito ang paghapdi ng puso ko na para bang nagagasgasan kapag hihinga ako at ididiin ang aking kamay sa aking puso. Sa murang edad ko, ito na yata ang pinakamasakit na naramdaman ko.
Kung ako siguro ang tatanungin, mas masakit pa siguro ito kay sa sa ibang dahilan. Ang sakit lang talaga, na akala mong pamilya mo ang siyang tatanggap at magmamahal sa'yo ng tunay. Ay siya naman pa lang sisira at ikakahiya ka pa sa ibang tao.
Kanina pa ako pinapatahan nitong si Greta sa likuran ko gamit ang kamay niyang inihahagod sa aking balikat pababa papuntang likuran.
"Tumahan ka na Triah, baka hindi ka na naman makahinga niyan ng maayos." nag-aalala ang boses na pagkasabi ni Greta.
Suminghot na muna ako, pero hindi na nga maayos ang paghinga ko dahil sa naninikip ang ilong ko dahil sa labis na pag-iyak.
"P-Paano b-ba a-ako tatahan G-Greta, p-para akong pinagsakluban ng langit at l-lupa. Para akong tinraydor ng sariling imahinasyon. Na akala ko kaya ako hindi pinapasama sa mga roadtrips dahil nag-aalala sila sa akin. Pero ang totoo pala, ikinahihiya nila ako, sana pala...hindi na lang ako ipinanganak." madamdamin kong pag-amin sa tunay kong nararamdaman ngayong araw.
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak, inaalala ang mga salita ni Trisha kanina. Ganoon ba talaga nila ako ikinakahiya? Ano bang kasalanan ko? Kasalanan na bang maging ganito? Sa pagkakaalam ko, hindi naman kasalanan magkaroon ng ganitong pangangatawan.
Naputol naman ang pag-iyak ko dahil sa padabog na pagkabukas ng pintuan sa aking silid.
"Mom, anong-"
Nagmartsa naman si Mommy palapit sa akin na parang galit na galit.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mong bata ka!" sinabunotan naman ako ni Mommy sa buhok.
Nakikita ko si daddy na inaawat niya si mommy pero hindi niya nagawang awatin.
Samantalang si Trisha naman ay prenteng nakapulupot ang dalawang braso sa kanyang dibdib at naka-snob pang nakatingin sa gawi ko.
"Mom, n-nasasaktan a-aray mom, mom." nagsimula na namang magsilabasan ang aking mga luha dahil sa sobrang hapdi ng anit ko sa pagkasabunot ni mommy.
"Nasasaktan ka?" hinigit ni mommy ang buhok ko at bahagyang hininto ang pag-alog ng aking ulo pero itinataas niya ang buhok ko kaya naitaas ko rin ang katawan at ulo ko para hindi masyadong masakit sa anit ang pagkahila.
"Iyan lang ang nababagay sa 'yo! Ang tigas kasi niyang bungo mo! Inaayos kitang pinagsabihan kanina na huwag na huwag kang lalabas nitong silid mo. Pero ano? Ha?" habang nanggigigil si mommy sa pagsermon sa akin ay walang tigil namang pag-taas baba ni mommy ng buhok sa ulo ko. Ang sakit-sakit na talaga sa anit nang ginagawa niya.
"Pero anong ginawa mo? Sinuway mo kami. Kung hindi lang nagsumbong ang kakambal mo sa akin ay hindi ko pa malalaman." napatingin naman ako kay Trisha pero inismiran niya lang ako. At tumingin rin ako kay daddy at nanghihingi ako ng tulong sa kanya. Pero wala rin akong natanggap na tulong.
"Sumagot ka!" nakikinita ko na ang litid ni mom sa sobrang pagalit niyang sigaw sa akin.
"P-Pinuntahan k-ko l-lang naman p-po- aray mom." nahila naman ni mommy ang buhok ko. Kaya sinaway siya ni daddy.
"Ano ka ba hon, nagsasalita pa ang anak natin oh." ani daddy.
Pinandilatan lang ako ni mommy ng kanyang malalaking mata.
"Masakit? Bakit? Hindi mo ba ito naiisip noong pinaalalahanan kita kanina? Hindi mo ba naiisip ang maari kong gawin sa 'yo kapag sinuway mo ako? Ano na ngayon? Aarte kang nasasaktan ka? Alam mo kung bakit buhok ang tinitira ko sa 'yo?" gigil na gigil talaga si mommy na galit sa akin.
