“Ayokong makiusap sa ‘yo na mahalin mo uli ako, kahit hindi na ay ayos lang. Mamahalin pa rin kita kahit ayaw mo na.” Walang pag-aalinlangang hiniwalayan ni Lilah Daza ang kanyang dalawang taon nang kasintahan na si Alester Hernandez dahil sa pag-aakalang hindi niya ito mahal. Pakiramdam din kasi niya ay pinapaasa lang niya ito sa wala. Pero isang araw, aksidente niyang nakita si Alester na may kasamang ibang babae. Sa kanyang tingin ay nagkakamabutihan na ang mga ito. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit siya nasasaktan gayong wala naman na silang ugnayan pa ng lalaki. Huli na nang mapagtanto niya kung ano ang tunay na nararamdaman—na mahal niya si Alester at nagsisisi siya kung bakit pinakawalan niya ito nang gano’n-gano’n lang. Ano ang gagawin niya para maibalik sa kanyang piling ang lalaking minsan niyang nasaktan nang sobra? Meron pa nga bang pagkakataon na maiparamdam niya kay Alester ang kanyang tunay na nararamdaman para dito? O mananatili na lang itong masakit na aalala na habang-buhay niyang pagsisisihan?
Lihat lebih banyakKAHIT AYAW MO NA
LILAH DAZA
Laylay ang mga balikat ng bumaba ako sa aking sasakyan. Sobrang nakaka stress ang araw na ito para sa mga katulad naming fashion designer. Meron kasing paparating na fashion show at kasama ang 'Lala Boutique' doon. As a head designer and owner of the said boutique, I need to work hard as much as I could.
Mabagal ang naging lakad ko dahil sa ninanamnam ko rin ang hangin na tumatama sa aking buhok. Hindi na muna ako pumasok sa aking condo. Naglakad-lakad na lang muna ako sa parke na nasa harapan lang naman ng La Conchita Condo Units.
Napatigil ako sa aking paglalakad ng mahagip ng aking paningin ang pamilyar na pigura. He's with someone else and...
Naghahalikan sila habang ang babae ay nakasandal sa puno ng mahogany.
Wow! Nice view, tsk.
Tatalikod na sana ako bigla na lang silang napatingin sa gawi ko. Napaatras pa ako ng konti dahil sa gulat.
"Lah?" Bakas sa mukha ni Alester na hindi niya rin inaasahan na makita ako sa lugar na ito sa ganitong oras. Napatingin ako sa aking wrist watch. It's 8:23 p.m already.
At nandito pa sila? Ano 'to? Over time dating?
Napalunok ako ng makilala kung sino ang babaeng kasama niya. It's Dara Alvarez, isa ring Fashion designer kagaya ko pero nasa kalabang company siya.
Magkakilala pala sila? Kailan pa?
"Uhm... I'm sorry. Hindi ko sinasadyang disturbuhin kayo. M-auna na ako," saad ko at pilit na ngumiti sa kanilang dalawa. Ngali-ngali akong tumalikod.
"Lilah." Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o sadyang emosyonal ang pagkakasambit niya sa pangalan ko.
Gustuhin ko mang lingonin sila pero di ko na magawa pa. Nararamdaman ko ang pangangatal ng labi at tuhod ko.
Damn it! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang... Nasasaktan ako?
Napapikit ako at napakuyom. Nang nakalayo na ako sa kanila ay tsaka pa lang ako humugot ng lakas para lingonin ang lalaking minsan ding naging parte ng buhay ko.
Inaasahan ko na nakatingin siya sa gawi ko, na pinagmasdan niya ako habang papaalis pero nagkamali ako dahil sa ikalawang pagkakataon... Naging malalim ang halikan nilang dalawa.
Habang pinagmamasdan sila ay namalayan ko nalang na nagsilaglag na pala ang mga luha ko.
Shit! Umayos ka Lilah!
Nagmadali kong tinahak ang aking condo at tsaka pabagsak na umupo. Naihilamos ko ang aking palad sa mukha ko.
Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na nasaktan at umiyak ako ng dahil sa kanya.
Tumayo ako at pumasok na sa kwarto para magpalit ng damit. Pinagmasdan ko din ang aking repleksyon ng mapadaan ako sa salamin.
Am I happy now? Am I contented? Am I... complete?
Umiling ako at tsaka na pagdesisyonan kong lumabas para maghanap ng coffee shop na bukas pa. Paglabas ko ay sakto ding nakasalubong ko sina Alester at Dara. Inaalalayan ito ng lalaki na para bang anumang oras ay matutumba ito.
Napasinghap ako ng mga ilang beses bago pa nila ako nakita. Ngumiti ako ng pilit.
