Nagising ako sa cellphone kong paulit-ulit na nag-riring. Inabot ko ito at saka tinignan kung sino ang tumatawag. Si Nica lang pala. Tinignan ko rin kung anong oras na, kaka alas syete pa lang ah. Bat ang aga naman napatawag nito.
[“Hello? Bakit?”] tanong ko agad.
[“Good morning our Vivi, open up. We're here!”] sabi niya in an energetic way.
[“Huh? Anong we're he--”] tuluyan akong nagising nang na realize ko ang sinabi ni Nica. Napahikab pa ako habang sumisilip sa bintana, baka nag prank lang to. Pero nakita ko sasakyan ni Lee na nakaparada sa labas ng gate.
[“Anong ginagawa niyo dito? Ang aga pa ha!”] tanong ko.
[“Nothing. We just wanna see you. Come on hurry up”] sabi niya sa akin. Nakita ko si Lee na humihikab. Mukhang napuyat pa ata to kagabi sa birthday niya. Duda ako plano to ni Nica. Nakita ko rin si Belle na natutulog pa lang sa front seat since open naman kasi yung bintana.
Pumasok muna ako sa cr at saka nag hilamos ng mukha. Dumiretso ako sa labas upang pagbuksan sila at papasukin dahil mukhang uulan ata, maitim itim kasi ang ulap. Pagbukas ko ng gate agad namang tumakbo si Nica papalapit sa akin at saka yumakap. Nakita ko naman mukha ni Lee na nakakunot.
“Bakla ka ang tagal mong sumagot” sabi niya at saka umirap sa akin.
“Pasensya napasarap tulog ko. Ipasok mo saksakyan mo may space pa ako dito” sabi ko sa kanya. Agad niya rin naman itong pinaandar at ipinasok sa loob ng gate.
Pagpasok namin sa loob ng bahay, dumiretso si Lee sa isang couch na nasa sala upang humiga. Si Belle naman sa lounge kung saan malapit sa study corner ko. Mukhang puyat na puyat ata talaga ang mga ito. Napailing nalang kami ni Nica. Dumiretso kaming dalawa sa kusina upang maghanda ng makakain. Nagluto ako ng sunny side-up na egg, tocino at saka hotdog. Nagpa boil din ako ng tubig upang may gagamitin for coffee. Habang nag a-arrange sa mesa biglang nagtanong si Nica.
“Hey! I noticed ikaw lang mag-isa? Where's Laila?” she asked.
“Ah si Laila ba? Ayon umuwi ng Cebu. Nagkasakit daw kasi si Nanay Tes, alam mo naman na siya nalang natitirang pamilya ni Laila.” Nagulat naman siya ng malaman iyon.
“What? Nanay Tes was sick? Kailan pa?”
“Ewan. Basta kahapon lang umalis si Laila”
“Omg!” she exclaimed
Kitang-kita sa mukha niya ang pag-alala. Parang pamilya na rin kasi sa amin si Laila. We treat her as our small sister na. Except nalang siguro kay Lee, ewan ko ha pero di sila close. Lee has always ignored Laila and so Laila too. Ganon lang talaga siguro, there is always a person in the world wherein you can't force yourself to be friends with.
Hindi pwedeng ipilit ang mga bagay na hindi pwede.
Pero ano bang hindi pwede sa pagkakaibigan? Nakakaloka lang kasi. Kapag nagkakasama kami dito sa bahay o di kaya pag pumupunta sila Nica dito sa bahay, hindi nag papansinan ang dalawa. Nakakapanlumo kasi the both of them are my closest friends na tinuring ko ng pamilya pero hindi nagkakasundo. Wala naman ako sa lugar para pilitin sila na maging mag-kaibigan so as long as they don't hurt each other, hindi nalang din kami nakikisaw-saw. Basta ang alam ko lang ha, magkakilala sila talaga noon pero hanggang don lang ata. Pero lately mukhang okay okay na sila. They do talk to each other kahit na napaka konti lang ng pag-uusap. Tinanong ko nga si Laila kahapon kung sasama ba siya sa akin sa birthday ni Lee pero hindi naman siya sumama. Siguro schedule schedule lang kung kailan sila magbabati at kung kailan sila hindi magpapansinan. Haha Lol
Ah basta ewan ko sa dalawang yan.
“I hope Nanay Tes is okay” dagdag pa ni Nica habang kinakagat ang kuko.