Para akong nisino lang na pinagmamalupitan. E, kung tutuosin anak pa rin naman nila ako. At kakambal ako ng anak niyang paborito. Oo tinatanggap ko ng paborito niya nga siguro si Trisha. Ay mali. Nila pala...nila ni Daddy.
"B-bakit p-po?" wala na akong lakas pang manlaban.
"Kasi…Alam kong talo ako, kapag sa katawan mo ako magpa-punching bag. Dahil hindi ka naman siguro tatablan kapag susuntokin kita. Dahil magba-bounce lang naman ang kamay ko riyan sa taba mo. Nakakangilo ang taba mo." nahinto siya saglit sa mga panlalait.
"Sa buong buhay ko. Nagsisisi ako kung bakit naging kambal ang anak ko. Ah mali pala, okay lang pala kung kambal. Pero sana naman, pareho sana ni Trisha na sexy, maganda at matalino." sigaw niya sa mukha ko.
"Matalino naman po ako mom ah,"
"Ha? Oo matalino ka. Matalino ka lang!" ani mommy.
"Sana hindi ka na lang lumabas sa tiyan ko! At sana, wala akong kahihiyang dala-dala kapag sinasabi ng mga tao sa paligid na bakit ang taba ng anak ko. Pwe! Alam mo anong sagot ko sa kanila?" she asked.
"Pinaglihi kita sa baboy. Baboy ka kasi. Baboy!"
Dahil siguro sa sobrang napuno ako sa inis at pagkapahiya sa sarili ay naihagis ko ang kamay ko papunta sa katawan ni mommy kaya napatilapon si mommy pabagsak sa sahig.
"Ahh!" paimpit na daing ni mommy habang nakaupo sa sahig at akay-akay ni daddy.
"Rick! Patayuin mo 'ko! Nanggigigil ako sa matabang batang ito!"
"Nalissa, kalma ka lang kasi. Anak mo pa rin naman si Triah,"
"Kalma? Rick? Bulag ka ba? Ibinalibag ako ng anak mong iyan. At isa pa! Paano akong kakalma kung wala ngang respeto ang batang iyan."
"Ikaw! Kung ako sa 'yo. Magligpit-ligpit ka na at pwede ka ng umalis sa pamanahay na ito."
"Nalissa!"
"Rick! Alam mo kung anong ugaling mayroon ako. Kung ano ang lalabas sa bibig ko. Iyon na iyon. At ikaw na sa iyo na kung tutulongan mo ang anak mong iyan. Basta ang gusto ko. Hinding-hindi ko na makikita ang matabang babaeng iyan!"
"Ikaw! Umalis ka na, at huwag na huwag mong tangkaing umuwi rito a bahay. Dahil wala ka ng puwang sa pamamahay na ito. At baka sa pag-alis mo. Papapayat ka na."
"Nalisa!" sigaw na tawag ni daddy habang hinahabol niya si mommy sa paglabas ng aking silid.
Nagpaiwan naman ang kakambal ko.
"Paano ba 'yan Triah, mukhang papayat ka na talaga siguro in the future. Ingat ka sa journey ng buhay mo. Send my regards sa mga street persons kapag lalayas ka na, bye-bye twinnie." at kinindatan pa ako ng demonyita!
Hindi ko naman namalayang pumasok na rin pala si Aling Milan kasama si Greta sa loob ng silid ko. At inaalo ako.
"Hija, naku...tumahan ka na," sabay hagod ni Manang sa likod ko. Napaiyak na naman ako sa mismong damit ni Manang dahil sa pagyakap niya sa 'kin. Pati si Greta ay nakikiyakap na rin sa akin.
"Triah, anong plano mo na ngayon?" malungkot na usal ni Greta.
"Nay, baka may magagawa ka po para matulungan si Triah, kawawa naman po ang kaibigan ko. Wala siyang matutuluyan. Baka naman po, roon na lang muna siya sa atin sa probinsya, mas mabuti roon dahil may kasama ang mga hayop natin. At mga pinsan ko." tumingin naman ako sa mukha ni Manang pero nababakas ba rin ang sobrang pagkalungkot niya sa nangyari.
"Anak Greta, gustuhin ko man pero hindi pwede, Triah...pasensya ka na hija, gusto kong patuluyin ka sa bahay namin sa probinsya pero. Pinagtangkaan kaming isisante kapag. Nalaman niyang isa sa amin ang tumulong sa 'yo. Pasensya ka na talaga Triah, anak.”
May nagbabadyang mga luha na rin sa likod ng kanyang mga mata. Sa kaunting pikit lang ay masisibagsakan na.