Nandito din pala sa building na ito ang lungga ng babae kaya malamang sa malamang ay araw-araw ko silang makakabangga dito.
Sumisikip ang dibdib ko sa hindi ko mawaring dahilan.
Nakalimutan ko kung ano ang pakay ko sa labas. Para akong tangang nakatayo lang hanggang sa malagpasan nila ako. Nawalan ako ng ganang kumilos pa dahil sa dalawang magkasunod na eksena nila na nasaksihan ko.
Hindi ko alintana kung ilang minuto akong nakatayo lang at nakatingala sa kalangitang hindi napuno ng mga bituin.
"Lah? Nandito ka pa rin? Gabi na, magpahinga ka na." Hindi ako lumingon o kumilos man lang, ninamnam ko ang boses niyang halos isang linggo kong hindi naririnig mula ng...
Mula ng makipaghiwalay ako sa kanya.
Damn! Stupid Lilah Daza! Wala kang karapatang masaktan dahil first of all, ikaw ang naunang nakasakit.
Tila umalingawngaw bigla sa aking pandinig kung paano siya nakiusap na huwag ko siyang hiwalayan. Kung paano niya hinawakan ang kamay ko para pigilang akong umalis. Kung paano siya tumangis dahil sa sakit.
Dalawang taon ang sinayang ko. Pero hindi iyon ang mas pinagsisihan ko kundi ang pagpakawala ng taong kasama ko sa loob ng dalawang taon na iyon.
Bakit ko nga ba pinakawalan ang isang Alester Hernandez?
"Uhm... Coffee?" Iyon lang ang nasambit ko. Pinakatitigan niya pa muna ako.
"Gusto kitang samahan lalo pa at gabi na pero madami pa akong trabaho na dapat tapusin eh. Pasensiya na. Mauna na ako." Pagkasabi niya nun ay agad siyang tumalima.
Tinanggihan niya ako. Iyon ang paulit-ulit na naririnig ko sa aking kukuti.
Alam ko namang busy talaga siya dahil siya ang CEO ng La Conchita Company, family niya din ang may-ari ng Condo Units na ito.
Parang ngayon ko lang napagtanto ang malaking kawalan sa parte ko ng bitawan ko siya.
Bigla ay nawalan ako ng ganang pumunta pa sa coffee shop. Napatingala ulit ako sa kalangitan. Tila may salitang 'Stupid' doon na namumuo. Nailing na lang ako.
Narinig ko ang busina sa kanyang sasakyan pero di na ako tumingin pa, ayokong makita ang pag-alis niya sa lugar na ito knowing the fact na hindi naman ako ang dahilan ng pag-alis niya.
Gusto kong sambunutan ang sarili ko dahil para akong tanga na napako na yata sa kinatatayuan ko.
One week lang may iba na siya. Hindi ko alam kung totoo bang mahal niya ako. Kung totoo ang luha at mga salitang binitawan niya ng gabing iyon.
"Mamahalin pa rin kita Lilah kahit... Kahit ayaw mo na."
Ngayon parang gusto ko din iyong sabihin sa kanya. Na kahit may iba na siya agad, na kahit ayaw niya na mamahalin ko pa rin siya.
Damn it! Mahal ko siya, bakit ngayon ko lang napagtanto ito? Bakit?!