“Tigilan mo nga yan Nica, kumain ka dito huwag kuko ang kainin mo. It's not healthy.” pagbibiro ko habang inaayos ang mga pagkain na nakahain sa mesa. Napa pout naman siya sa akin. Nag timpla rin ako ng kape para sa akin. Nag-lagay ako ng tubig sa mesa kasi madali lang mabubulunan si Belle. Nilagay ko rin ang lalagyan ng tea at powdered milk upang si Lee na ang mag timpla para sa kaniyang sarili, pa iba-iba kasi taste ni Lee. Naglagay na rin ako ng mga tasa at saka baso. Nagtimpla na rin si Nica ng kape. Matapos kong maihanda lahat, nagpunta ako ng sala upang gisingin ang dalawang natutulog. Mga isang oras din ang aking pagluluto dahil alas otso na ng umaga.
“Hoy Renato gumising ka dyan, kumain na tayo!” sabi ko kay Lee at saka tinapik siya sa buhok. Dumiretso rin ako sa study corner kung saan natutulog si Belle sa lounge.
“Hoy Maribelle Fluerdeliza kumain na tayo” sigaw ko kay Belle habang mahinang niyugyog. Bumangon naman siya habang nakakunot ang mukhang nakaharap sa akin. Hindi niya talaga bet ang name niyang baduy daw haha. Dumiretso na lang siyang naglakad papuntang dining pero huminto muna siya sa couch kung saan natutulog si Lee at saka hinampas ang pwet nito.
“Hoy Renato Boy Lee” gising na!
Napatawa pa ng malakas si Belle dahil sa pagtawag niya sa full name ni Lee. Agad namang bumangon si Lee at saka hinabol si Belle na mabilis ng tumakbo papuntang dining. Narinig ko pa ang tawa ni Belle mula sa kusina. Napailing na lang ako at tumawa.
Kahit kailan talaga ang mga ito.
Sino bang hindi matatawa sa mga pangalan nila. Si Lee ay half Chinese, half Filipino kaya made in China and Philippines din pangalan niya. Habang si Belle naman, Mama niya ay Filipina at Daddy niya ay French kaya may fusion ng name hahaha. Silang dalawa talaga laging nagbibiruan sa mga pangalan. Pero mas natatawa talaga ako sa name ni Belle. Maribelle Fleurdeliza, since sikat siya bilang isang architect, Belle Fleur ang pagkakilala ng mga tao sa kanya. Halata talagang may fusion eh haha. Buti pa nga sa kanya may Belle Fleur. Kay Lee nga Renato Boy lang haha lol.
Aside sa family, kami lang naman ang nakaka-alam sa totoo nilang pangalan. Kontra talaga sila sa pangalan nilang dalawa kaya kahit nasa field sila nag ta-trabaho kung saan maraming sikat na tao at expose din sila sa public, hindi nila pina-paalam real name nila.
Nakakapanghina daw ng loob, para dawng pinaglaruan sila ng mga magulang nila eh ang ganda nga ng pagka fusion eh.
Naiinggit daw sila sa akin dahil ang ganda daw ng pangalan ko at may malalim pa na meaning.
Victoria Violet
May malalim nga na meaning, di naman na a-apply sa sarili. Kalokohan
Nagpunta ako sa kusina at umupo sa tabi ni Lee upang kumain. Dahan dahan ko ring ininom ang kapeng tinimpla ko kanina kasi mainit-init pa ito. Kumuha ako ng egg at fried rice.
“Hoy bakla ka di mo naman sinabing close kayo ni Manuel” biglaang sabi ni Lee sabay hampas sa akin. Nabilaukan ako sa sinabi niya.
Close? sinong close? kami?
Kailan pa kami naging close?
“Anong close? Kahapon nga lang kami nagkakilala” depensa ko. Pinaliit niya naman mata niya kahit sobrang liit na nito, halatang nagdududa sa akin.
“Sus, 'wag ako Victoria Violet Aries. Nakita ko name mo na naka reply sa isang post ni Kian kung saan naka tagged si Manuel.” waw ha full name ko yon.
Ayaw ko namang sabihin na hindi ko sinasadya ang pag reply sa comment ni Manuel. Halata naman kasing hindi ito maniniwala.
“I was just stating my opinion at isa pa di kami close no.” sabi ko nalang.
Napatingin silang lahat sa akin. Napahinto sa pagkain si Lee at naka nganga ang bibig na nakatitig sa akin na para bang may nasabi akong masama.