"Nay,"
KABANATA 4.2"Greta, manang. Marami na po kayong naitulong sa akin. Huwag kayong mag-aalala dahil hinding-hindi ko kayo makakalimutan. At lagi ko kayong dadalhin sa puso't isipan ko. Naiintindihan ko naman po kayo Manang, mas mabuti nga pong mas sundin ninyo si mom dahil siya ang nagpapasahod sa inyo. Manang, Greta...h
KABANATA 5.1Esravien Fuenteciville, sounds great. Mamahalin kung pakikinggan ang kanyang pangalan. Pero paano nangyaring naging isang trabahador lang siya sa mismong palaisdaan nila mom at dad?
KABANATA 5.2"Kung ako sa 'yo h'wag mo ng tangkaing hawakan ang baba mo, malilito ka lang kung nasaan banda ang baba mo. Tsk." aalis na sana siya nang pinigilan ko ito."Nang-iinsulto ka ba kuya Esrang?" dahil papaalis na sana siya kaya tanging ang likod lang niya ang nakikita ko. At nang humarap siya sa gawi ko ay nagmadali akong naupo pabalik sa aking upuan at mataman lamang na nanonood ng TV kahit hindi naman talaga nak
KABANATA 6.1"Triah? God. Triah. Jen. Nagising na si Triah. Jen." umalingawngaw sa buong silid ang boses ni Karmi. Hindi ko maalala kung ano ang nangyari kanina."What h-happened?" paunang tanung ko kay Karmi, nang biglang dinaluhan naman ako ni Jen."Oh my god. Bakit ka ba kasi iyak nang iyak kanina. Ayan tuloy nahimatay ka. Ang bigat mo pa naman." sermon sa akin ni Jen."Ano ka ba Jen, kakagising pa nga lang ng kaibigan natin. Sinisermonan mo na," awat naman ni Karmi sa kanya.Mataman lang akong nakikinig
KABANATA 6.2Nang nakaalis naman si Mike sa silid ko’y bigla kong naisip, ang dami pala talagang nangyari sa buhay ko. Sa buhay ko na nakasama ko si Esra sa isang bubong sa loob ng tatlong taon. After noon, hindi pa rin ako nakauwi sa amin. Pero naka-graduate naman ako sa highschool. At doon ko nga nakilala sina Jen at Karmi.FLASHBACK....One week had passed na kasama ko si yabang sa iisang bahay. Nagkausap na rin kami na, umakto na lang kaming hindi kami magkasama sa iisang bahay. Kung magkabanggaan man ay hindi na lang magsasalita para walang sagutang magaganap. Sang-ayon rin naman ako sa naging usapan na
KABANATA 7.1The days flies so fast, at lunes na nga. It means, this is going to be my first day in my new school. And how I wish na magiging okay ang first day ko sa araw na ito. I'm now already done and packed. Hinihintay ko na lang ang magiging kasama ko para mai-guide ako papuntang SNHS.While I’m peacefully waiting here outside the gate. Nang biglang may malakas na tunog ng isang malaking motorsiklong huminto at nakaharang sa aking kinatatayuan. At anong kinaiinisan ko? Sapong-sapo ko ang usok na nanggagaling sa motorsiklong ito. Putragis naman oh."Hoy! Kung sino ka mang nakaharang sa harapan ko. Hindi ka nakakatuwa. Anong akala mo sa 'kin? Parking area?"
KABANATA 7.2Papasok na nga kami sa loob nitong public school kagaya ng old school ko, private nga lang. Pero rito naman ay masasabi ko ring malinis naman at organisado rin ang entrance dahil may security guard na bubungad sa bawat estudyante."Hala, ang taba naman ng babaeng iyan.""Oo nga ano, bakit kasama niya si Ikee? Kaano-ano niya ba iyan?""Hala, oo nga si Ikee nga kasama niya."Hindi ko na lang pinansin pa, nakasunod lang ako kay Esra sa paglalakad. Nakahawak lang ako sa magkabilang sling ng backpack ko. At ang buhok ko ngayo'y nakalugay la
Kabanata 8May nakikiusyoso namang mga pogong estudyante sa awayang nagaganap sa aming dalawa nitong---ah, basta! Hindi ko kilala kung anong pangalan ng nilalang na ito. May lahing unggoy at tarsier yata ito. Malaki ang mga mata na halos lumuwa na idagdag mo pa ang ilong na parang nahiya kaya hindi magawang lumabas sa lungga, iyong sa sobrang pagdapa, halos wala ng butas na makikita. Gets niyo iyon? Kung hindi o sige. Pango siya!