Kahit Ayaw Mo NaAlester Hernandez' POVMarahan kong binuksan ang pinto ng opisina ng babaeng wala ng ibang ginawa kundi ang guluhin ang isip ko.Sa bawat minuto na hindi ko siya makita ay para bang ang lungkot ng buhay ko. Wala akong ibang babaeng minahal kundi siya lang. Isang Lilah Daza lamang ang nakabihag at bumasag ng aking puso."I'm sorry Alester, walang mali sayo, hindi ka nagkulang in fact sobra-sobra pa nga ang ginagawa mo eh, ang nagawa mo sa akin. Pero... I'm sorry, hindi... Hindi kita mahal. Sinikap ko namang mahalin ka pero wala talaga eh. So it's better na maghiwalay na lang tayo. Hindi ako para sayo at hindi ka para sa akin. You deserve someone better. Someone who will love you back. And that's not me.""L-ah? Don't do this to me, please? Alam kong... Mahal mo ako, nararamdaman ko iyon, kung meron manakong ginawa na hindi mo nagustuhan,I'm sorry. Ayusin natin, pag-usapan
Kahit Ayaw Mo NaWritten By LovieNot—LILAH DAZA—Nagising ang aking diwa dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Pero gayunpaman ay malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa nakabukas pa ring bintana ng aking kwarto. Ito ang nagpaalala sa akin na nasa probinsiya nga pala ako. Wala pa ring katulad ang manirahan sa kinalakihan mong lugar. Totoo ngang 'There's no place like home' and this is my home.Kahit na nararamdaman ko pa ang kirot sa aking ulo dahil sa umaga na din ako nakatulog ay hindi ko pa rin maiwasang mapangiti. Naririnig ko na ang ingay mula sa labas. Ingay hindi dahil sa may gulo kundi dahil sa tiyak ay nagkakatuwaan na naman ang mga bata.Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table. Pasado 8:12 na pala ng umaga. Wala man lang nanggising sa akin ah? Bumangon na ako at lumandag-lundag pa sa kama. Parang
Kahit Ayaw Mo Na#KAMNLovieNotLilah Daza"Kayo na pala ulit ni Kuya Ale?" nakangiting tanong ni Ciana. Marahan naman akong napatango at napasiring ng tingin sa lalaking kanina pa tutok na tutok sa kanyang laptop habang prenteng nakaupo sa couch.After nang nanyari noong gabing iniligtas niya na naman ako ay masinsinan kaming nag-usap. Napag-alaman kong set-up lang talaga lahat ng pangyayari. Naging open-minded naman kami pareho ni Alester kaya mabilis na naayos ang lahat. Kagagawan lang naman pala nina Bryan at Yael ang lahat. And speaking of Yael, rinig kong nasa ibang bansa na ito.Muli akong napasiring ng tingin kay Lester. Konti na lang at lalayasan ko na ang lalaking ito. Yayayain ako rito sa condo niya para maging audience niya lang? Kugtong talaga."Good to hear. Ikaw talaga ang gusto namin for him. Sana t
Kahit Ayaw Mo NaLilah DazaIsang linggo na rin ang nakaraan mula nang maghiwalay kami ni Alester. Hindi rin maiwasang mag-cross ang mga landas namin lalo na sa LC establishment. Para hindi maging awkward pa ay naging kaswal na lang ang pakikitungo namin sa isa't-isa.Paminsan-minsan ay nakakasalubong ko rin si Yael at wala pa ring pagbabago sa pagtrato namin sa isa't-isa.Patuloy pa rin ang kompetisyon ng LB at BYDA Boutique. Gayunpaman ay meron na akong pinag-iimbestiga tungkol sa imitation issues sa pagitan ng dalawang boutique na kumakalat sa online platform. Habang wala pa akong sapat na ebidensiya ay nananatili muna akong tahimik."Sure ka na talaga? Ayaw mo na akong hintayin? You know naman on going pa rin 'yong photoshoot ko, bakla!" angil ni Rich. Napabuntong-hininga naman ako. Kailangan ko na munang magpahinga. Hindi na rin kinakaya ng mental healt
Kahit Ayaw Mo Na Lilah Daza Kinusot ko ang aking mga mata. Nailibot ko rin ang aking paningin at nakahinga nang maluwag nang mapagtantong nasa kwarto ko lang naman ako. Bumangon ako at lumabas. Nakita ko si Alester na nakaupo sa sofa habang natutulog. Biglang bumalik sa aking ala-ala ang nangyari. Nawalan ako ng malay dahil sa sakit at galit na namayani sa aking sistema. At ngayon na naalala ko na naman iyon ay unti-unti na namang nanghuhumirintado ang d****b ko. Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Nagtama ang aming paningin. Agad siyang napaayos ng upo. "Lilah, mabuti naman at nagising ka na..." "Get out," walang gana kong sambit. "What?" "I said get out kung ayaw mong ako pa mismo ang kakaladkad sayo papalabas ng teritoryo ko, Mr. Hernandez." "Ano
Kahit Ayaw Mo NaLilah DazaNapatigil ako sa paglalakad saglit nang mapansing nasa labas ng LC building si Yael. Kausap nito si Yonsan. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan sa eksenang nakikita ko.Kinalma ko ang aking sarili at nagpatuloy na sa paglalakad. Habang papalapit na papalapit ako sa kinaroroonan nila ay mas lumilinaw din sa aking paningin ang tensiyon sa pagitan nila.Sinadya kong patunugin ang takong ng suot kong sandals para makuha ko ang atensyon nila. Nagtagumpay ako dahil pareho silang napatingin sa akin. Kaswal lamang na tingin ang ibinigay ko sa kanila."Kung minamalas ka nga naman, bakit mukha mo pa ang nakita ko sa ganito kaaga?" himutok na saad ni Yael. Samantalang si Yonsan ay nanatiling tahimik."Baka naman kasi nakalimutan mong sa building na ito ako nakatira? O sadyang gumagawa ka lang talaga ng sarili mong
Komen