“Wow ha! You were 'just?' stating your opinion kahit di kayo close?” pagpaulit niya sa sinabi ko na nakadiin pa ang word na JUST. “Pero bakit ni replayan ka niya? As far I can remember, Manuel is the type of guy who is snub. Especially if di kayo CLOSE.” dagdag niya pa na nakadiin rin ang salitang close.
Napairap na lang ako sa kanya
“Sabi ngang kahapon ko lang 'yon nakilala eh. Baka type ako nun kaya nag reply?” sabi ko habang nakangiwi.
Napatawa nalang si Lee habang pumapalakpak, mukhang proud na proud sa akin. Napailing nalang sina Belle at Nica habang natatawa.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng agahan. Pasilip-silip naman sa akin si Lee habang nakangiti. Ang tigas ng ulo ng baklang to. Sabing di kami close ng Manuelitong yon. Umirap na lang ako sa kanya at saka dahan-dahang ininom ang kape ko.Napatingin kami kay Lee nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sunod-sunod na notification ang tumunog, halatang galing 'yon sa messenger.“Ano ba 'to ke aga-aga may chismis...” pag-rereklamo niya eh halata namang laging nag-aabang sa mga chismis. Kinuha niya ang cellphone niya at inopen ito. Uminom siya ng tubig ngunit napaubo siya nang may nabasa.“OH MY GAYS!! BAKLA KA PINAG CHI-CHISMISAN KA SA GC NAMIN GAGA!” nagulat kami sa sigaw ni Lee.“Lee you're friends with Ms. Victoria right? What's the relationship between her and Mr. Manuel?” binasa ni Lee ang mga tanong. Galing daw 'yon sa isang sikat na repor
“Paki-ingat nalang po ang paglagay sa cake kuya ha? Maraming salamat po sa tulong.” sabi ko sa isa sa mga receptionist na tumulong sa akin para buhatin ang cake. Nang ma position na sa tamang area ang cake ay agad ko na itong inumpisahang i-layered ang ibang hindi ko pa nailagay. Nagsimula na rin ako sa paglatag ng mga design kagaya na lamang ng mga daisy dahil ito ang gusto ng bride.Matapos ang ilang oras sa pag-dedesinyo ay nagpunta ako ng cr upang magbihis ng damit. Nakikiusap kasi sa akin si Eleanor, which is ang kinakasal na bride, na umattend ako kahit sa reception lang. Dahil wala naman akong ibang lakad, di rin naman hectic ang schedule ko sa pagtuturo ay sumang-ayon nalang ako sa pabor niya. Aarte pa ba ako eh ako na nga yung ininvite.Nag lagay ako ng konting make up para magmukha akong tao. Nag perfume rin ako ng kaunti. Di naman ako naligo ng pawis matapos kong mag design ng cake, ayaw ko lang talaga magmukhang
Pagbalik ko sa event ay tapos na ang story telling ni Jason at Eleanor. Ang sayang lang na hindi ko napakinggan sa kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Ang ganda lang kasi sa feeling whenever I can hear someone's love story. Sa kung saan nagsimula, ano-ano muna ang mga pinag-daanan nila, paano nila naipaglaban ang kanilang pagmamahalan and so on. It's a privilege to be one of the people to hear the story of a certain person that really came from their own mouth and heart. I will really appreciate the approach if someone will talk to me about their own feelings about life and will let me enter their own phase of comfort zone. I will humbly take off my shoes and will lend them an ear to listen. How nice it is. I wish I can have my own story too. A story where despite the sadness and pain I'll feel, at the end of the day, happiness and love will still be the lead that will guide me with assurance and security.I heavily sight and seize the moment of imagini
Gulat akong napatingin sa pinanggalingan nung sigaw. It's a man! Dahil sa sigaw niyang 'yon ay nakikisabay na rin ang ilan.“Kissss!” hiyaw nung mga groomsmen. Napatingin ako kay Lito na nasa aking gilid, nakatingin pala siya sa akin, na para bang sinusuri ang aking reaksyon. Naramdaman kong namumula na pisngi ko dahil sa kantyaw nung mga guests. Bahagya akong bumuga ng hangin upang maipalabas ang kung ano man ang bumabara sa aking lalamunan. Kinakabahan ako at nahihiya.Ngumiti ako ng kaunti sa mga taong nasa aking harap, lalo na sa lalaking nagpasimuno. At nagsalita.“I'm sorry but we're not in that kind of relationship to ki—” di ko natapos ang sasabihin ko nang may nagputol.“Yes you are Miss!” isa sa mga groomsmen habang nakangisi.“Yeah! I heard the both of you are in a relationship!” sigaw din nung kaniyang katabi. Napasinghap naman ang iba, lalo na ang mga kababaihan. I guess
Nakayuko ako sa manibela at saka umiyak. Akala ko ba okay na ako? Pero bakit hanggang ngayon, sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa nakaraan ay ang sakit-sakit pa rin. Ano bang nagawa ko? Bakit parang kahit anong pilit kong pag-usad sa buhay ay pakiramdam ko, kahit isang metrong layo ay di ko naabot.Ang sakit...ang sakit-sakit nung ginawa niyo. Sa tuwing naaalala ko ang mga pagmumukha nung mga taong nang abuso sa akin, emotional man o physical ay parang gusto kong...ewan. Basta gusto ko lang sigurong makaganti. Pero paano? Ang hina pa nga ng puso ko. Madali pa rin akong naiiyak dahil sa nakakapanghina lahat kahit isipin ko lang ang mga nangyari noon.Ang sakit lang, kasi buong akala ko malakas na ako ulit. Kaya ko ng pangunahan ang emosyon ko. Nakakapagpatuloy na ako sa buhay pero...hindi!Na realize kong takot lang talaga akong mapag-iwanan kasi halos lahat ng nakikita ko sa paligid ko ay may maayos na na buhay. Tapos ako ang gulo-gulo. Siran
Nothing can beat the joy feeling of walking down in the isle. Ang saya ko dahil sa wakas, ang pangarap ko noon ay nagkakatotoo. Nakangiti ako habang may luhang umaagos sa aking mga mata. Hindi ko na iyon pinahiran pa dahil nakasuot ako ng balabal. Ang saya ng mga tao sa aking paligid. Mabagal ang aking paglakad na para bang pinakiramdaman ko ang moment. I am not going to let the day pass without me feeling this moment. Matagal ko na itong pangarap, at ang matupad ito ay ang sarap sa pakiramdam. Bahagya akong huminga ng malalim at nagpalabas ng hangin upang maibsan ang aking naramdamang kasiyahan.Papalapit na ako sa altar, nakita ko na siya. Ang mga ngiti niya, ang gwapo niya sa ngiti niya. Ang linis niyang tignan sa kaniyang black suit. Nakita ko siyang naka ngiti habang nakipag-kausap sa kaniyang katabi. Nang lumingon siya sa akin ay agad ko rin siyang nginitian. Napawi ang kaniyang ngiti at pinagmasdan akong mabuti, di ko siya makita ng maayos dahil sa balabal. Pero
“Wow, you are so pretty my dear.” she directly said habang bahagyang nakangiti. Ang ganda mo rin, sabi ko nalang sa sarili ko at saka ngumiti pabalik sa kanya.Dahil nagustuhan ko rin naman iyon ay kinuha ko nalang ito. May ibinigay din sa akin si Nica ng tatlong swimwear. Orange and white two piece, at black one piece, sabi niya it looks good on me too knowing I have beautiful and white body. I am not into finding what's really good on me when it comes to shopping kasi madali lang akong na bo-bored so I accepted her judgment since I know maganda rin naman taste niya sa fashion. The only thing that I bought na ako lang talaga ang pumili is, a white and dark red beach cardigan. I also bought two trendy sunglasses, white and black.After buying the things we need in the clothing section. We proceeded to footwear. Isang tsinelas lang binili ko at isang sandals. After that nagpunta rin kami ng watson to buy some lotion an
“Hay nakakapagod ang byahe!” pambungad ni Lee sa buong karagatan.“Anong nakakapagod, nakaupo at natulog ka lang buong byahe bakla ka!” umirap lang siya sa akin dahil sa sigaw ko.“Che!”Sumang-ayon naman si Belle sa akin at tumawa. Habang si Nica naman ay may pinuntahan pa sa labas.Nandito na kami ngayon sa inuupahan naming kwarto. Oo nandito na kami sa Siargao. Malaki ang kwarto, pwedeng magkasha ang labing dalawang tao. May sarili itong sink at small kitchen. May dalawang comfort room. May sariling tv, 50 inches. There are four king sized bed. Tabi ang dalawa habang nasa harapang banda naman ang dalawa. Pumapagitna nito ay ang espasyong pwede naming daanan. Kasya namin kaming apat sa iisang kama pero syempre mas masusulit kung tig-iisa kami. May malaking aparador na nasa gilid. Wooden ang kwarto namin, no actually this is a hut pero isang kwarto lang. So basically parang bahay. May sliding glass iton